You are on page 1of 15

Aralin 2

Panitikan: Mga Pangunahing Tauhan ng “Ibong Adarna”


Gramatika/Retorika: Ang Pang-uring Pahambing

Inaasahang Bunga
• Naihahambing ang mga tauhan ayon sa kani-kanilang mga katangian
• Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning
panlipunang dapat mabigyan ng solusyon
• Naisusulat ang tekstong nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning
panlipunan na may kaugnayan sa mga kabataan
• Nakapaghahambing ng isang taong hinahangaan sa kasalukuyan sa isa
sa mga tauhang naibigan sa "Ibong Adarna" sa tulong ng pang-uring
pahambing

Tuklasin

Gumawa ng profile ng inyong pamilya. Simulan sa iyong ama


hanggang sa pinakabatang kasapi ng pamilya. Sundin ang mungkahi sa
pagbuo nito.

• Pangalan: Edad:
• Pangunahing Responsabilidad:
• Katangiang Taglay

Sagutin nang pasalita ang sumusunod:


1. Bakit kinakailangang maging matatag ang isang pamilya?
2. Ano-ano ang bagay na magpapatatag sa isang pamilya?
3. Ano-ano ang bagay na magpapahina sa ugnayan ng isang
pamilya?

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon



233
Basahin

Mga Pangunahing Tauhan ng “Ibong Adarna”

1. Haring Fernando. Si Haring


Fernando ang bantog na hari
ng Berbanya. Siya ay matuwid
at makatarungan kaya naman
naging masagana ang kaharian
sa ilalim ng kaniyang pamama-
hala. Isa rin siyang matalinong
pinuno sapagkat anomang balakin
niya ay mabuti at hindi siya padalos-dalos sa anomang pagpapasya.
Ngunit dahil sa di-magandang panaginip niya tungkol sa
bunsong anak na si Don Juan, siya ay nagkasakit. Ang tanging
makapagpapabuti sa kaniyang kalagayan ay ang pitong awit ng
Ibong Adarna.

Sa kanyang pamamahala
Kaharia’y nanagana,
Maginoo man at dukha
Tumatanggap ng wastong pala.
Bawat utos na balakin
Kaya lamang pairalin,
Kung kanya nang napagliming
Na sa bayan ay magaling.
Kaya bawat kamalian
Na sa kanya'y ipagsakdal
Bago bigyang kahatula’y
Nililimi sa katwiran.

2. Donya Valeriana. Maganda, mapagmahal na ina, at mabuting


kabiyak ni Haring Fernando. Wala siyang hilig sa kapangyarihan
at hindi kailanman nakialam sa panunungkulan ng kabiyak sa
kaharian.


234 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
Kapilas ng puso niya
Ay si Donya Valeriana
Ganda’y walang pangalawa’t
Sa bait ay uliran pa.

3. Don Pedro. Isa sa mga prinsipe ng kahariang Berbanya. Panganay


na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.

Nagsilakad na ang tatlo


Katuwaa’y nag-ibayo,
Datapuwa’t si Don Pedro’y
May masama palang tungo.

Nagpahuli kay Don Juan’t


Kay Don Diego umagapay,
Ito’y kanyang binulungan
Sa balak na kataksilan

“Mabuti pang dili hamak


Si Don Juan,” anyang saad,
At sa ama nating liyag
Ay marangal na haharap.

4. Don Diego. Pangalawang anak na prinsipe ng hari at reyna.


Walang sariling pagpapasya at sunod-sunuran lamang sa lahat ng
ipinagagawa ng kapatid na si Don Pedro. Sundan ang mga saknong
sa ibaba para lubos na makilala si Don Diego.

Inaming may matuwid


Kay Don Juan ay mainggit,
Ngunit baga bakit
Aapihin ang kapatid.

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


 235
Urong-sulong magsalita
Tumutol ay di magawa’t
Sa takot na mapalisya
Umayon nama’y masama.

Kaya sa kauukilkil
Ni Don Pedro’y sumagot din,
Na kung ating lilimii’y
Umiiwas sa sagutin.

5. Don Juan. Si Don Juan ang pinakabunso sa tatlong magkakapatid


na prinsipe sa kahariang Berbanya. Siya ang pinakamamahal ng
amang hari dahil sa likas na kabaitan nito. Pinatutunayan ito ng
sumusunod na saknong.

Ang pangatlo’y siyang bunso


Si Don Juan na ang puso’y
Sutlang kahit mapugto
Ay puso ring may pagsuyo.

Salang mawalay sa mata


Ng butihing ama’t ina,
Sa sandaling di makita
Ang akala’y nawala na.

Si Don Juan naman pala’y


Naghihintay lang sa ama;
Ang puso ay nagdurusa
Sa nangyari sa dalawa.

6. Ibong Adarna. Ang ibong engkantada ng


punong Piedras Platas na naninirahan sa
Bundok Tabor. Nagtataglay ng katangiang
supernatural at pinaniniwalaang makapag-
papagaling sa hari matapos nitong marinig
ang awit na may taglay na mahika.


236 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
7. Ermitanyo. Ang mabait na matandang tumulong kay Don Juan sa
paghahanap at paghuli ng Ibong Adarna.
Humayo na si Don Juan
sa dampang kanyang natanaw
pagtao po ay dinungaw
ng Ermitanyong may-bahay.

Inanyayahang pumanhik,
sa itaas na nagniig.
Ermitanyo ay mabait
kay Don Jua'y may pag-ibig.

Mga payo at pangaral


ng ama sa bunsong mahal
ang aliw na ibinigay
sa Prinsipeng namamanglaw.

8. Prinsesa Juana - Isa sa mga marilag na prinsesa ng kaharian


ng Armenya. Nailigtas ni Prinsipe Juan sa kamay ng higanteng
bumihag dito.
Lalo siyang nanggilalas
At ang puso ay nabihag
Nang tamaan na ng malas
Si Donya Juanang marilag.

Sumisikat na bituin
Sa bughaw ng panginorin,
Nakangiti at magiliw
Sa pagsabog ng ningning!

9. Prinsesa Leonora - Ang nakaba-


batang kapatid ni Prinsesa Juana.
Isa ring magandang dilag na
nailigtas ni Don Juan sa pagkandili
ng mapanganib na serpyente. Siya
rin naman ang nagligtas kay Don
Juan sa tiyak na kapahamakan.

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon



237
10. Haring Salermo - Makapangyarihan at malupit na hari ng De Los
Crystales. Pinahihirapan niya ang sinomang lalaking humingi ng
kamay ng isa sa tatlo niyang anak na prinsesa. Sundan ang mga
saknong sa ibaba bilang patunay ng mga katangiang ito.

“Kaya ikaw ay makinig


Sa aking ipagsusulit
Magmalas ka sa paligid
Ng palasyong sakdal dikit.”

11. Donya Maria Blanca - Ang pinakamaganda at pinakamakapang-


yarihan sa tatlong anak ni Haring Salermo dahil sa taglay nitong
mahika blanca kaya binansagan siyang Donya Maria Blanca.
Mapagmahal at tapat sa kanyang sinisintang si Don Juan.

Sa tatlo’y iyong piliin


Si Maria Blancang butihin,
Ganda nito ay tantuin
Daig ang talang maningning.

Talas-Salita

Piliin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salita sa Hanay A.


Hanay A Hanay B
1. dukha a. kauulit
2. napaglimi b. sumunod

3. uliran c. mahirap
d. huwaran
4. tumalima
e. napag-isip
5. kauukilkil
f. mapaniwala
6. nag-apuhap g. magkamali
7. mapalisya h. naghanap

 238 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


Pag-unawa sa Binasa

1. Kilalanin at ilarawan ang mga tauhan.

a. Haring Fernando

b. Reyna Valeriana

c. Don Pedro

d. Don Diego

e. Don Juan

f. Ermitanyo

g. Donya Juana

h. Donya Leonora

i. Donya Maria

j. Haring Salermo

2. Pumili ng apat na tauhang hinahangaan mo at ibigay ang dahilan ng


iyong paghanga sa kanila. Gamitin ang tsart.

Mga Tauhang Hinangaan Dahilan ng Paghanga sa Tauhan

1.
2.
3.
4.

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


239
3. Ilahad ang magandang katangian ng mga tauhan ayon sa kanilang
tungkulin.

Tauhan Tungkulin Katangian


Ama
1. Haring Fernando
Pinuno
Ina
2. Reyna Valeriana
Reyna
Anak
3. Don Juan
Kapatid

Pagpapalalim

Pag-aralang mabuti ang mga saknong.


Sabihin kung anong katangian ang makikita sa bawat tauhan.

Tauhan Saknong
Haring Fernando Sa kanyang pamamahala
Kaharia'y nanagana,
Maginoo man at dukha
Tumatanggap ng wastong pala.
Bawat utos na balakin
Kaya lamang pairalin,
Kung kanya nang napagliming
Na sa bayan ay magaling.
Kaya bawat kamalian
Na sa kanya'y ipagsakdal
Bago bigyang kahatula’y
Nililimi sa katwiran.
Paliwanag




240 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
Don Pedro Nagsilakad na ang tatlo
Katuwaa’y nag-ibayo,
Datapwa’t si Don Pedro’y
May masama palang tungo.
Nagpahuli kay Don Jua’t
Kay Don Diego umagapay,
Ito’y kanyang binulungan
Sa balak na kataksilan.
"Mabuti pang dili hamak
Si Don Juan,” anyang saad,
“at sa ama nating liyag
Ay marangal na haharap.
Paliwanag



Don Diego Inaming may matuwid


Kay Don Juan ay mainggit,
Ngunit baga bakit
Aapihin ang kapatid.
Urong-sulong magsalita
Tumutol ay di magawa’t
Sa takot na mapalisya
Umayon nama’y masama.
Kaya sa kauukilkil
Ni Don Pedro’y sumagot din,
Na kung ating lilimii’y
Umiiwas sa sagutin.
Paliwanag



Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon



241
Prinsesa Juana Lalo siyang nanggilalas
At ang puso ay nabihag
Nang tamaan na ng malas
Si Donya Juanang marilag.
Sumisikat na bituin
Sa bughaw ng panginorin,
Nakangiti at magiliw
Sa pagsabog ng ningning!
Paliwanag



Prinsesa Leonora Narito raw yaong tala


Linas sa aking dalita,
Talang ito ay ikaw nga,
O, Leonora kong mutya.
Paliwanag



Prinsesa Blanca Sa tatlo’y iyong piliin


Si Maria Blancang butihin,
Ganda nito ay tantuin
Daig ang talang maningning
Paliwanag




242 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
Haring Salermo “Kaya ikaw ay makinig
Sa aking ipagsusulit
Magmalas ka sa paligid
Ng palasyong sakdal dikit.”
Paliwanag



Pagtibayin
Pagsasanay 1
Pag-aralan ang mga katangiang nasa loob ng kahon. Tukuyin kung
kaninong karakter angkop ang mga nabanggit. Isagawa nang pasalita.

makatarungan sakim
mapagbigay sa kapuwa mapanlamang sa kapuwa
mainggitin walang sariling paninindigan
mapagmahal sa magulang maalalahanin sa pamilya
madaling magmahal mapagsubok
mapanubok maalalahanin sa kapatid
mapagduda mabagsik
magiliw sa kapuwa

Pagsasanay 2

1. Bilang isang anak, paano mo mapananatiling maganda ang


samahan ng inyong pamilya?
2. Gumawa ng isang islogang nagpapahayag ng kagandahan ng
pagkakaroon ng isang matatag na pamilya.

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


243
Gramatika/Retorika

Ang Pang-uring Pahambing


Pang-uring pahambing ang tawag sa mga pang-uring naghahambing
ng dalawang tao, bagay, pook, at iba pa. Ang dalawang uri nito’y
pahambing na magkatulad at pahambing na di-magkatulad. Magkatulad
kung magkapareho o patas ang ipinaghahambing samantalang di-
magkatulad kung nakahihigit o nakalalamang ang isa sa isa pa. Ito ay
naipahahayag sa tulong ng mga panlapi tulad ng ka-, mag-, magkasing-
at mga salitang panghambing tulad ng higit, mas, lalo, at iba pa.

Gawaing Komunikatibo
A. Paghambingin ang mga sumusunod na tauhan batay sa mag-
katulad at di-magkatulad na katangian.

Tauhan Magkatulad Magkaibang


sa Kuwento na Katangian Katangian
Haring
Fernando
Haring Salermo
Don Pedro
Don Diego
Don Juan
Prinsesa Juana
Prinsesa
Leonora
Prinsesa Maria
B. Paghambingin ang dalawang tauhan batay sa magkatulad na
katangian. Gamitin ang pang-uring hambingan sa tulong ng mga
panlapi.
Halimbawa
Sina Don Pedro at Don Diego ay magkasinduwag.
a. Don Fernando at Don Salermo

b. Doña Juana at Doña Leonora


244 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
C. Paghambingin ang dalawang tauhan batay sa pagkakaiba ng
kanilang mga katangian. Gamitin ang mga pang-uring hambingan
sa tulong ng mga panlapi.
a. Don Fernando at Don Salermo

b. Don Juan at Don Diego

c. Don Pedro at Don Juan



d. Doña Leonora at Doña Maria Blanca

Gawaing Pasulat

Isagawa Natin

Gawain 1
A. Bumuo ng character profile sa mag-anak ng Berbanya. Isulat ang
katangian ng bawat tauhan. Maaaring gamitin ang tsart sa sumu-
sunod na pahina.

Mga Tauhan

Haring Fernando Reyna Valeria

Don Pedro Don Diego

Don Juan

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


 245
B. Maghambing ng isang taong hinahangaan sa kasalukuyan sa isa sa
mga tauhang naibigan sa “Ibong Adarna” gamit ang hambingan ng
pang-uri. Maaaring gamitin ang tsart.

Mga Katangiang
Hinahangaan Ko

Tauhan sa “Ibong Adarna” Taong Hinahangaan sa Kasalukuyan

Pamantayan sa Pagpuntos sa Gawain A

Kailangan Pang
Mga Kategorya Napakahusay Mahusay Paghusayin
5 4–3 2–1

Paglalarawan
sa katangian
ng bawat tauhan

Patunay na
mga saknong
Angkop na
paglalarawan

Pagkamalikhain


246 Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon
Pamantayan sa Pagpuntos sa Gawain B

Kailangan Pang
Mga Kategorya Napakahusay Mahusay Paghusayin
5 4–3 2–1

Paglalarawan
sa katangian
ng bawat tauhan

Angkop na
paglalarawan
gamit ang
pang-uring
paghambing

Pagkamalikhain

Gintong Biyaya 7, Ikalawang Edisyon


247

You might also like