You are on page 1of 2

KALUSUGAN

PAMAGAT NG AKDA: QUARANTINE, online learning may epekto sa mental health ng mga bata.
MAY AKDA: ABS-CBN News
URI NG PANITIKAN: Balita

BUOD:

 Napansin ni Ana Sapilan na naging bugnutin ang 7 anyos niyang anak na si Devon.  Hindi na kasi
ito nakalalabas ng bahay at nakakapaglaro kasama ang ibang bata mula nang isailalim sa
quarantine ang Metro Manila. Kasabay ng paggunita sa World Mental Health Day noong
Sabado, nagpaalala ang mga eksperto na mahalagang tutukan ang mental health ng mga
bata dahil delikado at pangmatagalan ang maaaring maging epekto nito. May epekto rin
umano ang online learning sa mga bata. Kaya nanawagan ang grupo sa mga magulang at
guro na tiyaking masigla ang mental health ng mga bata. Kasama na rito ang pagpapatupad
aniya ng "positive discipline." Ayon sa World Health Organization-Philippines, umaabot sa
higit 3 milyong Pilipino ang nakararanas ng mental, neurological at substance use disorder
sa unang bahagi pa lang ng taon. Kaya nagpaalala si Dhanika Garcia, secretary-general ng
Mental HealthPH, na huwag mahiyang kumonsulta kung nakararanas ng problema. "Wag
kang mahiyang lumapit sa mental health professionals. Hindi kahinaan ang paghingi ng
tulong," ani Garcia. 

PAGSUSURI

A. PANAHONG KINABIBILANGAN
 Ang balitang ito ay nabibilang sa kasalukuyang panahon.
B. SARILING PUNA
 Labis ang naging epekto ng COVID-19 sa ating bansa lalong lalo na sa kalusugan ng
bawat isa. Nakakalungkot man ngunit halos lahat ng epektong ito ay negatibo. Lalong
lalo na sa mga kabataan ngayon. Sa balitang ito tinalakay kung gaano kahagalagang
pangalagaan ang sarili hindi lamang pisikal kundi pati na rin sa mental na kalusugan ng
bawat isa.
C. GINTONG KAISIPAN
 Sa kasalukuyang panahon at sa ating pinagdadaanan ngayon pandemya, kasabay din
nito ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng mental helath problems
lalong lalo na ang mga kabataan kaya naman mahalagang pangalagaan natin ang ating
mga sarili pisikal man o mental upang makaagaapay tayo sa pakikipag laban sa ating
kinaharap na crisis at sa mga taong nakakaranas ng mental ang paghingi ng tulong sa
mga mental health professional ay hindi kahinaan at hindi dapat ikinakahiya sapagkat sa
ganitong mga pagkakataon walang ibang makakatulong satin ay ating mga sarili lamang.
D. MUNGKAHI O SOLUSYON
 Ang kahalagahan ng mga pagkukusa sa kalusugang pangkaisipan ay kasing kahalagahan
din ng para sa COVID-19 pandemya, Ngayon higit sa dati, kailangan nating itaguyod ang
KALUSUGAN

holistic na kalusugan, kung saan pinangangalagaan natin ang katawan, ang isip, at
maging ang ating espiritwal na pananaw.
 Sa pandemya ngayon hindi namin ito kinakaharap na mag-isa. Mahalaga ang
pakikiramay at pag-unawa sa iba, makikilala natin ang mga palatandaan at turuan ang
ating sarili kung paano humigi ng tulong. Lahat tayo ay may kritikal na tungkulin sa
pagpigil sa pagpapakamatay sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa lipunan sa mga
apektadong tao at pagkonekta sa mga tao sa mga serbisyong pangkalusugan sa pag-iisip
o pangangalagang medikal ”.

You might also like