You are on page 1of 2

PAMANAHONG PAPEL

isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagwa sa mga estudyante sa mataas na paaralan at kolehiyo bilang isa sa mga
pangangailangang akademiko
nagsisilbing kulminasyon ng mga pasulat na Gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa sa isang kurso o subject sa loob ng isang
panahon o term
Ang sukatan ng kabutihan ng isang pamanahong papel ay ang presentasyon at pagkakaayos ng mga bahagi at nilalaman nito.
BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
1. Mga Pahinang Preliminari O Front Matters
2. Kabanata I: Ang Suliranin At Kaligiran Nito
3. Kabanata II: Mga Kaugnay Na Pag-aaral At Literatura
4. Kabanata III: Disenyo At Paraan Ng Pananaliksik
5. Kabanata V: Lagom, KOngklusyon At Rekomendasyon
6. Mga Panghuling Pahina

A. Mga Pahinang Preliminari o Front Matters


1. Fly Leaf 1- Ito ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat na kahit na ano sa pahinang ito
2. Pamagating pahina - Ito ang pahinang nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong-papel. Nakasaad din dito kung kangino iniharap o
ipinasa ang papel, kung saang asignatura ito pangangailangan, kung sino ang gumawa at panahon ng kumplesyon.
3. Dahon ng Pagpapatibay -Ito ang pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng
pamanahong papel.
4. Pasasalamat/Pagkilala - Sa pahinang ito tinutukoy ng mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaaring
nakatulong sa pagsulat ng pamanahong-papel at kung gayoy nararapat pasalamatn o kilalanin.
5. Talaan ng Nilalaman - Dito nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong-papel at nakatala ang
kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
6. Talaan Ng Talahanayan At Grap - Dito nakatala ang bawat pamagat ng bawat talahanayan o grap na nasa loob ng pamanahong
papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
7. Fly Leaf 2 - Ito ay isa na namang blangkong pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.

B. Kabanata 1: Ang suliranin at kaligiran nito


1. Layunin Panimula O Introduksyon - Ito ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng
panananaliksik.
2. Layunin Sa Pag-Aaral - Dito nilalahad ang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik ng paksa ng pag-aaral.
Tinutukoy rin dito ang mga ispesipik na suliranin na nasa anyong patanong.
3. Kahalagahan Ng Pag-Aaral - Dito inilalahad ang signipikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy dito
ang maaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa ibat ibang indibidwal, pangkat, tanggapan, institusyon, propesyon,
disiplina o larangan
4. Saklaw At Limitasyon - Tinutukoy dito ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito tinatakda ang parameter ng pananliksik dahil
tinutukoy dito kung ano ano ang mga baryabol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral
5. Depinisyon At Terminolohiya - Dito itinatala ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isay binibigyang
kahulugan. Ang pagpapakahulugan ay maaaring konseptwal (ibinibigay ang istandard na depinisyon o katawagan bilang mga konsepto) o
operasyonal (binibigyang kahulugan ang mga katawagn kung paano iyon ginamit sa pamanahong papel.
C. Kabanata 2: Mga Kaugnay Na Pag-Aaral At Literatura -Tinutukoy dito ang kaugnay na literatura o babasahing may kaugnayan sa
pananaliksik. Dito tinutukoy kung sinu-sino ang mga may-akda ng naunang pag-aaral o literatura,disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga
layunin at mga resulta ng pag-aaral. Dito ipinaalam ng mananaliksik ang kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay ng kanyang paksa.
Bago at nailimbag sa loob ng huling sampung taon. Piliting gumamit ng lokal at dayuhan Katangian: obhektibo o walang pagkiling;
nauugnay o relevant sa pag-aaral; at sapat ang dami o hindi napakakaunti o napakarami.

D. Kabanata 3: Disenyo At Paraan Ng Pananaliksik


1. Disenyon ng Pananaliksik - Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Halimbawa Deskriptib-analitik
isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
Respondente ng Sarbey - Kung ilan sila at paano at bakit sila ang napili.
2. Instrumento ng Pananaliksik - Inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at informasyon. Sa
bahaging ito, maaaring mabanggit ang intervyu o pakikipanayam, pagko-conduct ng sarvey at pagpapasagot ng sarvey-kwestyoneyr sa
mga respondente bilang pinakakaraniwan at pinakamadaling paraang aplikable sa isang deskriptiv-analitik na disenyo.
3. Tritment ng mga Datos - Inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerical na datos ay
mailarawan. Sa pamanahong-papel, sapat na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapos mai-tally ang mga kasagutan sa
kwestyuneyr ng mga respondente.

E. Kabanata 4: Lagom, Kongklusyon At Rekomendasyon


1. Lagom - binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensibong tinatalakay sa Kabanata IV.
2. Kongklusyon - Ito ay ang mga inference, abstraksyon,implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag at/o paglalahad batay sa
mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik.
3. Rekomendasyon - Ito ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga sul;iraning natutukoy o natuklasan sa pananliksik.

F. Mga Panghuling Pahina


1. Listahan ng Sanggunian - isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng
pamanahong-papel.
2. Apendiks/Dagdag na Dahon - maaaring ilagay o ipaloob dito ang liham, pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu,sampol
ng sarbey-kwesyoneyr, bio-data, ng mananaliksik, mga larawan, kliping at kung anu-ano pa

You might also like