You are on page 1of 13

1

Filipino8
Ikaapat na Markahan
Modyul 4:
Florante at Laura

Pag-aari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI
PANIMULA
Para sa Pasiliteytor

Ang modyul na ito ay inihanda upang linangin ang kasanayan ng mag-aaral sa


paghihinuha sa kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga
pahiwatig sa akda (F8PN-IVa-b-33); matiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong naisulat ito, pagtukoy sa
layunin ng pagsulat ng akda at pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-
Iva-b-33); at maipahayag ang sariling pananaw at damdamin sa ilang pangyayari sa binasa
(F8PS-IV-a-b-35).

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mag-aaral ay makapaghihinuha sa


kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig sa
akda (F8PN-IVa-b-33); matitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan
ng pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong naisulat ito, pagtukoy sa layunin ng
pagsulat ng akda at pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-Iva-b-33);
at maipahahayag ang sariling pananaw at damdamin sa ilang pangyayari sa binasa (F8PS-
IV-a-b-35).

Para sa Mag-aaral

Sa araling ito ay matututuhan mo ang makapaghinuha sa kahalagahan ng pag-aaral


ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda (F8PN-IVa-b-33);
matitiyak mo ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa
kalagayan ng lipunan sa panahong naisulat ito, pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda at
pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-Iva-b-33); at maipahahayag
mo ang sariling pananaw at damdamin sa ilang pangyayari sa binasa (F8PS-IV-a-b-35).

Alamin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapaghihinuha sa kahalagahan ng


pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda (F8PN-IVa-b-
33); matitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa
kalagayan ng lipunan sa panahong naisulat ito, pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda at
pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-Iva-b-33); at maipahahayag
ang sariling pananaw at damdamin sa ilang pangyayari sa binasa (F8PS-IV-a-b-35).
Ngayong alam mo na ang inaasahan sa iyo pagkatapos ng aralin, alamin muna natin
ang iyong kaalaman sa magiging aralin. Makatutulong ito sa iyo sa paghahanda ng kaisipan
sa mga gawaing inilaan para sa iyong pag-unlad. Basahin at sundin mo lamang ang mga
panuto ay tiyak na maisasagawa mo ito.

Subukin

Pamilyar ka ba sa awit at korido? Tama! Ang korido ay tawag sa Ibong


Adarna na napag-aralan mo na noong ikaw ay nasa ikapitong baitang.
Ngayon, pagtutuunan mo ng pansin ang Florante at Laura na
tinatawag namang awit. Alamin natin ang iyong kaalaman sa awit.

I. Panuto: Isulat ang A sa patlang bago ang bilang kung ang


salita o parirala ay tumutukoy o may kaugnayan sa awit at K
naman kung korido.

_____ 1. allegro
_____ 2. Doce Pares ng Kaharian ng Francia
_____ 3. FLorante at Laura
_____ 4. Ibong Adarna
_____ 5. inaawit nang mabagal
_____ 6. mabilis ang bigkas
_____ 7. may aral na ipinapahiwatig
_____ 8. may kabagalan ang pagbigkas
_____ 9. may labindalawang pantig
_____ 10. may walong pantig

II. Panuto: Mula sa iyong naging sagot sa Pagsusulit I, ano ang


mabubuo mong konsepto tungkol sa awit?

Ang awit akdang pampanitikan na binibigkas nang


_________________. Binubuo ito ng _____________.
Naiibigan ito nang mambabasa sapagkat __________
___________________________________________.
Halimbawa nito ay _____________________________
at _________________________________________.
Ngayong natuklasan mo ang iyong kaalaman sa awit, makabubuting
alamin din natin kung gaano mo kakilala ang may-akda ng obra maestrang
Florante at Laura.
III. Panuto: Lagyan ng arrow patungo sa larawan ni Francisco ang Balagtas ang mga
salitang nagpapakilala sa kaniya.

Abril 2, 1788 Bigaa, Bulacan

Ama ng Dakilang Lumpo


Balagtasan

Huseng Sisiw Josephine


Bracken

makata Tagailog

Pebrero 20, Selya


1862

Sa naging gawain, marahil ay unti-unti ka nang nagkakaroon ng


pagkakakilanlan sa paksa gayundin sa may-akda. Kaya, halika, basahin mo naman
ang kasunod na impormasyon upang maisagawa mo ang kasunod na mga gawain.

Aralin KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG


1 FLORANTE AT LAURA
Bago pa man dumating ang mga Espaňol sa ating bansa, may sarili nang panitikang
pasalita ang mga katutubo. Si Jose Villa Panganiban, propesor ng panitikan sa Unibersidad
ng Santo Tomas ay hinati sa tatlong panahon ang matandang panitikan.
Una, Panahon ng Alamat (Unang Panahon hanggang 1300 A.D.). Sa panahong ito, ang
panitikan ay binubuo ng mga alamat gaya ng Ang Pinagmulan ng Sansinukob, Ang
Pinagmulan ng Unang Lalake at Babae at Ang Pinagmulan ng Daigdig. Binubuo rin ng mga
bulong pangmahika (incantations) tulad ng sumusunod:
Bulong sa isang magnanakaw ng bigas (Bagobo)
“Nagnanakaw ka ng bigas ko
Umulwa sana ang mata mo
Mamaga ang katawan mo
Patayin ka ng mga anito.”

Bulong sa mga lamang lupa habang pumuputol ng puno sa gubat (Ilocano)


“Huwag magagalit kaibigan
Aming pinuputol lamang
Ang sa amin ay napag-utusan!”

Bulong ng batang nabungian na nagtatapon ng natanggal na ngipin sa lungga ng mga daga


(Tagalog)

“Dagang malaki, dagang maliit


Heto ang ngipin kong sira na at pangit
Sana ay bigyan mo ng bagong kapalit!”

Mayroon ding mga kuwentong bayan (folktales) gaya ng Si Pusung at ang Sultan (Sulu) ,
Ang Anak ng Mangingisda (Pangasinan), Bakit Parang May Hinahanap ang mga Lamok?
(Iloilo) at Ang Ninakaw ng mga Kalansing (Maynila)

Nang unti-unting humina ang Panahon ng Alamat, pumasok naman ang ikalawang
panahon, ang Panahon ng Epiko.
Ayon kay Jovita Ventura Castro, mananaliksik at propesora ng Frances sa
Unibersidad ng Pilipinas, may isandaang kilalang epiko ang nakatala buhat sa mga tribong
di kristiyano maliban sa Biag ni Lam-ang ng mga Ilocano at Handiong ng Bicol, Hudhud ng
mga Ipugaw; Darangan ng mga Moro; Maragtas ng mga taga-Panay; Hari sa Bukid ng mga
Negrense; Kumintang ng mga Tagalog; Dagoy ng mga Palawenyo at Tatuang ng mga
Bogobo.
Sa pamamagitan ng panitikan, madaling naimulat sa Kristiyanismo ang mga
katutubo. Ang mga epikong di binyagan ang karaniwang napakikinggan noon kaya’t
kinailangan ang ibang porma ng panitikang magagamit bilang lunsaran ng pagtuturo ng
relihiyong Katoliko.
“Hindi kaagad nagbago ang ating panitikan dahil sa pagsipot sa ating bayan ng mga
Espaňol na may dalang krus at espada. Subalit malinaw ang pagpasok ng oryentasyong
relihiyoso sa panahong ito. Ang malalaking bilang ng katha ay kumuha ng anyo ng mga
dalit, mga tula tungkol sa doktrinang Kristiyano, mga buhay ng santo.” Ito ay ayon sa
publikasyong Ating Panitikan nina Soledad Reyes, propesora ng literatura sa Ateneo at
Isagani Cruz, propesor ng literatura sa La Salle. Dagdag pa nila, pumasok ang awit at korido
sa panahong ito upang matugunan ang interes na maaaliw ang mga katutubo. Ayon pa sa
kanila, “Karamihan sa awit at korido ay pinainog sa mga di nagbabagong tipo at mga
pangyayaring arketipo na siyang mga katangian ng mga romansa sa Europa noong Edad
Media. Sa gitna ng mga pakikipagsapalaran ng mga prinsipe at prinsesang Kristiyano at
Muslim ay matatagpuan ang mga aral at paniniwala hinggil sa pakikipagkapwa tao, sa
katarungan, sa wastong pagsusunuran, sa pamilya at marami pang ibang konsepto na
nagpapatibay ng mga kinaugaliang pananaw sa buhay noong panahon ng Espaňol.”
Dahil sa mga awit at korido, hindi lamang naaaliw ang mga mambabasa, natututo pa
silang magpakatao at pahalagahan ang Katolisismo at tuluyang talikuran ang mga
paniniwalang pagano. Marami ang naakit sa pakikinig sa awit at korido kaya naman marami
nito ang naisalin sa Pilipino. Gayunpaman, mayroon tayong awit na talaga namang
maipagmamalaki ng mga Pilipino, ito ang Florante at Laura ni Francico Baltazar.

Balikan

Ngayong natuklasan mo na kung paano umunlad ang panitikan sa bawat panahon


hanggang sa magkaroon ng awit, ipakita mo ang iyong naunawaan dito.

I. Panuto: Sagutin ang tanong gamit ang Y-Chart: Bago ba dumating ang
mga Espaňol ay may sariling panitikang pasalita na ang mga Pilipino?
Magbigay ng patunay. Kung oo ang sagot, ang patunay ay nasa ilalim nito
at kung hindi naman ay sa ilalaim nito isusulat ang patunay.

Oo Hindi

Para sa Pasiliteytor
Ang estratehiyang Y-Chart ay nakatutulong sa mag-
aaral na manindigan sa kanilang sagot ng pagsang-ayon o
pagtutol tungkol sa isang tanong/paksa/isyu.

Tuklasin

Bago natin ipagpatuloy ang aralin, hayaan mong mailahad mo muna ang
iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa Pokus na Tanong.
Bakit sinulat ni Balagtas ang Florante at Laura?
Ang Florante at Laura ay may napakahalagang ambag sa larangan ng
panitikang Pilipino. Inilahad niya rito ang kaniyang damdamin na may kinalaman sa
kaniyang personal na karanasan at napunang pangyayari sa ating bansa sa
panahon ng pananakop ng Espaňol.
Dagdagan mo pa ang iyong kaalaman sa aralin. Halina’t ang kasunod na
babasahin ay iyong suriin.

Suriin

Upang masabing sikat ang isang aklat, dapat ito ay marami nang naililimbag. Kakaunti pa
lamang ang mga palimbagan mula 1800 – 1900 subalit marami-rami na rin ang naglimbag
ng Florante at Laura.
Narito ang mga tinuran ng mga kilalang tao tungkol sa pagpapalimbag ng Florante at
Laura.

May labing isang edisyon ng tula buhat noong 1853 hanggang 1901:
1853, 1861, 1863, 1865 (dalawa), 1875 (dalawa), 1879, 1889, 1893,
1894 at 1901.
- Buenaventura Medina Jr., propesor ng literatura sa
Pamantasan ng Dela Salle
- Gabriel Bernardo, propesor ng Unibersidad ng PIlipinas

Ang unang edisyon ng Florante at Laura ay lumabas noong 1838 at


nilimbag ng Imprenta ng Unibersidad ng Santo Tomas. Mula noon
hanggang ngayon ay nagkaroon nang daan-daang pagkapalimbag
ito.
- Anacleto Dizon, propesor ng literatura sa Unibersidad ng
Silangan

Ayon sa pananaliksik nina HerminigildoCruz at Epifanio de los


Santos, mga mananalaysay, na unang nalimbag ang Florante at
Laura noong 1838. Subalit walang anumang katibayang
mapanghahawakan ngayon para patunayan ang ganyang petsa.
- Medina
Ang edisyong 1861 ay inimprenta sa papel de China ng Imprenta de
Ramirez y Giraudier. Si T.H. Pardo de Tavera, isa ring
mananalaysay ay nag-iingat naman ng edisyon 1870 na nilimbag ng
Imprenta de B. Gonzales Mora sa Binundok. (Mapapansing ang
nasabing taon ng pagkalimbag ay hindi kasama sa datos ni Medina.)
- Carlos Ronquillo, mananalaysay

Inilabas ang Florante noong 1875 ng Imprenta de M. Perez at noong


1901 ng Libreria Tagala. Ang mga palimbagang ito ay parehong
nasa Binondo.
- Patricia Melendrez-Cruz, propesora ng literatura sa
Unibersidad ng Pilipinas

Narito pa ang humigit kumulang sa sampung pagkalimbag ng Florante at


Laura na nadagdag sa mga naunang edisyon na pinamatnugtan ng sumusunod:
Rosario Bella Gana – 1947
Pedro Villanueva - 1949
Fernando Monleon - 1969
Ligaya Buenaventura - 1974
Rufino Alejandro - 1975
Ponciano B.P. Pineda - 1982
Vicencio Espino - 1983
Carolina Rionda - 1987
Aurora Batnag at Gregorio Rodillo- 1988
Corazon Magbaleta - 1988
Tomas Ongoco - 1991

Saan at kailan nga ba isinulat ang Florante at Laura?

May mga nagsasabing maaaring isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura sa


bilangguan ng Pandacan sa pagitan ng 1835 hanggang 1838 nang ipakulong siya ng
mayaman at makapangyarihang si Mariano Kapule na naging karibal niya kay Maria
Ascuncion Rivera. Ang ilan naman ay nagsasabing isinulat niya ito habang siya ay
nakakulong sa Balanga at Maynila sa pagitan ng 1856 at 1860. Nakulong siya nang
isumbong siya ng katulong na babae ni Alferes Lucas na siya ay namutol ng buhok.
Wala namang nagpapatunay kung saan at kailan sinulat ang Florante at
Laura kaya’t makatarungang suriin ang awit batay sa teksto ng akda at sa buhay ni
Balagtas. Dalawang beses siyang nabilanggo – una, dahil sa pag-ibig at ang ikalawa
ay sa ngalan ng katarungan. Punong puno ng pag-ibig ang Florante at Laura kaya’t
maaaring naisulat ni Balagtas ang awit habang iniisip ang kanyang unang pag-ibig.
May ilan namang nagsasabing isinulat ito upang pailalim na ilarawan ang kawalang
katarungan sa panahon ng mga Espaňol ang namumuno sa pamahalaan at sa
simbahan.

Tunay ngang kahanga-hanga ang naging kasaysayan ng pag-unlad ng Florante at


Laura gayundin ang may likha nito. Maaari mo ring mapanood ang iba pang impormasyon
sa paksa sa https://m.youtube.com/watch?feature=youtu.be&v=t8AV32015Dk#. Kaya
naman upang makita natin kung naunawaan at nasuri mo ito, sagutin/gawin mo ang
kasunod na mga tanong/gawain.

1. Ano ang pinatutunayan ng pagdating ni Menandro sa kagubatan? Anong uri siya


ng kaibigan? Nanaisin mo rin kayang magkaroon ng isang kaibigan tulad niya?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ano ang nangyari sa Albanya nang sina Florante at Laura na ang namuno rito?
Paano maiuugnay rito ang pagkakaroon ng haring mabuti at matuwid.

Epekto sa May-akda Epekto sa Lipunan Epekto sa Sarili


Noon at Ngayon
Noon

Ngayon

Pagyamanin
Panuto: Ipahayag ang sariling pananaw at damdamin sa sumusunod na pangyayari
mula sa binasa.

Mga Pangyayari mula sa Binasa Sariling Pananaw Sariling Damdamin


Upang masabing sikat ang isang
aklat, dapat ito ay marami nang
naililimbag.

Ipinakulong si Balagtas ng
mayaman at makapangyarihang si
Mariano Kapule na naging karibal
niya kay Maria Ascuncion Rivera.
Nakulong si Balagtas nang
isumbong siya ng katulong na
babae ni Alferes Lucas na siya ay
namutol ng buhok.
Makatarungang suriin ang awit
batay sa teksto ng akda at sa
buhay ni Balagtas.
Punong-puno ng pag-ibig ang
Florante at Laura kaya’t maaaring
naisulat ni Balagtas ang awit
habang iniisip ang kaniyang unang
pag-ibig.
May ilan namang nagsasabing
isinulat ito upang pailalim na
ilarawan ang kawalang katarungan
sa panahon ng mga Espaňol ang
namumuno sa pamahalaan at sa
simbahan.

Isaisip
Mahalagang malaman natin na ang Florante at
Laura ay isinulat ni Balagtas upang isalaysay ang
kaniyang karanasan sa pag-ibig na naging dahilan upang
maisulat niya ang kaniyang obra. Naging dahilan din ang
kaniyang napuna sa pamamalakad ng mga Espaňol
noong kaniyang kapanahunan. Samakatuwid,
nakatutulong ang karanasan upang makalikha ang isang
tao ng isang kapaki-pakinabang na akda.
Isagawa

Ikaw ay punong patnugot sa pahayagan sa inyong paaralan. Sa nalalapit na


pag-alala sa kaarawan ni Balagtas, ikaw ay naatasang sumulat ng isang tekstong
nanghihikayat sa mag-aaral o kabataan na pahalagahan ang akdang Florante at
Laura. Tatayain ito ng iyong guro batay sa sumusunod na mga pamantayan:
a. May mga patunay o katuwiran
b. Naglalahad ng makabuluhang opinion
c. Naaayon sa paksa

Tayain

Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang sariling karanasan upang makalikha ng


akda? Magbigay ng patunay sa pamamagitan ng paglalahad ng sariling karanasan o
karanasan ng ibang taong kakilala.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Karagdagang Gawain

Panuto: Gamit ang power point presentation, ipakita sa tatlong slide kung paano
makatutulong sa iyo ang pag-aaral sa Florante at Laura.
Isulatdito ang lahat ng sanggunian (APA Style)
MgaSanggunian
Subukin Balikan Suriin Pagyamanin
Posiblengsagot. nagtitiklop BASAIN
naglilinis dinidiligan
hinuhugasan PUNASAN
nagwawalis
naglalaba tinutulungan PAGBUKUDIN
nagluluto mag-igib
nagtitiklop TIKLOPIN
MAGDILIG
Posiblengsagot.
MAGWALIS
BURAHIN
Isagawa Tayahin
Posiblengsagot. Posiblengsagot.
Susi saPagwawasto
MgaBumuo
Sumulat:
Editor:
Reviewers:
Illustrator:
Layout Artist:
Management Team:

You might also like