You are on page 1of 2

IBONG ADARNA

Noong unang panahon sa sang-ayon sa kasaysayan sa Kaharian ng Berbanya . May hari ngalan
ay Fernando at kabiyak nitong Reyna Valeriana. Sila ay may tatlong anak na prinsipe sina Donn
Pedro, Don Diego, Don Juan. Sinanay ang mga anak na humawak ng patalim.

Isang gabi naidlip ang hari diumano si Don Juan bunso niyang anak ay pinaslang mula noon
nagkasakit ang mahal na Hari . Nagpatawag ng mangagamot na ang ating lunas ay ang awit ng
Ibong Adarna.

Inutusan si Don Pedro para maglakbay at hanapin ang Ibong Adarna. Sa kasamaang-palad
nakatulog sa awit ng Ibong Adarna at nagging Bato matapos mahulugan ng ipot ng ibon. Sa
ikalawang paglalakbay inatasan ng hari hanapin si Don Pedro at hulihin ang Ibond Adarna
ngunit ganun din ang naging kapalaran ni Don Diego.

Ang bunsong anak na una ayaw payagan ng hari ay naglakbay dahil sa tagal ng pagbabalik ng
mga kapatid. Hiningi ang basbas ng mahal na hari at humayo. Sa kanyang paglalakbay ay
nakasaubong niya ang matandang Ermitanyo na nagturo sa kanya ng Ibong Adarna. Humingi ito
ng makakainn at binigyan niya ng tinapay. Itinuro ng Ermitanyo ang kinaroroonan ng ibon at
nagbilin ng mga payo sa paghuli ng ibon.

Nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna sa pagsunod ng ipinayo ng matandang Ermitanyo. Sa
tulong rin ng Ermitanyo nagging tao muli sa pagiging bato ang kanyang mga kapatid. Nagbalik
ang tatlong prinsipe ngunit ang taksil na si Don Pedro ay plinanong bugbugin si Don Juan dulot
ng inggit . Sa pagbabalik sa kaharian di kasamang bumalik si Don Juan at ayaw umawit ng Ibong
Adarna .

Sa pagakakabugbog kay Don Juan muli may ermitanyo na tumulong kay Don Juan. Bumalik sa
kaharian ng Berbanya si Don Juan at doon ay umawit ang Ibong Adarna at nagkwento ng mga
pangyayari. Nagalit ngunit nagpatawad ang hari alang-alang sa bunsong anak. Nakawala ang
Ibong Adarna . Umalis si Don Juan at doon ay may natagpuang balon. Sa ilalim ng balon ay may
kaharian doon nakatira si Donya Juana . Dumatin ang higante ang kinalaban ng prinsipe.
Kasama ang kapatid na babae ni Donya Juana na si Donya Leonora ang kasama pupunta sa
kaharian ng Berbanya . Ikalawang pagtataksil ni Don Pedro ay inhulog si Don Juan sa Balon at
umuwing kasama ang dalawang prinsesa sa kaharian. Ang lobo at si Don Juan ay nagging
magkaibigan. Natagpuan ni Don Juan ang Ibong Adarna at nagpayong limutin si Donya Leonora
at hanapin ang Reyno Delos Crystal at si Maria Blanka.

Sa tulong muli ng ermitanyo tinulungan makapunta sa kaharian sakay ng Agila. Doon nakita si
Maria Blanka. Si Haring Salermo ay marami pagsubok sa pagiibigan ng kanyang anak tulad ng:
pagpupunla ng trigo at gawing tinapay, ipunin ang itang pinakawalan at ilagay sa bote, iurong
ang bundok , magpagawa ng kastilyo sa gitna ng dagat, ang paghahanap ng singsing, paamuin
ang kabayo at pinakahuli ang piliin ang mapapangasawa na kanyang anak. Dahil sa masamang
binabalak ng hari nagtanan ang dalawa.

Sa pagbabalik sa Berbanya umuwi si Don Juan na di kasama si Maria Blanka. Ngunit bitbit ang
pangakong magbabalik at magpapakasal. Sa kanyang pagdating inihanda ang pagpapakasal ni
Donya Leonora . Sa pagtatanghal ay pinalala ni Maria Blanka ang pangako ni Don Juan na
magpapakasal. At dahil sa pangyayaring iyon naikasal si Donya Leonora kay Don Pedro at kay
Don Juan kay Maria Blanka

You might also like