You are on page 1of 3

PAMAGAT :

IBONG ADARNA
AUTHOR :
Glady E. Gimena at Leslie S. Navarro
KARAPATANG MAGLATHALA :
Prime Multi-Quality Printing Corp.
KARAKTER :
Pangunahing Karakter:

IBONG ADARNA
-isang ibong napakaganda na may makulay at mahabang balahibo.
Matatagpuan itong nakadapo sa puno ng Piedras Platas na nasa bundok ng Tabor.

DON JUAN
-bunsong prinsipe ng hari at reyna. Siya ang pinakanatatangi sa lahat
dahil minana niya ang pagiging makatarungan at makatuwiran ng ama.

DON FERNANDO
-ang hari ng Berbanya. Kinilala siya bilang isang haring makatuwiran.

DONYA VALERIANA
-ang reyna ng Berbanya.ang taglay niyang kabutihan sa puso ang
nagtulak kay Haring Fernando upang higit na maging makatarungan sa paghahari.

DON PEDRO
-ang panganay na anak ng hari. Ang may inggit kay Don Juan.

DON DIEGO
-ang pangalawa sa anak ng hari at reyna. Ang naging sunud-sunuran kay
Don Pedro kaya nalilihis ang landas dahil natalo ng kabuktutan ng panganay na
kapatid.

Ikalawang Karakter:

Ermitanyo
-ang tumulong kay Don Juan upang makuha ang Ibong Adarna

Donya Leonora- nagging asawa ni Don Pedro


Donya Juana- naipakasal kay Don Diego
Maria Blanka- nangako na papakasalan ni Don Juan
Haring Salermo- Ama ni Maria Blanka
TAGPUAN:
Bundok Tabor- dito naninirahan ang Ibong Adarna

Berbanya- Kaharian ni Haring Fernando

Bundok Armenya – nanirahan si Don Juan

Mahiwagang Balon- may kaharian ng dalawng magkapatid na prinsesa

Reyno Delos Crystal- Kaharian ni Maria Blanka at Haring Salermo

BUOD:
Noong unang panahon sa sang-ayon sa kasaysayan sa Kaharian ng Berbanya .
May hari ngalan ay Fernando at kabiyak nitong Reyna Valeriana. Sila ay may tatlong
anak na prinsipe sina Donn Pedro, Don Diego, Don Juan. Sinanay ang mga anak na
humawak ng patalim. Isang gabi naidlip ang hari diumano si Don Juan bunso niyang
anak ay pinaslang mula noon nagkasakit ang mahal na Hari . Nagpatawag ng
mangagamot na ang ating lunas ay ang awit ng Ibong Adarna. Inutusan si Don Pedro
para maglakbay at hanapin ang Ibong Adarna. Sa kasamaang-palad nakatulog sa awit
ng Ibong Adarna at nagging Bato matapos mahulugan ng ipot ng ibon. Sa ikalawang
paglalakbay inatasan ng hari hanapin si Don Pedro at hulihin ang Ibond Adarna ngunit
ganun din ang naging kapalaran ni Don Diego. Ang bunsong anak na una ayaw
payagan ng hari ay naglakbay dahil sa tagal ng pagbabalik ng mga kapatid. Hiningi ang
basbas ng mahal na hari at humayo. Sa kanyang paglalakbay ay nakasaubong niya
ang matandang Ermitanyo na nagturo sa kanya ng Ibong Adarna. Humingi ito ng
makakainn at binigyan niya ng tinapay. Itinuro ng Ermitanyo ang kinaroroonan ng ibon
at nagbilin ng mga payo sa paghuli ng ibon. Nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna sa
pagsunod ng ipinayo ng matandang Ermitanyo. Sa tulong rin ng Ermitanyo nagging tao
muli sa pagiging bato ang kanyang mga kapatid. Nagbalik ang tatlong prinsipe ngunit
ang taksil na si Don Pedro ay plinanong bugbugin si Don Juan dulot ng inggit . Sa
pagbabalik sa kaharian di kasamang bumalik si Don Juan at ayaw umawit ng Ibong
Adarna . Sa pagakakabugbog kay Don Juan muli may ermitanyo na tumulong kay Don
Juan. Bumalik sa kaharian ng Berbanya si Don Juan at doon ay umawit ang Ibong
Adarna at nagkwento ng mga pangyayari. Nagalit ngunit nagpatawad ang hari alang-
alang sa bunsong anak. Nakawala ang Ibong Adarna . Umalis si Don Juan at doon ay
may natagpuang balon. Sa ilalim ng balon ay may kaharian doon nakatira si Donya
Juana . Dumatin ang higante ang kinalaban ng prinsipe. Kasama ang kapatid na babae
ni Donya Juana na si Donya Leonora ang kasama pupunta sa kaharian ng Berbanya .
Ikalawang pagtataksil ni Don Pedro ay inhulog si Don Juan sa Balon at umuwing
kasama ang dalawang prinsesa sa kaharian. Ang lobo at si Don Juan ay nagging
magkaibigan. Natagpuan ni Don Juan ang Ibong Adarna at nagpayong limutin si Donya
Leonora at hanapin ang Reyno Delos Crystal at si Maria Blanka. Sa tulong muli ng
ermitanyo tinulungan makapunta sa kaharian sakay ng Agila. Doon nakita si Maria
Blanka. Si Haring Salermo ay marami pagsubok sa pagiibigan ng kanyang anak tulad
ng: pagpupunla ng trigo at gawing tinapay, ipunin ang itang pinakawalan at ilagay sa
bote, iurong ang bundok , magpagawa ng kastilyo sa gitna ng dagat, ang paghahanap
ng singsing, paamuin ang kabayo at pinakahuli ang piliin ang mapapangasawa na
kanyang anak. Dahil sa masamang binabalak ng hari nagtanan ang dalawa.
Sa pagbabalik sa Berbanya umuwi si Don Juan na di kasama si Maria Blanka. Ngunit
bitbit ang pangakong magbabalik at magpapakasal. Sa kanyang pagdating inihanda
ang pagpapakasal ni Donya Leonora . Sa pagtatanghal ay pinalala ni Maria Blanka ang
pangako ni Don Juan na magpapakasal. At dahil sa pangyayaring iyon naikasal si
Donya Leonora kay Don Pedro at kay Don Juan kay Maria Blanka.

KAPANABIKAN:

KASUKDULAN:

ARAL:
- Huwag maging sakim sa anumang bagay na hinid kailanman ay sa iyo.
- Maging mapagkumbaba sa lahat ng bagay.
- Maging tapat sa napangakuang pag-ibig kahit na maraming hadlang ang
dumating sa buhay ng tao.

REAKSIYON:

Ang Ibong Adarna ay isa sa mga istoryang gustong basahin at kapupulutan ng aral sa
bawat mambabasa. Napakagandang kwento tungkol sa pagmamahal sa amgulang at
iniibig.

You might also like