You are on page 1of 4

PRE-TEST

UPTEST 2022
FILIPINO
I. MASUSING PAGBASA
Panuto: Basahin ng may pag unawa ang akdang “Ang kalupi” ni Benjamin Pascual at sagutan
ang mga tanong batay sa akdang binasa.

Ang Kalupi
Ni: Benjamin Pascual
Isang araw, pumunta sa Aling Marta sa palengke upang bumili ng ulam para sa hapunan.
Ngunit, nung siya’y kailangan ng magbayad, hindi na niya mahanap ang kanyang kalupi.
Inalala ni Marta na bago siya pumunta sa palengke ay nabangga siya ng isang batang
lalaking may maruming maong at punit-punit na kamiseta. Kaya naman, hinabol kaagad ni
Marta ang bata at inakusahang nagnakaw. Pagkatapos nito, tumawag pa si Aling Marta ng
pulis ngunit wala sa bata ang nawawalang kalupi. Subalit, pinilit pa rin ni Marta na ang bata
talaga ang nagnanakaw. Pero, nagpumiglas ang bata at nakawala. Dumiretso ito sa isang
maluwang na daan ngunit siya ay nabangga ng isang mabilis na sasakyan. Matapos ang
ilang sandali, namatay agad ang bata.
Umalis si Marta sa outpost at bumalik sa palengke. Nangutang na lamang ito para makabili
ng ulam para sa hapunan. Noong pabalik na siya sa kanyang bahay, nakita niyang ang
kanyang mag-ama na nagtataka kung paano siya nakabili ng ulam. Kaya naman pumunta
sila sa outpost upang ang isyu nila ay masuri ng maigi. Pinilit ni Aling Marta na paaminin
ang bata sa pagnakaw at sinaktan pa ito. Nagsinungaling si Aling Marta at sinabi na ginamit
niya ang pera mula sa kanyang pitaka. Ngunit, Sinabi ng kanyang asawa na naiwan niya ang
kanyang pitaka at nawalan siya ng malay habang paakyat ng hagdanan.

1. Ano ang ibang pagpapakahulugan sa salitang kalupi?


a. bayong c. pitaka
b. panyo d. pamaypay

2. Anong suliraning panlipunan ang nangingibabaw sa akda?


a. Kahirapan c. kakulangan sa edukasyon
b. Korapsyon d. Maagang pagbubuntis/teenage pregnancy

3. Sa iyong palagay, bakit marami pa rin ang mga taong mapanghusga sa lipunang ating
ginagalawan?
a. Dahil marami pa rin ang mataas ang pagtingin sa sarili
b. Hinuhusgahan ng tao ang kanilang kapwa batay sa panlabas na anyo
c. Ito ay itinuturing nang isang sakit sa lipunan na mahirap ng malunasan dulot ng
modernisasyon.
d. Gumagawa ng sariling batayan o standard ang mga tao sa ating lipunan na kung saan
ay lahat dapat ay sumunod sa kung ano ang mga nauuso tulad ng damit, pagkain,
sayaw, teknolohiya at iba pa. Dulot rin ng pagiging mapanghusga ay ang “insecurity”
sa sarili.
4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita kung paano maiiwasan ang pagiging
mapanghusga sa kapwa?
a. Pinagtatawanan at kinukutya nina Hanna at Cora ang selfie post sa Instagram nang
kanilang kamag-aral na si Georgia.
b. Palaging iniiwasan at pinandidirihan si Pablo sa kanilang barangay dahil may mga
tattoo ito sa katawan.
c. Isa sa mga aktibidad na sinusuportahan at inaabangan tuwing kapistahan sa
Barangay Maunlad ay ang pagkakaroon ng patimpalak o pageant sa isa mga
miyembro ng LGBTQIA+ upang maipamalas ang kanilang galing at adhikain.
d. Hindi pinapasok ng guwardiya si Faye sa isang establisyemento na nagbebenta ng
mga mamahaling bag, damit at alahas dahil umano sa simpleng kasuotan niya.

5. Anong uri ng akdang pampanitikan napapabilang ang akdang iyong binasa?


a. Anekdota c. Sanaysay
b. Maikling Kuwento d. Nobela

II. TALASALITAAN
Panuto: Piliin at bilugan ang katumbas na kahulugan ng salitang may salungguhit at naka
BOLD.
6. Ang binagtas na bukid ay lubhang napakalayo sa kanilang paaralan.
a. sinaka c. dinaanan
b. inararo d. pinuntahan
7. Ginalugad nila ang buong baryo ngunit wala silang Nakita.
a. hinanap c. iniharap
b. sinilip d. ipinakita
8. Si Mang Kaloy ay sumakay sa kanyang bangka at pumalaot sa dagat. Siya ay namasol.
a. nangaso c. nangisda
b. naligo d. nanghuli
9. Dahil sa nakitang pag-iyak ng dalaga, ang binata ay nagmakaamo sa harap nito.
a. nagsayaw c. nagalit
b. naawa d. nanuyo
10. “O, aking mahal, nasaan ka na ba? Bakit di mo lingapin ang pusong nagdurusa”?
a. puntahan c. tingnan
b. balikan d. suyuin
11. Ang dalagang Pilipina ay mayumi lalong lalo na sa kaniyang pagkilos.
a. mahina c. mahinhin
b. tahimik d. mabagal

12. Lulan ng isang sasakyan, mabilis na nilisan ni Juana ang Barangay Dolores.
a. sakay c. dala-dala
b. bitbit d. sa tabi
13. Dahil sa kaniyang matamis na salita, hindi nahimok si Selena na bumalik sa kaniyang
pamilya.
a. naengganyo c. nagustuhan
b. napilitan d. nakumbinsi
14. Ang kaniyang boses ay nagtataglay ng kapangyarihang bumabalani sa pandinig.
a. nakikita c. umaakit
b. nararamdaman d. nakakairita
15. Natuliro si Sisa nang makitang nangingisay ang kaniyang anak sa kinaing panis na sardinas.
a. natuwa c. nahilo
b. natakot d. nagulat

III. BALARILA
Panuto: Basahin ng mabuti ay may pag unawa ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

16. “Ang kabaitan _____ tao ay dapat inaabuso dahil hindi natin magugustuhan kapag sila
naman ang umabuso ng kabaitan natin.
a. ng c. na ng
b. nang d. raw
17. Bumili _____ tatlong dosenang itlog sa palengke si Ivy upang gamitin sa kanilang
negosyong “takoyaki”.
a. ng c. na ng
b. nang d. raw
18. Iyak ____ iyak si Jazmine dahil sa parehong araw namatay ang kaniyang alagang pusa at
ang kaniyang Lola Flor.
a. ng c. daw
b. nang d. raw
19. Napahanga husto ang mga tao dahil sa angking galing, lakas at talino ni Darna.
a. ng c. daw
b. nang d. doon
20. Hindi _____ makakasama bukas sa ating paggala si Veronica dahil nag positibo siya sa
Covid 19 ngayon.
a. raw c. doon
b. daw d. roon
21. Labis ang pagkadismaya ng mga magsasaka dahi hindi ____ sila nabibigyan ng pansin ng
ating pamahalaan.
a. raw c. doon
b. daw d. roon
22. Nakita ko mismo _____ sa aking kinatatayuan kung paano nasagasaan ni Mang Diego ang
isang matandang babae.
a. rito c. raw
b. dito d. daw
23. Isa sa mga problemang kinakaharap ng Pilipinas ay ang maagang pagbubuntis o teenage
pregnancy ng mga kababaihan na kung saan dapat _____ pagbigyang tuon ito ng
Kagawaran ng kalusugan at kagawaran ng Edukasyon.
a. din c. raw
b. rin d. daw
24. Hindi ____ natin maikakaila na maraming Pilipino ang gustong mangibang bansa dahil sa
mataas na pasahod kumpara sa mga pasahod sa ating bansa.
a. din c. raw
b. rin d. daw

IV. IDYOMA
Panuto: Unawain at hanapin ang tamang kahulugan ng idyomang naka “ITALIZED”. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot.
25. Walang gustong makipagbiruan kay Marco dahil siya ay may “magaan na kamay”.
a. walang gana c. maliit na kamay
b. madaling mapikon d. wala sa pagpipilian
26. Nakita ko kanina si Aling Victoria sa SM Sorsogon na punong puno ng kolorete sa mukha
na tila isang “nagmumurang kamatis”.
a. pulang pula ang mukha c. hindi na makilala
b. makinis ang mukha d. matandang nag aayos dalaga
27. Masuwerte si Zephanie dahil bata pa lamang ito ay “may gintong kutsara na ito sa bibig”.
a. Malusog c. may mapagmahal na mga magulang
b. mayaman d. wala sa pagpipilian
28. Kung saan-saan na magagandang pasyalan nakakapunta si Taylor kaya naman binansagan
siyang may “makating paa”.
a. mahilig sa gala c. mabilis maglakad
b. may alipunga d. maruming paa
29. Hindi naging hadlang kay Alice ang maging isang “anak-dalita” dahil alam niya na ito ang
magiging daan tungo sa tagumpay na kaniyang inaasam asam.
a. mahirap c. mata pobre
b. mayaman d. mapagkakatiwalaan
30. “Halang ang bituka” ng mga taong walang awang pumapatay at nananamantala ng mga
kababaihan.
a. makapal ang bituka c. walang konsensiya
b. maingay d. may sakit sa bituka.

You might also like