You are on page 1of 3

Buod ng Ibong Adarna

Nooy may isang kahariang tinatawag na Berbanya.


Itoy pinamumunuan nila Haring Fernando at
Reyna Valeriana kasama ng kanilang tatlong anak na sina Don Pedro, ang panganay, Don
Diego, ang pangalawa at Don Juan, ang bunso na pawang mga prinsipe ng nasabing
kaharian. Isang gabiy nanaginip si Haring Fernando. Napanaginipan niyang may nagtapon
daw kay Don Juan sa isang malalim na balon.
Nang magising ang hari, siyay nagsimulang magkasakit. Ipinayo ng mga manggagamot na
ang tanging kanta lamang ng Ibong Adarna na matatagpuan sa Bundok Tabor ang siyang
makapagpapagaling sa sakit ng hari. Unang nagtangka si Don Pedro ngunit siyay nabigo.
Nang marating niya ang Piedras Platas, ang punong tinitirhan ng Ibong Adarna, ay
nahimbing siya sa awitin ng naturang ibon. Di sinasadyang naiputan siya ny ibon at nanigas
at naging bato. Sunod na nagtangka si Don Diego ngunit sinapit din niya ang nangyari kay
Don Pedro. Noon na tumulak sa paglalakbay si Don Juan na siya na lamang tanging
pag-asa ng Kahariang Berbanya,bago umalis si Don Juan ay humingi muna siya ng basbas
sa hari.
Sinapit ni Don Juan ang landas patungong Bundok Tabor. Nasalubong niya sa daan ang
isang
Matandang Leproso na nagpayo sa kanya na mag-ingat sa nakakahalinang ganda ng
punong Piedras Platas. Dahil si Don Juan ay may magandang kalooban, ibinigay niya ang
kanyang kahuli-hulihang baon na tinapay sa matandang lalaki na ketongin. Dahil dito,
tinulungan siya ng ketongin kung papaano matatagpuan ang Ibong Adarna. Iniwasan nga
niya ang pagtigil sa nasabing puno at natanaw niya ang isang bahay kung saan may
matandang Ermitanyong nakatira. Ito ang tumulong sa kanya upang makuha ang Ibong
Adama at mapabalik sa dati mula sa pagiging bato sina Don Pedro at Don Diego. Kapwa
tinahak ng tatlong prinsipe ang daan pabalik ngunit gumawa ng lalang sina Don Pedro at
Don Diego.
Silang dalaway kapwa bumalik sa Kahariang Berbanya at iniwan si Don Juan na
nakalupasay sa gitna ng daan bunga ng tinamong bugbog. May naparaang isang
Matandang Ermitanyo. Samantalang sa Kahariang Berbanya ay hindi napaawit nina Don
Pedro at Don Diego ang Ibong Adama. Siya namang pagdating ni Don Juan na nooy
nanumbalik na ang dating lakas. Noon umawit ang Ibong Adama at isinalaysay ang
kataksilang ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Nawala ang sakit ni Haring
Fernando at iniutos na parusahan and dalawang nagkasala. Sa pakiusap naman ni Don
Juan ay pinatawad ng hari ang
dalawa.
Ang Ibong Adarna ay inalagaan sa loob ng palasyo ng tatlong magkakapatid ngunit muling
gumawa ng lalang sina Don Pedro at Don Diego. Pinakawalan nila ang ibon sa hawla nito
nang minsang mahimbing si Don Juan na nooy siyang nakatoka sa kasi pagbabantay bunga
ng pagkakapuyat niya noong mga nakaraang gabi. Nang maratnan ni Don Juan na wala na
ang Ibong Adarna, naglayas siya sa kaharian upang hanapin ang ibon. Nalaman ni Haring
Fernando ang nangyari at iniutos kina Don Pedro at Don Diego na hanapin si Don Juan.
Natagpuan nga ng dalawa si Don Juan at sumumpa ang tatlo na silay maglalagalag na
lamang sa kagubatan ng Armenia. Sa kanilang paglalagalag ay nakatuklas sila ng balon na
kung saan sa ilalim nito ay may kaharian. Tanging si Don Juan ang nakapasok sa kaharian
sa balon samantalang matiyaga namang naghintay sa taas sina Don Pedro at Don Diego.
Ngunit sa kabila ng mga ito, naiingit si Don Pedro kay Don Juan at sinabi nya kay Don Diego
ang kanyang masamang balak kay Don Juan para sila ay mabigyan ng posisyon sa
kaharian. Sumang-ayon si Don Diego sa masamang balak ny kanyang kapatid. Kanilang
sinaktan si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay. Samantala, nagdasal si Don
Juan dahil sa hindi siya halos makagapang sa bugbog na tinanggap mula sa dalawang
kapatid.• Natagpuan ni Don Juan si Donya Juana na nooy bihag ng isang higante. Nang
mailigtas si
Donya Juana buhat sa kuko ng higante ay iniligtas naman ni Don Juan si Donya Leonora,
ang kapatid nito na bihag ng isang serpenteng may pitong ulo. Nagawa ni Don Juan na
matalo ang serpyente at silang dalawa ni Donya Leonora ay naging magkasintahan. Muling
umakyat si Don Juan kasama na ang dalawang donya palabas ng balon. Ngunit may
naiwanang singsing si Donya Leonora na pinamana sa kanya ng kanyang mga magulang
kayat kinailangan muli ni Don Juan na bumalik pababa. Nang siyay malapit ng makaahon ay
gumawa na naman ng lalang sina Don Pedro at Don Diego na may sampung dipang lalim
ang balon. Kanilang pinutol ang lubid na siyang kinakapitan ni Don Juan. Bumagsak si Don
Juan at siyay nagtamo ng matinding sugat samantalang sapilitan namang isinama ng
dalawang prinsipe and dalawang donya patungong Berbanya. Ikinasal sina Don Diego at
Donya Juana ngunit nanaghoy si
Donya Leonora sa pagkakahiwalay nila ni Don Juan.

Samantalang isang lobo na alaga ni Donya Leonora ang gumamot kay Don Juan.
Tinulungan siya nitong makaahon sa balon. Noon muli niyang nakita ang Ibong Adarna na
nagpayo sa kanya na limutin na si Donya Leonora sapagkat makakakilala siya ng bagong
mamahalin sa Kahariang tinatawag na Reino Delos Cristales. Kapagkadakay nalimot nga
niya si Donya Leonorangunit patuloy niyang hinanap ang berbanya niyang mahal.
Tinulungan siya ng tatlong ermitanyong nasalubong niya ang isa ay 100 taong gulang na
athindi siya ito natulungan ngunit nagpayo na pumunta sa kanyang kapatid na 500 taon
gulang na ngunit sa tanda niyang iyon, hindi niya malaman kungsaan ang Reyno Delos
crystales kayat pinapunta niya ito sa kanyang kapatid na 800 taong gulang na at siyay
pinasakay sa isang malaking agila patungong Reino Delos Cristales at sinabi na sa
kahariang iyon, may makikilala siyang dilag na laging naliligo tuwing 4 ng madaling araw,
kungkayat kailangan niyang magmadali doon niya makikita sa kaharian ang daan patungong
Berbanya. Nakikilala niya si Donya Maria Blanca, anak ni Haring Salermo, Hiningi ni Don
Juan kay Haring Salermo ang kamay ni Donya Maria Blanca na nooy naging magkasintahan
na subalit kung magagawa nito ang mga pagsubok na iaatas sa kanya ng hari.
Pitong pagsubok ang pinagdaanan ni Don Juan at itoy pawang matagumpay sa
pamamagitan ng mahika ni Donya Maria Blanca. Subalit napag-alaman ni Donya Maria
Blanca na ibig ipakasal sa isang tiya sa Inglatera ng kanyang ama si Don Juan. Nagkaroon
ng labu-labo at nagtanan ang dalawang magkasintahan subalit isinumpa ni Haring Salermo
na malilimot ni Don Juan si Donya Maria Blanca kapag may ibang babae ang unang
tumingin sa mata ni Don Juan. Nangyari nga ang sumpa ni Haring Salermo kayat si Don
Juan ay itinakdangipakasal kay Donya Leonora. Nagalit si Donya Maria Blanca at sa araw
ng kasalan ay dumating itong bihis ang isang magandang kasuotan at sakay sa
magarangkarosa.
Sa pamamagitan ng mahika ni Donya Maria Blanca ay naalala ni Don Juan kung sino ang
tunay niyang iniibig at hiniling na niyang silang dalawa ni Maria Blanca ay ipakasal. Mariing
tumutol si Donya Leonora at nagkaroon ng ilang pagpapaliwanag at pagtatalo. Isinangguni
sa arsobispo ng Berbanya ang naturang usapin at iminungkahi nitong dapat pakasal si Don
Juan kay DonyaL.conora. Nagalit si Donya Maria Blanca at pinabaha ang buong palasyo sa
tulong ng kanyang mahika. Si Don Juan na ang nagpasiya. Ibig niyang makasal sila ni
Donya Maria Blanca at sina Donya Leonora at Don Pedro naman.
Natuloy nga ang kasalan at hinirang ni Haring Fernando na bagong hari at reyna ng
Kahariang Berbanya sina Don Juan at Donya Maria Blanca. Tumutol ang huli sapagkat
babalik daw sila sa Kahariang Reyno Delos Crystales kayat nauwi ang trono kina Don Pedro
at Donya Leonora. Sina Don Juan at Donya Maria Blanca ay bumalik nga sa Kahariang
Reyno Delos Crystales at silang dalawa ang namuno roon.

You might also like