You are on page 1of 12

Pangalan: ___________________________________________ Score:____________

TEKSTO SA PAGBABASA BAITANG 9

Maraming paraan ng pagkuha at paghingi ng impormasyon sapagkat marami ring


paraan ng pagbibigay ng impormasyon. Hahatiin natin ito sa pasalita at pasulat na pagbibigay
ng impormasyon. Sa dalawang paraang ito pumapasok ang lakas at impluwensiya ng media.
Sa pasalita, nariyan ang radyo, telebisyon, telepono, cellphone at iba pa. Panahon ngayon ng
rebolusyong elektroniko. Sa pagkakalunsad ng teknolohiya, nagsulputan ang pagkarami-
raming imbensyon. Dahil nito, pwede mo nang mainterbyu at makita pa ang iniinterbyu kahit
na milya- milya pa ang layo ninyo sa isa’t isa.

Ang pagkakaimbento ng kompyuter ay lalong nagpabilis ng paghahatid ng


impormasyon. May e-mail na ngayong tinatawag na kahit taga-ibang bansa ay pwede mo
nang maging kaibigan. Ang cellphones ay may texting na kung kaya sa magaganang pindot
lang ng mga daliri, naisusulat na ang iyong mensahe at agad-agad na natatanggap at
nasasagot.

-mula sa Gintong Pamana

Matapos mabasa ang teksto, sagutin ang sumusunod na katanungan.


Panuto: Unawain ng mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang nakaimpluwensiya sa pagpapabilis ng pagkuha at paghingi ng impormasyon?


a. rebolusyon
b. interbyu
c. kaibigan
d. media
2. Alin ang maaaring gagamitin sa pakikipagkaibigan kahit sa mga taga- ibang bansa?
a. telebisyon
b. e-mail
c. radyo
d. mensahe
3. Ano ang naging dahilan kung kaya’t nagsulputan ang maraming imbensyon?
a. Sa paghahatid ng impormasyon
b. Sa pagkakaimbento ng kompyuter
c. Sa pagkakalunsad ng teknolohiya
d. Sa pagsasagawa ng interbyu
4. Paano napapabilis ang paghahatid ng mga impormasyon sa kasalukuyan?
a. Sa paggamit ng mga makabagong imbensyon
b. Sa pagsulat ng mga impormasyon
c. Sa pakikipag-ugnayan sa mga taga-ibang bansa
d. Sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan
5. Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng tamang paggamit ng kompyuter?
a. Gamitin ito sa paglalaro ng online games
b. Gamitin ito sa paghayag ng mga emosyon
c. Gamitin ito sa pananaliksik at pag-aaral
d. Gamitin ito sa pagkuha ng personal na impormasyon ng iba
6. Bakit mahalaga ang paggamit ng media?
a. Nagtuturo ito sa paggamit ng kagamitang elektroniko
b. Nasolusyonan nito ang problema sa buhay
c. Upang dadami ang maimpluwensiyahan nito
d. Upang mapabilis ang sistema ng komunikasyon
7. Ano ang maaaring maging negatibong epekto sa paggamit ng mga cellphone?
a. Nakakadagdag ito ng impluwensiya sa pakikipagkaibigan
b. Napalawak nito ang kaalaman sa mga online games
c. Naeehersisyo nito ang mga daliri sa pagpindot
d. Nabawasan nito ang oras sa paggawa at pag-aaral
8. Paano mo maihahambing ang paraan ng pagkuha at paghatid ng impormasyon noon at
ngayon?
a. Mabisa pa rin ang paraang ginamit noon kaysa ngayon.
b. Pare-pareho pa rin ang resulta ng mga pamamaraan noon at ngayon
c. Mas mabilis ang pamamaraang ginamit ngayon kaysa noon
d. Wala pa ring kabutihang dulot ang pamamaraan noon at ngayon
9. Ano ang angkop na pamagat sa tekstong binasa?
a. Noon at Ngayon
b. Ang Teknolohiya
c. Kahalagahang Pang-Media
d. Mga Bagong Imbensyon
10. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na “panahon ngayon ng rebolusyong elektroniko”?
a. Ginagamit sa rebolusyon ang kagamitang elektroniko
b. Napapanahon ang pagsagawa ng elektronikong rebolusyon
c. Laganap ngayon ang paggamit ng mga imbensyong elektroniko
d. Kailangang makisabay sa gagawing rebolusyon habang may panahon
Pangalan: ___________________________________________ Score:____________

TEKSTO SA PAGBABASA BAITANG 10

Ang Paglagay sa Tahimik

“Ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo at iluluwa kung mapaso.” Mahalaga ang
kahulugan ng pahayag na ito. Pinag-iisipan at pinaghahandaan ang paglagay sa tahimik. Ito
ay para sa panghabang panahong pagsasama. Ang tagumpay nito ay nasa kahandaan ng
mga nais mag-asawa.

Kaya na ba ng babae at lalaki ang magpamilya? Sila ba’y handa nang magsarili at
tumayo sa sariling paa? Mapagmahal, masikap, matiyaga, masipag, maunawain, at
mapagpaumanhin ang ilang mga katangiang dapat taglayin nila. Makapagtuturo sila ng
kabutihan at huwaran sila ng kanilang magiging supling. Sila’y handang tumanggap ng mga
pananagutan at magsagawa ng kanilang tungkulin bilang mag-asawa.

Ang paglagay sa tahimik ay maselan. Hingin ang payo ng mga magulang at ng


nakatatanda. Tandaan: “Ang pag-aasawa’y madaling pasukan subalit mahirap labasan.”
Matapos mabasa ang teksto, sagutin ang sumusunod na katanungan.
Panuto: Unawain ng mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Saan inihambing ang pag-aasawa?


a. magulang
b. katahimikan
c. kanin
d. tagumpay
2. Ano ang hingin sa mga magulang at nakatatanda tungkol sa pag-aasawa?
a. pera
b. pagmamahal
c. kanin
d. payo
3. Bakit kailangang paghandaan ang pag-aasawa?
a. Para tumagal sa habang panahon ang pagsasama
b. Para dumami ang anak at lumaki ang pamilya
c. Para pumayag ang mga magulang na mag-asawa na
d. Para tahimik lagi ang mag-asawa at mga anak
4. Ano ang ibig ipakahulugan ng pahayag na “Ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo at iluluwa
kung mapaso’?
a. Kapag mag-aasawa na ay hindi dapat magsubo ng mainit na kanin.
b. Hindi maaayos ang pag-aasawa kung iluluwa ang mainit na kaning isusubo.
c. Huwag nang mag-asawa upang maiwasan ang mga problema.
d. Anumang problema sa pag-aasawa ay harapin at huwag itong iwasan.
5. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na “handa nang tumayo sa sariling paa”?
a. Kakayanang mabuhay at matustusan ang mga pangangailangan
b. Makapagtayo nang mag-isa gamit ang mga sariling paa
c. Nasa sarili lang ang kahandaan kung paano tumayo gamit ang paa
d. Kakayahang maghanda at makatayo na paa lamang ang gagamitin
6. Alin ang angkop na paliwanag nang pangungusap na “Ang pag-aasawa’y madaling pasukan
subalit mahirap labasan.”?
a. Ang pag-aasawa ay may pasukan at labasan na magkasalungat.
b. Ang pag-aaasawa ay may katumbas na responsibilidad habang buhay.
c. Hindi na puwedeng lalabas sa pag-aasawa kapag siya ay nakapasok na.
d. Hindi na lang mag-asawa kung matakot na masaktan at mahirapan lang.
7. Bakit kailangang humingi ng payo sa mga nakatatanda ukol sa pag-aasawa?
a. Dahil sila ang pipili kung sino ang karapat-dapat na maging asawa.
b. Dahil sila ang may karapatang magbigay ng pahintulot sa pag-aasawa
c. Dahil higit silang nakakaalam sa mga dapat isaalang-alang sa pag-aasawa
d. Dahil paraan ito ng pagrespeto sa mga matatanda at maiwasan ang karma
8. Ano ang mensaheng hatid ng teksto sa mga mambabasa?
a. Kailangang maghanap ng asawa upang matahimik ang buhay
b. Tiyaking may sapat na paghahanda kapag mag-aasawa
c. Habang maaga pa ay kailangan nang mag-asawa
d. Kailangang iasa sa mga magulang ang pasyang gagawin
9. Anong isyung panlipunan ang mauugnay sa akda na gawi ng iilang mga kabataan sa
kasalukuyan?
a. pagiging martir sa kanilang mga kasintahan
b. pagbubuntis na wala pang basbas sa kasal
c. pakipagrelasyon nang wala nang ligawan
d. pagkakaroon ng higit sa isang karelasyon
10. Paano mailalarawan ang tunay na paglagay sa tahimik?
a. Kapag namamayapa na ang isang tao
b. Kapag mahimbing na ang tulog ng mag-asawa sa gabi.
c. Kapag hindi mabunganga ang mapapangasawa
d. Kapag napaghandaan ang pag-aasawa nang maayos.
Pangalan: __________________________________________ Score:____________
Matapos mabasa ang teksto, sagutin ang sumusunod na katanungan.
Panuto: Unawain ng mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa umaasa sa dagat para sa kanilang ikinabubuhay?
A. Mga mangingisda C. Mga magsasaka
B. Mga maninisid D. Mga tindera sa palengke
2. Alin sa sumusunod ang sinasabi tungkol sa seleksyon?
A. Maraming umaasa sa dagat
B. Masarap magpiknik sa dagat
C. Wala nang kumukuha ng isda sa dagat
D. Hindi nauubusan ng isda ang karagatan
3. Ano ang ikinabahala ng pamahalaan sa ating karagatan?
A. Pagtatapon ng basura kahit saan.
B. Kawalan ng disiplina ng mamamayan
C. Pagdami ng mga turista na naliligo sa dagat.
D. Unti-unting pagkasira ng ating mga karagatan.
4. Ano ang nangyari sa mga programang ipinapatupad ng pamahalaan para sa ating karagatan?
A. Nagkaroon ng disiplina ang mga mamamayan
B. Maraming sumusunod sa mga tuntuning pandagat
C. Naging matagumpay sa mga programang inilaaan
D. Bigo sa pagpigil sa patuloy na pagkasira ng karagatan
5. Ano kaya ang mangyayari sa mga kabataan ngayon at sa susunod na mga henerasyon kung patuloy
ang pagkasira ng ating mga dagat, ilog at lawa?
A. Hindi na makakain ng mga pagkaing mula sa dagat.
B. Mawawalan na ng hanapbuhay ang kanilang mga magulang.
C. Higit na magdurusa sa epekto ng pagkasira ng ating mga dagat, ilog at lawa.
D. Wala nang malinis at ligtas na tubig na maiinom at magagamit sa pang-araw- araw.
6. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon?
A. Humihinga ang dagat.
Ang dagat ay buhay.
B. Nabubuhay tayo dahil sa dagat.
C. Kung walang dagat, wala rin tayo.
D. Sa dagat ang hanapbuhay ng ilang mamayan.
7. Paano kaya higit na maiiwasan ang pagkasira ng ating mga dagat, ilog at lawa?
A. Paglinis sa mga baybayin, ilog at lawa.
B. Pagtapon ng mga basura sa tamang lalagyan.
C. Pagsunod sa regulasyon at alituntunin ng pamahalaan.
D. Huwag araw-arawin ang pagpunta sa dagat, ilog at lawa upang maligo.
8. Ano ang layunin ng may-akda sa tekstong binasa?
A. Hatid nito’y balita.
B. Ito’y nagpapaalala.
C. Layunin nitong magpaliwanag.
D. Nais nitong magbigay ng kaalaman.
9. Ano ang pangunahing ideya ng seleksyon?
A. Maraming yaman ang makukuha sa dagat.
B. Nasa dagat ang ikabubuhay ng tao.
C. Ang dahan dahang pagkasira ng karagatan
D. Ang pangingisda sa karagatan
10. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?
A. Ang Dagat ay Buhay
B. Ang Pagkasira ng Ating Karagatan
C. Mga Sanhi ng Pagkasira ng Ating Karagatan
D. Kawalan ng Disiplina at Kooperasyon ng mga Mamamayan
Pangalan: __________________________________________ Score:____________

TEKSTO SA PAGBABASA BAITANG 11

Lalaki sa Labas ng Bintana Isang gabing maalinsangan, ipinasiya kong matulog sa


pasimano ng bintana sa ikalawang palapag n gaming bahay sa Rizal Avenue sa Sta. Cruz,
Manila. Himbing na himbing akong natutulog nang may biglang kumalabit sa akin. Sa
kadiliman naaaninag ko ang isang lalaking nangungunyapit sa labas ng bintana.
“Magnanakaw” ang agad kong naisipan. Kinilabutan ako at malakas na sumigaw:
“Magnanakaw! Magnanakaw! Magnanakaw.”
Nagising ang nanay at tatay ko. Nagising din ang mga kapatid ko, pati na ang dalawa
sa tatlong tiyuhin kong nakikitira sa aming bahay noon. May dala-dalang itak at pamalo, agad
lumabas ang dalwa kong tiyuhin: “Nasaan ang magnanakaw. Nasaan!
“Hayon sa labas ng bintana,” ang sabi ko.
Nilapitan ng dalawa kong tiyuhin ang lalaki sa labas ng bintana upang paluin at tagain.
“Huwag Tito! Huwag Fred! Si Pinong ito, kapatid ninyo!” ang nahihintakutang sagot ng
lalaki sa labas ng bintana – na isa sa tatlong tiyuhin ko pala. “Umakyat ako rito dahil sarado
na sa ibaba,” ang paliwanag niya.
Nang makilala naming si Tiyo Pinong na amoy alak na naman, nagkatawanan na
lamang kami.
Ang sabi ni itay: “Ang umakyat sa bintana nang lasing, magnanakaw kung ituring.”

Matapos mabasa ang teksto, sagutin ang sumusunod na katanungan.


Panuto: Unawain ng mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Kaano-ano ng tagapagsalaysay ang lalaki sa labas ng bintana?
A. ama
B. kapatid
C. pinsan
D. tiyuhin
2. Sa kadiliman naaaninag ko ang isang lalaking nangungunyapit sa labas ng bintana. Ano ang ibig
sabihin ng nangungunyapit?
A. umaakyat
B. kumakatok
C. kumakaway
D. sumisilip

3. Ano ang sinabi ng itay sa huling bahagi ng teksto?


A. “Ang umuwi sa bahay nang lasing, magnanakaw kung ituring.”
B. “Ang umakyat sa bahay nang lasing, magnanakaw kung ituring.”
C. “Ang umakyat sa bintana nang lasing, magnanakaw kung ituring.”
D. “Ang umuwi sa bahay nang madilim, magnanakaw kung ituring.”
4. Anong uri ng teksto ang iyong binasa?
A. Argumentatibo
B. Impormatibo
C. Naratibo
D. Persuweysib
5. Ano ang pangunahing layunin ng teksto?
A. magbigay ng impormasyon
B. mangatwiran sa isang paksa
C. magsalaysay ng pangyayari
D. manghikayat sa mga mambabasa
6. Ano ang dahilan kung bakit malalim na ang gabi nakauwi si Pinong?
A. dahil naabutan siya nang sarado na ang pinto sa ibaba
B. dahil kasama nito ang mga barkada
C. dahil umiinum siya ng alak
D. dahil nagpapahangin siya
7. Maaayos ba ang pangwakas na bahagi ng kwento?
A. Oo, dahil hindi napahamak ang tauhan.
B. Oo, dahil nag-iwan ito ng mensahe sa mga mambabasa.
C. Hindi, dahil kulang sa pangyayaring mapapatino sa tauhan.
D. Hindi, dahil hindi nabigyan ng tamang solusyon ang suliranin.
8. Tama ba ang umuwi nang malalim na ang gabi lalo na kung ikaw ay nakikitira lamang?
A. Oo, dahil minsan lamang ito sa buhay.
B. Oo, dahil ang mahalaga ay nakauwi sa bahay.
C. Hindi, dahil kailangang isipin ang maaaring maging kahihinatnan.
D. Hindi, dahil nakikitira ka lamang at maaaring malagay sa peligro ang iyong buhay.
9. Kung ikaw si Pinong, gagawin mo pa rin ba ang pag-akyat sa bintana sa tuwing malalim na ang gabi
kung ikaw ay makauwi?
A. Hindi, bagkus ang tamang daan ay ang pintuan.
B. Hindi, bagkus kailangang umuwi nang maaga.
C. Hindi, dahil nakakatakot lalo na kung gabi.
D. Hindi, dahil ito ay maaaring ikapahamak.
10. Ano ang kailangang gawin upang hindi mapagkamalang magnanakaw sa diyes oras ng gabi?
A. Iwasan ang pagbibisyo sa halip gawin ang nakabubuti para sa sarili.
B. Umuwi nang maaga para hindi mapagkamalang magnanakaw.
C. Magpaalam at huwag umuwi nang malalim na ang gabi.
D. Isipin ang kapakanan ng sarili at kapakanan ng iba.
Pangalan: __________________________________________ Score:____________

TEKSTO SA PAGBABASA BAITANG 12

Panahon na upang linawin natin ang isyu ng wika. Kailangan natin ang pambansang
patakaran. Manindigan tayo sa simulain at pananalig na wikang Filipino; ang pangunahing
wika sa Republikang ito. Ang wikang Ingles ay mananatiling wikang banyagang tagapuno sa
ating mga pangangailangang internasyonal (pambansa man marahil), at ang ating mga
wikang katutubo, sa gusto natin o sa ayaw ay mananatiling wika ng ating mga tahanan. Sa
ibang salita, sakitin nating mga Pilipino ang pagpapalaganap at pagpapabulas sa wikang
pambansang Filipino na kasangkapan ng lahat ng mga Pilipino sa kanilang mga
pagtatalastasan bilang mga magkakababayan.

Sa Timog-Silangang Asya’y huli na tayo sa gawaing ito. Di na tayo dapat na


magpaliban pa ng panahon. Magpasya tayo ngayon, o hindi na kailanman.

(Huling bahagi ng, “Wika at Demokrasyang Panlipunan” ni Ponciano B. P. Pineda)

Matapos mabasa ang teksto, sagutin ang sumusunod na katanungan.


Panuto: Unawain ng mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Tungkol saan ang isyu sa binasang teksto?


A. Demokrasya
B. Pakikipagtalasatasan
C. Patakaran
D. Wika
2. Ano ang kailangang patakaran upang masolusyunan ang isyu?
A. pambansang patakaran
B. pandaigdigang patakaran
C. pandayuhang patakaran
D. pangkatutubong patakaran
3. Ano ang pangunahing wika ng Republika ng Pilipinas?
A. Filipino
B. Ingles
C. Katutubo
D. Pilipino

4. Anong uri ng teksto ang inyong binasa?


A. Argumentatibo
B. Impormatibo
C. Naratibo
D. Persuweysib
5. Ano ang pangunahing layunin ng teksto?
A. magbigay ng impormasyon
B. mangatwiran sa isang paksa
C. magsalaysay ng pangyayari
D. manghikayat sa mga mambabasa
6. Makatwiran ba ang paninindigan ng tekstong binasa? Bakit?
A. Oo, dahil Pilipino tayo sa puso, isip at salita.
B. Oo, dahil ang Filipino ay para sa mga Pilipino.
C. Oo, dahil wika ang tulay sa pakikipagtalastasan.
D. Oo, dahil tungkulin nating pagyamanin ang sariling wika.
7. Sakitin ba nating mga Pilipino ang pagpapalaganap at pagpapabulas ng wikang pambansang
Filipino? Bakit?
A. Oo, dahil mas tinatangkilik ang dayuhang lenggwahe.
B. Oo, dahil mas namumukod tangi ang paggamit ng sariling lenggwahe.
C. Oo, dahil ginagamit ang dayuhang lenggwahe bilang wikang panturo.
D. Oo, dahil namamayani ang paggamit ng dayuhang lenggwahe sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan.
8. Bilang mamamayang Pilipino, sa paanong paraan mapapahalagahan ang wikang pambansang
Filipino at mga katutubong lenggwahe?
A. pagsasantabi sa paggamit ng dayuhang lenggwahe
B. paggamit ng wikang Filipino at English kung kinakailangan
C. paggamit ng wikang Filipino at katutubong wika bilang wikang opisyal at wikang panturo
D. paggamit ng wikang Filipino at katutubong wika sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan
9. Kailan nga ba dapat na gamitin ang wikang Ingles?
A. gamitin kung kinakailangan
B. gamitin kung kausap ay banyaga
C. gamitin kung na sa labas ng bansa
D. gamitin bilang wikang opisyal at wikang panturo
10. Kailan masasabing tunay na malaya ang isang bansa?
A. Tunay na malaya ang isang bansa kung mayroon itong sariling wika.
B. Tunay na malaya ang isang bansa kung marami itong tinatangkilik na wika.
C. Tunay na malaya ang isang bansa kung pinapahalagahan nito ang sariling wika.
D. Tunay na malaya ang isang bansa kung tunay na malaya rin ang gumagamit nito.
Pangalan: __________________________________________ Score:____________

GRADE 7
Pagpapala sa Pangingisda

Matapos mabasa ang teksto, sagutin ang sumusunod na katanungan.


Panuto: Unawain ng mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ano-anong isda ang ipinapadala sa ibang bansa?
a. dilis at tawilis
b. tilapia at bangus
c. tuna at lapu-lapu
d. galunggong at bisugo
2. Alin sa sumusunod ang paraan ng pangingisda na ipinagbabawal? (Paghinuha)
a. pamimingwit
b. paggamit ng lambat
c. ang paraang pagbubuslo
d. paggamit ng pampasabog
3. Anong tanggapan ang nangunguna sa pagsugpo sa labag na batas na paraan ng pangingisda?
a. Bureau of Food and Drug
b. Metro Manila Development Authority
c. Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
d. Department of Energy and Natural Resources
4. Bakit maraming Pilipinong may hanapbuhay na pangingisda?
a. Magaling lumangoy ang mga Pilipino.
b. Maraming hindi nais magtrabaho sa taniman.
c. Walang ibang makuhang trabaho ang mga Pilipino.
d. Napaliligiran ng malawak na karagatan ang Pilipinas.
5. Ano kaya ang masamang epekto ng paggamit ng pampasabog at lason sa pangingisda sa tao?
a. Natatakot ang mga isda.
b. Hindi na lumalaki ang mga isda.
c. Wala nang makakaing isda ang mga tao.
d. Namamatay ang maliliit at batang isda.
6. Ano ang maaaring mangyari kung hindi ipagbawal ang maling paraan ng pangingisda?
a. Mauubos ang mga isda sa dagat.
b. Mawawalan ng hanapbuhay ang mga mangingisda.
c. Matatakot na gumamit ng pampasabog ang mga tao.
d. Maraming gagamit ng tamang paraan ng pangingisda.
7. Anong ugali ang ipinakikita ng mga mangingisdang patuloy na gumagamit ng maling paraan ng
pangingisda?
a. mahilig sa gulo
b. matigas ang ulo
c. malikhain sa trabaho
d. masipag maghanapbuhay
8. Ano ang layunin ng manunulat ng seleksyon?
Nais ng manunulat na ________________________________________.
a. ipagmalaki ang Pilipinas bilang isang mayamang bansa
b. makilala ang Pilipinas bilang magandang pinagkukunan ng isda
c. ipaubaya sa pamahalaan ang pag-aalaga sa mga katubigan ng bansa
d. malaman ng tao na sa bawat gawain ay may kaakibat na responsibilidad

You might also like