You are on page 1of 72

MANUNULAT

Karen D. Badua
Geliann B. Cariaso
May Rose P. Domingo
Leevon John M. Miguel
Jenelou L. Sobravilla
Angel A. Villanueva
Edmalyn B. Vinarao
Tauhan:
Tatay hudio- nagpapastol ng mga alagang hayop, ama ni
Cassandra.
Nanay Luciana- nagtatanim ng gulay at prutas, nanay ni
cassandra
Cassandra- isang magandang dalaga na may magandang
boses, maitim na buhok at mapulang labi.
Don Lucas- mabait na ama ni Jacinto, may awa sa mga
trabahador.
Donya Senia- masungit at mapag-alipusta sa mga
trabahor, Ina ni Jacinto
Jacinto- isang makisig at maputing binatilyo na may
mapang-akit na mga mata.
Kapitana Katrina- Malapit at kaibigan ni Donya Senya.
Kapitan Cezar - Leader ng baryo, mabait at
mapagkalingan tao.
Sergio- Mabait at may gusto kay Cassandra, anak ni
kapitan cezar.
Mayor Vondyo- Ama ng bayan, mayaman ngunit may
kabalustugan
Mayora Geliana- Asawa ni mayor vondyo, mabait at
mapagbigay sa mga tao, ina ni celeste.
Celeste- kaibigan ni Jacinto galing italya, anak ni kapitan
Mayor Vondyo.
Mga trabahador/ Alipin - nagtratrabaho sa hacienda
Fuencas.
Mang Ernesto- kutsero ni jacinto.
Padre Epifanio-padre ng san agustin
Jose-kaibigan sa pagkabata ni cassandra
Unang Kabanata:
LANGIT AT LUPA

Ang mundo ay hindi pantay, mayroong


angat sa buhay at mayroon ring nasa laylayan.
Maraming tao ang nagdudurusa at marami ring
nagpapakasasa sa karangyaan dala ng kanilang
yaman. Sa panahon ng walang kapantayan ang
pera ay nagsisilbing kapangyarihan upang
ihiwalay ang sarili sa mga hindi pinagpala
katulad ng mga trabahador o alila. Ang buhay
mahirap ay hindi simple sapagkat walang
kalayaan at halos walang karapatan, ang turing
sakanila son considerados esclavos at hindi
isang normal na tao na may karapatang
mabuhay na naayon sa kagustuhan nila.

Kontrolado ang oras sa kamay ng


mapagmataas, sinasalamin ng pera ang estado
ng buhay sa lipunan. Ang hustisya ay para
lamang sa mayaman at ang kasalanan ay para
lamang sa mahirap. Ang buhay ay umiikot
lamang sa kulay ng puti at itim. Puso ay
nawawaksi dahil sa pagiging gahaman sa pera o
salapi. Pagkakataon ay hindi masilayan ngunit
susubukin hanapin para sa pusong nag-iibigan.
Sa karatig bayan ng San Agustin
naninirahan ang pamilyang Estrado. Ang ama sa
tahanan ay si Tay hudio isang magsasaka sa
hacienda Fuenca. kasama naman nito ang
kanyang asawa na si Nay Luciana at ang kaisa-
isa nilang anak na si Cassandra. Si Cassandra ay
may taglay na kagandahan, maitim ang mga
hibla ng buhok na kasing tingkad ng mga uling,
may kayumangging kutis na nagpapakita ng
natural na pagkapilipina at kulay rosas na mga
labi na hugis puso. Ang kanyang kutis at mukha
ay mapagkakamalang anak ng mayaman. Lalo
na kung magsusuot Ito ng magagarbong damit.
Ang mga damit niya Kasi ay kupas na kaya dito
namam nalalaman ng mga tao na siya ay anak
ng mahirap lamang.

Ang pamilya nila ay matagal ng


nagtratrabaho at naninilbihan sa pamilya ni Don
Lucas na may ari ng Hacienda Fuencas.
Ipinangako rin ni Don Lucas na ipamamahagi
ang lupain sa mga trabahador kung mayroon na
itong dalawampung taon na naninilbihan sa
hacienda bilang pagtanaw narin ng utang na
loob sa kanila at isa nga ang pamilya ni
Cassandra sa mahahandugan ngayong taon.
Si Cassandra ay mulat sa katotohanan na
sila ay mahirap kaya gayun na lamang ang
pagtulong nito sa kanyang mga magulang
katulad sa pagsama nito sa kanyang ama upang
magpastol ng mga alagang hayop at kung hindi
naman ay sumasama ito sa kanyang ina upang
magtanim ng mga gulay at prutas sa malawak na
hardin ng hacienda, tuwing umaga kumakanta
rin si Cassandra ng mga iba’t ibang musika o
awitin para sa kanyang mga pananim at sa tinig
nga nito’y mistulang naaakit at nawawala ang
mga problema ng sinumang taong nakaririnig
nito, hindi man nakapag-aral si Cassandra
ngunit alam niya ang hirap ng kanilang buhay
kaya gayun na lamang ang lungkot nito sa
dinaranas ng kanilang buhay.

Tuwing gabi ay naiiyak nalamang si


Cassandra at winiwika ang mga katagang “o
dios es dificil ser bajo de una tierra”, bakit
kailangan maging ganito ang antas ng
pamumuhay namin, kawawa ang itay at inay
buong buhay na lamang bang ganito wika ni
Cassandra sa Diyos.

Samantala, papalapit na ang takdang


araw ng pag-uwi ng anak ni Don Lucas at
Donya Senia na si Jacinto galing italya, ang mga
pamilyang kasintaas ng langit ay inimbitahan ng
ng mag-asawa upang ipagdiwang ang pag-uwi
ng kanilang anak. Ipinatawag nga ang lahat ng
trabahador ng hacienda upang ipaalam ang
tungkol sa pag-uwi ng kanilang anak. Iniutos
nga ni Don Lucas sa lahat ng Trabahador nito na
maghanda ng magarbong handaan.

Inay sino ba yung darating na anak nila


Don lucas? ang tanong ni cassandara, si Jacinto
iyon anak, ang balita ko ipinagpatuloy niya ang
kanyang pag-aaral sa italya, ang huli kong
pagkakatanda si Jacinto ay inalagaan ko rin
noong siya ay bata pa lamang, matangos ang
ilong, may mapang-akit na mga mata,
magandang hugis na mga tenga at siyempre
kulay gatas na kutis, parang isang batang anghel
noong siya ay bata pa lamang, at siyempre
bilang may dugong bughaw bihira mo na
lamang siyang makikita lumabas noon wika ni
Luciana sa kanyang anak na si Cassandra.

Ang lahat nga trabahador sa hacienda ay


naghahanda na sapagkat dos días nalamang
bago sumapit ang takdang araw ng pag-uwi ni
Jacinto, ikinakabit ang mga magagarbong
palamuti, at inihahanda ang mga gamit para sa
handaan ng biglang dumating si Donya Senia,
Bilisan ninyo!! Ang kukupad ng mga galaw
ninyo, daig niyo pa ang pagong kung gumalaw
sayang lamang ang bawat centimo na
ibinabayad namin sa inyo, palamunin na nga
lang kayo hindi pa kayo umayos, dalawang araw
na lamang ang natitira, ang rami niyo pang hindi
natatapos wika niya na mistulang umuusok ang
ilong sa sobrang galit, si Donya Senia ay
kabaliktaran ng salitang anghel sapagkat taglay
niya ang pag-uugali ng demonyo, laging galit at
nag-aalipusta ng mga alipin dahil lamang sa
nakaangat ito sa kanyang buhay.

Samantala si Don Lucas naman ay


kabaliktaran ng kanyang asawa mabait at
mapagbigay, ngunit dahil sa kanyang asawa ay
nakakagawa siya ng mga maling desisyon,
katulad na lamang ng pag-imbita sa buong
baryo, gustuhin man ni Don Lucas ay ayaw
naman ni Donya Senia na ihalo ang kanyang
sarili sa kasing baba ng lupa, sapagkat ayon sa
kanya hindi man kailanman magiging
magkapantay ang langit at lupa.
Nagiging madalas ang pag-aaway ng
mag-asawa lalo na kung napag-uusapan ang
mga ipapamahaging lupa sa mga trabahador,
sapagkat ayaw ni Donya Senya na makaahon sa
hirap ang mga taong itinituring niyang kasing
baba ng lupa. “Hindi ako papayag lupa natin
iyon, at kailanman hinding hindi ako papayag na
ibagay mo sa kanila ang lupa Lucas”, ang
palaging banggit ni Donya Senia sa kanyang
asawa. Ngunit Desidido parin si Don Lucas na
Ipamahagi ang lupa sa mga trabahador bilang
pagtanaw na utang na loob at pagtupad sa
kanilang mga usapan.

Ika-anim ng setyembre, taong 1896,


isang araw bago ang pag-uwi ni Jacinto, ay
tinatapos at inihahanda na ang lahat ng
kinakailangan para sa selebrasyon na gagawin.
Naipamahagi na ang lahat ng imbitasyon para
sa mga bisitang dadalo, samantala pinayuhan ni
Donya Senia ng patago ang kanilang mga
trabahador na ilayo o idistansya ang kanilang
mga sarili sa mga bisita o invitado sapagkat
ayon sa kanya nakahihiya na makihalubilo ang
ang mga mahihirap sa mayayaman.
Hindi na lamang umimik ang mga
trabahador sa pagmamaliit ni Donya Senia sa
kanila, sapagkat iniisip nila kaunting panahon
na lamang ay makukuha na nila ang lupang
ipinangako ni Don Lucas para sa kanila.

Handa na nga ang lahat tanging pag-uwi


nalamang din ni Jacinto ang hinihintay, mula sa
pagkain, disensyo at mga palamuti at tila
maayos na samantalang si Cassandra dahil
unang pagkakataon ito sa kanya ay binagyan ito
ng masusuot ni Don Lucas, isang kulay pulang
damit na babagay sa mala rosas na kulay ng
kanyang labi at maitim na buhok. “ito isuot mo
Cassandra at humabilo ka bukas sa handaan at
magsaya” wika ni Don Lucas sa kanya.
“maraming salamat po!, Don Lucas” ang sagot
naman ni Cassandra sa kanya, ngunit hindi po
ba magagalit si Donya Senia kapag ito ay
kanyang malaman, dagdag pa ni cassandra, ako
na ang bahala tugon ni Don Lucas.

Labis nga ang saya ni Cassandra sa


handog na bigay ni Don Lucas, bakas sa
kanyang mga mata ang saya na sa wakas ay
makikita niya narin si Jacinto, agad-agad
naman itong ipinaalam ni Cassandra sa kanyang
mga magulang, at labis nga rin na ikinatuwa ni
tatay hudio at nanay Luciana ang kanilang
nalaman, “nagpasalamat ka sana anak sa
kabutihang loob ni Don Lucas” ang banggit ng
mag-asawa.

Isinukat nga ni cassandra ang damit na


binigay ni Don Luciano at mistulang
napanganga ang kanyang mga magulang ng
makita ang kanilang anak na sobrang ganda at
napawika pa ang mga ito ng “eres tan hermoso
hijo” siguradong makukluha mo ang atensyon
ng karamihan bukas anak sa taglay mong ganda
ay sigurado akong ang taglay mong ganda ang
mangingibabaw sa selebrasyon bukas daig mo
pa ang mga may dugong bughaw anak dagdag
pa ng mga ito.

Labis naman na ikinatuwa ni cassandra


ang puri ng kanyang magulang sa kanya,
“siyempre kanino ba ako magmamana edi sa
inyo tay at nay” wika pa ni Cassandra sa
kanyang magulang. Pagkatapos ay maaga ng
natulog ang buong pamilya, upang paghahanda
narin sa malaking selebrasyon kinabukasan.
Ang pagiging mababa o mahirap ay
hindi hadlang upang ngumiti at maging masaya
sa buhay yan ang paniniwala ng pamilya ni tatay
hudio. Ang buhay ng tao ay palaging may
pagpipilian maaring magpatuloy sa pagiging
malungkot sa iyong kapalaran o mas pipiliin
mong maging masaya sa kabila ng iyong
nararanasan katulad ni cassandra. Sa huli ito ay
isa paring desisyon na nakasalalay sa ating mga
kamay. Ngunit sa dikta ng panahon, susubukin
ang katatagan ng pamilya kung gaano sila
kalakas na harapin ang mga suliranin sa buhay.

Ikalawang kabanata:
ANG PAGBABALIK
Alas diyes pa lamang ng umaga ngunit
matirik na ang sikat ng araw. Nagsimula nang
muli ang mga tagapagsilbi sa paghahanda ng
mga makakain ang iba naman ay nililinis na
ang salas, ang maluwang na bakuran, maging
ang azotea dahil ito ang paboritong tambayan ng
anak ni Donya Senia. Si Donya Senia naman ay
naglilibot upang obserbahan kung tama ba ang
ginagawa ng mga tagapagsilbi. Masinop Kasi
ito at ayaw na ayaw niyang nakakakita ng kalat
o alikabok kaya naman puspusan ang paglilinis
ng mga tagapagsilbi. Habang abala ang lahat sa
paghahanda si Cassandra naman ay nagtungo
muna sa simbahan. Tuwing araw ng biyernes
ay nagpupunta siya rito. At ni minsan ay hindi
niya ito nakaligtaan sapagkat ito na lamang ang
natitirang alaala niya sa kanyang kaibigan. Si
Jose ay ang kanyang kaibigan mula pagkabata,
katatapos lang noon ng Misa nang mag-aya si
Jose na bumili ng paborito niyang kakaning
malagkit. Kaya naman Dali-dali nilang tinungo
ang bilihan nito, matapos nilang makabili ni
Cassandra ay tuwang-tuwa siya. Sa sobrang
kagalakan ay Hindi niya na napansin ang
kanyang dinaraanan , isang mabilis na sasakyan
ang nakabangga sa kanya . Ang pangyayaring
iyon na lamang ang naalala ni Cassandra, ang
pagdampot ng ambulancia at pagkakagulo ng
mga tao ang huli niyang nasaksihan bago siya
tuluyang nawalan ng malay. Mula noon ay wala
na siyang naging balita sa kaibigan ang sabi-
sabi lamang ay lumuwas na raw sila at nanatili
sa Maynila. Masakit na sa ganoong paraan sila
pinaghiwalay ng tadhana ng kanyang matalik na
kaibigan.
Dahil sa mga alaalang nabuo sa isipan ni
Cassandra ay hindi niya napansin ang
rumaragasang patakbo ng isang kalesa lulan nito
ang isang ginoo. Binibini! Ika'y tumabi ! Sigaw
ng isang Aleng nakakita Kay Cassandra . Sa
sigaw at bilis ng kalesa ay natumba siya at
nasapo ng lupa ang kanyang pang-upo.
Kamuntik-muntikan na siyang mahagip ng
kalesa mabuti na lamang ay narinig niya ang
sigaw ng ale at ang tanging masakit lang sa
kanya ay ang kanyang pwetan at siko. Sa
pagtayo niya ay sinikap niya na hindi
marumihan ang bigay na damit ng Don.

"Mang Nestor, anong nangyari bakit tayo


napatigil?" Tanong ng Ginoong nakasakay sa
likuran ng kalesa

"Senor, pasensya na mukhang nasobrahan ng


kain ang ating kabayo napabilis ang takbo niya
at muntik ng makabangga " wika ni Mang
Nestor.

"Nagmamadali pa naman ako dahil importante


ang pagsasalong magaganap mamaya" Ani ng
Ginoo
"Titignan ko lang po ang binibining muntik
mabangga at ako po ay hihingi ng tawad"
dagdag ni Mang Nestor.

"Buhay pa po ako, baka gusto niyo po


akong tignan at kumustahin, tanungin niyo kung
may galos o sugat ba akong natam- natigil ang
sinasabi ni Cassandra nang bumaba ang ginoong
sakay ng kalesa . Isang binatang nagtataglay ng
pambihirang kagwapuhan, nagtama ang mga
mata ni Cassandra at ng binatang iyon, biglang
napahawak si Cassandra sa kanyang puso ng
maramdaman niya ang biglaang pagpintig nito.

"Ayos ka lang ba binibini" Nag-aalalang tanong


ni Mang Nestor

Nagulat naman si Cassandra at bumalik sa


katinuan.

Nakitaan ni Cassandra ng kabaitan ang


kutsero base sa mukha nito kaya ang sagot na
lamang niya ay " Ayos lang po ako, sa susunod
ay mag-ingat na lang po siguro tayo manong"

"Maayos naman pala siya manong,


humayo na tayo at nagsasayang lang tayo ng
oras dito" hambog na sambit ng binata.
"Aba'y, bakit parang kasalanan ko pa?
Hoy Isa Kang hambog at bastos na ginoo, ako
na nga ang nagpakumbaba ganyan ka pa
umasta" sigaw ni Cassandra dahilan upang
mapalingon sa kanila ang ilan sa mga taong
napapadaan. Ngunit Hindi siya pinakinggan ng
binata at muli itong sumakay sa kalesa.

"Paciencia na talaga binibini, babawi na


lamang ako kapag nagkita tayong muli"
nahihiyang sambit ni Mang Nestor . At
sumunod na nga siya sa kanyang amo.

"Makisig ngunit hindi maginoo, mga


tipo ng lalaki na dapat Hindi ginugusto!" Naiinis
na sambit ni Cassandra sa kanyang sarili.

"O iha, bakit narito ka pa sa labas


magsisimula na ang misa" sambit ni Padre
Epifanio. Si Padre Epifanio at Cassandra Kasi
ay parang mag-ama sa loob ng simbahan
magaan ang loob nila sa isa't isa dahil mula
pagkabata ay palasimba na itong si Cassandra
na ikinatutuwa naman ng Padre. Pumasok na
nga sa simbahan si Cassandra at pagkatapos nito
ay umuwi na siya sa kanilang bahay
. "Natagalan ka yata anak" bungad ni Nay
Luciana. " Opo, inay may nangyari lang sa
daan" sagot naman ni Cassandra. " O siya
bilisan mo ang pagkilos dahil maya-maya
lamang ay magsisimula na ang pagtitipon"
dagdag pa ng Ina. Sinimulan na ngang maglagay
ng kolorete sa mukha ni Cassandra, ginamit niya
rin ang atsueteng pampapula ng labi na
pagmamay-ari ng kanyang ina. Pagkatapos ay
pinusod ang kanyang itim at mahabang buhok.

Pagkarating ni Cassandra sa mansyon ay agad


siyang nagtungo sa likod-bahay ng Don at
Donya dahil paborito niya ang parteng iyon ng
mansyon. Marami kasing mga halaman doon na
nakapagpapasaya ng kanyang puso . Mahilig
Kasi si Donya Senia sa mga halamang
mabubulaklak , karamihan pa nga rito ay galing
sa ibang bansa.

Sa kanyang pagmumuni-muni ay hindi


niya napansin ang Don na papalapit sa kanya. "
Ay palaka" gulat na sambit niya " " Ginawa mo
naman akong palaka iha" natatawang sambit ng
Don
"Paumanhin po, Don. magugulatin po
talaga ako" nahihiyang sambit ni Cassandra "
bakit pala narito ka pa magsisimula na mamaya
ang pagsasalo, magtungo ka na roon nang
makita mo na ang anak Kong si Jacinto" Nang-
aasar na sambit ng Don. " Opo, pupunta na nga
po sana ako nagpahangin lang po ako saglit" "
sagot naman ni Cassandra. " O siya sige mauna
na ako roon, kukunin ko lang ang mga alak na
iinumin mamaya ng mga bisita." Dagdag pa ng
Don.

Pumanhik na nga sa loob si Cassandra,


naroon na rin ang mga kasamahan nilang
tagapagsilbi sa hacienda. Isa Ito sa ikinaiinit ng
ulo ng Donya sapagkat ayaw niya sanang
makasalamuha ang mga tulad nilang
tagapagsilbi lamang, ngunit desisiyon ito ng
Don na imbitahan ang Ilan sa mga tagapagsilbi
sa pagsalubong sa pagbabalik ng anak nilang si
Jacinto.

Alas onse na ng gabi ngunit hindi pa rin


lumalabas ang anak ng Don at Donya kaya
naman inip na inip na si Cassandra. Nagugutom
at nauuhaw na rin siya kaya naman nang
makasalubong niya ang serbidor ng mga inumin
ay kumuha siya ng isang baso at agad niyang
tinungga. Nasarapan siya sa lasa ng kanyang
iniinom Hindi niya namamalayan na nakarami
na pala siya. Maya-maya lamang ay
nakaramdam na siya ng pagkahilo bagay na
ipinagtataka niya. Alak pala ang kanyang
nainom at hindi normal na inumin lamang.

"Buenas tardes a todos" bati ng Don "


Ako'y natutuwa at nagagalak dahil pinaunlakan
niyo ang aking imbitasyon sa pagdating ng
aking Unico hijo" Pagpapasimula ng Don."
Ngayon nga ay inyo ng masisilayan ang aking
Unico hijo na si Jacinto". Dagdag pa nito. Sa
gilid-gilid naman ay maraming mga binibini ang
nagbubulungan " Balita ko ay matipuno at
talaga namang makisig ang anak ng Don at
Donya" Mahina ngunit lantod na sambit ng
isang binibini. " Magsitigil nga kayo, ganyan ba
ang kilos ng isang binibini " pangaral naman ng
matandang katabi nila.

Habang si Cassandra naman ay wala na


ang isipan sa nagaganap dahil nahihilo at
nasusuka na siya saktong pagbaba ng anak ng
Don sa hagdanan ay siya namang karipas ng
takbo ni Cassandra sa Palikuran dahil hindi niya
na mapigilan ang kanyang sarili sa pagsusuka.
Samantalang si Jacinto naman ay lumapit na sa
mga bisitang mayayaman upang mangamusta,
naroon din ang Mayor ng kanilang bayan
kasama ang kanyang asawa na si Mayora
Gelliana at ang kaisa-isang anak nilang si
Celeste. Si Celeste ay kaibigan at kasama
niyang nag-aral sa italya. Maganda at may mga
bilugang mata si Celeste ngunit mayroon itong
ugaling maarte at matapobre mga katangian na
namana niya sa kanyang ama." Malapit na ang
Pista sa atin mabuti naman at nakasunod ka
kaagad Kay Celeste sa pag-uwi"Wika ng
Mayor. " Matagal na panahon na rin po akong
hindi nakauwi, ako'y nananabik sa mga pagkain
at tanawin dito sa atin Mayor" Ani ni Jacinto "
Parehas kayo ni Celeste, pagkauwing-pagkauwi
niya ay hinanap niya ang mga paborito niyang
pagkain" sambit ng Mayor. " Ang mga pagkain
sa italya ay ibang-iba kasi sa pagkain dito sa
Pilipinas Mayor" dagdag pa ni Jacinto. "
Pakawalan mo na si Jacinto nang siya ay
makapunta na sa iba pa niyang kaibigan" Ani
naman ng Mayora. "Ayos lang po" sagot naman
ni Jacinto.
Pagkatapos niyang makipag-usap sa
Mayor at Mayora ay nagtungo naman siya sa
banda nila kapitan Cezar at kapitana katrina .
Kilala ang mag-asawang Ito sapagkat sila ay
mababait at handang tumulong kahit kanino,
kasama naman nila ang kanilang anak na si
Sergio. Si Sergio ay Isa ring makisig na ginoo
matangkad at mabait pa ito. Sumama lamang
ang binata sapagkat nalaman niyang pupunta si
Cassandra, may lihim Kasi itong pagtingin sa
dalaga. Matagal niya na itong gusto ngunit hindi
niya ito maamin sapagkat siya'y naduduwag at
walang lakas para ipagsigawan na ito'y gusto
niya.

Pagkatapos magsuka ni Cassandra ay


muli siyang nagtungo sa hardin ng Donya
sapagkat ngayo'y naiinitan na siya at gusto
niyang makalanghap ng sariwang hangin.
Naiinitan Kasi siya sa loob ng Mansyon dahil sa
dami ng tao.Pagka-upo niya pa lamang sa
bangko nang may nahulog na pusa sa kanyang
hita galing ito sa itaas ng puno ng mangga.
Huhulihin niya na sana ito nang mabilis na
tumakbo papalayo ang pusa at mukhang papunta
Ito sa azotea.
Mabilis namang napagod si Jacinto dahil
sa dami ng bisita na kanyang kinausap kaya
naman napag-isipan niyang magpahinga muna.
Nagtungo Ito sa paborito niyang tambayan, ang
azotea. Marami ng nagbago sa kanilang bayan
iyon ang napansin ni Jacinto, nais ng kanyang
ama na mamalagi na lamang siya rito at
ipagpatuloy ang ginagawa ng kanyang ama.
Ngunit ang kagustuhan ng kanyang Ina ang
sinunod nito. Ang pag-aaral sa Italya. Malalim
ang kanyang iniisip ng biglang may isang
pusang lumapit sa kanya.

"Nasaan na kaya ang pusang 'yon


napakaganda ng mga balahibo napakalambot"
Ani ni Cassandra. Sinundan Kasi niya ang pusa
hanggang sa nakarating na Ito sa azotea " Hoy
pusa nasaan ka na? Magpakita ka naman oh"
sigaw nito. Sa pagsigaw ni Cassandra ay isang
sigaw rin ang kanyang narinig mukhang galing
ito sa dulo.

"Aaaaah pusa layuan mo ako" sigaw ni Jacinto


nang talunin siya nito, ayaw na ayaw Kasi nito
sa pusa , Sa lahat ng hayop ay pusa ang pinaka-
ayaw niya.
Nilapitan ni Cassandra ang sigaw na
narinig niya at naabutan niya nga ang Isang
Ginoo na tila ba'y takot na takot sa Isang pusa "
Isang Ginoo ang takot sa pusa? " Wika ni
Cassandra nang makita niya ang
naghihisteryong mukha ng binata." Sino ka?"
Ani ng binata. "Ikaw anong ngalan mo? Wika
nito habang tawang-tawa dahil sa naabutan niya.
"Hindi ba't ikaw 'yong babaeng
nagkukunwaring nasaktan kanina kahit hindi
naman talaga" sambit ng binata. Dahil sa sinabi
ng binata ay naalala ni Cassandra ang lalaking
hambog na nakasakay sa kalesa na muntik ng
makasagasa sa kanya. " Ah, naalala na rin kita
ikaw iyong Ginoo na walang modo, isang
hambog at walang pakialam sa kapwa!"
Nanggagalaiting sambit ni Cassandra. Nabuhay
muli ang pagkainis niya rito ng maalala niya
kung sino ito. "Hindi ako hambog, ang
pananalita mo'y napaghahalataang ika'y nasa
mababang antas lamang ng pamumuhay" sagot
naman ng binata" Hindi ka lang hambog, Isa ka
ring matapobreng pangi-- Hindi na naituloy ni
Cassandra ang sasabihin dahil may dumating na
tagapagsilbi.
"Senor Jacinto , pinapatawag ka po ng inyong
Ina may mahalaga raw po siyang sasabihin"
wika ng tagapagsilbi

Sumunod naman agad si Jacinto sa tagapagsilbi


samantalang naiwan namang gulat si Cassandra
dahil sa kanyang narinig.

"Siya si Senor Jacinto? Ang anak ng Don at


Donya na aking pinagsisilbihan?"

Ikatlong Kabanata
LIHIM NA PAGTINGIN
Harap sa kanan, harap sa kaliwa.
Pabaling-baling sa higaan si Cassandra dahil
hindi siya makatulog at parang nilalamon siya
ng kahihiyan. Nang malaman Kasi niya na ang
nakasumbatan niya kanina sa Mansyon ay ang
nag-iisang anak pala ng Don At Donya ay para
siyang nahulugan ng buko sa ulo sapagkat
nakalaban lang naman niya ang Unico Hijo ng
Don. " "Ngunit siya naman ang may
pagkakamali, dapat lang iyon sa kanya ngunit
anak iyon ng aming pinagsisilbihan"
naguguluhan ng sambit ni Cassandra sa sarili.
Sa sobrang pag-iisip tungkol dito ay
nakatulugan niya rin.

Kinabukasan, nagising si Cassandra sa


ingay ng kanyang ina. "Cassandra , gumising ka
na riyan at marami pa tayong gawain sa
Mansyon naroon pa man din si Senor Jacinto"
wika ni Nay Senya. " Inay, maari po ba akong
lumiban ngayon masama po Kasi ang aking
pakiramdam- palusot ni Cassandra. Hinawakan
naman ng kanyang Ina ang noo niya. " Hindi ka
naman mainit anak" sagot ni Nay Senya " Inay,
ngayon lamang po ito" pamimilit ni Cassandra.
" Hindi ka namang ganyan anak, bakit may
nangyari ba kagabi?" Tanong ni may Senya "
Wala po inay, sige po pupunta na ako" wika
nito. Naalala niya rin Kasing marami silang
gagawin ngayong araw at kawawa naman ang
kanyang Ina kung siya lamang ang gagawa ng
trabaho. Nagbihis rin ito kaagad at isinuot niya
ang kanyang lumang saya na kupas na, sa
katapusan pa Kasi niya makukuha ang kanyang
sahod at balak niyang bumili ng bagong, saya ,
pluma at papel bilang regalo na rin para sa
kanyang sarili. Dahil nalalapit na ang kanyang
kaarawan.
Araw ng Lunes, nabago ang
nakatakdang gawain ni Cassandra. Ayon sa
sinabi ng Mayor doma, sa Mansyon muna siya
maglilinis at tutulong rin sa pagluluto. Dahil sa
laki ng mansyon ay kinakailangan talaga ng
maraming tagapagsilbi. " Kung minamalas nga
naman, bakit ngayon pa ako naatasan dito" wika
ni Cassandra sa sarili . Balak niya kasing iwasan
si Senor Jacinto dahil nahihiya siya sa mga
sinabi niya rito. " Hindi ko naman siguro siya
makikita sapagkat maaaring siya ay abala sa
maraming bagay, ang antipatikong iyon
ginugulo ang aking isip!" Sambit nito habang
nagwawalis. " Sinong antipatiko? Ang bungad
ni Jacinto Kay Cassandra " Ay hambog" gulat
na sambit ni Cassandra. " Ang akala ko naman
ay nabibilang ka sa mga mayayaman dahil sa
magarbong kasuotan mo kagabi, ngunit Sabi ko
nga ang pananalita mo ay kilos ng mga dukha,
tama pala ako" Ani ni Jacinto. " Napakayabang
mo, ang inyong kayamanan ay hindi rin
nababagay sa iyo , mukha Kang bulkang
Pinatubo " naiinis ng sambit ni Cassandra "
Ganyan ba dapat ang trato mo sa iyong amo?"
Tanong naman ni Jacinto " Hindi, sa'yo lamang
sapagkat ikaw ay mayabang" sagot naman ni
Cassandra. "Hoy Cassandra, anong kailangan
mo sa anak ko?" Singit naman ni Donya Senya
nang Makita niya ang kanyang anak na kausap
ang Isa nilang tagapagsilbi. " Ah Wala po
Donya, napadaan lang po ako" kinakabahang
sambit ni Cassandra. "Totoo ba ang kanyang
sinasabi, Jacinto anak" tanong muli ni Donya. "
" Opo, Ina nakasalubong ko lamang siya at may
tinanong lang ako" pagsisinungaling naman ni
Jacinto sa kanyang Ina. " Kung maaari lang ay
iwasan mo ang mga katulad niya, hindi
maganda ang nag-uusap kayong dalawa, at ikaw
Cassandra doon ka nga lang sa lungga mo"
Masungit na sambit nito. " Huwag mong
pangarapin ang aking anak dahil kailan man ay
hindi ka niyan magugustuhan, Isa ka lamang
anak mahirap. Ang mga katulad niyo ay dapat
nagsisilbi lamang, kung mangarap kayo ay
dapat iyong naaabot niyo lang, kung may
maaabot kayo". Dagdag pa ng Donya. Masakit
talaga magsalita ang Donya wala siyang
pakialam kung may masaktan siya sa kanyang
sinasabi. Nang marinig ni Cassandra ang mga
sinabi ng Donya ay nahiya siya at nasaktan.
Paulit-ulit na ganito ang sermon ng Donya sa
tuwing nakikita niya ang kanyang mga
tagapagsilbi ngunit ngayon ay parang mas
masakit at mas malaman ang kanyang sinabi
bagay na nakapagpapasakit sa damdamin ni
Cassandra.

Itinuloy na lamang ni Cassandra ang


kanyang gawain pagkatapos ay nagtungo siya sa
Hardin." Matatapos din ang araw na ito
Cassandra, magtiis at habaan mo na lamang ang
iyong pasensya sa sinasabi ng Donya". Wika ni
Cassandra sa kanyang sarili. " Paborito mo
talaga ang Hardin" wika ni Sergio. Nagulat
naman ng kaonti si Cassandra dahil may
nagsalita sa kanyang likuran pagharap niya rito
ay nakita niya si Sergio. "Oy Sergio ikaw pala,
bakit ka naparito?" Tanong ni Cassandra. "
Inutusan ako ng aking Ina upang ibigay itong
mga sariwang bulaklak na pinitas niya kaninang
umaga ibigay ko raw ito sa Donya" wika ni
Sergio. " Napakaganda naman ng mga bulaklak
na iyan" sambit naman ni Cassandra. " Gusto
mo ba? Sa'yo na lamang itong tatlong tangkay
ng Rosas" Ani ni Jacinto. " Naku hindi naman
para sa'kin 'yan, ibigay mo na sa Donya upang
madesenyuhan niya na" sagot ni Cassandra. "
Ayaw mo talaga? O sige sa susunod ay sumama
ka na lang sa aming taniman ng mga bulaklak at
bibigyan Kita ng iba't ibang klaseng mabangong
bulaklak." Dagdag ni Jacinto. " Hindi na
nakahihiya naman Kay kapitana alam Kong
mahal ang mga iyan, wala akong pambayad".
Saad ni Cassandra. " Hindi mo naman iyon
babayaran at saka alam mo namang mapagbigay
ang aking Ina wala lang 'yon" pagkukumbimsi
ni Sergio. " O sige, sa araw ng linggo na lamang
dahil iyon ang araw ng walang trabaho" sagot
naman ni Cassandra. Tuwang-tuwa naman si
Sergio dahil sa pagpayag ni Cassandra.

Gabi na nang makauwi si Nay Luciana,


Cassandra, at Tay hudio. " Isang buwan na
lamang ang ating hihintayin at maibibigay na sa
atin ang pangakong lupa ng Don" natutuwang
balita ni Tay hudio sa kanyang mag-ina. "
Talaga itay? Naku sa wakas ay magkakaroon na
tayo ng sariling lupa, ay bigay na lupa pala"
Saad naman ni Cassandra " oo, kaya naman ay
pagbutihin pa natin Ang ating trabaho sapagkat
malaking biyaya iyon" wika naman ni Nay
Senia.

Kinaumagahan ay nagtungong muli si


Cassandra sa Mansyon, ang trabaho naman niya
sa araw na ito ay ang pagpapakain ng mga
manok, pato at itik. Masaya ang awra niya sa
araw na iyon dahil sa ibinalita ng kanyang ama
kagabi, napapakanta pa nga siya at napapasayaw
habang nagpapakain hinahabol habol niya rin
ang mga alaga.

Ngunit bigla siyang natigil nang parang


may napansing nakatingin sa kanya nilibot niya
ang kanyang paningin ngunit wala namang tao
"baka guni guni ko lamang" Saad naman nito.
Sa pagpapatuloy niya sa kanyang gawain ay
isang kalesa naman ang huminto sa tarangkahan
. " Maaari bang magtanong? Nasaan ang mga
Guardia personal ng haciendang ito? Tanong ng
isang matabang matanda Kay Cassandra. Hindi
Kasi sila makapasok dahil nakasara ang
tarangkahan . Lulan naman ng kalesa ang Isang
maganda at maputing binibini, sa tindig nito ay
mukhang anak mayaman. " Ah ano po bang
kailangan niyo? Tanong naman ni Cassandra. "
Buksan mo na lamang, mukhang Isa ka rin
namang tagapagsilbi rito" wika ng Matandang
lalaki. Agad namang binuksan ni Cassandra ang
tarangkahan dahil naaamoy niyang baka bisita
ito ng Donya. Gumalaw na nga ang kalesa
ngunit huminto Ito sa tapat niya. Sumilip naman
ang magandang binibini " Cual es tu nombre?"
(What is your name). Natahimik naman si
Cassandra dahil hindi niya alam ang kanyang
isasagot. Kaonti lang Kasi ang naiintindihan
niya sa wikang kastila. " Celeste.. mi sobrina no
pierdas El tiempo hablando con Indiyos"
(Celeste my niece, dont waste our time talking
with indyos).

Magsasalita pa sana ang binibini ngunit


pinatakbo na ng kutsero ang kalesa. Wala
namang nasabi si Cassandra dahil hindi niya
naman sila maintindihan ngunit base sa mga
ekspresyon sa mga mukha nila ay mukhang
hindi maganda ang kanilang sinabi.

Pinagpatuloy na lamang ni Cassandra


ang kanyang ginagawa pagkatapos ay nagtungo
na siya sa kusina sapagkat tutulong siya sa
pagluluto. " Cassandra, saan ka nanggaling?
Hindi mo ba alam na mayroon tayong bisita"
wika ng Mayor Doma. "Ah nagpakain lang po
ako ng mga alagang manok" sagot naman nito "
Bilisan mo ang pagkilos sapagkat nandyan na
ang mga bisita, malalagot tayo Kay Donya"
dagdag pa ng Mayor Doma. Sumunod naman
kaagad si Cassandra . Habang siya ay naghihiwa
ng mga gulay Hindi naman magkamayaw sa
paghahalo ng putahe ang iba pang tagapagsilbi.
Pagkatapos nilang makaluto ay oras na para
ihain ang mga pagkain sa malakihang lamesa. "
Cassandra, ikaw na magdala ng mga pagkain sa
lamesa sapagkat abala ang lahat" Ani ng Mayor
Doma " opo, sagot naman ni Cassandra. Isa-isa
na nga niyang inilagay ang mga putahe sa
lamesa. Pagbalik niya upang kumuha ulit ng
mga iba pang pagkain ay naroon na sa mga
upuan sila don, Donya, Jacinto, kaharap nila
ang matanda at magandang binibining nakausap
kanina ni Cassandra. Nakaramdam naman ng
Kaba si Cassandra dahil nakita niya ang binibini
ngunit mas kinabahan siya ng Makita niya si
Senor Jacinto na pormadong pormado at
makisig na nakaupo. " Bakit ko ba
nararamdaman ito Sabi niya sa kanyang isip. "
Cassandra, lagyan mo nga ang baso ko ng
inumin" utos ng Donya Kay Cassandra. Nagitla
naman siya dahil sa utos ng Donya, nilapitan
niya nga ito at nilagyan Ang kanyang baso. "
Lagyan mo na rin ang mga baso nila" utos muli
ng Donya. Nalagyan niya na ang lahat ng baso
maliban Kay Senor Jacinto . Lagyan niya na
kanyang baso nang mapatingin siya sa Kay
binibining Celeste, nakakunot ang mga noo at
umiirap ito kaya naman kinabahan pa Lalo si
Cassandra. Dahil ang mga tingin ni Cassandra
ay na Kay Celeste Hindi niya napansin na
napuno niya na ang baso ni Jacinto. Dahil sa
taranta ay natabig niya rin ang baso kaya
nahulog Ito. agad niya naman itong pinulot sa
pagpulot niya ay nasugatan ang kanyang kamay
at dumugo ito. Pupulutin niya pa Sana pa ang
ibang kapiraso ng baso nang pigilan siya ni
Jacinto. Hinawakan niya palapulsuhan ni
Cassandra at itinayo ito. "

Ikaapat na kabanata
LA PREOCUPACIÓN

Gulat at Hindi makapaniwalang mukha


ang makikita sa mukha ng Donya, Celeste at
tiyuhin nito. Samantalang ang Don naman ay
nangingiti. Sa kanyang isipan Kasi ay
nababagay ang anak niyang si Jacinto kay
Cassandra. Gusto niya ito para sa kanyang anak,
bukod sa mabait at masipag ay maganda pa ito.
Nang matauhan si Cassandra ay agad niyang
inalayo ang kamay sa Senor dahil hindi tama na
mag-alala ang senor sa kanya dahil Isa lamang
siyang utusan. " "Cassandra, ano iyang ginawa
mo" ? Nag-aalalang tanong naman ng Mayor
Doma. " Pasensya na po ako po'y nakabasag.
Saad naman ni Cassandra. " Hindi Kasi nag-
iingat asan ba Kasi ang utak mo! Ang mahal pa
naman ng basong iyan" pagalit na sambit ng
Donya. " Tama na nga iyan, Hindi naman niya
sinasadya" wika naman ng Don. " Patawarin
niyo po ako, babayaran ko na lamang po iyan sa
susunod na sweldo ko" naiiyak ng paliwanag ni
Cassandra. " Babayaran, kulang pa ang sweldo
mo para mabayaran 'yan!" Dagdag pa ng Donya.
" Tama na, nakahihiya sa ating bisita, kumalma
ka " pagpapakalma ng Don. Bigla namang
naalala ng Donya na may bisita pala sila kaya
naman tumahimik din ito. Nakangisi naman
Celeste habang pinapagalitan si Cassandra.
Pakiramdam niya Kasi ay may gusto ang
dalagang tagapagsilbi Kay Jacinto bagay na
kinaiinisan niya. May pagtingin Kasi ito sa
kanyang kaibigan ngunit hanggang kaibigan
lang talaga ang turing sa kanya ni Jacinto.
Minsan na nila itong napag-usapan." Ikaw ay
malapit sa akin, matagal na tayong magkasama
pinapahalagahan ko ang ating pagkakaibigan at
Isa pa itinuturing kitang parang kapatid kaya
ibaling mo na lang sa iba Ang iyong pagtingin
sa akin" Ito ang naalalang sibambit sa kanya ni
Jacinto nang siya ay umamin sa italya. Mapait
siyang napangiti nang maalala niya ito. Kaya
naman labis ang inis niya sa dalagang
tagapagsilbi dahil parang nakuha niya ang
atensyon ni Jacinto. " Bumalik ka na sa kusina
Cassandra ako na ang bahala rito" putol naman
ng Mayora sa usapan. Agad namang tumakbo
papalabas si Cassandra at nagtungo sa may
Hardin. Maliit lang ang kanyang sugat ngunit
patuloy Ito sa pagdurugo. "

"Ama, maaari po bang magpa-alam


upang lumabas saglit" tanong ni Jacinto sa ama.
" Ngunit Hindi ka pa tapos kumain anak at
narito pa Si Celeste" sumbat naman ng kanyang
Ina. " Mag-usap na lamang po kami mamaya ni
Celeste" sagot naman ni Jacinto at tuluyan na
nga itong lumabas, pumasok siya sa kanyang
silid at kinuha ang mga gamot at gamit sa sugat.
Tinungo niya ang Hardin at naabutan niya roon
si Cassandra na nakaupo sa upuang kahoy
napatigil siya saglit nang marinig na ito'y
humihikbi.
"Nakahihiya ang iyong ginawa
Cassandra, lalo ng magagalit sa'yo ang Donya"
sisi ni Cassandra sa kanyang sarili. Sisinghot -
singhot pa siya dahil naiiyak siya sa nangyari
kanina.

"Napakaliit lamang ng iyong sugat ngunit ito'y


iyo ng iniiyakan" wika ni Jacinto.

Gulat namang napalingon si Cassandra


dahil nasa kanyang likuran si Jacinto. Mas Lalo
pa siyang kinabahan ng biglang lumapit ito at
tinabihan siya sa kanyang upuan. Sabay kuha sa
kanyang kamay . " Ano ang iyong ginagawa?"
nagtatakang tanong ni Cassandra sabay layo ng
kanyang kamay. Muli naman itong Hinawakan
ni Jacinto at hinigpitan ang kapit. " Gagamutn
ko ang iyong sugat para hindi ka na umiyak pa"
nakangising saad ng Senor. " Bakit mo
gagamitin, at sinong may sabi sa'yo na umiiyak
ako dahil lang dito?" Sagot naman ng dalaga. "
Bakit Hindi ba? Tanong naman ni Jacinto. "
Hindi! Kaya kung maaari lang ay bumalik ka na
roon, bakit mo naman gagamutin ang kamay ng
isang utusan, isang hambog ang gagamot sa
aking kamay hindi ako naniniwala " tuloy tuloy
na Sabi ni Cassandra. " Bakit masama ba ang
gagawin ko? "Tanong ulit ni Jacinto. " Oo,
sapagkat hindi maaaring magdikit ang kamay ng
isang binata at dalaga" sagot ni Cassandra. "
Parang nahihimigan ko na gusto mong maging
magkasintahan tayo sa sagot mong iyan
binibini" malokong sambit ni Jacinto. " Wala
akong sinabing ganyan, anong balak mo sa akin
at bakit ganyan ang kinikilos mo ngayon" "
Wala akong balak" sagot nito at pinahiran niya
na nga ng gamot ang daliri ni Cassandra na
nasugatan. Kahit anong layo ni Cassandra sa
kanyang kamay ay pinipilit pa rin itong gamutin
ni Jacinto pagkatapos niyang malagyan ng
gamot at tela ang dalaga ay umalis na Ito nang
walang pasabi. Hindi naman alam ni Cassandra
kung ano ang maramdaman niya sa ginawang
iyon ng Senor.

"Hindi ko gusto ang inasal ni Jacinto


kaninang nasa hapagkainan tayo lucas maging
ikaw din" bungad ng Donya sa asawa . Kaaalis
lamang Kasi ng kanilang bisita kating-kati na
Ang Donya sa pagsasalita ngayon ay tinuloy
niya na ang hindi niya nasabi kanina. " Mabait
na bata iyon si Cassandra kaya tigilan mo na,
mga bata lang ang mga iyon kaya huwag mo ng
patulan pa" sagot ng Don . " Bata! Lucas
gumising ka nga, ang haliparot na 'yon nilalandi
ang anak natin! Pasigaw ng sagot ng Donya "
Hindi naman masama kung magkamabutihan o
magkagusto sila sa isa't isa Senia" sagot naman
ng Don. " Ikaw ay nahihibang na Lucas,
ipinapares mo ang ating anak sa hampaslupang
iyon! Mandiri ka nga sa sinasabi mo, ang mga
katulad nilang mahihirap ay hindi nababagay sa
atin" galit na sambit ng Donya. " Mahirap man o
mayaman kung sino man ang napupusuan ng
ating anak ay doon ako" sagot ng Don. Diring-
diri ang mukha ni Donya Senia sa naririnig sa
asawa. "Magbibigay ka na nga ng lupa pati ba
naman anak mo gusto mong ipamigay!
Mababaliw ako sa'yo Lucas "dagdag pa ng
Donya Bago umalis. Nasira na ang araw niya
dahil Kay Cassandra. Ang gusto Kasi ng Donya
para sa kanyang anak ay ang unica hija nila
Mayor Vondyo, ito ay si Celeste bukod sa
maganda ang dalaga ay mayaman din ang mga
ito bagay na bagay sa kanyang anak.

Pagkauwi ni Cassandra sa kanilang


tahanan ay sinalubong siya ng kanyang Ina. "
Anak, nabalitaan ko ang nangyari kanina sa
Mansyon, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang
tanong ng kanyang Ina. " Ayos lang po ako
inay, maliit na sugat lang ang aking natamo"
sagot naman ni Cassandra. " Sa susunod ay
mag-iingat ka anak upang hindi ka mapahamak"
"opo inay, sige po at magpapahinga muna ako".
Sagot ni Cassandra.

"Celeste, ano itong balita ng iyong


tiyuhin na may nagugustuhan na raw itong si
Jacinto?" Ito ang bungad ng Ama ni Celeste
pagkauwi niya. " Isang utusan lamang iyon ama
imposibleng magustuhan iyon ni Jacinto" sagot
naman nito. " Hanggang kailan mo ba
mapapaibig si Jacinto, nagsama na kayong
pareho sa italya ngunit hanggang ngayon ay
wala pa ring nangyayari. Malapit na ang halalan
tandaan mo, kailangan ko ang kapangyarihan at
kayamanan nila. " Ama, Mahal ko talaga si
Jacinto kaya pwede ba isantabi niyo ang mga
Plano niyong iyan" " Mahal mo pala eh, dapat
mapaibig mo siya iyon bang patay na patay siya
sa'yo. Ang kanyang Ina ay botong- boto sa'yo
Ang ama na lang niya ang problema,
magpakitang gilas ka Kasi sa Don na 'yon" "
Hindi niyo na ako kailangang turuan pa ama
alam ko na Ang ginagawa ko" naiinis ng sambit
ni Celeste. " Maghihintay ako" dagdag ng Don.
Kinabukasan araw ng linggo, Ito ang
araw na walang trabaho si Cassandra. Ngayon
niya rin makukuha ang sahod niya. " Sa wakas
ay makabibili na rin ako ng magandang
kasuotan na isuusot ko sa aking kaarawan"
masayang sambit nito . Nagtungo na nga siya sa
manyson upang kunin ang kanyang sahod.
Tuwang-tuwa siya dahil buo ang makukuha
niyang pera sa araw na ito. Iaabot na sa kanya
ang pera nang biglang dumating ang Donya . "
Bawasan mo ang kanyang sahod sapagkat may
babayaran siya sa akin" utos ng Donya sa
nagpapasahod. " Kung tutuusin ay wala pa
sanang matitira sa'yo sapagkat kulang pa ang
sahod mo sa basong nabasag mo noong
nakaraan. At dahil nasira ang araw ko sa'yo
noon ay mabawasan pa iyan " dagdag pa ng
Donya. Nanlulumong naglalakad si Cassandra
sapagkat ang inaasahan niyang pera ay barya na
lamang ang natira " kasalanan ko rin naman
Kasi, tama lang iyon pagpapagaan niya sa
kanyang loob. Sa paglalakad niya ay nakarating
na siya sa bayan, ngunit kahit nandito na siya ay
baka limang piraso na lamang ng kendi ang
mabibili ng kanyang pera. Dinaanan niyang
muli ang tindahan ng mga pluma at papel at
pinagmasdan na lang ang mga ito.

"Sergio, Hindi ba't nagpabili sa'yo ang


pinsan mong si Ernesto ng sapin sa paa" " Opo
Ina" sagot naman ni Sergio. Ika'y humayo na at
daanan mo na rin ang ipinatahi Kong damit sa
bayan" utos ni kapitana. Agad namang umalis si
Sergio at nagtungo na nga sa bayan pinuntahan
niya agad ang tindahan ng mga sapin sa paa at
isinunod ang patahian ng damit. Pagkaabot niya
ng bayad ay may napansin siya sa katapat ng
patahian . Nakita niya roon si Cassandra na
nakatitig sa mga pluma at papel ngunit mukhang
malungkot Ang mukha nito kaya agad naman
niya itong nilapitan. " Cassandra", tawag niya sa
dalaga ngunit hindi siya narinig nito. Kaya
naman ay kinalabit niya na lamang ito.
Napatingin naman sa kanya si Cassandra. "bakit
Ganyan na lamang ang titig mo sa mga pluma at
papel para hindi mo mapansin ang Isang tulad
ko "makahulugang sambit ni Sergio " "Pasensya
na Sergio, nagandahan lang Kasi ako" sagot
naman ni Cassandra. " Hindi ba't linggo ngayon,
ibig sabihin ay wala Kang trabaho diba ay may
napag-usapan tayo? Tanong ni Sergio. " "Oo, at
naalala ko pala na ngayon iyong pagpunta natin
sa inyo muntik ko ng makalimutan" sagot
naman ni Cassandra. " Ano tara na upang
makapamili pa tayo ng magandang bulaklak"
suhestiyon naman ni Sergio. " Sige tara na"
sang-ayon naman ni Cassandra.

Nagtungo na nga sila sa lupain nila


Sergio, malawak Kasi ang taniman nila ng mga
bulaklak. Ito rin Kasi ang Isa sa kanilang
negosyo. Mababango at magaganda ang
kanilang tanim na bulaklak. Sa pamimitas nila
ng mga bulaklak ay nakaabot sila hanggang sa
dulo. " Halika rito Cassandra amuyin mo ang
bulaklak na ito napakabango" anyaya ni Sergio
Kay Cassandra. Lumapit naman si Cassandra at
inamoy nga ito " Mabango nga ito" Saad ni
Cassandra nasa ganoong silang sitwasyon nang
makarinig sila ng ingay.

Ikalimang Kabanata
BESO EN MEDIO DEL LAGO

"Jacinto, kausapin mo si Celeste hindi


maganda ang nangyari sa hapag noong isang
araw" wika ng Donya Kay Jacinto. " Wala
naman pong Mali sa ginawa at nangyari
kahapon ina".sagot naman ni Jacinto. Inutuusan
Kasi siya ng kanyang Ina na kausapin si Celeste
upang humingi ng tawad dahil sa pag-alis ni
Jacinto kahit hindi pa ito tapos kumain. " Anong
wala, umalis ka at sinundan si Cassandra akala
mo siguro ay hindi ko 'yon malalaman" wika ng
Donya. Dahil doon ay napilitan na si Jacinto na
puntahan si Celeste. " Sa taniman ng bulaklak
nila kapitan na lamang kayo Pumunta ni Celeste
kunin mo na rin tuloy ang bulaklak na binili ko
sa kanya" utos ng Donya Kay Jacinto.

"Saan ka pupunta Celeste? " Tanong ng


Mayor Kay Celeste. "Susunduin ako ni Jacinto
mamaya ama, lalabas daw kami" sagot naman ni
Celeste. " Ayan ang gusto ko sige ipagpatuloy
niyo lang" Saad pa ng Mayor.

Hindi na pinansin ni Celeste ang sinabi


ng kanyang ama. " Saan tayo magtutungo?
Tanong ni Celeste nang makita na si Jacinto sa
harap ng kanilang Mansyon. " Doon na lang
tayo sa taniman ng mga bulaklak nila kapitan. "
Ah sigee" pilit na Saad ni Celeste. Ayaw Kasi ni
Celeste ang mga bulaklak , ang pang-amoy niya
sa mga ganito ay mabaho. Ngunit dahil doon
gusto pumunta ni Jacinto ay sasama na lamang
siya. Nang makarating na nga sila sa bungad ay

Kinausap na nga ni Jacinto si Celeste. "


Pasensya na pala sa nangyari noong isang araw"
Saad ni Jacinto . " Ano ka ba ayos lang naman,
oo nga pala kilala mo ba ang tagapagsilbing
iyon" tanong ni Celeste. " Hindi pa gaanon,
ngayon ko lamang siya nakilala" sagot naman ni
Jacinto . " Layuan mo ang mga katulad niya
pakiramdam ko ay may balak siya sa'yo tandaan
mo Isa lamang siyang anak ng mahirap." "
Parang ikaw ang anak ng aking Ina, pareho kayo
ng pananaw sa mga mahihirap" Saad ni Jacinto.
Napahiya si Celeste sa sinabi ni Jacinto parang
ang sinasabi nito'y pangit ang kanyang ugali
dahil ganoon ang kanyang ina kaya naman para
maiwala niya ang hiyang nararamdaman ay
ibinaling niya Ito sa bulaklak " Ang bango
naman nitong bulaklak" pagsisinungaling niya.
Sa pagsinghot niya sa bulaklak ay may ilang
langgam ang kumagat sa kanyang ilong. Kaya
naman napahiyaw siya. " ahh aray langgam "
sigaw nito. Nilapitan namam siya ni Jacinto at
hinawakan ang parteng kinagat ng langgam.
Sinundan nga ni Cassandra at Sergio ang
ingay na kanilang narinig at nagulat sila nang
Boses pala ni Celeste iyon. " Nandito rin pala
kayo" wika ni Sergio. Napatingin naman ang
dalawa at natigil ang pagtingin sa ilong ni
Celeste " Oo, inaya ako ni Jacinto na lumabas at
dito niya napagpasyahan na Pumunta" ngiting-
ngiting saad ni Celeste. Nakita niya Kasi si
Cassandra at nasulyapan niyang tumitingin si
Jacinto rito. " Kukunin ko lang ang binili ni Ina
na bulaklak Kay kapitana" sambit naman ni
Jacinto. Hindi naman maintindihan ni Cassandra
kung bakit may kirot sa puso niya nang makita
sina Jacinto at Celeste na magkasama lalo na
nang magakalapit sila. Magsasalita pa sana si
Sergio ngunit biglang pumatak ang ulan. " Aaay
Mababasa na tayo bilis, tayo'y sumilong na "
sigaw ni Celeste . Napatingala naman si
Cassandra sa kalangitan at agad sumilay ang
mga ngiti sa kanyang labi. Gustong-gusto nya
Kasi ang ulan. " Cassandra ika'y magkakasakit
sa ginagawa mo halika na at tayo'y sumilong
na" nag-aalala namang sambit ni Sergio sabay
Hila niya ng kamay ni Cassandra . Sa isang
Kubo sila sumilong mabuti na lamang dahil
nakarating na sila doon bago pa tuluyang
lumakas ang ulan. Nagkunwari namang
nababahing si Celeste dahil gusto niyang
maibigay sa kanya ang dyaket na suot ni
Jacinto. Balak na Kasing ilagay ni Jacinto ang
kanyang dyaket sa balikat ni Cassandra ngunit
hindi niya ito tinuloy at ibinigay na lamang ang
dyaket kay Celeste dahil siya nga ng
nababahing. Hindi naman mapigilan ni
Cassandra na mapatitig sa buhok ni Jacinto na
medyo basa. Mas lalong tumingkad ang kulay
brown na buhok nito. Napansin naman ni Sergio
ang mga tinginang iyon ni Cassandra. " Ako'y
magpapatawag ng kalesa sa bahay na susundo
sa atin dito" sambit ni Jacinto. " Mabuti pa nga,
nang maihatid mo na si Celeste at Cassandra".
Wika naman ni Sergio. " Hindi na, hihintayin ko
na lamang tumila ang ulan " Saad naman ni
Cassandra. " Sumabay ka na sa amin baka
magabihan ka kung maghintay ka pa rito"
suhestiyon naman ni Jacinto. " Hindi na, ayos
lang talaga ako Se-senor" dagdag pa ni
Cassandra. " Hindi ka na maihahatid ni Sergio
marami pa siyang gawain" Sambit muli ni
Jacinto. " Hindi naman, maihahatid ko rin siya
'yon nga lang ay baka magkasakit siya kung
hindi pa siya makakapagbihis" sagot naman ni
Sergio. Sa huli ay sumama rin si Cassandra
dahil ayaw niya ng maabala pa si Sergio.
Palihim namang naiinis si Celeste dahil
makakasama nila si Cassandra. Dumating na
nga ang kalesa, agad namang umupo sa gitna si
Celeste upang hindi magtabi si Jacinto at
Cassandra. " Ihatid na lang muna natin si
Cassandra baka nag-aalala na ang kanyang Ina"
suhestiyon ni Celeste. " Ang tahanan niyo ang
unang madadaanan natin Celeste kaya ikaw ang
unang bababa" wika naman ni Jacinto. Wala
namang nagawa si Celeste dahil tama nga
naman si Jacinto. Nang makababa na si Celeste
ay nakataas na ang kanyang isang kilay dahil
naiinis ito. Pagkatapos maihatid si Celeste ay
naiwan ang dalawa sa loob ng kalesa . Halos
Hindi na huminga si Cassandra " Ayos ka lang
ba? Ikaw ba'y nilalamig " biglang tanong ni
Jacinto Kay Cassandra. " Ayos lang ako onting
ambon lang 'yon" " akala ko naman ay kahit sa
onting ambon ay giniginaw ka parang sa maliit
na sugat na iyong natamo noong nakaraan"
nanlolokong wika ni Jacinto. " Bakit nga pala
kasama mo si Sergio?" Tanong pa nito. " Bakit
mo naman tinatanong, Wala ka ng kinalaman
doon" sagot naman ni Cassandra. " Natahimik
naman bigla si Jacinto. Nagkaroong tuloy ng
ilang sa pagitan nilang dalawa. "Batid kong
naiinis at galit ka pa rin sa akin dahil sa asal ko
noong una nating pagkikita at nang sumunod
pa" biglang sambit ni Jacinto kaya naman
nagulat si Cassandra. " Ganoon Kasi ako sa mga
hindi ko pa kilala, hindi ko pinapakita ang tunay
Kong ugali, dahil minsan na akong naloko nang
ipinakita ko ang tunay na ako" dagdag pa nito.
Nagulat na lamang si Cassandra dahil
nagbabahagi naman na sa kanya ang Senor. " Eh
bakit sa akin mo ipinakita ganoong asal mo,
dahil ba sa mahirap ako? Ang ibig mong sabihin
ay Hindi ako mapagkakatiwalaan kaya ganun
mo na lamang ako tratuhin?" " Hindi naman sa
ganoon, natutuwa Kasi ako sa'yo lalo na ngayon
nalaman mo na rin na anak ako ng Don at
Donya ngunit tignan mo naman kung paano mo
rin ako tratuhin Hindi ba dapat ay tinatawag mo
akong Senor?" Natatawang sambit ni Jacinto .
Napatitig naman si Cassandra Kay Jacinto dahil
ito lang ang pagkakataon na nakita niya itong
ngumiti at tumawa. " "Kalimutan mo na sana
ang inasal ko sa'yo nang una tayong nagkita,
ako'y humhingi ng tawad binibini" ? Seryosong
sambit ng Senor. Pinamulaan naman ang mga
pisngi ni Cassandra nang marinig niya ang
salitang binibini galing Kay Jacinto.

"Narito na po tayo Senor" sambit naman ng


kutsero. Umuwi tuloy na naguguluhan si
Cassandra dumagdag pa ang puso niyang kanina
ka pa kumakabog. " Huwag mong sabihing
nagugustuhan mo na ang Senor?" Wika niya sa
kanyang sarili " ako'y mababaliw, hindi ito
maaari! Dagdag pa niya. " Ano ang hindi maaari
anak? Tanong naman ng kanyang ama na kanina
pa pala nasa sala. " Ah Wala po itay namali lang
po kayo ng rinig" palusot nito.

Kinabukasan, maagang nagising si


Cassandra dahil lunes nanaman. Marami
nanaman ang naghihintay sa kanyang trabaho.
Habang naglalakad siya papuntang Mansyon ay
nadaanan niya ang mga dalagang may
magagandang kasuotan mukhang galing sa mga
eskwelahan. Pinagarap niya rin ang makapag-
aral ngunit hindi niya ito naipagpatuloy dahil
nga sa kahirapan. Gustong-gusto niyang aralin
ang wikang kastila dahil nagnanais siyang
makapunta ng Espanya balang araw. Ngunit
parang malabo na iyon sapagkat pinanganak
siyang mahirap at tila hindi naman sila umuusad
sa buhay. Nang marating niya ang Mansyon ay
kaagad niyang kinuha ang pandilig at sinimulan
na niyang diligan ang mga halaman. Umaawit-
awit pa siya ng biglang nasa likuran niya na si
Jacinto nagulat ito kaya naman naitutok niya sa
Senor ang hawak na gomang pandilig nabasa ito
kasama na ang relong suot. " Pasensya na bakit
Kasi nariyan ka, ayan tuloy" "Nabasa mo na
ako pati ang mamahalin Kong relo" biro ni
Jacinto. Nag-alala naman si Cassandra dahil
alam niyang lahat ng gamit ng Senor ay
mamahalin. " Patawarin niyo po ako Senor,
patawad po. Gagawin ko ang lahat para lamang
mapatawad niyo ako. basta serbisyo lamang
dahil wala akong pera" naiiyak na sambit ni
Cassandra. Nagpipigil naman ng ngiti si Jacinto
" Sige, kung iyan ang gusto mo, ganito
mamayang alas singko magkita tayo sa labas ng
mansyon at may ipapagawa ako sa'yo. Kahit
kinakabahan si Cassandra ay pumayag na
lamang siya.

Dumating na nga ang oras na napag-


usapan ni Jacinto at Cassandra. Nasa labas na si
Cassandra hinihintay na lamang niya si Jacinto.
Kinakabahan ma'y sumunod na lamang siya.
Kung ano-ano na ang pumapasok sa kanyan
isip. " Ibenta niya kaya ako sa bahay aliwan?
Papatayin o kaya ay kakatayin? Sabi ng isip pa
nito. Narito ka na pala, mukhang nasasabik ka
ah" Saad ni Jacinto. " Ano bang ipapagawa mo,
bilisan na lang natin pweede ba" naiinip na
nitong sambit. "Pwede ba? Parang may kulang
binibini? Sambit ni Jacinto. " Pwede po ba
Senorr" pag-ulit naman ni Cassandra. Natatakot
na si Cassandra nang makitang hindi na
pamilyar ang dinaraanan nila. Patungo sila sa
lawa ng cebera, ang lawang ito ay maganda
ngunit kakaonti lamang ang taong nakakapunta
dito dahil tago ang lawa na ito. May bangka sa
gilid nito nauna namang sumakay si Jacinto
pagkatapos ay iniabot ang kamay Kay
Cassandra ayaw pa sana itong abutin ni
Cassandra ngunit tinakot siya ni Jacinto. "
Abutin mo na kung ayaw mong iwan Kita rito"
sinimulan nang magsagwan ni Jacinto at
ipinunta ang bangka sa gitna. Maganda ang
tanawin sapagkat papalubog na ang araw .
Tuwang-tuwa naman si Cassandra sa kanyang
nakikita nang mapansing nakatitig sa kanya si
Jacinto . Nakangiti ito at parang may ibig
sabihin. Umiwas naman ng tingin si Cassandra
tumingin siya sa kanyang likuran " Ano ang
iyong ipapagawa, Ang kupad mo naman ako pa
naman ay handa n-" Hindi na natuloy ni
Cassandra ang kanyang sasabihin dahil
pagharap niya ay nakalapit na sa kanya si
Jacinto ilang pulgada na lamang ang pagitan ng
mukha nilang dalawa. " Handa ka na ba? Nais
ko sanang magpakilala gusto Kong Ito ang
maalala mo kapag tinanong Ka nila kung paano
tayo nagkakilala" banayad na wika ni Jacinto.
Halos maduling na si Cassandra dahil sa lapit ng
kanilang mukha. Hindi niya rin maintindihan
Ang kanyang sarili kung bakit hindi niya ito
kayang iwasan o pigilan. Mi nombre es Jacinto (
My name is Jacinto) nagagalak akong makilala
ka binibining Cassandra. Pagkatapos ay dahan
dahan niyang Hinawakan sa baywang si
Cassandra at unti-unti niyang inilapit ang
mukha. Puno man ng Kaba mas nangibabaw ang
kakaibang nararamdaman nila. Dahan dahang
ipinikit ni Cassandra ang kanyang mga mata at
mainit na sinalubong ang pagdampi ng labi ni
Jacinto. Doon niya na napagtanto na umiibig na
siya sa Binata.
Ikaanim na Kabanata
ANG HINDI PAGSIPOT

"Hindi maaaring ang dukha na iyon ang


magugustuhan ni Jacinto! Hindi maaari!"
Sambit ng nagwawalang si Celeste. Nalaman
Kasi niya ang lihim na pagkikita ni Jacinto at
Cassandra sa lawa ng cebera. " Ama, anong
gagawin natin ? Hindi pwedeng mapunta sa
babae na 'yon si Jacinto, ako lang dapat , ako
lang! Dagdag pa nito. " Kumalma ka hija, "
wika naman ng kanyang ama. " Paano ako
kakalma, narinig ko rin ang usapan ni Jacinto at
nang kanyang ama umamin si Jacinto na gusto
niya si Cassandra" " Ano Tama ba ang narinig
ko " sigaw naman ng Mayor. " Oo ! At
suportado pa ng Don si Jacinto dahil balak ni
Jacinto na Pakasalan si Cassandra pagdating ng
panahon" " Huwag Kang mag-alala anak ako na
ang bahala" pagpapagaan naman ng loob ng
Mayor sa anak.

"Ano? May relasyon ang ating anak sa


hampas lupang iyon!" Galit namang bungad ng
Donya sa kanyang asawa. " Tigilan mo na ang
pangmamaliit mo sa kanila pwede ba, hayaan
mong piliin ng anak mo kung saan siya sasaya"
wika ng Don. "Paano naman akong Ina niya,
Hindi ako matutuwa kailan man. Sasayangin
niya ang kanyang buhay sa babaeng iyon!
Sigaw ng Donya. "Hindi na rin ako natutuwa sa
ganyang pag-uugali mo Senia" sigaw na rin ng
Mayor. " Bukas na bukas ay Papabalikin ko na
sa italya si Jacinto, malaya Kang ipamigay ang
mga lupain natin pero hindi na makakabalik dito
ang anak mo" " Anong kinalaman ng lupa?
matagal ko ng plano ang pamimigay ng lupa
kaya tigilan mo ako sumasakit ang ulo ko sa'yo
Senia! Pagalit na sigaw ng Don. " Hindi ako
nagbibiro, alam mo kung anong kaya Kong
gawin Lucas"

Kinabukasan ay nagpatawag ang kanang


kamay ng Don. Isang masamang balita ang
natanggap nila. Hindi na makakatanggap ng
lupa ang mga naninilbihan sa kanila. Ngunit
pasikretong nagbigay ng pera ang Don sa mga
ito. Kahit papaano'y natuwa pa rin naman sila
'yon nga lang mas maganda sana kung lupa ang
matanggap nila. Kasali rito ang pamilya nila
Cassandra . Ngunit naiintindihan naman ito ng
ama ni Cassandra nakapag-usap rin sila ng Don.
Ikwenento naman nang Don ang dahilan nito
kung bakit hindi na niya maibibigay ang lupa.
Silang dalawa lang ang nag-usap ng araw na
iyon. "Hindi ko muna maibibigay sa'yo ang
pangako kong lupa sapagkat tinakot ako ng
aking asawa, alam mo naman kung ano
nagagawa ng aking asawa kapag hindi ko siya
sinunod" pagpapaliwanag ng Don.
"Naiintindihan ko 'yon Don, at ayos lang naman
po sa'kin hindi po masakit ang aking kalooban"
tugon naman ni Tay Hudio. "Kaya sa'yo ako eh
hayaan mo , ang kabaitan mong iyan ay
magbubunga rin balang araw" wika ng Don.

Nang gabing makauwi sina Jacinto at


Cassandra ay halos walang umimik parehas
silang naiilang sa isa't isa. " Hindi ko mawari
kung totoo ba ang nangyari o likha lang ng
aking malawak na imahinasyon? Tanong ni
Cassandra sa kanyang sarili. Parang mababaliw
na siya at hindi malaman ang kanyang gagawin.
Habang naghuhugas siya sa likod ng kanilang
bahay ay may ingay siyang naririnig mula sa
labas. Laking gulat niya ng makitang si Jacinto
ito. " Anong ginagawa mo rito" tanong ni
Cassandra " May hindi ako nasabi nang
nagpunta tayo sa lawa cebera" sagot naman ni
Jacinto. " Ano iyon at bakit ngayong gabi mo pa
naisipang sabihin" " "Gusto ko lang klaruhin
ang nangyari doon" dagdag ni Jacinto. Muli
namang kumabog ang puso ni Cassandra. "Me
gustas( I like you)" ano? Hindi Kita
maintindihan " nalilitong sambit ni Cassandra. "
Hindi ako marunong sa wikang kastila Ilan
lamang ang alam ko at iyon ay naririnig ko
lamang" pagpapaliwanag pa nito. " Nang gabing
iyon, alam Kong nagulat Kita pero hindi naman
ako nagsisisi sa aking ginawa kaya Hindi ako
hihingi ng tawad pero kung hindi mo
nagustuhan ang biglaang paghalik ko sa'yo ay
tatanggapin ko kung sasampalin mo ako o
kaiinisan mo ako" mahabang paliwanag ni
Jacinto." Tú también me gustas" sambit ni
Cassandra . Gulat namang napatingin si Jacinto
Kay Cassandra. " Tama ba ang narinig ko?
Tanong ni Jacinto. Isang ngiti lang ang naging
tugon ni Cassandra. " Ang akala ko ay Hindi ka
marunong sa wikang kastila" tanong ni Jacinto.
" Nagpaturo ako Kay Sergio" sagot naman ni
Cassandra.

"Sergio, hindi ba ay marunong ka rin sa


wikang kastila? Tanong ni Cassandra Kay
Sergio nang minsan silang nagsama. " Oo, bakit
nais mo bang matuto? Tanong naman ni Sergio.
"Oo, gusto ko talagang matuto dahil pangarap
Kong makapunta sa Espanya" paliwanag naman
ni Cassandra. Tinuruan nga ni Sergio si
Cassandra ng mga simpleng salitang kastila.
"Cassandra, Me gustas" sambit ni Sergio habang
nag-aaral sila. " Ano iyon" tanong ni Cassandra
" gusto Kita" tugon naman ni Sergio. " A-ano
ako gusto mo? " Gulat na tanong ni Cassandra "
Salitang kastila iyon ng gusto Kita ikaw talaga"
Ang totoo niyan ay iyon talaga ang gusto niyang
sabihin Kay Cassandra ngunit Wala talaga
siyang lakas ng loob. " Ano naman isasagot ko
kung sasabihin Kong gusto rin kita?" " Ah eh
ano ,Tú también me gustas" sagot ni Sergio. "
Sergio, Tú también me gustas" sambit ni
Cassandra. Hinihiling ni Jacinto na Sana ay
totoo na lamang ang sinabi ng dalaga.

"Ganito ang gagawin niyo, papasukin


niyo ang Mansyon at lalagyan niyo ng
pampatulog ang inumin ng Don. Kayo na ang
bahala kung paano niyo siya matutuluyang
mawala. Sambit ng isang matandang lalaki.

Hindi naman maalis sa isip ni Cassandra


ang nangyaring pag-aaminan ng nararamdaman
nila ni Jacinto. Hindi niya pa ito kasintahan
ngunit balak niya itong sagutin sa kanyang
kaarawan. Para doble ang ipagdidiwang nila.
"Linggo ang araw ng aking kaarawan, magkita
tayo sa lawa ng cebera at may maganda akong
surpresa" sambit ni Cassandra Kay Jacinto nang
muli silang magkita. "Hindi na ako
makapaghintay sa sorpresang iyan" Saad naman
ni Jacinto. "Hindi ba't ako ang dapat na
mangsurpresa sa'yo? Bakit ako ang iyong
susurpresahin?" Tanong muli ni Jacinto. " Basta
maghihintay ako, hihintayin Kita" wika ni
Cassandra.

Dahil nalaman ni Jacinto ang kaarawan


ni Cassandra ay inalam niya rin kung ano ang
paborito nito. Napag-alaman niyang gusto-gusto
nito ang pluma at papel idagdag na rin ang saya
na matagal niya ng pinagmamasdan. Nang araw
ding iyon ay binili niya na ang lahat ng gusto ni
Cassandra. Bumili rin siya ng isang kwintas na
may disenyong araw.

Araw ng sabado ang lahat ay abala sa


pagtratrabaho . Ilang araw na ring umuulan
dahil parang may bagyong paparating.
"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?"
tanong ng Donya sa Don. Dahil ilang araw na
Kasi itong hindi pinapansin ng asawa. " Bakit pa
ako magsasalita, bakit kailangan mo pa akong
kausapin kung hindi mo naman ako
pinapakinggan" saad ng Don. " Ano namang
kaartehan 'yan Lucas? "Sarili mo lamang ang
pinakikinggan mo ni minsan ay hindi mo
pinansin ang nararamdaman ko" nagtatampong
saad ng Don. "Anong Hindi? Hay naku kung
ano ano na lamang ang napapanood mo sa
telebisyon at kung magdrama ka ay parang isa
kang artisa" naiinis na sambit ng Donya. "Hindi
mo naman Kasi ako talagang mahal kaya
ganyan ang trato mo sa'kin" malungkot na
sambit ng Don. Magsasalita pa sana ang Donya
nang bigla siyang iwan ng Don.

Pero totoo naman ang sinabi ng Don


hindi talaga siya minahal ng Donya noong una
ngunit habang tumatagal ay nahulog din ang
loob ni Donya Senia sa Don lalo na nang
dumating sa kanila si Jacinto.

Linggo, kaarawan na ni Cassandra.


Masayang-masaya ang gising niya sapagkat
nadagdagan nanaman ang kanyang edad, siya
ngayon ay dalawampu't isang taong gulang na.
At Ito rin ang araw na sasagutin niya si Jacinto
kaya naman ay sabik-sabik siya sa araw na ito.

Maaga ring nagising ang kanyang Ina


sapagkat magluluto siya ng handa ni Cassandra.
Nag-imbita Kasi ang tay hudio sa mga
kapitbahay nila. Pinag-ipunan talaga nila ang
panghanda ni Cassandra dahil minsan lang ito
magdiwang. Bago sila magtanghalian ay
nagtungo muna silang tatlo sa simbahan upang
dumalo sa misa at magpasalamat na rin. Nang
matapos ang misa ay umuwi na rin sila dahil
naghihintay na ang kanilang mga bisita. Masaya
ang lahat habang kumakain ng samu't saring
pagkain na inihanda ni Nay Luciana. Nabusog
naman ang lahat . Pagkatapos kumain ay
nagpahinga lang saglit si Cassandra . Mabilis
lamang ang oras kaya naman nang makita ni
Cassandra ang oras ay nagmadali na siyang
mag-ayos at tumungo sa lawa ng Cebera.

Pagkarating niya roon ay umupo siya sa


bangka, sa wakas ay magiging kasintahan niya
na si Jacinto. Nagustuhan niya si Jacinto
sapagkat nakitaan niya Ito ng kabutihan at hindi
lamang iyon basta niya na lang itong
naramdaman. Inayos na rin niya ang mga
pagkaing Dala dahil balak niyang doon sila
kumain habang nanonood ng paglubog ng araw.
Lumipas ang ilang Segundo, minuto at oras ay
wala pa rin si Jacinto. Ang papalubog na araw
ay tuluyan na ring nawala naging madilim na
ang paligid liwanag na lamang galing sa buwan
ang tanging nakikita . Sa pagkakataong iyon
nawalan na ng sigla at gana si Cassandra .
Ngunit naghintay pa siya ng Isa hanggang sa
tatlong oras ngunit walang Jacinto ang
nagpakita. Akmang aalis na siya ng makakita
siya ng aninong tumatakbo papalapit sa kanya.
Nagbabakasakali siyang si Jacinto ito ngunit ang
dumating ay si Sergio. "Cassandra, si Jacinto!

Ikapitong Kabanata
ANG HULING PAGKIKITA

"Cassandra,si Jacinto! Sigaw ni Sergio habang


hapong-hapo dahil sa layo ng tinakbo niya.

"Bakit, anong nangyari Sergio?


Kinakabahang tanong ni Cassandra. " Si Don
Lucas, Wala na! Saad ni Sergio " Ano? Gulat na
tanong naman ni Cassandra. " At ang masama
pa rito, ang iyong Itay ang itinuturo nilang
gumawa rito" kwento pa ni Sergio " Ang itay?
Hindi niya 'yon magagawa Sergio" naiiyak nang
sambit ni Cassandra. " Pero may mga pruweba
silang inilabas" dagdag pa nito . " Kailangan
Kong makita ang itay, kumusta ang aking inay
Sergio? Humihikbi ng tanong ni Cassandra. "
Huwag Kang mabibigla Cassandra, nawalan ng
malay ang iyong Inay kanina nang malamang
niya ang tungkol sa Don at sa iyong Itay" "
Kung gayon, bilisan natin dalhin mo ako sa
kanila Sergio" nagmamadaling utos ni
Cassandra. " Ngunit baka ikaw ang mapahamak,
pinapahanap ka kanina ng Donya. Idadamay
kayo non panigurado " natatakot na sagot ni
Sergio. " Wala na akong pakialam Sergio, ang
gusto ko lamang ay madamayan ang aking inay
at itay dalhin mo na ako roon Sergio parang awa
mo na" nagmamakaawang Saad ni Cassandra.
Wala naman ng ibang nagawa si Sergio.
Pagkarating nila Sa Mansyon ay sumugod na si
Cassandra ngunit maraming guwardya ang
nakapalibot dito. Hindi siya makapasok dahil
malalakas ang mga tagapag bantay. " Wala na
rito ang iyong ama, dinala na siya sa bilangguan
at bukas na bukas rin ay hahatulan siya sa
salang pagpatay Sa Don" wika ng isang
gwardya. " Hindi maaari, Hindi iyon magagawa
ng aking ama" sigaw nito " Nasaan ang Donya,
Si Jacinto nasaan sila kakausapin ko lamang sila
ako na ang magpapaliwanag nagmamakaawa
ako" nakaluhod nang umiiyak si Cassandra.
Nakaluhod na siya sa pintuan ng Mansyon nila
Jacinto, Wala na siyang pakialam sa mga taong
nakakakita sa kanya. Ang luha niya ay hindi na
rin tumitigil sa pag-agos dahil natatakot siya
para sa kanyang ama, dahil alam niya ang
karampatang parusa kung ikaw ay nakapatay ng
tao. Ang sinumang makapatay ng kapwa tao ay
makararanas ng Garrote. isang Espanyol na
paraan ng pagpatay sa pamamagitan ng
pagkakasakal o sa pamamagitan ng pagbali ng
leeg. Patuloy pa rin ang pag-iyak niya ng bigla
niyang makita si Jacinto. " Jacinto, nasaan ang
aking itay? Tulungan mo ako lumuluhang
sambit nito. Ngunit parang walang narinig si
Jacinto. Sunod namang lumabas ay ang Donya.
Nakita niya si Cassandra na nakaluhod,
nilapitan niya ito at saka sinampal ng malakas .
" Mga walang utang na loob! Hindi lang kayo
nabigyan ng lupa ganun na ang gagawin ninyo
sa aking asawa, Maling-mali na pinagkatiwalaan
kayo ni Lucas" sigaw nito at pinagsasampal
muli si Cassandra . Nakita ito ni Jacinto at
pinigilan niya ang kanyang Ina. " Ano
ipagtatanggol mo ang babaeng 'yan, kasalanan
ng babaeng 'yan kung bakit wala na ang ama mo
ngayon Jacinto kaya gumising ka! " Hindi iyong
magagawa ng aking ama, Donya kaya
nagmamakaawa po ako pakawalan niyo na po
siya" nagmamakaawang saad ni Cassandra. "
Bukas rin ay matitikman ng iyong ama ang
kanyang parusa " Halos hindi na makalakad si
Cassandra dahil nanghihina na siya. Sa tahanan
muna siya nila kapitan tumuloy kasama ang
kanyang ina na pagod na rin . Nakatulog na ang
Ina nito sa sobrang pagod samantalang si
Cassandra ay mulat na mulat dahil hindi niya
inaasahan ang mga pangyayaring naganap
mismo sa araw ng kanyang kaarawan.

Kinabukasan, maagang nagpunta si


Cassandra at ang kanyang Ina sa plaza dahil dito
magaganap ang pag-garote sa kanyang ama.
Sabi ng mga ibang magsasaka ay nagtanim ng
sama ng loob si Tay Hudio Kay Don dahil sa
hindi pagbigay ng lupa. Naghiganti raw ang
kanyang ama kaya napatay nito ang Don. Alas
nuebe na nang ilabas si Tay hudio hinang-hina
na tin ito at namumuti ang mga labi. " Itayyyy"
sigaw ni Cassandra. Sabay hagulgol nang
makita ang kanyang amang hirap na hirap "
Hudio, Mahal " sigaw rin ni Nay Luciana.
Maraming tao ang nasa plaza upang panoorin
ang nasabing pag gagarote . Minuto na lamang
ang hinihintay at sisimulan na ang pag-garote .
Sa huling pagkakataon ay ngumiti si Tay hudio
at binanggit ang mga salitang " Mahal ko kayo"
Pagkatapos niyang masabi iyon ay tinanggal na
ang upuan sa kanyang paanan at hinayaan na
itong nakalambitin. Parang dinaganan ng
malaking bato ang puso ni Cassandra nang
makita ang sinapit ng kanyang ama. Hindi na rin
kinaya ng kanyang Ina ang nakita kaya muli
itong nahimatay. Agad namang nilapitan ni
Cassandra ang kanyang Ina.

Makalipas ang apat na taon....

"Naku kung maganda na ang anak mo


noong narito pa lamang siya . Ano pa kaya ang
hitsura niya galing sa Espanya" sambit ng aleng
kapitbahay nila Nay Luciana . Natutuwa naman
si Nay Luciana dahil marami talaga ang
pumupuri sa kagandahan ng kanyang anak.
Ngayon na kasi ang araw ng pag-uwi ni
Cassandra galing Espanya. Isang mahusay na
Guro si Cassandra sa Espanya. Natupad din ang
pangarap niyang akala'y hindi matutupad. "
Inay, malakas na sigaw ni Cassandra nang mkita
ang kanyang Ina agad niya itong niyakap at
hinagkan dahil ilang taon din silang hindi
nagkita. " Mas lalo Kang gumanda anak" puri
ng Ina sa kanya " Nagmana lang po ako sa inyo
inay" natutuwang tugon naman nito.
"Magpahinga ka na muna at atin namang
bibisitahin ang iyong ama paniguradong sabik
na sabik na iyon sa'yo " wika ng kanyang Ina.
Pagkatapos ng isang araw na pamamahinga ni
Cassandra ay nagtungo silang muli sa dati
nilang lugar . Kulang pa ang kanyang
pamamahinga ngunit nagpumilit siya na
bisitahin na ang kanyang ama. Sa ngayon ay sa
kawit Cavite na sila naninirahan. Mabilis lang
ang naging byahe nila kaya agad namang silang
nakarating sa San Agustin. Isang malakas na
hangin ang sumalubong sa kanila pagkarating
nila sa sementeryo " baka iyon na ang yakap ng
Itay" sambit ni Cassandra. Nang mahanap na
nila ang puntod ay nagsindi na ng kandila at
pinaibabaw ang mga bulaklak at paboritong
pagkain. " Kumusta ka na itay? Ayos lang po ba
kayo rito? Pakikipag-usap ni Cassandra sa
puntod ng kanyang ama. " Huwag ka ng mag-
alala sa amin ni inay kayang kaya na namin ito".
Ngunit sariwa pa rin ang sakit na nararamdaman
nila sa pagkawala ng kanyang ama . Hindi pa
sila tuluyang nagagamot. Pagkatapos Kasing
hatulan ang kanyang ama napag-alaman nila na
hindi naman talaga siya ang may sala . Ang may
kagagawan pala nito ay ang Mayor ng bayan.
Nalaman niya kasing pabor ang Don Kay
Cassandra para Kay Jacinto ibig sabihin lang
nito ay hindi ang anak niya ang gusto nito. Ang
Plano niyang agawin ang kayamanan nila ay
masisira na kung matutuloy ang pag-iibigan ni
Jacinto at Cassandra.

Nagplano ang Mayor sa pagpatay sa


Don. Nakita niyang namamahinga ang Don sa
salas ng mga oras na 'yon lagi kasing may
dalang kape ang Don tuwing nagpapahinga Ito
doon . Kaya naman nang medyo papikit -pikit
ang Don ay doon na pumasok ang Mayor,
nilagyan niya ng lason ang iniinom ng Don.

Isang tawag naman ang narinig ni Tay


hudio pinapatawag daw siya ng Don dahil may
mahalaga itong sasabihin. Agad naman
nagtungo si Tay hudio sa mansyon wala ni isang
tagapagsilbi roon sapagkat nakauwi na ang mga
ito. Pag-apak niya sa salas ay laking-gulat niya
ng makita ang Don na nakahandusay at
bumubula na ang bibig. May nakita rin siyang
patalim sa tabi nito, kinuha niya ito at itatabi
sana nang may tumulak sa kanyang kamay na
may hawak na patalim dumiretso ang patalim
na hawak niya sa puso ng Don. Pagkatapos non
ay dali- aling umalis ang tatlong taong nasa
likuran niya. Hindi niya nalabanan ang mga ito
sapagkat malalakas sila nagulat na lamang siya
ng marami ng dugo ang lumalabas sa Don.
Hihingi pa lang Sana siya ng tulong nang
maabutan siya sa ganoong sitwasyon ni Donya
Senia. "Ahhh-Lucas! Anong nangyari? Tulong ,
tulong! Pagsisigaw ng Donya . Halos Hindi
naman na makaimik at makagalaw si Tay
hudio . Gulat gulat siya sa bilis ng mga
pangyayari. " Anong ginawa mo sa asawa ko
hayop ka! "Sigaw ng Donya Kay Tay Hudio.
"Wala akong ginawa Donya, maniwala kay ",
tugon naman ni Tay Hudio. Dahil sa sigawan
nila ay narinig na sila ng mga gwardya. Agad
naman nilang hinuli si Tay Hudio at isinugod
naman sa ospital ang Don ngunit Hindi na Ito
nakaabot. Agad na inimbestigahan ng mga
guwardya sibil . Kinulong at sinaktan ng mga
gwardiya sibil si Tay Hudio. Kakampi Kasi ng
Mayor ang mga gwardiya sa kanila, bayaran
niya lang ang mga ito ay ayos na. Ang
sistemang nagaganap sa kanila ay kung
mayaman at kaya mong bayaran ang isang tao
ay ligtas ka. Isang bulok na Sistema dahil
kawawa ang mga mahihirap lalo na ang mga
napagbibintangan lamang.

Hindi namam natuloy si Sergio nang


hapong magkikita sana sila ni Cassandra dahil
kinausap siya ni Celeste " Jacinto, layuan mo si
Cassandra narinig ko ang pag-uusap nila ni
Sergio at may namamagitan sa kanilang dalawa"
Saad ni Celeste. "Paano mo naman 'yan
nasasabi" tanong ni Jacinto. "Kaibigan mo ako,
maniwala ka sa'kin, narito sa akin ang
pagpapalitan nila ng sulat" dagdag pa ni Celeste.
"Ang nilalaman ng sulat na iyon ay ang pag-
amin ni Sergio Kay Cassandra. Nakasulat Ito sa
wikang kastila. Tinignan niya rin ang Isang sulat
kamay ng babae pagtugon naman ito sa sulat ni
Sergio nakasaad sa sulat na na may gusto rin si
Cassandra Kay Sergio. Ang totoong sulat lang
naman doon ay ang kay Sergio ngunit ang Isa
ay gawa lamang ni Celeste. Hindi malaman ni
Jacinto kung tutuloy pa ba siya o hindi.
Napagpasyahan niya rin sa huli na kailangan
niyang pumunta. Akmang pupunta na siya ng
makarinig siya ng sigawan mula sa loob ng
kanilang bahay. Sa labas kasi sila nag-usap ni
Celeste at inabot na rin sa gabi sa pag-uusap.
Pinuntahan naman agad ni Jacinto ang kanilang
bahay. At hindi niya inaasahan ang kanyang
nakita. Nilapitan niya ang kanyang ama at
tinanong ang kanyang Ina kung anong nangyari.
"Kagagawan ito ng ama ni Cassandra! Pinatay
niya ang iyong ama Jacinto!

Nakulong na ngayon ang Mayor, habang buhay


na Ito sa kulungan habang ang anak naman
niyang si Celeste ay inaalagaan ang kanyang
inang nanghihina . Parusa na siguro ito ng langit
dahil sa kagagawan ng kanyang ama. Lubos
siyang nagsisisi. Hanggang ngayon ay nagsisisi
pa rin siya sa mga kamalian nagawa niya at
nang kanyang ama. Siya rin ang nagsumbong sa
ginawa ng ama dahil hindi siya pinapatulog ng
konsensya niya. Habang ang pamilya naman ni
Jacinto ay hindi na katulad ng dati na sobrang
marangya. Nagkasakit at nabaliw ang Donya.
Hindi niya kinaya ang pagkawala ng kanyang
asawa at ang pagpatay sa wala namang salang si
Tay hudio.

Malapit na ang paglubog ng araw kaya


naman napagpasiyahan ng mag-ina na umuwi
na. Ngunit nagpaiwan muna si Cassandra.
Dinala siya ng kanyang mga paa sa lugar kung
saan siya unang nakaramdam ng kakaibang
saya. Lugar kung saan niya hinayaan ang puso
niya. Ang lugar kung saan niya naramdamang
umiibig siya.

Pagkarating niya sa lawa ng cebera ay


may malaking pagbabago na, mas lalo ng
tumayog ang mga puno. Ngunit ang lawa ay
ganoon pa rin naman ang hitsura. Bago na rin
ang bangkang naroon. "Kumusta ka? Isang
pamilyar na tinig ang narinig niya. Nilingion
niya naman ito, Tama nga siya Boses ni Jacinto
ang narinig niya. Ganun pa rin naman ang
hitsura ni Jacinto gwapo pa rin ito. Mas
tumangkad nga lang siya at mas naging
matipuno. "Senor, ikaw pala iyan" sambit
naman ni Cassandra. "Ngayon mo pa ako
tatawaging Senor gayong hindi na dapat" tugon
naman ni Jacinto.
"Naalala mo pa ba noong gabing
pinuntahan mo ako sa aming tahanan dahil may
gusto Kang klaruhin , ngayon ay gusto ko ring
maliwanagan kung bakit hindi mo ako
ipinaglaban?" Madamdaming Saad ni
Cassandra. Napayuko naman si Jacinto dahil
Hindi niya kinaya ang katanungan ni Cassandra.
"Ako'y naduwag at hindi Kita pinagkatiwalaan
isang bagay na alam kong habang buhay Kong
pagsisisihan" paliwanag ni Jacinto. Napangiti ng
mapait si Cassandra. "Pasensya na, hindi ko na
dapat ito tinanong pa sapagkat wala na tayong
magagawa sa pangyayaring hindi na maibabalik
pa" dagdag pa ni Cassandra. "Pero Sana
malaman mo na tunay ang pagmamahal ko sa'yo
" wika ni Jacinto. "Alam ko, at masaya ako at
nagpapasalamat dahil kahit sa maikling panahon
ay naranasan Ko ang ibigin ka at naramdaman
ko ang pag-ibig mo" naluluhang sambit ni
Cassandra. "Siguro tadhana talaga na mapunta
tayo sa lugar na ito. Ang lugar kung saan banda
nakikita ang paglubog ng araw, aking
napagtanto na ang paglubog ng araw ay hindi
lamang maganda, ngunit mayroon din itong
napakaraming kahulugan. Ang mga ito ay
nagpapahiwatig ng mga pagtatapos, pagbabago.
Ipinapaalala nila sa atin na ang pagbabago ay
bahagi ng buhay at lahat ng bagay ay may
katapusan". Mahabang sambit ni Cassandra.

"Jacinto, magmadali ka at manganganak


na ata ang iyong asawa" sigaw ng Isang lalaking
mangingisda.

Tuluyan na ngang lumubog ang araw, at


sa paglubog nito ay siya namang pagtalikod ni
Cassandra. Sa pagtalikod niyang iyon ay
tanggap niya na na ang pagmamahalan nila ay
tulad lamang sa paglubog ng araw mayroon
itong pagtatapos.

Naiwang tulala at lumuluha si Jacinto sa lawa


ng Cebera. "Lo siento, te amo" bulong niya na
lang sa hangin.

Pagkauwi ni Cassandra sa kanilang


bahay ay isang lalaki ang sumalubong sa kanya.
"Anak, ang kaibigan mo'y muling nagbalik"
wika ng kanyang Ina. "Cassandra, ako 'to si
Jose" pakilala ng binata.

Jose?

Wakas.

You might also like