You are on page 1of 2

KALIKASAN

PAMAGAT NG AKDA: Tapon dito, tapon doon ng basura


MAY AKDA: Philippine Star Ngayon
URI NG PANITIKAN: Editoryal
BUOD:
Hanggang ngayon maraming Pilipino ang walang disiplina sa pagtatapon ng kanilang basura. Hindi
kaya nila alam (o nagtatanga-tangahan lang) na nasisira ang likas na yaman at panganib na rin sa mga
lamandagat ang basura. Bukod sa plastic,nag-iwan din ang mga paper cup at styro na pinaglagyan sa kanin
at ulam. Pinakamaraming basurang iniwan sa isang grotto sa San Jose del Monte, Bulacan nitong nakaraang
mahal na araw. Sa paligid ng grotto ay makikita ang tambak ng basura. Sobrang dumi ng paligid na para
bang hindi bahay ng Diyos ang lugar. Malayung-malayo sa dating tanawin ang grotto noong hindi pa
dumarating ang mga nagbi-visita Iglesia. Ipinakita ang kawalan ng disiplina at kamangmangan ng mga
nagtungo sa grotto. Sa ganitong pagkawalang disiplina ng mga tao hindi na nakapagtataka kung dumating
ang panahon na pawang basura ang makikita sa kalsada, simbahan, parke at iba pang lugar. At nakakahiya
na mga dayuhan pa ang nagmamalasakit at nagpapamukha sa mga walang disiplina na huwag tapon dito,
tapon doon ng basura.

PAGSUSURI

A. PANAHONG KINABIBILANGAN
 Nabibilang ang akdang ito sa kasalukuyang panahon
B. SARILING PUNA
 Sa akdang ito ipinakita ng mga Pilipino ang labis labis na kawalang disiplina sa
pagpapahalaga at pagmamahal sa kaalikasan. Kaya’t hindi nakakapagtaka kung bakit hindi
umaasensyo ang ating bansa dahil kung sususmain kahit sa simple pagtapon lamang nga
ng basura sa tamang basura ay hindi kayang gawin ng bawat mamamayan ng ating bansa.
Sa panahon ngayon, masakit man isipin ang ating kalikasan ay pasira na ng pasira dahil sa
ating mga maling aktibidad. Masyado natin itong inabuso at hindi na natin inisip kung ano
ang maaaring maging epekto nito sa ating
C. GINTONG KAISIPAN
 Kalikasan ay Pangalagaan para sa magandang kinabukasan nating mga kabataan Ang
Kalikasan ay laan sa atin ng may kapal na siyang nagbibigay kulay at ganda sa ating
kapaligiran na sadyang ipinagkaloob para sa atin na dapat nating ingatan at alagaan. Ito
ay mahalagang bagay na dapat nating palaguin at di'dapat abusuhin para sa kapakanan
ng susunod pang henerasyon. Ngunit sa panahon ngayon, masakit man isipin ang ating
kalikasan ay pasira na ng pasira dahil sa ating mga maling aktibidad. Masyado natin
itong inabuso at hindi na natin inisip kung ano ang maaaring maging epekto nito sa ating
buhay.
D. MUNGKAHI O SOLUSYON
 Bilang mga kabataan tayong lahat ay makakatulong sa ating inang kalikasan. Sa simpleng
pagtatapon ng basura sa maayos na tapunan at sa pagbawas ng paggamit ng plastik sa
lipunan. Ito ay isang malaking tulong sa ating bansa. Kung ang simpleng desisyong ito ay
araw-araw nating gagawin. Hindi na kailangan pang umiyak ng ating inang kalikasan sa
mga pagbabagong nais natin tungo sa kaunlaran. Makisali tayo sa mga programang
nagsusulong para iligtas ang inang kalikasan. Dahil kung hindi ito pangangalagaan
KALIKASAN

darating ang panahon mahihirapan ang lahat ng tao at wala ng magandang kinabukasan
sa susunod na henerasyon. Makiisa,makitulong at simulan ang pagbabago.

You might also like