You are on page 1of 3

Mga Payo para sa mga Bagong Manunulat ng Tanging

Lathalain

Mga Mungkahing Panimula sa Pagsulat ng Lathalain


(Suggested Technique)

Mga Payo para sa mga Bagong Manunulat ng Tanging Lathalain

1. Samahan ng mga anekdota o mga natatanging pangyayari.


2. Gamitin ang mga siniping sabi at ilagay ang mga iyon sa simula.
3. Magbigay ng tiyak at madaling maunawaang mga halimbawa upang higit na
maipadama ang diwa ng lathalain.
4. Gumamit ng usapan (conversation or dialog) at katutubong kulay (local color)
upang ipadama ang mga pangyayari sa mambabasa.
5. Gawing maikli ang talata.
6. Tapusin sa pamamagitan ng pang-ugnay na katapusan (tie in)

Mga Mungkahing Panimula sa Pagsulat ng Lathalain (Suggested Technique)


1. Panretorikang Tanong (Rhetorical Question)
Halimbawa:
Sino ang nagsabi na ang eded ng tao ay hadlang sa kanyang pag-aaral?
Hindi ito ang paniwala ni Danilo Marcelo. Siya ay huminto sa pag-aaral sa pitong
taon na ang nakakaraan nang nagtapos siya sa mababang paaralan. Ngayong
pasukan , sa gulang na 30 , nagbalik paaralang si Danilo at nagpatala siya sa unang
baytang sa Mataas na Paarang Laurel.

2. Panggulantang na Pahayag ( Starting Statement )


Halimbawa:
“ Hindi pa kami Laos!” Ito ang pahayag ng mga young once- mga guro,
pinuno ng paaralan at mga magulang nang kanilang ipinagdiwang ang Araw ng
Maynila, Hunyo 24, at lumahok sila sa iba’t ibang palatuntunan at paligsahan upang
bigyang-buhay at kasayahan ang pagdiriwang.

3. Pasalaysay na Panimula ( Narrative Opening )


Halimbawa:
Matiwasay niyang pinag-aral ang kanyang sarili at ang kaniyang anim na
anak. Ginagampanan niya ang tungkulin ng isang ina at ng isang ama. Siya’y si
Gng. Adelfa Prado, IV-1, sa klaseng panggabi.

4. Siniping Sabi (Quoted Remarks)


Halimbawa:
“ Manalig ka sa Kanya at tutulungan ka Niya.” Ngumiti siya’t sumulyap sa
aking na punong-puno ng pagtitwala sa sarili habang siya’y aking kinakapanayam.

5. Isang Kasabihan, Salawikain ,o Talinghaga ( Maxim, proverb, or Aphorism )


Halimbawa:
“ Tubig, tubig sa lahat ng dako, ngunit kahit isang patak ay walang
maiinom. “ Itong siniping sabi ni Coleridge sa tulang “The Ancient Mariner” ay
wala ng bisa ngayon. Kahit na tubig na galing sa baha ay maiinom na. Paano?
Ganito ang paraan.

6. Suliraning dapat na pagtalunan sa artikulo, o pangyayaring dapat na patunayan


(Problems to be discussed in the article or fact to be established)
Halimbawa:
May kasagutan sa mabilis na pagtaas ng halaga ng gulay. Magtanim ka.

You might also like