You are on page 1of 6

Encenzo, Anton

Aban, Hannah Wynzelle

PAGBASA AT PAGSUSURI NG MGA AKDA SA ANYONG TULUYAN

I. Introduksyon
A. Maikling Talambuhay ng May-akda
Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Scat) (1939-1996) ay
isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, attagapagturo.
Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak
siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San Isidro,Nueva Ecija, Pilipinas. Siya
ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos na
may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng
Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas. Si
Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya
ay tanyag dahil sa "Moses, Moses", ang kanyang dula na nagwagi ng
gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Ang mga gawa ni
Sicat, na nagpabangon sa nakagawiang literature natin at nagpamulat sa atin sa
kalagayan ng ating lipunan, unang nakita sa magasin na Liwayway. Marami sa
kanyang mga istorya ang unang lumabas sa Liwayway, isang sikat na
magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog. Ang nangyaring
pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living and
Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang
artikulo sa Pen & Ink III. Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng
Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa
Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito Tiongson, na isang
propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay gumawa
ng isang tampok na pelikula pinamagatang "Munting Lupa" batay sa "Tata
Selo" ni Sikat, na isa pang nagantimpalaang kuwento. Lumikha naman
ang direktor ng pelikula at teatro na si Aureaus Solito ng isang maikling
pelikula noong 1999 na batay sa "Impeng Negro" ni Sikat. Noong 1998,
bagaman sumakabilang-buhay na si Sikat, pinarangalan siya ng Manila
Critics Circle ng isang National Book Award para sa pagsasalinwika.

B. Mga Mahahalagang Pangyayari sa lipunan, sa panahon ng


pagkakasulat ng akda
Taong 1963 isinulat ang Maikling Kwento na Tata Selo ni Rogelio Sicat, ito
ang mga mahahalagang pangyayari sa lipunan na nangyari sa taong iyon.:
April 5 – Si Ferdinand Marcos ay naging Presidente ng Senado ng Pilipinas.
July 20 – Nanalo si Lalaine Bennett bilang 3rd Runner up ng Miss Universe
1963 sa Miami Beach, Florida, US. Siya ang unang Pinay na Runner-up
sa Miss Universe.
July 28 – Dalawampu't apat na Filipino boy scouts at scout officials na
patungo sa Athens, Greece para sa 11th World Jamboree ay kabilang sa
kabuuang 60 katao ang nasawi nang bumagsak ang United Arab Airlines
Flight 869 sa Arabian Sea ilang milya mula sa Bombay, India.
August 8 – Nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Agricultural
Land Reform Code.

II. Mahahalagang Talasalitaang dapat maunawaan ng mambabasa


*Negro- Ito ay karaniwang ginagamit upang tumukoy sa mga taong itim,
gayundin sa mga taong may madilim na kulay na balat (parehong
katutubo at dayuhan).
*Istaked- tanggulang napaliligiran ng mga nakatirik na poste o pilote; bilangguang
military.
*Partihan-pagkahati; ang pagkilos ng paghahati ng isang bagay sa mga
bahagi
*Kabésa- pinunò ng nayon na binubuo ng 50-60 ka-tao.
*Naulinigan- anumang bagay na narinig subalit hindi maunawaan

III. Pagsusuri ng Mahahalagang tauhan


*Tata Selo – isang taong hinahatulan, hinahamak, at hinahatulan ng mga
mapanghusgang madla. Siya ang magsasaka na nahatulan ng pagpatay
sa kapitan o ang tinatawag na Kabesang Tano, na pinilit na ibigay ang
lupang kanyang sinasaka, na dati ay kanya.
* Kabesang Tano – Siya ang may-ari ng lupain ni Tata Selo. Siya rin ang
kanilang kapitan/kapitan ng barangay.
* Saling- Siya ay nag-iisang anak na babae ni Tata Selo. Isang 17-anyos
na maysakit na babae na nagtrabaho noon sa bahay ni Kabesang Tano
bilang kasambahay.
* Alkalde – Siya ang mayor ng bayan. Siya ang nakikipag-usap kay Saling
tungkol sa kaso ng kanyang ama.
*Hepe – Siya ang punong pulis na walang awa na nanakit sa aping
magsasaka na si Tata Selo.
* Binata – Siya ang anak ng pinakamayamang may-ari sa San Roque.
* Amang – Siya ay isang batang magsasaka, anak ng mga magsasaka tulad
ni Tata Selo. Palihim siyang pumasok sa kulungan para makita si Tata
Selo at makausap ito.

IV. Buod ng Akda/Kung Nobela (Bawat Kabanata)


Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng
mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na
nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-
aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo.
Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito
sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo
na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng
tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng
pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa
kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.
Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati’y
nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit
ito makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang
maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang
magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at
pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na
dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit
hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi
nalang nito na “inagaw sa kanya ang lahat”.

V. Pagsusuri sa Kabisaan ng Akda


a. Bisa sa Isip
Ang kabisaan ng kaisapan ng akda ay ang pagpapakita na hindi lahat na
mga tao na nasa loob ng istakid ay mga masasama. Hindi rin lahat ng mga
nabiktima ay mga mabubuti ang puring kalooban. Ang mga piitan ay hindi lang
kanlungan ng mga maysala pero pati rin sa mga taong inosenti na tinulak ng
husto ang kanilang mga pasensiya at yan ang talamak na nangyayari sa ating
lipunan sa kasalukuyan.
b. Bisa sa Damdamin
Ang kabisaan ng damdamin ng akda ay ang pagmumulat sa mga tao na
ang mga mahihirap ay naghihirap nang naghihirap at ang mga mayayaman ay
patuloy sa pag-unlad. Inilalarawan ang mga kaugalian at personalidad ng mga
tao na may kaya at sa mga kumakayod. Ipinakita sa akda ang kaibahan ng klase
ng mga tao na may mga kaya at nahihirapan dahil sa mga sitwasyon na kanilang
pinagdadaanan.
c. Bisa sa Kaasalan
Ang kabisaan ng kaasalan ng akda ay ang paglalarawan ng pagmamalupit
sa mga magsasaka at sa mga mahihirap ng mga may kaya at mataas at may
awtoridad. Ang pagtrato nang mga may awtoridad sa mga mahihirap at
paglarawan ng kanilang taglay na anyo.

VI. Pagsusuri ng Tema sa Akda


Ang tema sa akda ng maikling kwento ni Rogelio Sikat na pinamagatang
“Tata Selo” ay ang hindi tamang pagtrato at discrimination ng lipunan at
awtoridad sa sitwasyon ng tauhan upang makamit ang tamang hustisya. Isa pa
ay ang lubos na pagmamahal sa pamilya kahit sa pinakamababang sitwasyon
na iyong mahaharap dahil kahit na sa sakit at hinagpis na nararanasan ni Tata
Selo ay inuuna parin nyang isipin ang kalagayan at mangyayari ng kanyang
pamilya at ang pang-aalipusta at ang pagwalang bahala ng mga may status sa
mga nangangailangan.

VII. Pagsusuri sa Layunin ng May-akda


Ang layunin ng may akda ay magbigay liwanag sa mga sitwasyon at mga
karanasan ng mga pangyayari sa ating lipunan. Gusto ng may akda na ang mga
mambabasa ang magbibigay ng kunklusyon kaya ang kuwento ay nagtapos sa
isang nakabitin na bahagi.

VIII. Teoryang Pampanitikan


Ang teoryang pampanitikan ng akda ni Rogelio Sikat ay realismo dahil
nakabatay ito sa totoong buhay at mga pangyayari sa ating lipunan at mabatid
ng lahat na hindi dapat gamitin ang kapangyarihan upang maghari sa mundo
at mang abuso ng kapwa tao.

IX. Pansariling Reaksyon


Ang panitikan na pinamagatang “Tata Selo” ni Rogelio Sikat ay tungkol sa
isang magsasaka na pinaaalis ng kabesa sa kanyang sakahan, dahil sa
pangaalipusta ng kabesa ay ito’y kanyang aksidenting napatay. Inilalarawan ang
karansan at naganap pagkatapos ng pangyayaring iyon. Para sa akin ay lahat
nang maysala ay dapat nilang panagutan ang kanilang kasalanan mapa
mayaman man ito o mahirap pero sa sitwasyon ni tata Selo ay meron siyang
dahilan. Ngunit, kahit ano pang kadahilanan ng kanyang kasalanan siya ay
kumitil parin ng buhay at kahit na baliktad baliktarin pa ang mundo siya ay
nakapatay ng tao mapa mabuti man o masama ito. Kahit na ito ang mga
nangyari, simpatya parin ang namomuo sa akin dahil kahit siya ay nahihirapan
na, pamilya nya parin ang kanyang inaalala. Para hindi ito ulit mangyari ay
dapat nating tukuyin at sugpuin ang pinaka-ugat ng pangyayaring ito at iyon ay
ang mga mapang-api mga may kaya at mga awtoridad.

You might also like