You are on page 1of 3

Rasyunal

Unang single mula sa kanyang latest album under Universal Records na “Mga Kuwento ng Makata,” ang
kantang “Sirena” ni Aristotle Pollisco, mas kilala bilang si Gloc-9 ay isang kanta na tumatalakay sa isyu
ng pagiging “bakla” ng isang tao sa mundo na kanyang ginagalawan. Kasama ni Gloc-9 sa kantang ito
ang dating bokalista ng bandang Sugarfree na si Ebe Dancel.

Isa sa mga kantang pumatok ngayon mula sa social media, mga hits sa YouTube hanggang sa isang music
channel kung saan ay naging numero uno ito sa music chart doon.

Ayon sa panayam kay Dancel ng music channel na MYX, sinasalamin nito ang buhay ng isang bakla, mula
pagkabata niya hanggang sa panahaon na mamamatay na ang kanyang Ama. Kung mapapanood mo yung
music video na ito, ang ama niya ay ang pinakakontra sa kanyang ginawa na maging bakla siya. Pero sa
bandang huling parte ng kantang ito, maririnig mo na humihingi ang ama ng tawad sa kanyang nagawa.
Aba, ikaw ba naman ang ilublob sa drum na may tubig ng ilang beses e.

Hmmm…. Hindi man ako totally na avid fan ni Gloc-9. In fact, mas iniidolo ko pa nga si Ebe Dancel e.
Pero hinangaan ko ang rapper dahil sa mga kanta niya na sadyang “may sense” kaqtulad ng isang alamt
sa rap music na si Francis Magalona. As in, ang lupit e. Kaya noong bago ko ko ito, ilang beses ko muna
itong pinapakinggan sa YouTube (total hindi ko naman naabutan ang MYX sa Studio 23 at maliban dun,
wala man akong cable).

Ito lang siguro sa akin, ano po. Karamihan sa mga kanta na tumatalakay sa buhay ng isang homosekswal
ay nasa “third point view of perspective.” Ito, naiiba siya. First person point of view. Halos
kahalintulad niya ay ang mga kantang “Hindi Ako Bakla” ni Michael V, at “Modelong Charing” ni
Bladyak. Ibig sabihin, siya mismo ang naglalahad ng kwento niya.

Kakaiba ito considering na isa sa mga napakakumplikadong isyu ay ang gender discrimination, lalo na sa
mga third sex. Sa kantang “Sirena” nilahad ni Gloc at ni Ebe kung paano naging matatag ang isang
bakla, bading, beki o kung ano pa man ang termino nila diyan. Kung paano siya na nag-stand out sa
pangungutya at pagdiskrimina sa kanya. Kung paano niya nilabanan ang mga ito. Magaling ang pag-
uplift ng mga nabanggit na artista sa kanila. Mantakin mo, ha? Na-featured sa videong ito ang Ang
Ladlad patylist na pinangungunahan ng isa sa pinapakinggan ko sa Radyo5 na si Danton Remoto at
kabilang din ang TV host ng ABS-CBN na si Boy Abunda. At huwag mong mamaaliitin ang tulad nila, dahil
ika nga ni Gloc-9, “'di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha, dahil kung minsan mas lalake pa sa
lalake ang bakla.” Which is, totoo din naman, lalo na sa panahon ngayon. May mga lalaki nga dyan,
pero mas duwag pa sa bakla kung umasta sa mga responsibilidad na hinaharap nila. Tunay na ang mga
tao sa ikatlong sex ay dapat na nirerespeto, at nakamtan nila ito sa kantang “Sirena.”

Isa na naman ito sa mga magaganda at may kabuluhang mga kanta, hindi lang ni Gloc-9, pati na rin ng
nasa industriya ng musika. Sa totoo lang, ito ang mga dapat pakinggan pa ng karamihan, at dapat na
pino-produce na mga kanta. Kaya, saludo ako kay Gloc-9 at Ebe Dancel sa pagput-up ng kantang ito.

Layunin ng pag aaral

Nilalayon ng pag aaral na ito (1)malaman ang ibig ipahiwatig nang kantang sirena ni gloc 9 (2)malaman
kong ano ang inspirasyion na para masulat ang kanta
Sirena malaman kung naging sirena na rin ba si gloc 9 (3) malaman namin kung bakit sirena ang naisulat
niya (4) malaman kung ano ang kahulugan ng sirena
Rebyu ng mga kaugnay na pag-aaral

Inalam ng mananaliksik ang petsa kung kilan ito nilabas at kung pagilang album na ito
ni Gloc 9 at ang nakahulugan ng kantang sirena ni Gloc 9 Pinagsama ng Ace Rapper Gloc-9 ang
Sirena song. Ito ay inilabas noong August 25, 2012 bilang nangunguna na single mula sa ika-
anim na album ng rapper, MKNK: Mga Kwento Ng Makata. Nagtatampok ang kanta ng Ebe
Dancel, ang dating vocalist ng wala na ngayong Filipino band na si Sugarfree. Sirena ay isang
LGBT kaugnay na kanta; ito ay tungkol sa paninindigan o tumayo at mapagpatawad. Ang
Sirena ni Gloc -9 ay isang atake ng pintor sa pang-unawa ng lipunan ng homoseksuwalidad.
Sirena ay isang kuwento na tunay Ito nagsasalita sa pamamagitan ng punto ng view ng isang
homosexual at naglalarawan ng kanyang sarili bilang isang sirena. Ang awit ay nagsasalaysay
ng matigas na buhay ng bato at sa araw-araw na pakikibaka bilang bahagi ng ikatlong kasarian
sa lipunan. Ang awit ay nagsasalaysay sa pagkakakilanlan ng krisis ng pagkakakilanlan na
ipinakita sa panahon ng pagkabata, ang damdamin at pisikal na pang-aabuso na natatanggap
niya mula sa pag-alala sa kanyang homoseksuwalidad sa mga huling taon ng kanyang buhay. .
Ang Gloc 9 ay nagpapakita ng sensitivity sa Sirena na tinitiyak na hindi siya nakakasakit ng
gays.

Batay sa mga liriko, maaari na itong sabihin na ang awit ay sumasalungat sa pang-
aabuso at diskriminasyon sa mga homoseksuwal ngunit "OO" siya ay nag-aangkin at nanindigan
para sa kung ano ang pinaniniwalaan niya ay tama at kung ano ang nagpapasaya sa kanya.
Tinatalakay ng kanta ang tungkol sa kung paano ang mga homoseksuwal ay tulad ng lahat ng
iba pa, karapat-dapat silang tratuhin ang parehong paggalang tulad ng ibang mga tao at sila
ay pantay na mahalaga sa ating lipunan.

Sa kabilang banda huwag nating kalimutan ang backlash ng kanta lalo na sa


relihiyosong komunidad, ngunit sa palagay ko ay normal na hindi namin mapapalitan ang
lahat. Ang pag-ibig ng homosexual ay hindi mas mababa sa anumang uri ng pag-ibig ng tao. Sa
loob ng maraming taon, ang pag-ibig ng homoseksuwal ay trivialized at binobohan ng mga
bigots at homophobes na imperiously nagdikta sa kasarian ng puso ng tao. At humingi kami ng
hindi pagsang-ayon. Ang mga homosexual ay may parehong puso na mabilis na nakikita sa
paningin ng isang mahal sa buhay. Ang Homoseksuwalidad ay hindi isang dreaded infectious
disease. At tulad ng iba pang mga kasarian, ang mga homosexual ay may pangunahing
karapatan sa buhay at kaligayahan.

Ako'y isang sirena


Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

Hindi ako fan ni Gloc-9. Hindi ako mahilig sa mga rap na kanta ngunit nang narinig ko itong trending na
bago nyang kanta, wala akong masabi kung hindi IBANG-IBA SA MA IBANG KANTA.

Hindi ko sinasadyang maparingan ang kantang ito. Pinatugtog lamang ng batang hindi mo aakalain na
maiintindihan ang kantang ito sa youtube . Pinarinig nya sa akin. Pinaringgan ko naman. Sinabi din nya
na, "ang ganda nitong kanta na to. Pero bakit sirena? " Madami syang sinabi mga sampong sako. Hindi
ko na matandaan kung ano ang mga laman nito. Hindi ko sinagot dahil hindi ko rin alam kung bakit
sirena ang hinahalimbawa nila sa Third Sex na kontrobersyal ngayon.

di na ko magugulat kung maging Pinoy Legend ka Gloc 9

Good job! Madamdamin at malaman ang lyrics nito.

KUDOS!!!
legend!! IDOL
watta message,, so amazing
its all about RESPECT!!!
come on,, let's do this.. RESPECT
so be it,, hehe

Ito lamang ang mga piling kumento ng publiko ukol sa kantang Sirena. Sinamahan pa ng mahigit isang
milyong viewers at mahigit limang libong likes. Wag na nating pansinin ang mga taong nagdislikes.
Hindi lang pala ako ang napukaw nitong kantang ito. Dahil sa nilalaman, pagka-ayos-ayos ng mga
mensahe madaming nagkumento at nagustuhan. Hindi rin ako magtataka kung umabot pa ito ng ilang
milyon.

Ginawa nila itong kantang ito upang buksan ang mga mata ukol sa mga third sex na maiinit na iniintriga
ngayon. Sinasabi nila na lalaki at babae lamang ang ginawa ng Diyos kaya't hindi tanggap ng karamihan
ang mga taong nabibilang dito. Kung hindi matanggap, respeto na lang ang kailangan.

Minsan kung sino pa ang Sirenang sinasabi nila ay mas lalaki pa sa tunay na lalaki, ang mas maaabelidad,
responsable sa ibang bagay at nagbibigay kasiyahan sa nakararami na hindi man lang kinokonsider nang
marami upang irespeto at igalang ang mga taong ito.

kailangan din nating respituhin ang mga bagay na nakatatak sa isip natin ay mali. Kailangan lang natin
buksan ang ating mata at palawakin ang pag-iisip upang respituhin din tayo na sinasabi nilang salot sa
lipunan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Hinde kadalasang napapansin ang kahulugan ng mismong kanta at nag kakaroon ng


diskriminasyon sa mga bakla at hinde nag kakaroon ng pagkapantay-pantay ng pagtrato ng mga
tao sa mga bakla . Kaya naman, mahalaga ang pananaliksik na ito upang malaman at maunawaan ang
kahulugan ng awiting “sirena” sa panitikang Pilipino.

You might also like