You are on page 1of 39

EPEKTO NG PAGGAMIT NG GAY LINGO SA BERBAL NA

KOMUNIKASYON NG MGA MAG-AARAL MULA SA

BAITANG LABING ISA NG GOV. FELICISIMO

T. SAN LUIS INTEGRATED SENIOR HIGH

SCHOOL PANURUANG TAON

2018-2019

Isang Pamanahong Papel na iniharap sa mga Kaguruan ng

GOV. FELICISIMO T. SAN LUIS INTEGRATED SENIOR HIGHSCHOOL

Laguna Sports Complex, Bubukal Sta. Cruz, Laguna

Bilang Bahaging Pangangailangan para sa

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t IbangTeksto tungo sa Pananaliksik

MELISSA DIO GACTEA

Marso, 2019
Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Governor Felicisimo T. San Luis Integrated Senior High School
Laguna Sports Complex, Bubukal Sta. Cruz Laguna
S.Y 2018-2019

DAHON NG PAGPAPATUNAY

Isang kahingian para sa Asignaturang Filipino, ang tesis na may


titulong “EPEKTO NG PAGGAMIT NG GAY LINGO SA BERBAL NA
KOMUNIKASYON NG MGA MAG-AARAL MULA SA BAITANG LABING
ISA NG GOV. FELICISIMO T. SAN LUIS INTEGRATED SENIOR HIGH
SCHOOL” ay inihanda at isinumite ni Melissa Dio Gaceta na sa
pamamagitan nito ay inirekomenda na nakatugon sa pasulat na pagsusulit.

Inaaprubahan at tinanggap ng lupon para sa kahingian sa


Asignaturang Filipino
(Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik).

JASON P. VISTA
Istatistiko

MARICAR L. FRANCIA
Gurong TagapayosaPananaliksik

______________________
Petsa
iii

DEDIKASYON

Buong puso at pagmamahal na inihahandog ng tagapanaliksik ang


pag-aaral na ito sa mga taong, gumabay at naging bahagi’t inspirasyon
upang matagumpay na maisagawa ang pananaliksik.

Sa Poong Maykapal, na siyang nagbigay ng katatagan, lakas,


patnubay at walang hanggang biyaya upang maasyos na maisakatuparan
ang pag-aaral na ito,

Sa aking magulang, na walang sawang umuunawa at sumusuporta,

Sa aking buong pamilya, na nagbibigay inspirasyon sa akin upang


matapos ang pananaliksik na ito;

Sa aming guro sa Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik, Gng.


Maricar Francia na siyang naging gabay at isa sa mga naging daan upang
ito’y maging possible,

Sa aking mga kaibigan, na walang sawang sumusuporta at


nagpapasaya sa akin sa tuwing ako ay nahihirapan.

-M.D.G
iv

PASASALAMAT

Ako’y lubos na nagpapasalamat sa lahat ng tumulong at gumabay sa

akin sa paggawa ng pananaliksik na ito.

Sa aking mga magulang, na sina Mely at Roberto Gaceta, na laging

sumusuporta at nagbibigay tulong sa aking pinansyal para lang mapunan

ang aking gastusin sa paggawa nitong aking pananaliksik.

Sa aking Lola at Lolo, na sina Melia Gaceta, Mercy Dio at Jesus Dio,

na nagbibigay Inspirasyon upang tapusin ang aking pananaliksik.

Sa aming gurong tagapayo na si Gng. Monalie S. Lucena, na laging

nagbibigay ng lakas ng loob sa amin upang tapusin an gaming pananaliksik.

Sa aming guro sa asignaturang “Pagbasa at Pagsulat” na si Gng.

Maricar Francia, na laging nagbibigay sa amin ng impormasyon tungkol sa

aming pananaliksik.

Sa aming dating guro na sina Gng. Grenessa Arroyo, G. JL Talabis

at Gng. Gwen S. Plaza, sa pagsasanay sa amin sa paggawa ng

pananaliksik noong nasa baitang sampu pa lamang kami.

Sa aking mga kaibigan na sina Mark Anthony Carmona, John Paulo

Sipalay, Elijah Palileo, Jennifer Remillion, Lorica Aguilar, Angelou

Saguinsin, Allyna Abao, Mery Cris Emocino, Romel Delos Reyes at Kenneth

Limongco na laging nandiyan para suportahan ako.

M.D.G
V

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa epekto ng paggamit ng gay lingo

sa berbal na komunikasyon ng mga mag-aaral mula sa baitang labing isa

ng Gov. Felicisimo T. San Luis Integrated Senior High School. Hinangad sa

pag-aaral na ito na matanto kung mayroon bang maganda o di mabuting

naidudulot ang paggamamit ng gay lingo sa berbal na komunikasyon.

Ang pananaliksik na ito na may paksang “Epekto ng paggamit ng

beki words sa berbal na komunikasyon ng mga mag-aaral mula sa baitang

labing isa ng GFTSISHS sa taong 2018-2019” ay sumasaklaw sa pananaw

ng mga piling mag-aaral mula sa baitang labing isa ng paaralan ng Gov.

Felicisimo T. San Luis Integrated Senior High School. Hindi sinasaklawan

ng pananaliksik na ito ang anumang opinyon o pananaw ng mga guro sa

paaralang nasabi, o maging mga nasa ikatlong kasarian na hindi naman

mag-aaral ng nasabing paaralan.

Ang instrumentong ginamit sa pagkalap ng mga datos ay

questionnaire kung saan lalagyan lamang ito ng tsek kung oo o hindi.

Kinapapalooban ito ng mga katanungan na kailangang sagutin ng

tatlumpung (30) piling mag-aaral. Gamamit ang mananaliksik ng statsitikal

tritment upang makuha ang kabuuang porsyento ng kanyang pag-aaral.

Masasabi talaga na malaki ang epekto ng paggamit ng gay lingo

berbal na komunikasyon dahil marami ang sumagot na hindi sila

naiintindihan ng mga taong nasa paligid nila. Malaki din ang epekto ng edad

sa paggamit ng Gay Lingo. Sa katunayan, lumabas sa pag-aaral ng

mananaliksik na edad 17-18 ang may pinakamataas na sumagot sa mga

katanungang inihanda ng mananaliksik na may bilang na 28 o 93.33%


Isa din ang kasarian, batay sa nabanggit ng mananaliksik sa

panimula. Na hindi lang lalaking may pusong mamon ang gumagamit ng

Gay Lingo kundi na rin ang mga babae. Batay sa pananaliksik ng

mananaliksik, nakita na mas may malaking bahagdan ng mga babae ang

mas may alam sa paggamit ng Gay Lingo na may bilang na 18 o 60%


TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT…………………………………………………………………i

DAHON NG PAGPAPATUNAY………………….………………….….ii

PAGHAHANDOG……….…………………………………...…………..iii

PASASALAMAT……………………………………………….……...…iv

ABSTRAK………….…………………………………………......….……v

KABANATA

1. ANG PAG-AARAL AT SALIGAN NITO

Panimula………………………………………….……………….1

Kaligirang Pangkasaysayan…………………..…...……………2

Teoretikal na Balangkas…………………….…………………...4

Modelong Konseptwal………………………………..................5

Paglalahad ng Suliranin………………..…….……...…………..6

Pagbuo ng Hinuha………………………………..…..................6

Kahalagahan ng Pag-aaral……….……………….….………....7

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral.……………......................7

Katuturan ng mga Terminolohiya.…………………..................8

2. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura…………………………..…..…………...9

Kaugnay na Pag-aaral……………………………..…..............10

3. METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik……………….……………......……..12

Populasyon at Sampling Teknik……….………………...........12

Instrumentong Ginamit sa Pagkalap ng Datos…….…...........13


Proseso sa Pagkuha ng Datos ………………………………..13

Istatistikal na Pamamaraan……………………………............14

4 PRESENTASYON, PAG-AANALISA AT INTERPRETASYON

Epekto ng paggamit ng gay lingosa berbal

na komunikasyon ng mga mag-aaral………………………………...15

5 BUOD, KINALABASAN AT REKOMENDASYON

Buod……………………………………………………….……..23

Kinalabasan……………………………………………….…….24

Konklusyon………………………………………………..…….26

Rekomendasyon…………………………..…………..............27

BIBLIYOGRAPIYA

a. Tesis…………………………………………………..…28

b. Website………………………………………………….28

APENDIKS

a. Liham Pahintulot………………….……………………….....29

b. Talatanungan…………………..……….………………….……..30

KURIKULUM VITA……………….………………………………..…...31
Kabanata 1

ANG PANIMULA AT KALIGIRAN NITO

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng panimula, kaligiran ng pag-

aaral, modelong teoretikal, paradima ng pag-aaral, paglalahad ng suliranin,

pagbuo ng hinuha, kahalagahan ng pag-aaral, saklaw at limitasyon ng pag-

aaral at katuturan ng katawagan.

Panimula

Sa makabago at modernong panahon ngayon, marami na silang

natututunang iba’t ibang salita. Marahil ang bawat isa sa kanila ay

naliligayahang gumamit nito. May iba’t ibang klase ng salita, ito yung mga

salita na nauuso na ginagamit ng mga kilalang tao. Isa na dito ang mga

salita ng mga lalaking may pusong mamon. Ito ay ang tinatawag na “Beki

Words o Gay Lingo”. Marahil hindi lamang ang mga lalaking may pusong

mamon ang gumagamit nito, kundi maging ang mga babae ay natutuhang

gamitin ito. Dahil na rin siguro sa magkatulad na hilig ng mga babae at

lalaking may pusong mamon.

Ayon kay Renerio Alba (2006), ang gay lingo o beki words ay

ginagamit ng mga homosekswal upang maiwasan na maraming makaalam

sa kanilang mga usapan tungkol sa mga maseselang bagay para

maprotektahan ang kanilang paligid na hindi sanay sa ganitong paksa.

Tunay nga na napakabilis ng paglaganap at pagdami ng mga mag-aaral na

gumagamit ng gay lingo o beki words. Kabilang dito ang mga mag-aaral na

naiimplewensiyahan ng mga kaibigan nilang homosekswal.


2

Sabihin na nila na ang paggamit ng mga salitang ito ay tunay na

nagpapaligaya sa mga taong gumagamit nito. Ngunit alam ba ng mga taong

gumagamit nito na nakaapekto na sila sa kanilang saloobin. Marahil ang iba

ay ipinag-iisang tabi na lamang nila ang kanilang saloobin ukol dito. Dapat

bigyan nila ng limitasyon, kung saang lugar nila ito maaaring gamitin upang

hindi makaagaw pansin sa mga taong ngayon lang makakarinig ng salitang

gay lingo o beki words. Kung iyong mapapansin, saan man dako ng

Pilipinas ka pumunta marami talaga ang gumagamit ng ganitong

lenggwahe. Isa na dito ang isang sikat na artista na si Vice Ganda na

gumagamit ng gay lingo o beki words. Isa din siya sa mga naglalayong

patatagin ang mga LGBT. Ang gay lingo o beki words ay matatawag din na

isang problema na nakakaapekto sa maraming taon kung kaya’t dapat itong

pagtuunan ng pansin at bigyan kaagad ng lunas upang hindi na dumami

ang naaapektuhan nito.

Kaligiran ng Pag-aaral

Sa buhay ng tao hindi nila maitatanggi na humahanap sila ng mga

bagay na pagkakalibangan din nila. Pero hindi din natin maitatanggi na ang

mga bagay na pinagkakalibangan nila ay may maganda at masamang

epekto sa buhay ng mga mag-aaral na nalululong sa mga ganitong

libangan. Katulad ng gay lingo o beki words, alam naman ng nakararami na

hindi masama ang paggamit ng linggwaheng ito subalit kailangan nilang

alamin ang kanilang limitasyon at alamin din nila kung may mga tao tayong

naapektuhan. Ang gay lingo o beki words ay nakakaapekto sa berbal na

komunikasyon. Dahil na din sa hindi pagkakaintindihan ng dalawang taong

nag-uusap.
3

Ayon naman kay Gleason (1988) na ang wika ay ginagamit sa

pakikipag komunikasyon kung saan pumapasok dito ang

pakikipagtalastasan sa aspektong sosyal. Ipinapahayag rin niya na ang

wika ay pabago-bago. Sa pagbabagong ito ay maipapasok ang pagsulpot

ng lenggwaheng nasa ikatlong kasarian o ang wikang ginagamit ng mga

beki o mas kilala sa tawag na gay lingo o beki words.

Ayon din sa websayt na www.wikipilipinas.com na ang gay lingo o

beki words ay walang alituntuning unibersal na panggramatika. Ang gay

language ay ginagamit sa pakikipagkomunikasyon o pakikipagtalastasan.

Maaari itong marinig sa radyo o mapanuod sa telebisyon kung saan ang

gumagamit ay mga artistang gumaganap na beki. Ang pananaliksik na ito

ay nakapukaw sa interes ng mananaliksisk. Napansin kasi ng mananaliksik

na ginagamit ito ng mga mag-aaral sa kanilang paaralan at napansin niyang

nakakaagaw ito ng atensyon at nakakawala ng focus sa kanilang mga

ginagawa. Ang mga mag-aaral na nakaririnig ng kanilang usapan ay

naiingganyo na gumamit ng salitang ito. Hindi nila napapansin kung ano ang

naidudulot nito sa wikang Filipino, kabilang na ang ilang mag-aaral sa Gov.

Felicisimo T. San Luis Integrated Senior High School kung saan kilala ang

paaralan na ito bilang humuhubog sa mga kakayahan ng mga mag-aaral

pagdating sa pampalakasan, at pati narin sa paghubog sa mga kaalaman

ng mga mag-aaral sa pang-akademiko. Ngunit nakakagulat na bigla nalang

umusbong ang lenggwahe ng mga beki. Napansin ng mananaliksik na

kailangan malaman ng mga mag-aaral na gumagamit ng gay lingo kung ano

ang nagiging epekto nito sa wikang Filipino.


4
4

Modelong Teoretikal

Masusing binibigyan ng pansin ng mananaliksik ang “Epekto ng

paggamit ng gay lingo o beki words sa berbal na komunikasyon ng mga

mag-aaral mula sa baitang labing isa ng GFTSISHS sa taong 2018-2019”.

Tumutukoy ito sa paggamit ng salitang gay lingo at kung ano ang epekto

nito sa wikang Filipino.

Ayon naman sa pananaw ng teoryang kognitib ni Jean Piaget (1991),

ang pagkatuto ng isang wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang

isang mag-aaral nito ay kailangan ng isang masusing pag-iisip at laging

gagawing may saysay ang ang mga impormasyon. Ang teoryang ito ni

Piaget ay iniugnay sa wika ng mga bakla sa aspektong ang wika ay pabago-

bago o nagbabago.

Ayon naman sa artikulo ni Murphy Red (1996), na “Gayspeak in the

nineties” ito ay isang pagbabalik-tanaw sa wikang bakla ng Pilipinas, sinabi

niya dito na kahit sa wikang bakla, ang mga bakla ay walang

pinanghahawakang alituntunin.

Sa isa pa ring Ingles na magasin, ang artikulo ni Fortich (1991), ito ay na

nagsasaad ng mga sitwasyon at reaksyon ng mga bakla bilang tao ay

naglalarawan ng hindi maintindihan na pag-iwas sa kapwa. Marahil sila ay

natatakot sa mga pang-aalipusta at walang katapusang kapighatian. Kung

kaya’t gumagamit sila ng gay lingo upang sa paraang ito mailabas nila ang

kanilang saloobin at damdamin ng wala silang inaapakan at nasasaktan.


5

Totoo na bawat paggamit nila ng mga kanilang lenggwahe ay may

sapat silang dahilan kung bakit sila gumagamit nito. At tunay ngang ang

wika ay susi upang maisatinig ang bawat damdamin at saloobin ng bawat

isa.

Konseptwal na balangkas

Ang konseptwal na balangkas ay naglalaman ng malayang baryabol

at di-malayang baryabol.

Nakapag-iisang baryabol Di-nakapag-iisang


baryabol
(Independent Variable)
(Dependent Variable)
Mga salik na nakaaapekto sa
paggamit ng gay lingo sa Epekto ng paggamit ng beki
berbal na komunikasyon ng words o gay lingo sa berbal
mga mag-aaral mula sa na komunikasyon ng mga
baitang labing isa ng mag-aaral.
GFTSISHS.

• Edad

• Paaralan

• Kasarian

Pamilya

Kaibigan
Figyur 1.
Lugar na pinapasukan
Paradima ng Pag-aaral

Figyur 1. Ang figyur 1 ay nagpapakita ng nakapag-iisa at di-nakapag-iisang

baryabol ng pananaliksik.

Ang kaliwang bahagi ng figyur ay naglalaman ng baryabol na

nakapag-iisa na kinapapalooban ng mga salik na nakaaapekto sa paggamit


6

ng gay lingo sa berbal na komunikayon ng mga mag-aaral mula sa baitang

labing isa ng GFTSISHS, na kinaiilaliman ng edad, kasarian at paaralan.

Ang kanang bahagi ng figyur ay naglalaman ng baryabol na di-

nakapag-iisa na kinapapalooban ng. Epekto ng paggamit ng beki words o

gay lingo sa berbal na komunikasyon ng mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang kasagutan sa

epekto ng paggamit ng gay lingo sa berbal na kominikasyon ng mga mag-

aaral mula sa baiting labing isa ng GFTSISHS taong 2018-2019.

Mga posibleng suliranin na nakaaapekto sa paggamit ng beki words

o gay lingo sa berbal na komunikasyon ng mga mag-aral ayon sa mga

sumusunod:

1. Ano ang antas ng mga salik na nakaaapekto sa paggamit ng gay

lingo sa berbal na komunikasyon ng mga mag-aaral?

2. Ano ang antas ng paggamit ng nakaaapekto sa paggamit ng gay

lingo sa berbal na komunikasyon ng mga mag-aaral?

3. May makabuluhang epekto ba ang paggamit ng gay lingo sa berbal

na komunikasyon ng mga mag-aaral?

Hinuha

Negatibo:

Alam nila na ang paggamit ng gay lingo o beki words ay may

masamang naidudulot sa kanilang pakikipagkomunikasyon. Gaya na

lamang sa berbal na komunikasyon, ito ay nagiging hadlang sa

pagkakaintindihan ng dalawang taong nag-uusap o higit pa.


7

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang maunawan ang

mga mag-aaral na gumagamit ng gay lingo o beki words na alamin ang

kanilang limitasyon sa paggamit ng lenggwaheng ito:

Magulang. Nakakatulong ito sa mga magulang upang malaman nila kung

ano ang tawag sa salitang ginagamit ng kanilang mga anak.

Paaralan. Mabibigyang limitasyon nila ang mga mag-aaral na gumamit ng

gay lingo o beki words.

Mag-aaral. Makakatulong ito sa kanila upang malaman nila kung may

naapektuhan na pala sila.

Lipunan. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa lipunan, dahil malalaman nila

kung hanggang saan nila maaaring gamitin ang gay lingo.

Mananaliksik. Nakakatulong pag-aaral na ito upang linangin ang isipang

ng mananaliksik. At pumuli ng naayon sa kanilang interes na gustong pag-

aralan.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito na may paksang “Epekto ng paggamit ng

beki words sa berbal na komunikasyon ng mga mag-aaral mula sa baitang

labing isa ng GFTSISHS sa taong 2018-2019” ay sumasaklaw sa pananaw

ng mga piling mag-aaral mula sa baitang labing isa ng paaralan ng Gov.

Felicisimo T. San Luis Integrated Senior High School. Labing walong (18)

babae at labing dalawa (12) na lalaki na may kabuoang tatlumpu (30). Hindi

sinasaklawan ng pananaliksik na ito ang anumang opinyon o pananaw ng

mga guro sa paaralang nasabi, o maging mga nasa ikatlong kasarian na

hindi naman mag-aaral ng nasabing paaralan.


8

Katuturan ng mga salitang ginamit

Ang mga sumusunod na terminolohiya na ginamit ng mananaliksik

sa kaniyang pag-aaral mula sa kabuuan ng pananaliksik. Ang mga nasabing

terminolohiya ay nakaalpabetong pagkakasunod-sunod:

Edad. Bilang ng taon ng mula isinilang hanggang sa kasalukuyan.

Gay Lingo. o beki words ay tawag sa mga salitang ginagamit ng mga

lalaking may pusong mamon.

Kaibigan. Kasama sa anumang kasiyahan o preblama siya ay laging

naandiyan.

Kasarian. Tumutukoy sa pagkatao ng isang tao.

Magulang. Kasama sa tahanan.

Paaralan. Lugar kung saan nag-aaral at hinuhubog ang talent o kakayahan.

Wika. Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili sa paraang

arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang

kultura.

Wikang Filipino. Ang opisyal na wika ng Pilipinas at batay sa lahat ng

wikang umiiral sa bansa.


Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay kinapapalooban ng mga kaugnay na literatura

at kaugnay na pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Nagbigay ng kongklusyon si Baytan (2010) sa kanyang librong “

Language, Sex,and Insults: Notes on Garcia and Remoto’s The Gay Dict

” na ang pag-unlad ng wikang bakla sa Pilipinas sa halos mga nag daang

taon ay isang uri ng defens mechanism namakipagtalastasan sa paraang

pasalita. Ayon naman sa ginawang dyornal ni Siguitan (2009) na may

titulong “A Semantic Look at Feminine Sex and Gender Terms in

Philippine Gay Lingo” ang gaylingo tulad ng ibang wika ay patuloy ring

nagbabago. Subalit hindi katulad ng ibang wikaang mga salita at

terminolohiya nito ay mabilis na naipopro seso at hindi makikita sa

diksyunaryo nang agad-agad at kung may sinulid na humahawak sa wikang

ito paramabuo, iyon ay ang kalayaan: kalayaan sa mga batas at dikta ng

lipunan.

Ayon sa artikulo ni Murphy Red (2009) na “Gayspeak in the

Nineties” ay nagbigay ng magandang pagbabalik-tanaw sa wikang bakla

sa Pilipinas,isinaad niya dito na kahit mismo sa wikang bakla, ang mga

bakla ay walangpinaghahawakang alituntunin. Kaugnay dito, sinabi ni Cruz

(2010) sa kanyang column na may pamagat na “Don we now our gay

apparel” na na nailimbag ng Philippine Star.


10

At ang mga paaralan ngayon ay nababalot na ng paglaganap ng

ikatlong uri o mga bakla. Isang araw, habang naglalakad ako sabandang

university belt, napadaan sa harapan ko ang grupo ng mgakalalakihang

nagbibiruan habang sinabi ng isang lalaki sa seryosongparaan. Aalis na

ako. Magpapasuso pa ako!. Ang ganoong pananalita aylaganap na sa

paaralan ng lima kong anak na lalaki noong dekada ’70 habang ang mga

estudyante ay maskuladong lahat. Ngayon, karamihansa mga estudyante

ay bakla at hindi ko ibig sabihing masaya ako.Marahil ay naimpluwensyahan

na sila ng mga palabas katulad ngBrokeback Mountains, ang gawa sa

Pilipinas o ating atin na AngPagdadalaga ni Maximo Oliveros, Queer Eye

for the Straight Guy at iba pa.”

Sa pahayag na ito ni Cruz (2009) nilalaman na maging sa paaralan ay

laganap na rin ang paggamit ng wikang bakla. Idinagdag pa niya ang mga

salik nasa tingin niya ay nakaimpluwensya ng pag-usbong nito sa nasabing

paaralan.

Ayon kay Garcia, n.d, nagsimula ang gay lingo upang mapaayag

lamang ng mga bakla ang kanilang ekspresyong pansarili. Ang gay lingo ay

isang simbolo ng ikatlong lahi sa sangkatauhan. Dahil sa Gay Lingo ang

mga bakla ay komportableng nakapag-uusap at nakakapagsasabi ng

kanilang mga saloobin.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon naman sa mga linggwista kagaya ni Renerio Alba (2010), ang

gay lingo ay ginagamit ng mga homosekswal upang itago ang kanilang mga

usapan tungkol sa mga maseselang bagay para maprotektahan ang mga

tao sa kanilang paligid na hindi sanay sa ganitong paksa.


11

Ikinumpara naman ni Michael Tan (2011) ang gay lingo sa English

Carabao kung saan ang parehong lenggwahe ay nilalaro at pinuputol ang

mga salitang Ingles para gumawa ng mga bagong salita. (Ruth,2009)

Ngunit nakasanayan na ng ang gay lingo sa pagpapaganda ng

usapan kaya hindi agad ito mawawala sa pananalita. Malaki ang natutulong

ng internet ngunit hindi sa wika. Ang mga bagong lengwahe tulad ng gay

lingo ay malaki ang dulot sa kalagayang pangwika (Magtibay C.L,

et.al.2015)

Mula naman sa pag-aaral ni Cascabal (2010) binanggit ni Baytan na

ang unti-unting paglago ng gay lingo ay isang uri ng "defense mechanism"

upang malabanan ang diskriminasyon na kanilang tinanggap.

Ayon naman sa pamanahong papel ni Oriondo Sandy na may

pamagat na "Isang paglilinaw sa salitang bakla at wikang berbal ng mga

maricona na resulta ng kanilang pakikipagsapalaran na nagiging bahagi ng

pag-unlad ng wikang Filipino" na sinipi ni Rhonn John Viel L. Aligarbes

(2018), na naglalaman ng "Isa lamang ito sa mga nagsasalamin sa

pagkamalikhain ng mga Pilipino.


Kabanata 3

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay kinapapalooban ng sinuring disenyo,

populasyon at sampling ng mga kinapanayam, paraan ng pagkalap ng

datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng paggamit

ng deskriptibo na pamamaraan upang mabatid ang epekto ng paggamit ng

gay lingo sa berbal na komunikasyon ng mga mag-aaral mula sa baitalng

labing isa ng Gov. Felicisimo T. San Luis Integrated Senior High School

taong panuruan 2018-2019. Gagamit ang mananaliksik ng "Checklist"

upang malaman ang epekto ng paggamit ng gay lingo sa berbal na

komunikasyon ng mga mag-aaral.

Ito ay upang maayos na naisagawa ang pananaliksik at makakuha

ng mga tumpak na impormasyon at datos na gagamitin. Ito rin ay upang

maipakita ang mga matibay na konklusyon sa hinuha sa pamamagitan ng

mga ebidensya at pagpapatunay.

Populasyon at Sampling

Sa pag-aaral ang mga tagatugon ay mga piling mag-aaral na

nagmula sa baitang labing isa ng Gov. Felicisimo T. San Luis Integrated

Senior High School. Ang mga mag-aaral ay may kabuuang bilang na

tatlumpu ( 30 ) na bubuuin ng labing walong ( 18 ) mag-aaral na babae at

labing dalawang (12) mag-aaral na lalake mula sa baitang labing isa ng


13

nasabing paaralan. Ang mga tagatugon ay inaasahang nasa edad labing-

anim hanggang dalawampu.

Instrumentong Ginamit sa Pagkuha ng Datos

Ang instrumentong gagamitin sa pagkalap ng mga datos ay

questionnaire kung saan lalagyan lamang ito ng tsek kung oo o hindi.

Kinapapalooban ito ng mga katanungan na kailangang sagutin ng

tatlumpung (30) piling mag-aaral. Gagamit ang mananaliksik ng statsitikal

tritment upang makuha ang kabuuang porsyento ng kanyang pag-aaral.

Proseso sa Pagkuha ng Datos

Ang mananaliksik ay nangangailangan ng talatanungan dahilan

upang ang mananaliksik ay gumawa ng sariling talatanungan. Dumaan

muna sa pagpapatsek ang mga talatanungan upang malaman kung

naintindihan at kaya bang sagutan ng mga magsisilbing respondente ang

mga nakapaloob na mga katanungan sa ginawang "checklist" ng

mananaliksik. Matapos mapatsekan ang mga talatanungan para sa

nasabing "checklist", lumabas sa pag-aaral na lubos itong nauunawaan.

Matapos maganap ang pagpapatsek, ang mananaliksik ay

nagpasagot sa mga respondent. Ito ay may kabuuang bilang na tatlumpu

(30) na mga piling mag-aaral.

Ang datos na natipon at nakalap ay aayusin sa talahanayan,

aanalisahin at bibigyan ng interpretasyon ng mananaliksik upang makuha

ang ninanais na resulta ng pag-aaral. Pagkatapos ang mga mahahalagang

impormasyong nalikom ay ilalagay sa isang maayos na pagkakahanay sa

nararapat nitong lugar sa tesis.


14
Istatistikal na Pamamaraan

Ang mga kasagutan ay inilagay sa talahanayan bilang saligan para

sa istatistikal na pamamaraan ng mga datos.

Sa pananaliksik ay gagamitin ang upang makuha ang kabuuang

kasagutan ng mga tagatugon. Ang pamamaraang ito ang pinakamainam

na gamitin upang malaman ang epekto ng paggamit ng gay lingo sa berbal

na komunikasyon ng mga mag-aaral mula sa baitang labing isa ng Gov.

Felicisimo T. San Luis Integrated Senior High School panuruang taon 2018-

2019.

Ang Relative Frequency. Ito ang numero na pinakaangkop na

simbolo sa mga grupo ng numero. Para hanapin ang mean gagamitin natin

ang pormula na ito.


Kabanata 4

PRESENTASYON, PAG-AANALISA AT INTERPRETASYON

Ang kabanatang ito ay kinapapalooban ng presentasyon, pag-

aanalisa at interpretasyon ng mga datos buhat sa sagot ng mga

kinapamayam.

Ang mga datos ay inilalahad sa pamamagitan ng mga talahanayan

na may katumbas na kadalasang bilang ng porsyento na sumagot ng oo o

hindi.

Talahanayan Blg. 1

Edad ng mga respondente

Edad ng Respondente Bilang ng mga Bahagdan

sumagot

15-16 1 3.33%

17-18 28 93.33%

19-pataas 1 3.33%

Kabuuang bilang ng 30 100%

sumagot

Makikita sa talahanayang 1 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

kanilng edad. Nangunguna ang mga nasa gulang 17-18 sa may

pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang ng 28 na mag-aaral

o 93.33%, sumunod naman ay patas lamang ang bilang ng mga bahagdan


16

na tumugon na mag-aaral na may edad 15-16 at 19-pataas na nakakuha ng

tig-isang respondente o 3.33%.

Talahanayan Blg. 2

Kasarian ng mga Respondente

Kasarian ng mga Bilang ng mga Bahagdan


Respondente
sumagot

Lalaki 12 40%

Babae 18 60%

Kabuuang bilang ng 30 100%


sumagot

Makikita sa talahanayang 2 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

kanilang kasarian. Nangunguna ang mga babae sa may pinakamataas na

bahagdan na tumugon na may bilang na 18 na mag-aaral o 60% , sumunod

ang mga lalaki na mag-aaral na may bilang na 12 o 40% .

Talahanayan Blg. 3

Alam mo ba kung ano ang wika?

Talahanayan Blg. 3

0 Talahanayan Blg. 3
0

0
Oo Hindi
17

Makikita sa talahanayang 3 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na kung alam mo ba kung ano ang wika? Oo ang may pinakamataas

na bahagdan na may tumugon na bilang na 30 na mag-aaral o 100%, at sa

hindi naman ay walang tumugon na mag-aaral.

Talahanayan Blg. 4

Mahalaga ba ang wika sa pang-araw-araw?

Talahanayan Blg. 4

30

20 Talahanayan Blg. 4
10

0
Oo Hindi

Makikita sa talahanayang 4 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na Mahalaga ba ang wika? Oo ang may pinakamataas na bahagdan

na may tumugon na bilang na 30 na mag-aaral o 100%, at sa hindi naman

ay walang tumugon na mag-aaral.


18

Talahanayan Blg. 5

Alam mo ba kung ano ang gay lingo?

Talahanayan Blg. 5

30

20
Talahanayan Blg. 5

10

0
Oo Hindi

Makikita sa talahanayang 5 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na kung alam mo ba kung ano ang Gay Lingo? Oo ang may

pinakamataas na bahagdan na may tumugon na bilang na 29 na mag-aaral

o 96.67%, at sa hindi naman ay may bilang na 1 o 3.33% na mag-aaral na

tumugon. Makikita din sa talahanayang ito na mas marami ang babae na

may alam ng Gay Lingo na may bilang na tumugon na babae na 18 o 60%.

Talahanayan Blg. 6

Marunong ka bang magsalita ng Gay Lingo?

Talahanayan Blg. 6

20
15
Talahanayan Blg. 6
10
5
0
Oo Hindi
19

Makikita sa talahanayang 6 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na kung marunong ka bang gumamit ng Gay Lingo? Hindi ang may

pinakamataas na bahagdan na may tumugon na bilang na 18 na mag-aaral

o 60%, at sa oo naman ay may bilang na 12 o 40% na mag-aaral na

tumugon.

Talahanayan Blg. 7

Madalas mo bang marinig ang Gay Lingo?

Talahanayan Blg. 7

30

20
Talahanayan Blg. 7
10

0
Oo Hindi

Makikita sa talahanayang 7 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na kung madalas mo bang naririnig ang Gay Lingo? Oo ang may

pinakamataas na bahagdan na may tumugon na bilang na 21 na mag-aaral

o 70%, at sa hindi naman ay may bilang na 9 o 30% na mag-aaral na

tumugon.

Talahanayan Blg. 7

Madalas mo bang marinig ang Gay Lingo?


20

Talahanayan Blg. 8

30
20 Talahanayan Blg. 8
10
0
Oo Hindi

Makikita sa talahanayang 8 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na kung ginagamit mob a ang gay lingo sa araw-araw? Hindi ang

may pinakamataas na bahagdan na may tumugon na bilang na 26 na mag-

aaral o 86.67%, at sa oo naman ay may bilang na 4 o 13.33% na mag-aaral

na tumugon.

Talahanayan Blg. 9

Sa mga kaibigan o kamag-aral mob a naririnig ang gay lingo?

Talahanayan Blg. 9

30

20 Talahanayan Blg. 9
10

0
Oo Hindi

Makikita sa talahanayang 9 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na kung sa mga kaibigan o kamag-aral mob a naririnig ang Gay

Lingo? Oo ang may pinakamataas na bahagdan na may tumugon na bilang

na 28 na mag-aaral o 93.33%, at sa hindi naman ay may bilang na 2 o

6.67% na mag-aaral na tumugon.


21

Talahanayan Blg. 10

Naimpluwensiyahan ka lang ba ng mga taong nakapaligid sayo na

gumamit ng Gay Lingo?

Talahanayan Blg. 10

20

15
Talahanayan Blg. 10
10

0
Oo Hindi

Makikita sa talahanayang 10 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na kung naimpluwensiyahan ka lang bang gumamit ng Gay Lingo?

Hindi ang may pinakamataas na bahagdan na may tumugon na bilang na

17 na mag-aaral o 56.67%, at sa Oo naman ay may bilang na 13 o 43.33%

na mag-aaral na tumugon.

Talahanayan Blg. 11

Sa tingin mo ba na ang lahat ng taong nakapaligid sayo ay naiintindihan

ang gay lingo?

Talahanayan Blg. 11

25
20
15 Talahanayan Blg. 11
10
5
0
Oo Hindi
22

Makikita sa talahanayang 11 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na kung marunong ka bang gumamit ng Gay Lingo? Hindi ang may

pinakamataas na bahagdan na may tumugon na bilang na 24 na mag-aaral

o 80%, at sa oo naman ay may bilang na 6 o 20% na mag-aaral na

tumugon.

Talahanayan Blg. 12

Mahalaga ba ang lenggwaheng Gay Lingo?

Talahanayan Blg. 12

25
20
15 Talahanayan Blg. 12
10
5
0
Oo Hindi

Makikita sa talahanayang 12 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na kung mahalaga ba ang lenggwaheng Gay Lingo? Hindi ang may

pinakamataas na bahagdan na may tumugon na bilang na 23 na mag-aaral

o 76.67%, at sa oo naman ay may bilang na 7 o 23.33% na mag-aaral na

tumugon.
Kabanata 5

BUOD, KINALABASAN AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay kinapapalooban ng buod, konklusyon at

rekomendasyon sa pananaliksik.

Buod

Ang pananaliksik na ito at ginawa upang malaman ang epekto ng

paggamit ng gay lingo sa berbal na komunikasyon ng mga mag-aaral mula

sa baitang labing isa ng Gov. Felicisimo T. San Luis Integrated Senior High

School panuruang taon 2018-2019. Ang pag-aaral na ito na hinahangad na

sagutin ang mga sumusunod na tanong 1. Ano ang antas ng mga salik na

nakaaapekto sa paggamit ng gay lingo sa berbal na komunikasyon ng mga

mag-aaral? 2. Ano ang antas ng paggamit ng nakaaapekto sa paggamit ng

gay lingo sa berbal na komunikasyon ng mga mag-aaral? 3. May

makabuluhan epekto ba ang paggamit ng gay lingo sa berbal na

komunikasyon ng mga mag-aaral?

Ang mga datos sa nasabing pananaliksik ay nagmula sa tatlumpung

(30) piling mag-aaral mula sa baitang labing isa ng Gov. Felicisimo T. San

Luis Integrated Senior High School.

Ang deskriptibong paraan ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral

na ito upang matukoy ang epekto ng paggamit ng gay lingo ng mga mag-

aaral mula baitang labing isa ng ng nasabing paaralan. Ang mga

instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito talatanungan na “checklist”.


24

Kinalabasan

1. Makikita sa talahanayan 1 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

kanilng edad. Nangunguna ang mga nasa gulang 17-18 sa may

pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang ng 28 na mag-aaral

o 93.33%, sumunod naman ay patas lamang ang bilang ng mga bahagdan

na tumugon na mag-aaral na may edad 15-16 at 19-pataas na nakakuha ng

tig-isang respondente o 3.33%.

2. Makikita sa talahanayang 2 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

kanilang kasarian. Nangunguna ang mga babae sa may pinakamataas na

bahagdan na tumugon na may bilang na 18 na mag-aaral o 60% , sumunod

ang mga lalaki na mag-aaral na may bilang na 12 o 40%.

3. Makikita sa talahanayang 3 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na kung alam mo ba kung ano ang wika? Oo ang may pinakamataas

na bahagdan na may tumugon na bilang na 30 na mag-aaral o 100%, at sa

hindi naman ay walang tumugon na mag-aaral.

4. Makikita sa talahanayang 4 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na Mahalaga ba ang wika? Oo ang may pinakamataas na bahagdan

na may tumugon na bilang na 30 na mag-aaral o 100%, at sa hindi naman

ay walang tumugon na mag-aaral.

5. Makikita sa talahanayang 5 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na kung alam mo ba kung ano ang Gay Lingo? Oo ang may

pinakamataas na bahagdan na may tumugon na bilang na 29 na mag-aaral

o 96.67%, at sa hindi naman ay may bilang na 1 o 3.33% na mag-aaral na

tumugon.
25

6. Makikita sa talahanayang 6 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na kung marunong ka bang gumamit ng Gay Lingo? Hindi ang may

pinakamataas na bahagdan na may tumugon na bilang na 18 na mag-aaral

o 60%, at sa oo naman ay may bilang na 12 o 40% na mag-aaral na

tumugon.

7. Makikita sa talahanayang 7 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na kung madalas mo bang naririnig ang Gay Lingo? Oo ang may

pinakamataas na bahagdan na may tumugon na bilang na 21 na mag-aaral

o 70%, at sa hindi naman ay may bilang na 9 o 30% na mag-aaral na

tumugon.

8. Makikita sa talahanayang 8 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na kung ginagamit mob a ang gay lingo sa araw-araw? Hindi ang

may pinakamataas na bahagdan na may tumugon na bilang na 26 na mag-

aaral o 86.67%, at sa oo naman ay may bilang na 4 o 13.33% na mag-aaral

na tumugon.

9. Makikita sa talahanayang 9 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na kung sa mga kaibigan o kamag-aral mob a naririnig ang Gay

Lingo? Oo ang may pinakamataas na bahagdan na may tumugon na bilang

na 28 na mag-aaral o 93.33%, at sa hindi naman ay may bilang na 2 o

6.67% na mag-aaral na tumugon.

10. Makikita sa talahanayang 10 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na kung naimpluwensiyahan ka lang bang gumamit ng Gay Lingo?

Hindi ang may pinakamataas na bahagdan na may tumugon na bilang na

17 na mag-aaral o 56.67%, at sa Oo naman ay may bilang na 13 o 43.33%

na mag-aaral na tumugon.
26

11. Makikita sa talahanayang 11 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa

tanong na kung marunong ka bang gumamit ng Gay Lingo? Hindi ang may

pinakamataas na bahagdan na may tumugon na bilang na 24 na mag-aaral

o 80%, at sa oo naman ay may bilang na 6 o 20% na mag-aaral na

tumugon.

12. Makikita sa talahanayang 12 ang tugon ng mga mag-aaral batay

sa tanong na kung mahalaga ba ang lenggwaheng Gay Lingo? Hindi ang

may pinakamataas na bahagdan na may tumugon na bilang na 23 na mag-

aaral o 76.67%, at sa oo naman ay may bilang na 7 o 23.33% na mag-aaral

na tumugon.

Konklusyon

Batay sa mga nabangggit na kasagutan ang mga sumusunod na

konklusyon ay nabuo:

Ang ‘’Relative Frequency’’ ng nakaapekto sa paggamit ng gay lingo

sa berbal na komunikasyon ay tumaas. Masasabi talaga na malaki ang

epekto ng paggamit ng gay lingo berbal na komunikasyon dahil marami ang

sumagot na hindi sila naiintindihan ng mga taong nasa paligid nila.

Malaki din ang epekto ng edad sa paggamit ng Gay Lingo. Sa

katunayan, lumabas sa pag-aaral ng mananaliksik na edad 17-18 ang may

pinakamataas na sumagot sa mga katanungang inihanda ng mananaliksik

na may bilang na 28 o 93.33%

Isa din ang kasarian, batay sa nabanggit ng mananaliksik sa

panimula. Na hindi lang lalaking may pusong mamon ang gumagamit ng

Gay Lingo kundi na rin ang mga babae. Batay sa pananaliksik ng


27

mananaliksik, nakita na mas may malaking bahagdan ng mga babae ang

mas may alam sa paggamit ng Gay Lingo na may bilang na 18 o 60%

Rekomendasyon

Sa pamamagitan ng konklusyon at mga natuklasang nakuha sa pag-

aaral na ito, ang mananaliksik ay nagbigay ng mga rekomendasyon:

1. Kailangan malaman ng mga kabataan o mag-aaral na ang paggamit ng

gay lingo ay kailangan nalilimitahan kung saan lamang ito nararapat

gamitin.

2. Mahalang malaman at mabatid ng mga mag-aaral na dapat na

matutunang igalang ang mga nasa ikatlong kasarian upang maiwasan ang

diskriminasyon.

3. Kinakailangan ng mga mag-aaral ng makabuluhang pag-iisip patungkol

sa mga taong gumagamit ng gay lingo.


BIBLIYOGRAPIYA

A. Tesis:

Rhonn Jhon Viel L. Aligarbes (2018) “Epekto ng pagpasok ng gay lingo sa

mga mag-aaral ng Gov. Felicisimo T. San Luis Integrated Senior High

School.

B. Websites:

https://www.scribd.com/doc/50005659/Gay-Lingo-Final

http://mydiscovey.blogspot.com/2017/03/kabanata-ii-mga-kaugnay-na-

literatura.html?m=1
APENDIKS

RepublikangPilipinas
KagawaranngEdukasyon
Gov. Felicisimo T. San Luis Integrated Senior High School
Laguna Sports Complex, Bubukal Sta. Cruz Laguna

Pebrero 8, 2019
Saaming mgaminamahal naguro,

Isang mapagpalang araw po.

Bilang bahagi at kahingian para sa asignaturang Filipino, kami po


na mga mag-aaral ay nagsasagawa ng pananaliksik (thesis) upang
mapalawak pa ang aming kaalaman hinggil sa paksa na amin pong pag-
aaralan.

Kaugnay po nito, ay humihingi po kami ng pahintulot na maging


mga tagatugon saaming pananaliksikang pangkat
ng_____________________. Lubos po naming pinasasalamatan ang
taos-puso ninyong pagtugon at pagsuporta saaming mga gawain at
adhikain.

PagpalainpotayongPoongMaykapal.

LubosnaGumagalang,

Melissa Dio Gaceta


Mag-aaral Gas 11-A

Nabatid:

MARICAR L. FRANCIA
MT II, Gurong Tagapayo sa Pananaliksik
Gov. Felicisimo T. San Luis Integrated Senior High School
2018-2019

“EPEKTO NG PAGGAMIT NG GAY LINGO SA BERBAL NA


KOMUNIKASYON NG MGA MAG-AARAL MULA SA BAITANG LABING
ISA NG GFTSISHS TAONG 2018-2019”

Pangalan (Optional): _____________________ Kasarian: _____________

Seksyon: __________________ Edad: __________

Panuto: Lagyanngtsek (/) angmgakatanungankungOo o Hindi


angsagot.

MgaKatanungan: Oo Hindi

1. Alammobakunganoangwikang Filipino?

2. Mahalagabaangpaggamitngwikasa pang-araw-araw?

3. Alammobakunganoang Gay Lingo?

4. Marunongkabangmagsalitang Gay Lingo?

5. Madalas mob aitongnaririnig?

6. Ginagamit mob aang Gay Lingo sa pang-araw-araw?

7. Samgakaibigan/kamag-aral mob a
naririniganglenggwahengito?

8. Naimpluwensiyahankalangbangmgataongnakapaligidsayo
nagumamitnglenggwahengito?

9. Satinginmobanaanglahatngtaongnakapaligidsainyo ay
naiintindihananglenggwahengginagamitmo?

10. Satinginmo, mahalagabaanglenggwahengitosayo?

“Salamatsamahusay at maayosnapagsasagot.
Lagda
Kayo’ylubosnanakatulongsaakingpananaliksik. – Mananaliksik
KURIKULUM VITA

PERSONAL NA IMPORMASYON

Pangalan : Melissa D. Gaceta

Tirahan : Brgy. Labuin Sta. Cruz Laguna

Kapanganakan : July 22, 2001

Edad : 17

Lugar : Brgy. Labuin Sta. Cruz Laguna

Pangalan ng Ama : Roberto V. Gaceta

Pangalan ng Ina : Mely D. Gaceta

ANTAS NG PINAG-ARALAN

Elementarya : Bubukal Elementary School

Sekondarya : Gov. Felicisimo T. San Luis Integrated Senior High

School

You might also like