You are on page 1of 15

Epiko: Tulalang

EPIKO
 isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang
pangkat-etniko, rehiyon, o lalawigan ng bansa
 Isang uri ng panitikang pasalindila
 Isa sa pinakalitaw na katangian ng epiko ay ang
pagkakaroon nito ng mga pangyayaring di kapani-
paaniwala o puno ng kababalaghan
EPIKO
 May tauhang lubos na malakas at makapangyarihang
kinikilalang bayani ng rehiyong pinagmulan nito
 Ginagamit ng ating mga ninuno upang maipakita ang
kanilang mga pagpapahalaga, tradisyon, paniniwala,
mithiin, at layunin
 Tulang inaawit o binibigkas nang pakanta
Mahalagang tanong:
Paano mo malalamang nagagampanan nang
maayos ng isang lider ang kanyang tungkulin lalo
na sa mga taong kanyang pinaglilingkuran?
Mga Tauhan at Katangian
1.Tulalang
-panganay na anak
-nagmula sa mahirap na pamilya ngunit responsable
2. Matanda
-nakakita sa kabutihang-loob ni Tulalang
-may kapangyarihan
Mga Tauhan at Katangian
3. Babaeng Kapatid ni Tulalang
-hiyas ng magkakapatid
-may kapangyarihang mag-ibang anyo
-gadaliri
-nagtatanim ng mahiwagang rosas
Mga Tauhan at Katangian
4. Agio
-mayabang na heneral ng Kulaman
-nag-anyong pulubi
-makisig na binate
5. Macaranga
-maganda
-anak ng isang hari
Mga Tauhan at Katangian
6. Hari ng mga Bagyo
-pinakamalakas na kaaway ni Tulalang
Banghay ng Kuwento
1. Panimulang Pangyayari
Si Tulalang ay panganay na anak ng isang mag-
asawang mahirap. Nagtunging gubat upang
manguha ng rattan si Tulalang nang may lumapit sa
kanyang matanda at sinabing huwag na silang mag-
alala at hindi na sila magugutom kailanman.
Pagkalipas ng panahon, nanirahan sila sa isang
palasyo. Sa kanila ng kanilang kasaganahan ay
nanatili pa rin silang masisipag.
2. Pataas na Aksyon
Sinalakay ni Agio ang kaharian ni Tulalang.
Nagtulong-tulungan ang magkakapatid na sila
Tulalang. Nang matamaan ng sibat si Agio. Nang
matamaan ng sibat si Agio, bumalik ito sa dati nitong
anyo na makisig na binata. Matapos iyon, nalaman ni
Tulalang ang tungkol sa higante na nangangain ng tao
kaya’t nang nalaman niyang mayroon iyong bihag na
dalaga ay dali niyang iniligtas.
3. Kasukdulan
Napagpasyahan ng dalaga na pakasalansi Tulalang
ngunit nalaman niyang sinalakay ang Kulaman ni
Bagyo at binihag ang kapatid na babae. Pinakamalakas
niya itong kaaway sapagkat ito ay hindi nakikita.
4. Pababang Aksyon
Nang maglaban ang dalawang pangkat, napansin ni
Tulalang na sa bawat napapatay na kaaway ay dalawa
ang pumapalit. Kaya’t nagpanggap bilang kulasisi si
Tulalang at nakuha ang bote na pinag-iwanan ng mga
kaluluwa ng hari at kawal nito. Napilitang sumuko ang
hari at ang mga tauhan nito dahil tinakot na babasagin
ito.
5. Wakas at Katapusan
Nagdiwang ang kanilang kaharian sa kanilang tagumpay. Sa
gitna ng kasiyahang iyon ay ipinahayag niya ang pagdating ng
“sarimbar” na galing sa langit upang kunin silang lahat.
Pinaghandaan nila ito sa pamamagitan ng panalangin sa loob ng
apat na buwan upang sila ay maging kaluluwa sa langit. Hindi
nagtagal ay bumaba ang “sarimbar” na hugis Bangka. Ang lahat
ng mamamayan ay nagtamo ng buhay na walang hanggan at
naging maligaya sa kanilang buhay sa kalangitan.

You might also like