You are on page 1of 3

KABANATA 3

METODOLOHIYA

Inilalahad sa kabanatang ito ang desinyo ng pag-aaral, lugar ng pananaliksik,

kalahok sa pag-aaral, instrumentong gagamitin, mga pamamaraan sa pangongolekta at

pagsusuri ng datos, at kung paano mabibigyan ng kasagutan ang mga suliranin na

nailatag sa Kabanata 1.

Disenyo ng Pag-aaral

Upang masuri, matuklasan at masiyasat nang mabuti kung ano-ano ang uri o

katangian ng mga patalastas ang mababasa at makikita sa mga pampublikong lugar at

maririnig sa mga estasyon ng radyo, gagamit ang mga mananaliksik ng Qualitative –

Explanatory Research Design sa pagpapaliwanag ng mga makakalap na mga datos.

Maingat na susuriin ang mga datos na magmumula sa malayang pananaw sa

kwalitatibong pamamaraan.

Kalahok sa Pag-aaral

Gagamitin ng mga mananaliksik ang mga outdoor media at ang limang estasyon

ng radyo bilang pangunahing kasangkapan sa pangangalap ng mga datos ukol sa

pagsusuri ng mga patalastas na mababasa at makikita sa pampublikong lugar at maririnig

limang estasyon ng radyo sa Midsayap, Cotabato.


29

Lugar ng Pananaliksik

Ang pag-aaral ay gagawin sa Midsayap, Cotabato para sa mga patalastas sa mga

pampublikong lugar at para naman sa mga patalastas panradyo ito ay kukunin sa lahat ng

mga estasyon ng radyo sa Midsayap, Cotabato na kinabibilangan ng

94.3 FM Power Radio, 96.5 My Radio My Fm, 100.7 Kiss FM Ang Radyo ni Juan, 103.3

MUEWS Radio, at 104.1 Wow Radio DXMA.

Instrumento ng Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay gagamit ng isang Semi-

Structured List Guide bilang instrumento sa pagtala ng makakalap na mga patalastas,

kamera upang makukunan ng larawan ang mga patalastas sa mga pampublikong lugar at

rekorder naman para sa mga patalastas sa mga panradyo.

Pangongolekta ng Datos

Ang mga patalastas na mababasa at makikita sa mga pampublikong lugar ay

itatala sa Semi-Structured List Guide at kukunan ng larawan ng mga mananaliksik

samantala ang mga patalastas naman na maririnig sa mga estasyon ng radyo ay irerekord

nila gamit ang tape recorder.


30

Pamamaraan sa Pagsusuri

Gagamitin ng mga mananaliksik ang deskriptib-analitik o palarawang

pamamaraan. Ipapangkat din nila ang mga patalastas batay sa uri at katangian ng mga ito.

Pagbabatayan ng pag-aaral na ito ang pitong tungkulin ng wika ni Halliday (1973), na

kinabibilangan ng sumusunod: (1) pang-instrumental, (2) panregulatoryo, (3) pang-

interaksiyonal, (4) pampersonal, (5) pang-imahinasyon, (6) pangheuristiko, (7) pang-

impormatibo upang masuri kung anong tungkulin ng wika ang malimit at madalas na

ginagamit ng mga patalastas.

You might also like