You are on page 1of 2

Namuco, Althea Clarysse L.

Petsa:
G9 - Sampaguita

Alamat ng Atis
Takdang-aralin sa Filipino 9
Noong unang panahon may isang maliit na bayan na malayo sa syudad ay may
iilan na pamilya ang nakatira. Masaya at masaganang na naninirahan ang mga tao
dito nagtutulungan at nagbibigayan din sila, kung tutousin perpekto ang bayang ito.

Kabilang na dito ang pamilya ni mang Pedro at aling Rosa at ang nag-iisa nilang
anak na si Ana na 9 taong gulang. Buwan ngayon ng pag-aani kaya si mang Pedro at
ang iba pang mga kalakihan ay nagtungo sa bukod para anihin ang mga pananim
nila. Tuwang tuwa ang mga tao dahil magaganda ang kanilang ani.

Nakasanayan na ng mga tao ang iimbak ang mga ani nila sa bahay imbakan na
nakatayo malapit sa palayan ng bayan nila, naguuwi lang sila ng konti sa bahay nila
upang merong mapagsaluhan. Sina aling Rosa naman at Ana ay nag tungo sa ilog
upang maglaba, masasabi mong malinis ang ilog dahil makikita mo ang malilinis na
bato sa ilalim ng tubig makikita mo din ang ibat-ibang uri ng isda,
hipon katang atbp. Habang nglalaba si aling Rosa at iba pang may-bahay ay
masayang nalalaro at naliligo ang mga bata.

Ilang buwan ang lumipas ay may dumating na malakas na bagyo at sobrang na


apektuhan ang kanilang mga pananim, buti na lang at meron silang naimpok na
pagkain sa bahay imbakan nila napagsyahan nilang ang kalahit ng na-iimpok nila
dahil hindi nila mapapakinabangan sapagkat kulang sa buwan ang mga ito.
Hindi pa nakakabawi ang bayan nila mula sa pagsalanta ng bagyo ay pineste ang
mga pananim nila at dahil dito ay nabawasan ulit ang kanilang inimpok na pagkain.
Pero mas nahirapan sila Aling Rosa ng magkasakit si Mang Pedro, inutusan ni Aling Rosa
si Ana Napumunta kay Aling Edna upang humingi ng tulong.

Agad naman na ngpunta si Aling Edna sa bahay nila na daladala ang parte nila
sa napaghatian na gulay at bigas. Ngunit na pansin ni Aling Rosa na wala si Ana,
tinanong nya sa babaeng kaharap nya kung nasan si Ana ngunit hindi daw nya
kasama ang bata papunta dito dahil nagpaalam ang bata na may pupuntahan.
Ilang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa nauwi ang batang si Ana, nagpatulong na
si Aling Rosa sa mga kapit-bahay na hanapin si Ana.

Ilang linggo na ay hindi pa na hahanap si Ana, isang dilubyo na naman ang


dumating sa bayan nila ang matinding init na ikina-tuyo ng mga ilog , batis at palayan
namatay ang mga hayop.

Nagugutom na din ang mga tao sa lugar nila at ang dating mapagbigay na mga
tao ay nag-aagawan na.
Isang araw ay umuwi si Ana sa kanyang magulang nya. Kitang-kita sa muka ng ina
ang pagtataka dahil may dalang basket na puno ng mga gulay at prutas. Agad na
kumalat ang balita na may dala si Ana na pagkain, kaya sumugod sila sa bahay ni
Aling Rosa. Kahit hindi alam ni aling Rosa kung san nakuha ni Ana ang mga pagkain ay
binahagian pa rin nya ang mga taong nagkakagulo sa labas ng bahay nila para
magbigyan ng pagkain.

Kinabukasan ay nag paalam ulit si Ana na aalis pagtungo sa kagubatan, dahil


tinawag daw siya ulit ng nagbigay ng pagkain sa kanya.

Nakarating na si Ana sa gubat at pumasok sa isang kweba at lumabas ng may


dalang basket na puno ng ibat-ibang uri ng gulay. Ngunit hindi nya alam na
nakasunod ang mga kababayang nyang walang ibang inisip kundi makakuha ng
pagkain.

Sinugod ng mga tao ang kweba at kinuha ang mga pagkain na nasa loob,
paglabas nila ng kweba ay may narinig sialng malakas ng iyak na babae at unti-unting
nagiba ang kweba.

Narinig ni Ana ang malakas na pagiyak alam nya kung saan nang galing ang
tinig na yun kaya nag madali syang tumongo sa kweba. Sinundan naman sya ng mga
magulang niya.

Nang makarating na si Ana at magulang nya sa gubat ay na gulat na lang sya


dahil wala na ang kweba agad na man syang dumapa at umiyak kasbay ng pagiyak
nya ay ang pagbuhos na malakas na ulan.

Lumapit ang mga tao kay Ana at humingi ng tawad sa kanya sa pagiging
marahas ng mga ito.

Pinatawad din man ni Ana ang mga ito. Agad na nagliwanag ang kangitan at
may sumibol na punong-kahoy sa ibabaw ng nagibang kweba.

"Ang Punong-kahoy na ito ay tatawagin nating ATIN sapagkat ito ay sa ating lahat!"
wika ni Ana.

Lumipas ang mga panahon ay tinawag na itong ATIS!

You might also like