You are on page 1of 2

Santos, Erica Mae H.

Grade 12 (401)

Kahalagahan ng Oras
"Mamaya na lang", "bukas na lang", "tsaka na lang". Ilan lamang iyan sa
mga katagang madalas sabihin ng bawat nilalang. Hindi mo mawari kung kailan
gagawin ang isang bagay. Ang iba'y nagpapahinga muna bago gumawa, kung kailan
huli na ang lahat saka lang maghahabol. Alam mo bang hindi na maibabalik ang
oras na nakalipas na? Sabihin na nating "oo" alam mo ito, ngunit ano ang iyong
ginagawa upang masinop ang iyong panahon?

Simula ng ating pagkabata at sa ating pagtanda, hindi nawawala ang oras.


Ang mga sinabi ng iyong guro ay hindi na maaaring maulit ng sakto sa kung paano
niya ito nailahad sa inyong klase. Ang oras na nagamit noong ikaw ay nakaupo
lamang ay hindi na kailan man mababawi at gamitin sa ibang bagay. Mga oras na
mas pinili mong gawin ang bagay na hindi naman ganoon kahalaga ay hindi na
maaaring palitan ng mas mahahalagang bagay. Ang pera kapag iyong ginastos,ay
maaaring maibalik at mapunta muli sa iyo ngunit ang oras na iyong itinapon ay
marami ng nasayang na mga pagkakataon. Ang oras ay hindi humihinto, wari'y
isang ilog na hindi tumitigil sa pag agos. Kung hindi ka kikilos at magiging
marunong sa pag gugol ng iyong oras, Kapatid, maiiwan ka sa pagtakbo ng
panahon.

Para sa akin, oras ang pinakadakilang maibibigay sa akin ng isang tao


sapagkat ang panahong kanyang iginugol sa akin ay hindi na niya kayang bawiiin at
maibigay sa iba. Naisip niyo ba ang gusto kong iparating? Hindi natin hawak ang
ating oras. Gawin natin agad ang mga bagay na mas mahalaga kesa sa mga bagay
na pang aliw mo lang naman. Gawin natin agad ang mga takdang aralin at saka na
magliwaliw. Makinig tayo sa mga diskusyon at mamaya na lang makipag
kwentuhan. Unahin ang makabuluhang bagay kaysa kalayawan lamang.

Marupok ang buhay ng tao, lilitaw ngayon at pagdaka'y mawawala na tila


isang singaw. Kailan mo gagawin ang mahahalagang bagay? Kailan ka kikilos at
sisimulang abutin ang iyong mga pangarap?

Gumising tayo sa nakasanayan. Huwag sayangin ang oras at gawing


makabuluhan ang pagpatak ng bawat sandali ng sa ganoo'y hindi tayo magsisi sa
huli.

You might also like