You are on page 1of 1

Kababaihan

Kababaihan…Sino ka nga ba?


Ano ka sa daigdig?
May halaga ka bang maituturing na bigay ng langit?
Ito ang daigdig na abang nilalang…
Na sa buhay taga puno ng kulang!
Ngunit dapat nga bang mahina kang ituring,
Itong kababaihang luha ang sagot pagnasaling…
Naging kawawa noon at lagi nang nakakakulong,
Sa tahanan na lang buhay niya’y gumugulong…
Datapwa’t, lahat, nagbago na ngayon!
Dati…ang babae ang siyang ina...
Na sa pamilya’y tagaluto, tagalinis at tagalaba,
Nagsisilbing ilaw at gabay sa tuwina,…
Upang mga bata’y mapariwara…
Ito ang papel ng babaeng kawawa…
Na ngayo’y nagdadala na ng pag-asa!
Subalit dumating ang panahon,
Sigaw ng kababaihan…
Bigyang pansin kanilang kinasukdalan,
Igawad sa kanila karunngan at Kalayaan,
Na makahulagpos sa dating katayuan…
Upang kapwa-tao at baya’y kanilang mapaglingkuran!
Ngayon sa mundong ating ginagalawan,
Mundong puno ng walang hanggang hamon,
Kaguluhan at kahirapan…
Babae ay sanhi na rin ng tagumpay,
Proseso ng bayan at kasaganahan sa buhay.
Babae’y nalukluk sa pedestal na kinatatayuan,
Pagkat galling at talino’y nahita’t nagamit na ng bayan!
Buhay ay bigay ng poong maykapal…
At kinayang nilikha mga taong banal,
Tinuruan ng tama at gawaing magdasal…
Upang sa puso ng lahat ay bubukal,
Pag-ibig sa kapwa at sa baya’y mahal…
Na sa kababaihan ito’y nunukal!

You might also like