You are on page 1of 24

Ang Alamat

ng Bawi
Kwento nina:
Kwento nina:
RUBY D. ESCABOSA
KRISRUBY D. ESCABOSA
D. GLORY
KRIS D. GLORY

Guhit ni:
RUBY D. ESCABOSA

MELC: Nailalarawan ang sariling komunidad batay sa


pangalan nito, lokasyon, mga namumuno, populasyon,
wika, kaugalian, paniniwala, atbp (AP2KOM-Ia- 1)
BAITANG 2 UNANG MARKAHAN WEEK 4
Ang Alamat ng Bawi
Kwento nina: Ruby D. Escabosa at Kris D. Glory
Guhit ni: Ruby D. Escabosa

Karapatang-ari © 2021 nina Ruby D. Escabosa at Kris D. Glory

Reserbado ang lahat ng karapatan.


Alinmang bahagi ng librong ito ay hindi maaaring gayahin o kopyahin,
nang buo o bahagi, sa anumang anyo o paraan, nang walang nakasulat
na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-ari.

Ang aklat na ito ay naglalayong maipakita sa mga kabataan at sa mga


susunod pang henerasyon ang mga kwentong bayan na may kaugnayan
sa Padre Garcia. Sa pamamagitan ng kwentong ito, nailalarawan ang
kagitingan at pag-uugali ng mga unang taong nanirahan sa Padre
Garcia gayundin ang banal na paring si Padre Vicente Garcia na siyang
pinagkuhanan ng pangalan ng munting bayang matatagpuan sa
hilagang-silangan ng Batangas.
Ang Alamat
ng Bawi
(Ang Bawi ay isa sa 18 barangay sa Bayan ng Padre Garcia, Batangas.)

Kwento nina:
RUBY D. ESCABOSA
KRIS D. GLORY
Guhit ni:

RUBY D. ESCABOSA

1
Payapang namumuhay noon ang mga tao.
Simple man ang kanilang buhay, maputik at lubak-lubak man
ang daan, nagagawa naman nila ang bawat naisin nilang gawin.
Ngunit isang araw may dumating na mga dayuhan sa lugar.
Mapuputi sila at may kaakit-akit na mga mata ngunit ang
ginagawa nila ay pahirap at dusa.
Maraming tao ang nalungkot. Marami ang umiyak. Ngiti ay
napawi sa kanilang mga labi.
Mga dayuhang dumating, mapang-api’t malulupit!
Tawag nila sa atin ay mga Indio. Tingin nila sa atin ay mababang
uri ng tao.
Wala raw tayong alam at sa mga gawain ay tamad pa! Kaya
binalot ng kalungkutan ang dating lugar na payapa at tahimik!

The people then lived in peace.


Even though their lives were simple, even though the roads were muddy
and uneven, they were able to do whatever they want to do.
But one day, invaders came to the place. They were white-
complexioned, and they have attractive eyes, but what they only do was to
torture and bring sufferings to the people.
Many people were disappointed. Many people wept. The smiles that
were once in their lips suddenly wiped away.
These invaders were cruel.
They called us “Indios” because they see us as low-class people, worthless
and very lazy! They think of us as inferior people.
Thus, the place that was once peaceful and quiet was then covered with
sadness.

2
3
4
Inabot na ng daang taon, ngunit mga dayuha’y sa lugar ay
nanatili pa rin.
Ang ilang mga dayuhan ay nakapangasawa na rin ng mga
Indio.
Isa sa mga anak ng Indio na si Jose Garcia at ng dayuhan na si
Andrea Teodoro ay si Vicente Garcia.
Lumaking mabait at paladasal si Vicente. Magiliw siya sa
matatanda at laging nakangiti.
At dahil siya ay may dugong dayuhan, siya ay napahintulutang
maging isang pari. Masayang ginampanan ng pari ang kanyang
tungkuling ilapit sa Diyos ang mga tao.
Marami rin ang sumisimba kapag siya ay nagmimisa.

It’s been a hundred years, but the invaders in the area still remain.
Some of them had also married Indios and had children.
One of them was Vicente Garcia.
Vicente grew up kind and prayerful. He was always smiling and very friendly
to the elderly. And because he had a foreign blood, he was allowed to be
a priest.
He joyfully fulfilled his duty to bring people closer to God.
Many people came to church when he was celebrating the mass.

5
6
Magiliw rin si Padre Vicente sa mga tao. Kaya naman kahit pagod
sila, napapawi ito ng kanyang mga ngiti. Ang mga batang nakikita
niya ay lagi niyang binabati.
Ang kanyang mapuputing ngipin ay laging kumikislap at ang
mga ngiti nya ay laging namumutawi.
“Padre Vicente, magandang umaga po! Mano po,” wika ng
isang batang sumalubong sa pari.
Hinagpos ng pari ang ulo ng mga bata, sabay binati nang
may ngiti. Dahil sa kabaitan ng pari sa mga tao, siya’y tunay na
kinagigiliwan!

Padre Vicente was very friendly to the crowd and he made


them smile even they were already tired.
He always greets the children he sees. He really loved
the kids. His sparkling white teeth and smiles were always
shown.
“Good morning, Padre Vicente! Mano po,” said
the child who met the priest.
The priest grabbed the children’s head
and greeted the child with a smile. Because
of the kindness of the priest, people like
and love him a lot.

7
“No encaja con Canonigo Magistral!” Ito ang wika ng isang
mataas na pinuno ng mga dayuhan. Ibig sabihin ay hindi dapat
maupo sa mataas na posisyon si Padre Vicente Garcia.
“Ngunit, ako po ang nanalo sa posisyong ito,” malungkot na
tugon ni Padre Vicente.

“No encaja con Canonigo Magistral!” the


leader of the invaders uttered.
That means, Padre Vicente Garcia should not
be appointed in a higher position.
“But I won this position.” Padre Vicente’s
sad response.

8
“Ikaw man ay nanalo, ngunit hindi karapat-dapat sa posisyong
ito ang isang Indiong tulad mo!” galit na sagot ng pinunong
dayuhan.
Walang nagawa si Padre Vicente kundi
tanggapin na lamang ang hatol ng mga dayuhan. Kahit may
dugong dayuhan, hindi pa rin naligtas si
Padre Vicente sa pang-aapi ng mga
dayuhan. Malalakas sila at
makapangyarihan.

“Even though you won, an Indio like you do not deserve this
position!” the leader of the invaders exclaimed.
Padre Vicente did nothing but to accept the decision.
Even he had foreign blood, Padre Vicente has not been
spared from the tyranny of the invaders.
They were very strong and powerful.

9
Ngunit hindi sumuko si Padre Vicente.
Hindi man niya nakamit ang posisyon,
gumawa siya ng paraan kung paano
makatutulong na makalaya ang lugar nila sa
mga mapang-aping dayuhan. Umisip siya ng
mga paraan upang makawala sa kamay ng mga
dayuhan.
But Padre Vicente did not give up. Even if he failed to get the
position, he made a way of helping their place to be freed from the
foreigners. He thought of ways to set their land free from the hands
of the invaders.

10
“Kailangan kong tulungan ang aking kaibigang si Jose Rizal
upang imulat ang mga tao sa pagpapahirap ng mga dayuhan,”
ito ang sabi niya sa sarili.
Nagpadala rin siya ng isang liham ng pagtatanggol kay Rizal.
Si Padre Vicente ang kauna-unahang nagtanggol kay Rizal.
Mahusay rin sa ibat-ibang linguwahe itong si Padre Vicente.

“I need to help Jose Rizal, my friend, in promoting awareness among the people about the cruelty brought by
the foreigners,” he told himself.
He also sent a letter defending Rizal. Padre Vicente was the first person who defended Rizal.
He was also excellent in different languages.

11
Nalaman nang mga dayuhan ang
pagtulong ni Padre Vicente para sila ay
mapaalis.
Habang nagmimisa si Padre Vicente,
dumating ang mga dayuhan at siya ay hinuli!
Nagkagulo sa simbahan at bawat isa’y hindi
mapakali! May nagsisigawan!
May napatigil sapagkat nabigla sa pangyayari.
May nag-iiyakang wari mga inapi.
Ngunit ang mga tao ay hindi nagpagapi. “Habulin
natin sila at iligtas ang pari!” sigaw ng isa.
At ang mga kalalakihan ay nagsisunod nang
walang pag-aatubili.

The invaders learned of Padre Vicente’s help to get them out. While he was leading a mass, the
invaders arrived and he was arrested!
The church was troubled and everyone was unseen! Some were screaming.
People were in awe because of the shocking incident. Some people were crying. But the people
did not surrender.
“Let us chase them and save the priest!” one shouted.
Then, the men followed the priest and the invaders without hesitation.

12
13
14
Hinabol ng mga tao ang dayuhan upang iligtas ang pari.
Bitbit lamang nila ay sanga bilang armas.
Mahaba ang kanilang nilakad at tinakbo.
Tumawid sila sa sapa, at mga kakahuya’y kanilang dinaanan.
Pagod na pagod sila ngunit hindi sila tumigil sa paghabol.
Inutusan ng mga dayuhan si Padre Vicente na patigilin ang
mga tao.
“Patigilin mo ang mga sumusunod sa atin, kung hindi
tatawagan ko ang aking mga kasamahan upang lahat sila ay
ipahuli!” galit na utos ng isang dayuhan.
Ngunit patuloy pa rin sa pagsunod ang mga tao
para mabawi ang pari.

People run after the foreigners to save the priest. They only had twigs as their weapons but they never gave up on
saving the priest.
They walked and ran towards a long road. They crossed the stream, and into the woods, they went through.
They were exhausted but did not stop chasing.
The foreigners ordered Padre Vicente to stop the crowd.
“Stop those who follow us, if you do not, I will call my soldiers to let them all be caught!” commanded by the invader
angrily.
15
But people keep following them to save the priest.
16
Sa kanilang katatakbo ay nakarating sila sa Hacienda Katigbak. May
ilog dito at bangin kaya walang matakbuhan ang mga dayuhan. Dito ay
lakas loob nilang iniligtas ang pari. Hindi sila natakot sa mga dayuhan kahit
sila ay may mga armas.
“Huwag tayong papayag na kuhanin nila ang ating mahal na pari!”
pasigaw ng isa habang humihingal pa.
Sa pagtutulungan ng mga tao ay nakuha nila sa mga dayuhan ang
pari. Tuwang-tuwa ang mga tao sapagkat nabawi nila ang pari.
Nabawi! Nabawi!
Masayang sigawan ng mga tao. Maligayang maligaya ang pari
sapagkat hindi siya pinabayaan ng mga tao. Nagpasalamat ang pari sa
mga tao na may kalakip na ngiti sa labi.
Tinawag ang lugar na iyon na “Pinagbawian sa Pari”.
Ang mga nanirahan sa lugar na pinagbawian sa pari ay paladasal,
masisipag at matatapat.
Kahit mahirap ang
pumunta sa bayan,
ang mga tao naman
dito ay palaging sumisimba.
Ang mga nais magsimba
ay gumigising nang
maaga upang maglakad
papunta sa simbahan sa bayan.
Iilang pamilya pa lamang
ang naninirahan sa lugar. Sila ang
pamilyang Comia, Fajardo, Katigbak
at Kasilag.
Sa paglipas ng panahon ang
kanilang lugar na “Pinagbawian sa Pari” ay
kinalaunang tinawag na “Bawi”.

As they run, they reached Hacienda Katigbak.


There was a river here and there was no
possibility that the foreigners can run. Here, they bravely saved the priest. They
were not afraid of foreigners even though they had weapons.
“Let us not let them take our beloved priest!” shouted by one of the people catching his breath. With the
help of everyone, they saved the priest, and they were very happy.
Nabawi! Nabawi! Shouted the crowd happily when they saved and recovered the priest. The priest was very glad because the
people had not abandoned him.
The priest thanked the people with a big smile. The place was called “Pinagbawian sa Pari.”
The people who lived in the area called “Pinagbawian sa Pari” were prayerful, hardworking and faithful. Although it is difficult to go
to town, the people here always go to church. Those who wanted to go to church woke up early to walk to the church located in the town.
Only a few families lived in the area before. They are the Comia, Fajardo, Katigbak and Kasilag families. 17
Over time their place called “Pinagbawian sa Pari” was later called “Bawi”.
ATING SAGUTAN!
Basahin ang mga sumusunod na tanong mula sa kwentong “Ang
Alamat ng Bawi”. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang dahilan ng pagiging malungkot ng mga tao sa simula


ng kwento?
A. Dahil dumating ang mga dayuhan
B. Dahil may bagyo
C. Dahil wala silang pagkain
D. Dahil mahirap lamang sila

2. Bakit kinagigiliwan si Padre Vicente ng mga tao?


A. Dahil sa kanyang puting ngipin
B. Dahil sa kanyang kabaitan sa mga tao
C. Dahil sa kanyang posisyon sa simbahan
D. Dahil mayaman siya

3. Anong nangyari kay Padre Vicente habang nagmimisa sa


simbahan?
A. hinuli ng mga dayuhan
B. tinulungan ng mga tao
C. nanalo sa posisyong hinahabol niya
D. nagsagawa ng bagong pagpaplanong makalaya sa
mga dayuhan

4. Ano ang ginawa ng mga tao upang iligtas si Padre Vicente?


A. hinabol ang mga dayuhan
B. nagpunta sa bukid upang makaiwas sa mga dayuhan
C. nagpakalayo upang maitago ang pari
D. nagtungo sa kampo ng mga dayuhan upang
makipagkasundo.

5. Ano ang dahilan ng hindi pagkakaroon ng mataas na


posisyon ni Padre Vicente?
A. Hindi siya mayaman
B. Hindi siya magaling mag-Ingles
C. Dahil siya ay Indio
D. Dahil siya ay matalino

18
Nagsisimba ka ba tuwing Linggo sa inyong simbahan?
Sa patnubay ng iyong Inay o Tatay, magkaroon ng panayam sa pari
sa inyong lugar tungkol sa buhay ni Padre Vicente Garcia. Isulat sa
loob ng kahon ang iyong nakuhang impormasyon mula sa paring
nakapanayam.

19
Kompetensiyang Nililinang
AP2KOM-Ia- 1
Nailalarawan ang sariling komunidad batay sa pangalan
nito, lokasyon, mga namumuno, populasyon, wika,
kaugalian, paniniwala, atbp.

Ang aklat na ito ay kay:


This book belongs to:

__________________________
__________________________
__________________________

20
RUBY D. ESCABOSA
Bata pa lamang si Ruby ay mahilig nang
magbasa ng mga kwento. Palagi niyang binabasa ang
una niyang aklat na pinamagatang “Nakikipag-usap ang
Diyos sa Kanyang Mga Anak. Tungkol ito sa mga kwento
sa bibliya. Bukod sa aral ng mga magagandang kwento
tungkol sa Diyos, higit niyang kinatuwaan ang mga
makukulay na larawan sa aklat na lalong pumukaw ng
kanyang pansin upang paulit – ulit niyang basahin ang
mga kwento dito.
Sa ngayon, si Ruby ay isang guro sa
elementarya sa pambulikong paaralan sa Padre Garcia,
sa Bawi Elementary School. Siya ay lehitimong taga
Bawi. Ang angkan niya ay mula sa Pamilya Comia, isa sa
pinakaunang pamilyang nanirahan sa Barangay Bawi.
Bilang guro, siya ay mahilig magkwento sa mga mga bata ng piksyunal na kwento.
Mahilig din siyang gumuhit, at mag-leyawt. Nanalo na rin siya sa mga patimpalak sa larangan
ng pagguhit sa distrito. Maging ang mga pampaaralang pahayagan na kanyang nileyawt ay
nagwawagi rin sa pandistrito at pansangay na paligsahan.

KRIS D. GLORY
Isa sa kinagigiliwang gawain ni Kris ay ang
pagbabasa ng kwento. Hindi pa man siya pumapasok
sa paaralan ay naging libangan na niya ang pakikinig
ng mga kwentong pambata sa kanyang ina bago siya
matulog.
Noong matuto na siyang bumasa at nagsimula
nang mag-aral, hindi nawala ang kanyang interes
sa pagbabasa. Ugali din niyang magkuwento sa
kanyang nakababatang kapatid ng mga nabasa
niyang kuwento.
Ngayong guro na siya sa Paaralang
Elementarya ng Bawi ay mahilig siyang magkuwento
sa kanyang mga mag aaral upang mas maunawaan nila ang aral na nais iparating ng kuwento.
Nais rin niyang malinang ang pagkahilig ng mga bata sa pagbabasa. Dahil dito, ilan sa
mga batang kanyang tinuruan ng malikhaing pagkukuwento ang nagwawagi sa mga patimpalak
sa pagkukuwento.

21
Tahimik na namumuhay ang mga tao nang biglang
dumating ang mga dayuhan.
Inaapi nila at pinahihirapan ang mga tao sa lugar.
Tawag nila sa mga ito ay Indio na ang ibig sabihin ay
mababang uri ng tao.
Lumipas ang mahabang panahon, nanatili pa rin
sa lugar ang mga dayuhan. Ang ilang mga dayuhan ay
nakapangasawa na ng Indio.
Isa sa mga anak ng Indio at dayuhan ay si Padre Vicente
Garcia.

People were living quietly when the invaders suddenly arrived.


They oppressed and tortured the people in the place. They call them “Indios”
which means low class people.
A long time passed, foreigners still remained in the area. Some foreigners have
already married Indios.
One of the children of Indio and foreigner was Padre Vicente Garcia.

You might also like