You are on page 1of 4

Ang Alamat ng Bulkang Mayon

Rene O. Villanueva

Noong unang panahon sa bayan ng Ibalon ay may nakatirang isang kabigha-


bighaning dalagang nagngangalang Daragang Magayon. Anak siya nina Rajah
Makusog ng Rawis at Darawi, ngunit namatay ang kanyang ina matapos siyang isilang.
Ang kagandahang taglay ni Daragang Magayon ay nakaakit sa maraming
manliligaw mula sa iba't ibang tribo. Isa sa kanila ay ang mapagmataas at palalong si
Pagtuga, isang magaling na mangangaso at malakas na pinuno ng Iriga na nagpapakita
ng panliligaw sa pamamagitan ng mga mamahaling regalo sa ama ni Magayon.
Ngunit hindi iniibig ni Daragang Magayon si Pagtuga. Ang puso niya ay pag-aari
na ni Panganoron, ang matapang na anak ni Rajah Karilaya ng Katagalugan. Iniligtas
siya nito sa bingit ng kamatayan nang isang umagang maligo siya sa Ilog Yawa.
Habang binabalanse ang sarili sa isang bato, siya'y napadulas at nahulog sa ilog. Hindi
siya marunong lumangoy kaya't tinangay siya ng agos. Tiyempo namang nagdaan si
Panganoron. Sinaklolohan siya nito. Nang marinig siyang sumisigaw, tumalon sa ilog at
sa isang sandali, naroon na siya sa tabi ng dalaga. Maingat niyang dinala ang takot na
dalaga sa pampang. Di kalaunan, nagtapat siya ng pag-ibig sa dalaga. Nahihiyang
aminin ni Daragang Magayon na nahuhulog din ang loob niya sa binata. Ang kanilang
pag-iibigan ay nagbigay sa kanila ng lakas ng loob upang makatuntong sa bahay ni
Rajah Makusog.
Napagtanto ni Rajah Makusog na mahal ng kanyang anak ang binata at hangad
din niya ang kaligayahan ng kanyang anak. Sa gayon ay binigyan niya ng basbas ang
magsing-irog. Dala ng matinding kasiyahan, nagpunta si Panganoron sa kanila upang
paghandaan ang nalalapit nilang kasal.
Ang balitang ikakasal ang dalaga ay nakaabot sa pandinig ni Pagtuga. Lubos siyang
nagalit at gumawa siya ng paraan upang mapigilan ang nalalapit na kasal nina
Panganoron at Magayon. Isang araw, nang pumunta sa bundok si Rajah Makusog
upang mangaso, hinarangan siya ni Pagtuga at dinala sa kanila upang gawing bihag.
"Palalayain kita kung ibibigay mo sa akin si Magayon para maging asawa ko,"
sabi ni Pagtuga kay Rajah Makusog.
"Ang kasagutan ay wala sa akin. Tanungin mo si Magayon at sa kanya mo
malalaman ang sagot," sabi ni Rajah Makusog.
At dinala si Daragang Magayon sa harap ni Pagtuga. Sinabi ni Pagtuga na
papatayin ang ama ng dalaga kung hindi papayag magpakasal sa kanya. Umiiyak
siyang sumang-ayon sa gusto ng binata.
"Magaganap ang ating kasal sa loob ng pitong araw," sabi ni Pagtuga.
Dali-dali niyang inutusan ang kanyang mga tauhan na paghandaan ang darating
na kasalan. Dahilan sa biglaang pangyayari, iniwan ni Panganoron ang paghahanda sa
kasal nila ni Magayon, nagmamadali itong nagtungo sa Rawis dala ang kanyang mga
mandirigma. Mabilis ang sumunod na mga pangyayari. Napatay ni Panganoron si
Pagtuga sa gitna ng kanilang labanan. Natuwa si Magayon sa pagkakita kay
Panganoron. Dali-dali itong tumakbo palapit sa kasintahan, subalit isang ligaw na sibat
ang tumarak sa likod ng dalaga na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Nang
sasaluhin ni Panganoron ang minamahal sa kanyang bisig, isa ring sibat ang tumama
sa binata galing sa kanang kamay ni Pagtuga na si Linog. Sa pagkakita ni Rajah
Makusog, dali-dali siyang lumapit kay Linog at pinatay niya ito sa kanyang “Minasbad."
Ang dapat na kasayahang magaganap ay nauwi sa isang malungkot na
pangyayari habang inililibing ang magsing-irog. Naghukay si Rajah Makusog upang
doon ilibing ang dalawa.
Sa mga lumipas na araw, nakita ng mga tao na ang puntod ng dalawa ay
tumataas. At nang ito ay mabuo, isang walang kasinggandang tatsulok na naglalabas
ng nagbabagang mga bato sa bunganga. Kahit hanggang ngayon ay nangyayari pa ito.
Naniniwala ang mga ninuno na ito raw ay mga palatandaan na kinukuha ni Pagtuga ang
mga regalong ibinigay nito kay Magayon katulong si Linog.
Sa mga pangkaraniwang araw, kapag ang tuktok ng bulkan ay napalibutan daw
ng mga hamog at ulap, sinasabi nilang hinahagkan daw ni Panganoron si Magayon. At
kapag naman daw umuulan at bumubuhos ito pababa ng bundok, palatandaan daw na
umiiyak si Panganoron dahil sa pagkawala ng kanyang minamahal.
Mula noon, ang bulkan ay tinawag sa pinaiksing pangalan ni Magayon, tinawag
itong mayon. Ang magandang hugis nito ang siyang nagpatanyag sa bayan ng Albay.

Magayon, sino ang nakapukaw sa

Malaga? Bakit naging madali sa kanyang mahalin ang

binatang ito?

3. Sa iyong palagay, bakit hindi nagdalawang-isip si Rajah Makusog

na ipakasal ang kanyang anak kay Panganoron?

4. Sino ang naging hadlang sa pag-iisang dibdib nina Daragang

Magayon at Panganoron? Anong hakbang ang ginawa niya upang

mapigilan niya ang kasal ng dalawa?

5. Ano ang nagtulak kay Daragang Magayon na sumang-ayong

magpakasal kay Pagtuga sa kabila ng matinding pagtutol ng kanyang

puso't isipan sa pasya niyang ito? Anong uri siyang anak?


6. Paano naman ipinamalas ni Panganoron ang kanyang dalisay at wagas na
pagmamahal sa kanyang kasintahan?

7. Anu-anong kababalaghan o misteryo ang naganap sa lugar na pinaglibingan kina


Daragang Magayon at Panganoron?

8. Kapani-paniwala ba para sa iyo ang mga pangyayaring nakapaloob sa alamat ng


Bulkang Mayon? Bakit?

9. Anong bahagi ng alamat ang lubos mong naibigan? Bakit?

B. Pag-aanalisa ng Detalye

Ang bawat bilang sa kabilang pahina ay may dalawang pahayag- A at B. Suriin kung
tama o mali ang isinasaad ng mga ito ayon sa binasang seleksiyon. Gawing batayan
ang sumusunod na pagpipilian. Titik lamang ang isulat sa patlang.

A- Ang A ay tama.

B- Ang B ay tama.

С-Parehong tama ang A at B.

D-Parehong mali ang A at B.

1. A. Ang kagandahang taglay ni Daragang Magayon ay nakaakit sa maraming lalaki


mula sa iba't ibang tribo.

B. Si Pagtuga ay masugid na manliligaw ni Daragang Magayon na nagkakaloob ng


mamahaling regalo sa ama ng dalaga.

2. A. Napatunayan ni Daragang Magayon ang kadalisayan ng puso ni Pagtuga kung


kaya ito ang pinili niyang pakasalan.

B. Tumutol ang ama sa planong pagpapakasal ng magkasintahang Magayon at


Panganoron.

3. A. Masakit man sa kalooban ni Daragang Magayon, tinanggap niya ang alok ni


Pagtuga na magpakasal sa kanya alang-alang sa kanyang ama.
B. Dahil sa matinding takot, hindi na nagawa ni Panganoron na iligtas ang kanyang
iniirog sa kamay ni Pagtuga.

4. A. Ang magsing-irog na sina Daragang Magayon at Panganoron ay kapwa nasawi


dahil sa kanilang pagtutol sa kagustuhan ni Pagtuga.

B. Ang puntod ng magkasintahan ay pinaniniwalaang pinagmulan ng Bulkang Mayon.

5. A. Ang pangalan ng Bulkang Mayon ay hinango sa pinaikling pangalan ni Magayon.

B. Ang magandang hugis nito ang siyang nagpatanyag sa mga bayan ng Rawis at
Darawi.

You might also like