You are on page 1of 3

Kabanata 1

Ang Suliranin at Saklaw Nito

Rasyunale ng Pag-aaral

Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging bihasa sa larangan ng


musika at patunay dito ang mga mang-aawit kagaya nina Lea Salonga,
Regine Velasquez at Gary Valenciano. Ang mga nabanggit ay kilala hindi
lamang sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Maraming Pilipino rin maliban sa mga nabanggit ay ang nanalo sa mga
kompetisyon o paligsahan sa loob at labas ng bansa. Nagpapatunay ito
na ang mga Pilipino ay hindi nagpapahuli sa larangan ng musika. Patuloy
na naipamamalas ng mga Pilipino ang galing at hilig sa pagtugtog at
pagkanta. Naging ebidensiya dito ang mga programa sa telebisyon ng
mga Pilipino na nais magpamalas ng mga talento ng karamihan sa
pagkanta kagaya ng “Tawag ng Tanghalan” at “The Voice-Philippines”.

Ang musika ng Pilipinas ay ang pinagsamang mga musikal na


pagganap ng sining sa Pilipinas o ng mga Pilipino na binubuo sa iba't-
ibang mga genre at estilo. Ang mga komposisyon ay madalas na
pinaghalong iba't-ibang impluwensya ng Asyano, Espanyol, Latin
Amerika, Amerikano, at katutubo, ayon sa Wikipedia (2019). Sa
pagdaan ng panahon, ito ay nagkaroon ng maraming genre at kasama
na dito ang Manila Sound na nagsimula noong 1970s at kalaunan ay
napalitan na ng “Original Pilipino Music.”

‘Ang “Original Pilipino Music o OPM”, isang term na tumutukoy


sa mga kanta na binubuo at ginampanan ng mga Pilipinong artista, ay
naging tanyag noong mga huling bahagi ng '70s kasabay ng pagtaas ng
Metro Manila Popular Music Festival o Metropop noong 1977, isang
taunang kumpetisyon ng pag-aawit ng kanta na tulad ng mga klasiko
bilang "Kay Ganda ng Ating Music" ni Ryan Cayabyab at ang kilalang
"Anak" ni Freddie Aguilar,’ ayon kay Santos, Tomas U. (2012). “Sa
pamamagitan ng Original na Pinoy Music (OPM), ang pagkakaiba at
kayamanan ng kulturang Pilipino, pati na rin ang sentimento ng mga tao
ay inaasahang magiging mga magkakaibang melodiya,” ayon rin kay
Santos, Tomas U. (2012).
Sa paglipas ng panahon, mapapansin ang maraming pagbabago
at pag-unlad ng genreng ito. Nais ng mga mananaliksik na pag-aralan
kung ano at paano ito nagbago at umunlad at kung ito ba ay tunay na
umunlad sa kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng paggawa ng
interbyu at pangangalap ng impormasyon galing sa iba’t ibang mga pag-
aaral na nagawa na maiuugnay sa pananaliksik na ito.
Southwestern University-PHINMA

Ang Pag-aaral sa Pagbabago at

Pag-unlad ng Original Pilipino Music sa Kasalukuyang Panahon

Isang bahagi ng Pananaliksik na Iniharap kay

Dr. Mildred Bareño


Professora

Mga mananaliksik:

Gealon, Kyle Kerrick

Quintilitisca, Ivan John

Valizado, Mark Bryan

Ylanan, Danielle Rose

11-STEM N5

You might also like