You are on page 1of 33

NOLI ME

TANGERE
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
BUOD NG KABANATA 19
• Kahit na dumaan ang malakas na bagyo, ang lawa
ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay
napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa,
nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro.
Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng
lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang- ayon
sa kanya, kasama si Tinyente Gueverra nuong
itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging
magawa nuon kundi makipaglibing.
• Malaki ang utang na loob kay Don Rafael. Nuong
bagong salta ito sa San Diego, ang Don ang
tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa
pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang
malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang
kakulangan ng magagastos. Malaki ring problema
anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga
magulang at mga taong nasa pamahalaan.
Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga
pangangailangan ng mga batang
• Nag aaral katulad sa ng mga libro na
karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang
pagmememorya ng mga bata sa mga nilalaman
nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-
paaralan , ang klase ay ginaganap sa silong ng
kumbento sa tabi ng karwahe ng kura. Nasanay
ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ang
nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng
sigaw , at mura ang mga bata at mga guro.
• Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa
pagbabagong kanyang ginawa, madaling natutuhan
ng mga mag-aaral ang wikang Kastila. Pero siya ai
nilait ni Padre Damaso sa pagsasabing ang wikang
Kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang
mangmang. Ang kailangan lamang niyang
matutuhan ang tagalog.
• Ipinaris pa siya ni Padre Damaso kay Maestro
Circuela, isang guro na di marunong bumasa ngunit
nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa
• Sa kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang
kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Padre
Damaso. Pero, nag aral din ang guro ng wikang kastila
para sa kanyang pansariling interes. Sobra ang pakialam
ni Padre Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa
paggamit ng pamalo sapagkat mabisa ito sa pagtuturo,
nagkasakit ang guro. Nang ito ay gumaling at bumalik sa
serbisyo, kakarampotna lamang ang kanyang tinuturuan.
Sa kanyang pagbabalik, nagkakaroon ng bagong kura.
Hindi na si Padre Damaso. Nabuhayan siya ng pag asa
• Sinikap niyang isalin sa wikang tagalog ang mga aklat na
nasusulat sa wikang kastila. Bukod dito, dinagdagan
niya ang mga aralin sa katesismo, pagsasaka,
kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio
at Felisa at sa Kasaysayan ng Pilipinas. Pero, sa lahat ng
mga araling ito dapat unahin ang pagtuturo sa relihiyon,
ayon sa mga bagong kura nang ipatawag niya ang
guro .Nagkomit si Ibarra na tutulungan niya ang guro sa
pamamagitan sa pulong na tribunal na kanyang
dadaluhan sa paanyaya ng tinyente mayor.
BUOD NG KABANATA 20
• Ang tribunal ay malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at
lugar na pulungan mga may kapangyarihang mga tao sa bayan.
Nang dumating na si Ibarra at ang guro, nagsisimula na ang
pagpupulong. May dalwang pangkat na naka nakapaligid sa
mesa. Ito ay binuo ng dalawang lapian sa bayan. Ang
conserbador ay pangkat ng mga matatanda a ng isa naman ay
pangkat nga mga liberal na binubuo ng mga kabataan. Ito ay
pinamumunuan ni Don Felipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol
sa pagdaraos ng pista ng San Diego. May labing isang araw na
lang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang
tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga
paghahanda sa piyesta.
• Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si
Kapitan Basilyo, isang mayaman na nakalaban ni Don Rafael.
Walang binasa at kawawaan ang talumpati niya. Dahil, dito
isinahapag ni Don Felipo ang isang mungkahi at talaan ng mga
gastos. Ang mungkahi niya ay magtayo ng isang malaking
tanghalan ng liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa
loob ng isang linggong singkad. Ang dulaan ay nagkakahalaga
ng 160.00 pesos samantalang ang komedya ay 1,400 pesos na
tig 200 pesos. Bawat gabi. Kailangan din ang mga paputok nga
paglalaanan ng 1,000 pesos. Binatikos si Don Felipo sa
kanyang mga mungkahi, kung kaya’t iniatras niya ang mga ito.
• Sumunod na nagpananukala naman ay ang kabisa na siyang
pinuno ng mga matatanda ang kanyang mungkahi (1) tipirin ang
pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang magpapalabas ng
komedya ay taga San Diego at ang paksa ay sariling ugali upang
maalis ang mga masamang ugali at kapintasan . Nawalang saysay
din ang panukala ng kabisa sapagkat ipinahayag ng kapitan na
tapos na ang pasya ng kura na tungkol sa pista. Ang pasya nga
kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon
tatlong misa mayor at komedya sa tundo. Ito ang gusto ng kura,
kaya sumang ayon na lamang ang dalawang pangkat . Nagpaalam
si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa ulumbayan ng
lalawigan upang lakarin ang isang mahalagang bagay.
BUOD NG KABANATA 21
• Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. M atinding
bumabagabag sa kanyang isip ang katotohanang sinabi sa
kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling
bait sa pag iisip kung paano maililigtas si basilio at crispin
sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang
dibdib ng papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw
na niya ang dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala
ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang
isa man sa kanyang mga anak. Gayunman, sa sumunod na
sandali, muling sinakmal nga matinding pangamba si Sisa.
Nang makasalubong niya ang dalawang sibil.
• Pilit na tinatanong siya kung saan niya diumano itinago
ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang anak. Pilit na
pinaamin din siya tungkol din siya tungkol sa paratang ng
kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa. Hindi rin
pinakinggan ang kanyang pangangatwiran. Hindi siya
pinaniwalaan ng mga sibil . At sa halip pakaladkad na
sinama siya sa kuwarter. Muling nagsumamo si Sisa , pero
mistulang bingi ang kanyang mga kausap . Ipinakausap ni
Sisa na payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa mga
sibil habang sila ay naglalakad patungong kwartel kapag
sila ay nasa kabayanan na.
• Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatapos
pa lamang ng misa. Halos malusaw sa
kahihiyan si Sisa. Kaagad na ipinasok siya sa
kwartel. Nagsumiksik siyang parang daga sa
isang sulok. Nanlilimanhid at iisa ang kanyang
damit. Ang buhok naman ay daig pa ang
sinabungkay ng dayami. Gusot-gusot ito. Ang
kanyang isip ay parang ibig ng taksan ng
katinuan.
• Sa bawat paglipas ng sandali, nagdagdagan
kasiphayuhan ni Sisa. Magtatanghali, nabagabag ang
damdamin ng Alperes. Iniutos na palayain na si Sisa.
Ngunit hinang hina na siya. May dalawang oras din
siyang nakabalandra sa isang sulok . Painot inot na
naglakad si Sisa hanggang muli siyang makarating sa
kanyang bahay. Dagling umakyat siya sa kabahayan.
Tinawag ang pangalan ng mga anak. Pauli ulit prang
sirang palaka. Ngunit hindi niya ito makita, kahit na
panhik panaog ang ginawa niya.
• Tinungo niya ang gulod at sa may gilid ng
bangin. Wala ang kanyang hinahanap, patakbo
siyang bumalik sa bahay. Natapunan niya ng
pansin, ang isang pilas na damit ni Basilio na
may bahid ng dugo. Nilukob ng matinding
niyerbios ang buong katawan. Ano na ang
nangyari sa kanyang mga anak. Hindi
madulumat ang nararamdaman niyang
kasiphayuan.
• Naglakad siya kasabay ng pasaglit saglit na
pasigaw ng malakas. Ang banta ng pagkabaliw
ay unti unting lumalamon sa kanyang buong
pagkatao. Kinabukasan, nagpalaboy laboy sa
lansangan si Sisa. Ang malakas na pag iyak,
hagulgol at pasigaw na pagsasalita at kung
minsan ay magkasabay na ipinakita ang kanyang
kaanyuan. Lahat ng mga taong nakakasalubong
niya ay nahihintakutan sa kanya.
Tauhan sa kabanata 19
• Crisostomo Ibarra- bidang anak ni Don Rafaelna
nais na matuklasan ang buong pangyayari sa
pagkamatay ng ama.
• Don Rafael Ibarra- ama ni Crisostomo Ibarra na
ipinatapon sa lawa matapos na ito ay nabawian
ng buhay sa loob ng piitan.
• Tenyente Gueverra- sundalong kastila na
nagsiwalat ng katotohanan kay Crisostomo
Ibarra tungkol sa kanyang ama.
• Padre Damaso- ang nag-utos sa matandang
sepulturero na hukayin at ilipat sa libingan ng
mga Instik.
• Maestro Ciruela- guro na hindi marunog
bumasa ngunit nagtayo ng paaralan at nagturo
ng pagbasa sa kanyang mga mag-aaral.
Tauhan sa kabanata 20
• Crisostomo Ibarra- binata na nag-aral sa
Europa at nangarap na makapagpatayo ng
paaralan upang masiguro ang magandang
kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego.
• Guro- kasama ni Crisostomo Ibarra na
dumating sa pulong tribunal.
• Pangkat conserbador- pangkat na binubuo ng
mga matatanda.
• Pangkat liberal- pangkat na binubuo ng mga
kabataan.
• Don Filipo- namumuno sa pangkat ng mga liberal
na siya ring tinyente mayor na mahilig magbasa
ng Latin.
• Kapitan Basilio- isa sa mga naging kapitan ng
bayan ng San Diego.
• Don Rafael- ama ni Crisostomo na kinaiingitan ni
Padre Damaso.
Tauhan sa kabanata 21
• Sisa- isang ina na tuliro ang isip, dahil hindi niya
alam kung papaano ililigtas ang kanyang mga
ina.
• Dalawang kawal- ang pumunta sa dampa ni
Sisa.
• Kerida ng mga kawal- ang babaeng nakakolerete
na pasigaw na nagtanong kung saan daw nahuli
si Sisa at kung nakuha daw ba ang perang
ninakaw.
Talasalitaan ng kabanata 19

• Gula-gulanit- sira-sira,punit-punit
• Isang kahig, isang tuka-dukha, mahirap
• Pag-aalipusta-paghamak, pag abuso, pag alila
• Pasukab- pakutya
• Unos- bagyo, kalamidad
Talasalitaan ng kabanata 20

• Bantog – kilala
• Di-masusupil- di mapipigil
• Ginugol- inaksaya
• Himala- kababalaghan
• Katukayo- kapangalan
• Nakagagambala- nakagugulo
• Nakikini-kita- nagugunita
• Nalathala- naipahayag
• Pananalig- paniniwala
• Pangahas- nangunguna
• Panukala- mungkahi
• Sinang-ayunan- kinampihan
Talasalitaan ng kabanata 21

• Bihasa – sanay
• Alingasngas- usap-usapan
• Tiktik- espiya
• Kubyerta- palikuran
• Pinakakalansing- pinaiingay o pinatugtog
• Pakana- plano
• Pangingimbulo- pagkaiingit
• Mapanibughuin- seloso/selosa
• Nagkumahog- nagmadali
• Kinakatigan- kinakampihan
• Patid- paghinto, pagtigil o pagkaputol
• Pagkakarinyosa- pagkamalambing
• Natitigatig- nayayanig
• Pabuya- bagay na kapalit ng tulong
• Naulinigan- narinig ang isang pag-uusap ng
bahagya
Kanser sa Lipunan
• Kabanata 19: Maling sistema ng edukasyon

• Kabanata 20: Pangingibabaw sa


kapangyarihan
• Pagwawaldas ng pera ng bayan

• Kabanata 21: Kawalang - katarungan


Aral

• Kabanata 19: Kung sa tingin


mo ay tama at
makabuluhan ang iyong
ginagawa, ipagpatuloy mo
at ipaglaban mo ito.
Aral
• Kabanata 20: Sa pagtitimbang ng
mga layunin laging alalahanin
ang karapatan, kalagayan at
kasiyahan ng mga nakakarami
laban sa bilang ng iilan
lamang.
Aral

: Huwag mong
• Kabanata 21

hayaan na tapaktapakan
ka nalang ng kung sino
sino.

You might also like