You are on page 1of 12

Aralin 2

Panitikan: Ang Katalinuhan ni Salidum-ay


Kuwentong-Bayan ni Reynaldo A. Duque
Gramatika/Retorika: Mga Salitang Hudyat ng Panimula, Gitna, at Wakas

Inaasahang Bunga
• Naipamamalas ang pag-unawa sa kuwentong-bayang binasa
• Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna, at
wakas ng isang akda
• Naisusulat ang buod ng isang kuwentong-bayan nang may maayos
na pagkakaugnay ng mga pangyayari gamit ang salitang hudyat sa
pagpapasimula, gitna, at wakas.

Tuklasin
Ibigay ang kalakasan at kahinaan ng sumusunod na superhero sa mga
palabas sa telebisyon at pelikula.
1. 2.

Kalakasan: Kalakasan:
Kahinaan: Kahinaan:

3. 4.

Kalakasan: Kalakasan:
Kahinaan: Kahinaan:


154 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
Basahin

Ang Katalinuhan ni Salidum-ay


ni Reynaldo A. Duque

Si Salidum-ay ay isang maganda


at matalinong dalagang katutubo sa
lupain ng mga Isneg sa Hilagang Luson.
Sa purok ng Daldagan, sa kaniyang
kinasilangan, bukambibig ang taglay
niyang katalinuhan. Sinasabing lahat
daw ng tanong ay nasasagot niya.
Ulila na sa ina si Salidum-ay. Ang
kaniyang ama, si Lakay Baugen, ay
namamasukan bilang katulong sa
malaking bahay ng pinuno ng pook na
iyon, si Pang-ulo Piddig.
Tulad ng dapat asahan, dumating sa kaalaman ni Pang-ulo Piddig
ang balita tungkol sa katalinuhan ni Salidum-ay. Ipinasya nitong
subukin ang dalaga. Tumawag ito sa isang alipin.
“Puntahan mo si Salidum-ay,” wika ng Pang-ulo sa alipin. Ibinigay
sa alipin ang isang maliit na ibon. “Sabihin mo sa kaniya mula sa karne
ng ibong ito ay magluto siya ng labindalawang putahe.”
Tinupad ng alipin ang utos ng Pang-ulo Piddig. Ngunit hindi man
lamang nabagabag si Salidum-ay. Ngumiti lamang siya. Naglabas siya
ng isang maliit na karayom.
“Ibigay mo ang karayom na ito
sa butihing Pang-ulo,” sabi niya sa
alipin. “Sabihin mo sa kaniya na
kung makagagawa siya ng labin-
dalawang kutsara mula sa karayom
na ito, makapagluluto rin ako ng
labindalawang putahe mula sa karne
ng ibong padala niya.”
Magkahalong saya at paghanga
ang naramdaman ni Pang-ulo Piddig

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


 155
nang malaman nito ang sagot ni Salidum-ay. Gayon pa man, nag-isip
uli ito ng paraan upang subukin kung hanggang saan ang katalinuhan
ng dalaga.
Kinabukasan tinawag uli ng Pang-ulo ang alipin. Binigyan niya ng
isang tupa.
“Dalhin mo ang tupang ito kay Salidum-ay,” utos ng Pang-ulo sa
alipin, “Sabihin mo sa kaniya na ipagbili niya ang tupang ito pero
hindi lamang ibigay sa akin ang pinagbilhan kundi pati na rin ang tupa
mismo!”
Nang malaman ni Salidum-ay ang kagustuhan ng Pang-ulo ay
kumuha siya ng isang matalas na gunting. Ginupit niya ang mga
balahibo ng tupa. Ipinagbili niya ito. Pagkatapos, ipinadala niya sa
Pang-ulo ang bayad ng tupa pati na rin ang tupa mismo.
Nagitla si Pang-ulo Piddig sa talas ng pag-iisip ni Salidum-ay.
Ngunit hindi pa rin ito naniniwalang matalino si Salidum-ay.
Kinabukasan, tinawag uli ni Pang-ulo Piddig ang pinagkaka-
tiwalaang alipin.
“Sabihin mo kay Salidum-ay na ako ay dinapuan ng mahiwagang
karamdaman. Ang tanging lunas ng karamdaman kong ito ay gatas na
nagmumula sa suso ng lalaking baka!”
“Opo, mahal na Pang-ulo!” sagot ng alipin. “Sabihin mo rin
sa kaniya,” dugtong ng Pang-ulo Piddig, “na padadalhan niya ako
ng gatas ng lalaking baka sa loob ng tatlong araw. Kung hindi niya
matutupad ang kahilingan kong ito, palalayasin ko silang mag-ama sa
aking nasasakupan!”
Nang malaman ni Salidum-ay ang kahilingan ng Pang-ulo ay
kinausap niya ang kaniyang ama.
“Gusto ko lamang po malaman kung kailan maliligo ang Pang-ulo
sa ilog,” wika ni Salidum-ay kay Ama Baugen.
Sa ikalawang araw, nagpalabas ang Pang-ulo ng utos sa mga
nasasakupan na walang maglalaba o maliligo sa ilog dahil gagamitin
ito. Agad itong ibinalita ni Ama Baugen sa anak.
Nang malaman ito ni Salidum-ay ipinakatay niya sa kaniyang ama
ang alaga niyang baboy. Pagkatapos, ikinulapol niya ang dugo ng baboy
sa isang banig.


156 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
Ang agos ng ilog na pinaglabahan ni Salidum-ay ay tumungo sa
kinaroroonan ni Pang-ulo Piddig na naliligo. Nagalit ito nang makita
ang ginagawa ni Salidum-ay.
“Bakit ka naglalaba rito?” bulyaw
ng Pang-ulo. “Dahil po sa kailangang
malabahan ko agad itong banig na
namantsahan ng dugo, mahal na
Pang-ulo,” sagot ni Salidum-ay.
“May utos akong walang
maglalaba sa ilog ngayon dahil
maliligo ako!” wika ng Pang-ulo.
“Ipagpatawad po ninyo mahal
na Pang-ulo,” yukod ni Salidum-
ay sa harap ng Pang-ulo. “Kasi po
kapapanganak lamang ng aking ama. Kaya kailangan malinis ko agad
ang banig na ginamit niya.”
“Kalokohan!” wika ng Pang-ulo.
“Hindi ako naniniwala riyan!”
“Bakit po mahal na Pang-ulo?”
“Paano magkakaanak ang isang lalaki?”
Ngumiti lamang si Salidum-ay. “Kung kalokohan po ang
panganganak ng isang lalaki,” sagot niya, “ay lalong kalokohan din ang
humingi ng gatas ng isang lalaking baka!”
Hindi nakahuma ang Pang-ulo. Kapagkuwan, inabot nito ang isang
palad ni Salidum-ay.
“Kahanga-hanga ka, Salidum-ay,” wika ni Pang-ulo Piddig.
“Ngayon lang ako nakatagpo ng isang babaing katulad mo. Dahil dito,
gagantimpalaan kita!”
“Anong gantimpala po?”
“Ikaw ang karapat-dapat na maging ina ng aking mga apo!” wika
ng Pang-ulo.
Hindi naglaon, ipinakasal ni Pang-ulo Piddig si Salidum-ay sa
panganay nitong anak, si Manabo. Nang namatay si Pang-ulo Piddig,
si Manabo ang umupong Pang-ulo ng kanilang tribo.

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


 157
Naging maligaya at masagana ang pamumuhay ng pook na iyon
nang maupong Pang-ulo si Manabo. Ang lahat ng iyon ay dahil
sa matalinong pamamahala nito sa tribo, na ang lihim nitong lakas
ay nagmumula kay Salidum-ay, ang uliran at walang katulad sa
katalinuhang asawa nito.

Talas-Salita

Kulayan ng itim ang bilog na HINDI kasingkahulgan o di-


kapangkat ng salitang may salungguhit.
1. nabagabag 3. ikinulapol
nasindak ipininta
nagimbal ikinalat
nag-alala isinaayos
nagulo ipinahid

2. nagitla 4. uliran
nagulat huwaran
natahimik modelo
namangha ulila
nabigla gayahan


158 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
Pag-unawa sa Binasa

1. Ano-ano ang katangian ni Salidum-ay? Patunayan ang taglay


niyang katangian.
Patunay ng Kaniyang
Katangiang Taglay
Katangian

2. Isa-isahin ang mga kahilingan ni Pang-ulo Piddig kay Salidum-ay.

3. Paano nalampasan ni Salidum-ay ang mga pagsubok ni Pang-ulo


Piddig sa kaniya?

4. Ano ang naging gantimpala ni Salidum-ay sa kaniyang mga


pagsubok?

5. Ibigay ang kaisipang inilalahad sa binasang akda. Isulat ito sa loob


ng kahon.

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


159
Pagpapalalim

Ang Kuwentong-Bayan
Ang kuwentong-bayan ay akdang pampanitikang binubuo ng mga
kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan. Karaniwang
kaugnay ito sa kaugalian, at tradisyon ng isang pook, tribo, o bayan.
Ang mga salaysay ay hinggil sa mga likhang-isip ng mga tauhang
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan katulad ng matandang hari,
isang marunong na lalaki, o kaya ay isang hangal na babae.
Pampalipas-oras at kadalasa’y kuwento sa mga bata upang kapu-
lutan ng aral ang kuwentong-bayan. Ang kadalasang paksa ay mga
bagay na makapanindig-balahibo tulad ng aswang, maligno, kapre,
mga sirena, at mga nuno sa punso.

Mga Elemento ng Kuwentong-Bayan


1. Tauhan
Ang mga tauhan ay maaaring pagkabuti-buti o pagkasama-
sama. Taglay ng bidang tauhan ang mga katangian tulad ng pagiging
matapang, mapagmahal, di-makasarili, mabait, at mapagbigay.
May kakaiba rin siyang kakayahan at kapangyarihan.

2. Tagpuan
Madaling mailarawan ang tagpuan–isang simpleng tirahan
o bahay o kaya ay isang kaharian na angkop sa isang tipikal na
lokasyon.

3. Banghay
Simple at kawili-wili ang banghay. Puno ng aksiyon at may
tiyak na gabay. Mabilis ang aksiyon na nananaig ang kabutihan sa
paglutas ng suliranin.

4. Tema
Pang-unibersal ang tema. Ang mga aral at mga pagpapahalaga
ay may kaugnayan (sa tao) at mahalaga sa mga taong may kaugnayan
sa kuwentong-bayang nabuo o pinanggalingan nito. Kadalasan,


160 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
binabanggit dito kung ano ang maaaring mangyari sa mga taong
sumusuway sa mga tradisyon.

Dagdag Kabatiran

Basahin
Ang Pinaupong Bangkay

Asal ang tawag sa silyang Kinaumagahan, habang dini-


upuan ni Kamatayan ng mga dilig ng Igorot ang mga pa-
Igorot. Noong unang panahon, nanim ay natanawan niya ang
may isang Igorot na nagtanim magkakapatid na matsing kasama
ng kalabasa sa gilid ng bundok. ang kanilang mga magulang at
Tuwang-tuwa siya nang mapa- ng buong tribo. Sa dami nila ay
bunga niya nang marami ang
natakot ang Igorot.
kalabasa.
"Hoy Igorot! Bakit hinabol
Isang hapong kasasalok lang
niya ng tubig sa likod ng bahay mo ang mga anak ko? At bakit
ay nagulat siya sa ingay ng pinagbintangan mo pa silang mga
magkakapatid na matsing. Pinag- magnanakaw? Walang magna-
hahatak nila ang kalabasa nang nakaw sa lipi namin!"
walang paalam. Nagpaliwanag ang Igorot,
"Hoy, hoy!" "Mga magna- "Kinuha nila ang mga kalabasa na
nakaw!" Hinabol nito ang mga walang paalam. Hindi ba pagna-
matsing na kumaripas ng takbo. nakaw iyon?"

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


 161
Hindi marunong makinig inaakala nilang bangkay. Nagulat
sa paliwanag ang mga matsing. ang mga matsing nang dumilat
Galit na galit nilang nilapitan ang ang Igorot. Inutusan niya ang mga
Igorot at kinurot at pinagkakagat. ito na kalagan siya at pinaghanda
Nanlaban ang Igorot. Ma- niya ang mga kabataang matsing
tapang din ito. Pero nag-iisa siya ng kawa at magpakulo ng tubig.
nasukol siya ng mga matsing. Pinagtatali ng Igorot ang mga
Duguan ang Igorot. At inakala matsing at isa-isa itong pina-
nilang patay na ito, hindi nila alam kuluan hanggang sa mamatay.
na nagpatay-patayan lamang ito. Galit na galit ang matatandang
Habang ginagawa ang ataol matsing nang makita nilang wala
na panlibing sa Igorot ay iniupo nang buhay ang mga anak nila.
muna ang Igorot sa silyang Asal, Hinanap nila ang Igorot ngunit
na silyang upuan ni Kamatayan. ito ay hindi na nakita. At dahil
Tinalian nila ang ulo nito upang malakas ang kamandag ng mga
maayos na mapaupo ang Igorot. kagat ng matsing ay namatay din
Tuwang-tuwa ang mga matsing ang Igorot. Inakala nilang didilat
na sa kanila na mapupunta ang muli ito kapag pinaupo sa silyang
kabahayan ng Igorot. Mapapa- Asal ni Kamatayan ngunit nabigo
sakanila rin ang lahat ng kalabasa sila sa paghihintay.
nito. Ito at naging simula ng tra-
Habang naghahanap ng lugar disyong pagpapaupo ng bangkay
na mapaglilibingan sa kagubatan sa Asal. Pagpapaupo sa naidlip na
ang mga matandang matsing, ang Kamatayang bukas makalawa ay
mga kabataan ang pinagbantay sa pinaniniwalaang mabubuhay.


162 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
Pagtibayin

Talakayin
1. Ilarawan ang tauhan ayon sa kaniyang ikinilos, pagsasalita, at
kakayahan.

2. Ilahad ang mahahalagang pangyayari sa binasang kuwento sa


tulong ng dayagram. Isagawa nang pasalita.

C. Kasukdulan

B. Pataas na Aksiyon D. Pababang Aksiyon

A. Panimula E. Kongklusyon

3. Ibigay ang tema ng binasang akda. Ano ang tradisyong ipinakita sa


seleksiyon?

Gramatika/Retorika

Mga Salitang Hudyat ng Panimula, Gitna, at Wakas


Sa pagsulat ng isang talatang nagsasalaysay, may mga salita o
pahayag na nagbibigay hudyat para makilala ang panimula, gitna, at
wakas ng kuwento.
1. Panimula – Kinakailangang mapukaw kaagad ang kawilihan
ng magbabasa o makikinig

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


 163
Halimbawa
a. Noong unang panahon, walang kaayusan at kaanyuan ang
Mundo.
b. Sa pasimula, isang malawak na karagatan ang makikita.

2. Gitna – Ang pagpapanatili ng kawilihan ay mahalaga upang


masundan ang mga pangyayari. Ang mga salitang gagamitin ay
kailangang makatulong sa pagiging malinaw ng kuwento.
Halimbawa
a. Walang ano-ano, may lumabas na pagkalaki-laking ibon.
b. May biglang kung anong dambuhalang isda ang lumabas
mula sa ilalim ng karagatan.

3. Wakas – Kailangang maging malinaw ang pagtatapos. Dapat


na maihatid ang mensaheng nais ipakita sa binasang kuwento.
Halimbawa
a. Sa wakas, naging maligaya at matiwasay ang buhay ng mga
mamamayan.
b. Hanggang sa maghari ang kapayapaan sa pook na iyon.

Gawaing Komunikatibo

A. Piliin sa kahon ang angkop na salitang ipamumuno sa panimula,


gitna, at wakas upang mabuo ang isang kuwento. Gamitin ang
malaking titik kung kinakailangan.

nang mayamaya sa huli


isang agad dali-daling

(1) araw ay inutusan ni Aling Petra si Juan sa palengke


upang mamili ng alimango. (2) nakarating si Juan sa palengke.
Nagtungo siya agad sa tindahan ni Aling Bebang. (3) ay dala
na ni Juan ang biniling mga alimango matapos makapagbayad. Dahil
mabigat ang dala-dalang alimango, naisip niyang kalagan ang mga ito


164 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
at palakarin papunta ng kanilang bahay. (4) nagsilakad ang
mga alimango patungong ilog. (5) saka lang naisip ni Juan
na hindi nga pala uuwi ng kanilang bahay ang mga alimango kundi sa
malapit na ilog.

B. Pag-aralan ang larawan. Bumuo ng kuwento ayon sa ipinakikita


sa collage, gamit ang mga salitang hudyat ng panimula, gitna, at
wakas.

C. Gamitin sa sariling pangungusap ang sumusunod na pahayag na


maaaring magamit sa panimula, gitna, at wakas ng pagsasalaysay.

1. Nagsimula ang kuwento nang


2. Habang
3. Di-naglaon
4. Hanggang
5. Pagkatapos, naghari ang

Gawaing Pasulat

Magsaliksik ng isang kuwentong-bayang may maayos na pagka-


kaugnay ng mga pangyayari, at ibuod ito gamit ang mga salitang hudyat
ng panimula, gitna, at wakas.

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


 165

You might also like