You are on page 1of 3

I.

Tauhan
Mga Pangunahing Tauhan
Ibong Adarna
Isang engkantadong ibon.  Ito ay nagpapahinga sa punong may mga pilak na dahon kung
sumasapit ang hatinggabi.  Umaawit ito ng pitong beses at sa bawat awit nito ay nag-iiba ng anyo
ang kanyang mga plumahe.  At sinumang naghihintay sa kanya ay napipilitang makatulog sa pitong
ulit na pag-awit na ginagawa niya.  Pagkatapos ng pitong awit ay magbabawas ang Ibong Adarna
bago matulog.  Mahiwaga ang kanyang awit at nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa
sinumang makadinig nito, ngunit ang mapatakan ng kanyang dumi ay nagiging bato.  
Haring Fernando
Kinikilalang isang haring makatarungan at makatuwiran.  Hinahangaan nang labis ang kanyang
mahusay na pamamahala sa Berbanya dahil sa payapang namumuhay ang mga mamamayan sa
maunlad na kaharian.
Reyna Valeriana
Ang butihing asawa ni Don Fernando at ina ng tatlong magigiting na prinsipe ng Berbanya na
sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan.  Ang kanyang kahinahunan ay lalong nagdulot ng
kabutihan upang ang Hari ng Berbanya ay higit na maging makatarungan at matalino sa
pamamalakad sa kaharian.
Don Pedro
Ang panganay na anak ng Hari at Reyna ng Berbanya.  Isa siyang magiting na mandirigma.
Likas ang angking galing at talino na taglay ng isang prinsipeng tagapagmana ng korona, subalit
likas din ang kanyang angking kabuktutan at ang lihim na inggit.  Naghahangad na sumunod na
maging hari ng Berbanya.
Don Diego
Ang pangalawang anak ng Hari at Reyna ng Berbanya.  Isang prinsipeng sunud-sunuran sa
kapatid na si Don Pedro.  Tulad ng panganay na kapatid, siya ay bihasa rin sa paghawak ng armas.
Bagama’t may angking talino sa pamumuno at may kakayahan ding tanghaling tagapagmana ng
korona ay naging sunud-sunuran si Don Diego sa panganay na kapatid kaya’t nawalan ng sariling
desisyon.  Si Don Diego ay nalilihis ng landas dahil sa kabuktutan ni Don Pedro.
Don Juan
Ang pinakanatatanging prinsipe, ang bunsong anak ng hari at reyna.  Siya ang prinsipeng
matuwid at nagmana ng pagiging makatarungan at makatuwiran ng amang hari.  Likas sa puso ang
kabutihan kaya’t nagawang linlangin ng dalawang kapatid na may buktot na hangarin.  Ang likas na
kabutihang taglay ang nagligtas kay Don Juan sa mga kapahamakang nasusuungan.
Sumusuportang Tauhan
Matandang leproso
Ang matandang may mahigpit na bilin na makipagkita muna si Don Juan sa ermitanyo na
naninirahan sa isang kuweba sa Bundok Tabor bago pa man niya pangahasang hulihin ang Ibong
Adarna.

Ermitanyo
Ang matandang nagpayo kay Don Juan ng mga kailangan niyang gawain para mahuli ang
engkantadong Ibong Adarna.

Donya Juana
Ang kapatid ni Donya Leonora at prinsesang iniligtas ni Prinsipe Juan mula sa higanteng
nagbabantay sa kanya.

Donya Leonora
Ang bunsong kapatid ni Donya Juana at iniligtas ni Don Juan mula sa serpyenteng may pitong
ulo na tagapagbantay niya.

Haring Salermo
Hari sa kaharian ng Delos Cristal (Kaharian ng mga Kristal) at ama ni Donya Maria Blanca. May
taglay na mahikang itim.

Donya Maria Blanca


Ang prinsesa ng Reyno Delos Cristal.  May taglay ding kapangyarihang mahika na higit pa sa
kanyang ama na si Haring Salermo.

II. Tagpuan
Bundok Tabor
Ang bundok kung saan namamalagi ang Ibong Adarna.
Kaharian ng Berbanya
Ang kaharian ng Haring Fernando.
Bundok Armenya
Ang bundok kung saan nanirahan si Don Juan
Mahiwagang Balon
Ang balon kung saan nakakulong ang dalawang prinsesa at binabantayan ng mga halimaw.
Kaharian ng Reyno Del Los Cristales
Ang kaharian ng Haring Salermo.
III. Pangyayari
 Nagkaroon ng isang masamang panaginip ang hari at sya ay nagkasakit.
 Isang ermitanyo ang dumating at nagsabi na ang tanging makapagpapagaling sa kanya ay ang
pitong awit ng Ibong Adarna.
 Dahil sa magandang kalooban ni Don Juan, sya ay tinulungan ng matandang ketongin kung
papaano matatagpuan ang Ibong Adarna.
 Nailigtas ni Don Juan ang kanyang dalawang kapatid nang buhusan nya ito ng tubig ayon s utos
ng ermitanyo.  
 Sinaktan si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay sa kabila ng pagliligtas nito sa dalawa
nyang kapatid.
 Dagli-dagling umuwi si Don Juan at sa kanyang pag-dating sa kaharian nagpalit agad ng
balahibo ang ibon at bigla itong umawit kaya gumaling ang hari.
 Nakita ni Don Juan ang mga magagandang prinsesa na si Juana at Leonora.
 Pinutol ni Pedro ang lubid at nahulog si Juan sa ibaba ng balon at sya'y labis na nasaktan.  
 Nagising si Don Juan at nirinig ang awit ng ibon tungkol sa isang mas magandang prinsesa na si
Maria Blanca.  
 Sinubok ni Haring Salermo si Juan, naging mahigpit ang mga pagsubok na ibinigay sa kanya.
 Dahil napagtagumpayan ni Don Juan ang mga pagsubok, napilitan si Haring Salermo na ipakasal
ang isa sa kanyang mga prinsesa.  
 Nalaman ni Leonora na dumating na si Juan, sya'y lumapit kay Juan at nakalimutan ni Juan si
Maria.  
 Unti-unting nagbalik ang ala-ala ni Juan at sila ay nagpakasal ni Maria.  
IV. Pagsusuri
V. Konklusyon
Ang Ibong Adarna ay isang halimbawa ng korido. Ang buong pamagat nito ay Corrido at Buhay
na Pinagdaanan nang Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na Anak nina Haring Fernando at Reyna
Valeriana sa kahariang Berbania. Halaw ito sa isang lumang Europeong alamat. Ito ay naglalaman
ng kwento tungkol sa kahirapan at kasagaan ng isang pamilya at kung papaano nila ito nalampasan.
Ang tekstong ito ay nagtuturo ng mga aral ng pakikipagkapwa tao upang mapabuti ang sarili at
kung papaano maging isang mabuting halimbawa sa ating bayan.

You might also like