You are on page 1of 3

Name: Sobrevilla, Jenelou L.

Research Title Proposal

Proposed Title Panitikan at Literatura ng Awiting Rehiyon - Preserbasyo ng Awit at Kultura

Rationale Sa panahon ngayon patuloy ang pag-unlad ng bansa, gayundin ang


(Provide brief mga pag-usbong ng mga awitin na kinahihiligan ng mga mamamayan.
introduction for Kasabay nito ay ang pagbabago ng mga awitin na pinapakinggan ng bawat
your proposed isa. Sa paglipas ng panahon ay natutunghayan natin ang pagbabago at
research. It must maging ang paglago nito. Dumami narin ang mga taong tumatangkilik nito sa
contain a iba’t ibang pamamaraan. Sa buhay ng tao may kani-kaniyang mga angkang
justification why pinagmulan. Dito umuusbong at sumisibol ang mayamang kultura ng isang
you are lahi. Sa paglipas ng mahabang panahon, hindi lamang iisa ang naging bunga
interested in the ng pagiging makulay at malikhaing isipan ng isang indibidwal.
problem, its
relevance and Ayon nga kay Operio (2018), masasalamin sa mga awitin ang
how it will be pagkakakilanlan ng ating wika. Ang musika ay isa sa mga mabisang paraan
resolved.) upang ating maipahayag ang iba’t ibang wika ng bawat bansa o kultura.
Bawat rehiyon ay may matatawag na pinagmulan na siyang bumubuhay
upang magkaroon ng kamalayang uusbong para makilala. Upang makamtan
ang isang pagkakakilanlan, ito’y binubuo ng mga tradisyon, paniniwala,
literatura, panitikan, kultura at maging ang kaugalian na syang daan upang
matamo ng isang lipunan ang pagiging isa. At isa sa mga pagkakakilanlan ng
isang lugar ay ang mga awitin. Gaya ng mga Awiting-Ilokano, para sa mga
Ilokano ay sadyang nakakaaliw pakinggan lalo na kung ang nakikinig nito
ay tubong Ilokano rin. Isa sa pagpapatunay nito ay an kantang “Tarong”
isang awiting nabuo ng mga magsasaka mula sa maliit na bayan mula sa
Ilocos, ang awiting ito ay nabuo upang hikayatin na kumain ng gulay ang
mga bata, lalo na lutong ulam na “Talong”.
Ayon nga kay Fungo (2014), ang musika ay inilalarawan bilang isang
sining ng paglalahad ng mga kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng tunog
ng musika. Ito ay pagpapatunay na may himig ang bawat kumunidad sa
lugar ng ating bansa. Maraming nauusong mga sikat na awitin na
kinahuhumalingan ng mga mamamayan lalo na ang mga kabataan ngayon at
ito ay Tagalog at mga musikang nagmula sa banyagang lugar. Ngunit sa
kabila ng paglaganap ng mga sikat na awitin, paano na nga ba naprepreserba
ang awitin at kultura ng mga Ilokano sa panahon ngayon. Ayon kay
Dumaslan (2013), ang musika at kultura ng mga Pilipino ay magkaugnay.
Malaking bagay para sa mga Pilipino ang musika, ito ay tila sinulid na
nakaugnay na sa ating kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan.
HIndi maikakaila na malaki ang pinag-iba at pinagbago ng panitikan at
literatura sa ating Rehiyon. Ang isang halimbawa nito ay ang madalas na
kinagigiliwan ng mga katabataan ngayon, ang mga awiting banyaga at
awiting Tagalog. Ayon kay Jurado (2012), maaaring may kinalaman ang
paligsahan sa mga awiting banyaga sa paghina ng awiting Pilipino.
Maraming kabataan sa henerasyon ngayon ang mas pinipiling tangkilikin ang
mga musikang galing sa ibang bansa gaya ng sa Amerika at South Korea
(KPop). Tila bang nalilimutan na ng mga kabataan ang mga awiting rehiyon
na nagpapakita ng ating kultura at pagka-Pilipino. Kayat panahon na upang
pagtuunan ng pansin ang Panitikan at Literatura ng awiting rehiyon at kung
paano ang preserbasyon ng awitin at kultura sa mga mamamayan ng Roxas,
Isabela.

Objectives Layunin ng pananaliksik na ito na alamin kung paano naprepreserba


(Specify the ang awit at kultura sa Roxas, Isabela. Layunin din ng pananaliksik na ito na
main goal/s of mabigyang kasagutan ang mga sumusunod:
your research. 1. Malaman ang profayl ng mga respondente.
Include also 2. Malaman ang mga Awiting Ilokano na pamilyar sa mga respondente sa
specific goal of kasalukuyan.
your research if 3. Matukoy kung saan nabibilang ang mga Awiting Ilokano sa kasalukuyang
there is any) panahon.
4. Matukoy ang antas ng kabatiran ng mga respondente sa mga kahulugan ng
Awiting Ilokano base sa kanilang: a. edad b. kasarian c. grupong
kinabibilangan
5. Malaman ang mga pamamaraan ng mamamayan ng Roxas, Isabela sa
pagprepreserba ng Awitin at Kultura.

Significance Mamamayang Filipino. Makatutulong ito upang matukoy ang nilalaman at


(Specify why nakatagong kahulugan ng mga awiting ilokano, upang matanto nila na ang
your proposed mga awitin ay may malaking papel sa wikang Filipino, sa kulturang kanilang
research study is tinatangkilik at maging sa preserbasyon nito na maaaring makaapekto sa
significant to takbo ng kanilang buhay.
certain
individuals Pangkat Etnikong Ilokano. Makatutulong ito upang makilala at mabigyang-
including how halaga ang sariling Awiting Ilokano nang sa gayon ay makamtam ang
will they benefit sariling tatak ng pagkakakilanlan.
from it)
Guro. Ito’y magsisilbing batayan upang magkaroon ng kaalaman sa mga
awitin na kinahuhumalingan ng mga mag-aaral, at maunawaan ang mga
mensahe na nais iparating ng awitin na maaaring maging batayan upang
maunawaan ang mga saloobin ng mga mag-aaral.

Risertser. Magsisilbing batayan o sandigan ng kanilang pananaliksik at pag-


aaral sa mga awiting Ilokano at upang matukoy ang mga awitin at kulturang
napreserba sa kabila ng pagyabong ng mga awitin at kultura sa bayan ng
Roxas.
Methodology Ang risertser ay gagamit ng Descriptive-correlational na may
(Specify the inihandang talatanungan at tseklist na ipasasagot sa mga respondente .
research design, Magsasaliksik din ang risertser ng iba’t ibang sikat na awitin sa radyo na
respondents, siyang sikat at palaging pinapatugtog. Ang mga awitin na makakalap ay
data gathering siyang gagawing tseklist upang malaman ang mga sikat na awitin sa
instruments and kasalukuyan. Sa pamamagitan din nito, malalaman at matutukoy ang mga
procedures, and awiting ilokano na pamilyar sa mga respondente at kung ano ang antas ng
statistical tools kabatiran nila sa kahulugan nito at kung paano nila ito prinepreserba sa
to be used) kasalukuyang panahon.

Ang napiling mga respondente sa riserts na ito ay ang mga residente


mula sa mga piling barangay sa bayan ng Roxas, Isabela. Ito ay ang
barangay ng San Rafael, Matusalem, San Antonio, Bantug, Lanting, Luna,
Nuesa, Rang-Ayan, Imbio, at San Placido na may kabuuang bilang na 200 na
respondente na may edad na 20 pataas, kukunin ang mga respondente sa
paraang purposive at qouta sampling.

Ang gagamitin ng risertser ay tseklist na kung saan nakatala ang mga


awiting ilokano na pamilyar sa mga respondente, kinabibilangan ng mga
awiting ilokano, antas ng kabatiran sa mga awiting ilokano, at kung paano
prinepreserba ang awitin at kulturang ilokano na gagamitin sa pagkuha at
pagtitipon ng mga datos na makatutulong sa isasagawang pananaliksik.

Ang gagamitin na instrumentong pang-istatistika para sa pananaliksik


na ito ay ang Weighted Mean at Frequency count, ito ang gagamitin upang
malaman ang profayl ng mga respondente, malaman ang mga awiting
ilokano na pamilyar sa mga repondente sa kasalukuyang panahon, matukoy
kung saan nabibilang ang mga awiting ilokano, matukoy ang antas ng
kabatiran ng mga repondente sa mga kahulugan ng awiting ilokano at
malaman kung paano na prepreserba ang awitin at kultura ng mga ilokano.
References Operio, L.I., (2018). Pagpapahayag ng Ating Wika, Gamit ang Musika ng
(Follow APA 7th ating Bansa. http://musiwika.blogspot.com/?m=1
Edition
referencing Fungo, AJ., (2014). Teenage music genre: OPM or Foreign.
style) https://qdoc.tips/research-paper-in-english-pdf-free.html

Dumaslan, K., (2013). OPM (Original Pinoy Music): A Meduim for


Information Learning.
https://educreflections.wordpress.com/2013/01/31/opmoriginal-pinoy
music-a-medium-for-informal-learning/

Jurado, N., (2012). Ang OPM bilang bahagi ng kulturang Pilipino.


https://www.academia.edu/7634920/Ang_OPM_Bilang_Bahagi_ng_K
ulturang_Pilipino

You might also like