You are on page 1of 2

Jessamae E.

Zaragosa January 25, 2022


Hannah Wynzelle T. Aban

Magsaliksik ng mga impormasyon at gumawa ng sintesis tungkol sa mga sumusunod


na Paksa:

I. Ang Panitikang Filipino

1.Ang Uri ng Panitikan Ayon sa Paghahalin

a. Pasalindila – Ito ay nangyari noong unang panahon sa dahilang ang mga


ninuno natin noon ay hindi pa maalam sa Sistema ng pagsulat kaya puro
pagbigkas lamang ang paraan na kanilang ginagamit. Paulit-ulit nilang
pinapakinggan hanggan sa matanim sa kanilang isip ang mga tula, awit, o
nobela. Kadalasan, nagtitipun-tipon sila upang making ng mga kuwento, dula,
awit, at tula. Sa palagian nilang pakikinig at pagbibigkas, naisasalin ito hanggang
sa susunod na henerasyon.
b. Pasalinsulat – Nangyari ito noong panahong natutuhan na ng ating mga
ninuno ang alpabeto. Ang mga panitikan ay isinulat o inukit at ginuhit sa balabak
ng kahoy o mga dahun-dahon. Nang dumating ang mga kastila, dala nila ang
imprenta. Sa pamamagitan ng paglilimbag, ang ilan sa mga katutubong
panitikan ay naimprenta at napag-ingatan ngunit ang karamihan ay di-naitala
hanggang sa tuluyan nang makalimutan at Nawala.

2. Katuturan, Kahalagahan at Anyo ng Panitikan at ang mga Genre Nito

a. Patula – ito ay saknungan na ang bawat tuludturan ay maaring may bilang o


sukat ang mga pantig at may magkakasintunog o magkakatugmang pantig sa hulihan.
Maari rin naman itong Malaya at wala ang mga katangiang unang nabanggit.
b. Patuluyan – Ang anyo ng panitikan kung tulag lamang sa pang araw-araw na
takbo ng pagsasalita o mga kaisipan ang paglalahad. Sa halip na pasaknong ang mga
kaisipan ang paglalahad. Sa halip na pasaknong ang mga taludtod, ito ay patalata.
c. Patanghal – Ito’y isinasadula sa entablado, sa bahay, o sa bakuran o kahit na
sa daan o saanman. Ito’y maaaring patula o patuluyan, dahil maaaring ang diyalogo
nito ay nasusulat sa alinman sa dalawang anyo. Ang panitikan sa pagtanhal na
kaanyuan ay hindi nagiging ganap hannga’t hindi ipinapalabas o isinasagawa sa
tanghalan o dulaan. Salitaan ang pagkakasatitik nito. Maaaring magkaroon ng tatlo,
dalawa o isang yugto na ang bawat yugto ay binubuo ng tagpo. Noong unang panahon,
sa moro-moro ang tagpo ay tinatawag na kuwadro.

3. Mga Impluwensiya ng Panitikan

Ang panitikan ay may dalang mahahalagang impluwensiya sa buhay, kaisipan, at ugali ng


mga tao. Sa iba’t – ibang panig nito ay may matutukoy na isa o ilang tanging aklat na
naghatid ng kabisnan ng tao. Sinasabing ang impluwensiya ng panitikan ay may dalawang
kalagayan:
1.Nagpapaliwanag sa kahulugan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng
panitikan.
2.Dahil sa panitikan, ang mga tao sa sandaigdig ay nagkakalapit ang mga
damdamin at kaisipan, nagkakaunawaan at nagkakatulungan.

4. Mga Akdang Pampanitikan na Nagdala ng Malaking Impluwensiya sa


Buong Daigdig

1.Banal na kasulatan o Bibliya


Naging batayan ng pananampalatayang kristiyano sa buong daigdig. Ito ay
nagsasaad ng pananampalataya sa Diyos, ang mga kautusan, paglikha sa buong
sanlibutan at buhay ni Abraham.
2.Koran
Mula sa Arabia na siyang bibliya ng mga Muslim. Itinuturing din itong
pinakamarikit na piraso ng panitikan sa wikang Arabe. Nahahati ito sa 114 na kabanata ,
tinatawag ang bawat is na Surah , at pinaniniwalan sinulat ni Muhamamad sa loob ng 23
taon mula noong 610 at hanggang mamatay siya noong 632.
3.Iliad at Odyssey
Isinulat ni Homer ng Gresya. Ito ay naglalaman ng mga mitolohiya at mga alamat.
Isang mahabang paglilibot at nakamamanghang paglalakbay
4.Maha bharata
Mula sa Indiya na syang kasaysayan ng kanilang pananampalataya. Ipinalalagay
itong pinakamahabang epiko sa buong daigdig. Ay isang sinaunang tula ng Sanskrit na
nagsasalaysay tungkol sa kaharian ng kurus. Ito ay batay sa isang taong digmaan na
naganap noong ika 13 o ika 14 na siglo BC sa pagitan ng tribong kuru at Pachala na sub
benepisyo ng India. Itinuturing na parehong kasysayan ng pagsilang ng Hinduismo at
isang code ng etika para sa mga tapat.
5.Divina Comedia
Isinulat ni Dante ng Italya. Ito ay nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya
at pag-uugali ng mga Italyano ng panahong iyon. Isang pinakadakilang akda sa
literaturang pandaigdig. Sa kalakihan ng impluwensiya nio naapektuhan nito hanggang
sa kasalukuyan ang krisyanong pananaw ukol sa kabilang buhay.
6.ISANG LINO’T ISANG GABI
Isang akdang nagmula sa Arabya at Persya naglalarawan ito ng pamahalaan,
kabuhayan at lipunan ng mga Arabo at Persyano.

5. Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikan Filipino


Dapat pag-aralan ang Panitikang Filipino dahil ito ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng
ating kasaysayan, kultura, at tradisyon. Dapat nating pag-aralan ang ating panitikan
bilang mga Pilipinong nagmamahal at nagmamalasakit sa sariling kultura. Dapat nating
ilagay ang isang mas mataas na priyoridad sa ating sarili kaysa sa iba.

You might also like