You are on page 1of 4

BUOD NG IBONG ADARNA

Noong matagal na panahon nang nakakalipas ay may mapayapang kahariang

tinatawag na Berbanya. Pinamunuan ito ng isang hari na si Haring Fernando at ng

kanyang asawa na si Reyna Valeriana. Nagkaroon sila ng tatlong anak na lalaki:

ang panganay, si Don Pedro; ang pangalawa, si Don Diego; at ang bunso, si Don

Juan. Isang gabi, habang natutulog si Haring Fernando, nagkaroon siya ng isang

napakasamang bangungot at nagkasakit. Ang bangungot ay tungkol kay Don Juan

na itinapon sa isang malalim na balon ng dalawang lalaki. Kinaumagahan, tinawag

ang lahat ng mga doktor sa Berbanya ngunit walang makatukoy sa lunas ng

karamdaman ng hari hanggang sa isang manggagamot ang nagsabing tanging ang

kanta ng Ibong Adarna, na matatagpuan sa puno ng Piedras Platas sa Bundok

Tabor ang makakapagpagaling sa hari. Ipinadala ni Haring Fernando ang dalawang

nakatatandang kapatid na lalaki upang hanapin ang ibon– una si Don Pedro at

sumunod si Don Diego. Ngunit kapwa nabigo at naging bato ang dalawa dahil sa

mga dumi ng Ibong Adarna. Ayaw ipadala ni Haring Fernando si Don Juan sa takot

na baka magkatotoo ang kanyang bangungot, ngunit pinilit ni Don Juan ang ama at

iniwan ang Berbanya upang hanapin ang Adarna.

Habang papunta na siya sa Piedras Platas, may nakilala siyang isang matandang

lalaki na gutom na gutom. Mabait si Don Juan sa matanda at binigyan niya ng

kanyang tinapay. Dahil sa kanyang pagiging mapagbigay, tinulungan ng matanda si

Don Juan sa paghahanap ng Ibong Adarna. Natagpuan niya ang mistikong ibon at

nagawang ibalik ang kanyang mga kapatid. Habang pabalik ng Berbanya,

nakaramdam ng inggit si Don Pedro sa tagumpay ni Don Juan na makuha ang


Ibong Adarna. Sinabi niya kay Diego ang tungkol sa plano niyang patayin si Juan at

ito ay pumayag. Binugbog ng dalawa si Don Juan at iniwan sa gubat na halos wala

nang buhay. Bitbit ang Ibong Adarna, bumalik na ang dalawang magkapatid sa

Berbanya. Ngunit kahit na naroon na ang Berbanya sa Ibong Adarna, hindi pa rin

gumaling ang hari dahil nangungulila ng Ibong Adarna sa amo nitong nakahuli sa

kanya na si Don Juan. Si Don Juan naman na naiwan sa gitna ng gubat ay

pinagaling ng isang ermitanyo. Dahil sa matinding pananampalataya nito sa Diyos,

naligtas siya sa kamatayan ang nakabalik din sa Berbanya. Pagkakita ng Ibong

Adarna kay Don Juan, nagsimula itong umawit at habang inaawitan nito si Haring

Fernando ay isinalaysay niya kung paano siya nahuli ni Don Juan at maging ang

pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego sa bunsong anak.

Gumaling ang hari at bibigyan na sana ng parusang kamatayan ang dalawang mas

matandang prinsipe ngunit nakumbinsi ni Don Juan ang ama na patawarin na

lamang sina Don Pedro at Don Diego kaya hindi natuloy ang pagpaparusa sa

dalawa. Lumipas ang mga araw at ang tatlong prinsipe ang inatasan ng haring

magbantay sa Ibong Adarna. Halinhinan sila sa pagbabantay buong araw at gabi.

Ngunit, sa ikalawang pagkakataon ay nagtaksil na naman sina Don Pedro at Don

Diego kay Don Juan. Nililo nila si Don Juan na nagbantay ng Ibong Adarna kahit

hindi niya ito takdang oras ng pagbabantay. At dahil sa puyat, nakatulog si Don

Juan habang nagbabantay ng Ibong Adarna at habang nahihimbing si Don Juan ay

pinakawalan ng dalawang prinsipe ang Ibong Adarna. Nang napagtanto ni Don Juan

ang kataksilan ng mga kapatid, dali-dali siyang umalis ng Berbanya sa halip na

magsabi sa hari para mapagtakpan ang kabuktutang ginawa ng kanyang dalawang


kapatid. Nagpaalam naman sina Don Pedro at Don Diego sa hari para hanapin si

Don Juan at ang Ibong Adarna dahil akala ng hari ay ninakaw ni Don Juan ang

Ibong Adarna at saka umalis ng kaharian. Nagkita-kita ang tatlong magkakapatid

sa Bundok Armenya at napagdesisyunan nilang huwag nang bumalik ng Berbanya,

kalimutan ang lahat at manirahan na lamang ng masaya sa lugar na iyon.

Habang namamalagi sa Armenya, may nakita silang isang mahiwagang balon kung

saan nakilala nila ang magkapatid na Donya Leonora at Donya Juana. Pinatay ni

Don Juan ang higante na nagbabantay kay Donya Juana at ang serpyente naman

na nagbabantay kay Donya Leonora para mailigtas ang dalawang prinsesa mula sa

pagkakabihag. Pag-akyat nina Don Juan at dalawang prinsesa mula sa ilalim ng

balon, nabihag si Don Pedro sa kariktan ni Donya Leonora ngunit alam niyang ang

puso ni Leonora ay na kay Don Juan na. Paalis na sana sila papuntang Berbanya

nang naalala ni Donya Leonora ang naiwang singsing na pamana ng kanyang ina,

kaya naman nagboluntaryo si Don Juan para bumalik sa balon na kunin ito.

Samantala, nakaisip na naman ng pagtataksil si Don Pedro sa ikatlong pagkakataon

para mapasakanya si Donya Leonora. Habang pababa nang muli ng balon si Don

Juan, pinutol ni Don Pedro ang taling pinagkakapitan ni Don Juan kaya’t nahulog

siya sa balon. Iniwang muli ng dalawang prinsipe ang kanilang bunsong kapatid

kasama ang dalawang prinsesa at nagtungo sa Berbanya.

Sa tulong ng lobo ni Donya Leonora, nakaligtas si Don Juan sa balon. Noon din ay

muli niyang nakita ang Ibong Adarna na nagpayo sa kanya na limutin na si Donya

Leonora sapagkat makakakilala siya ng bagong mamahalin sa kaharian na


tinatawag na Reyno Delos Cristales. Nakilala niya sa lugar si Donya Maria Blanca na

anak ng hari doon na si Haring Salermo. Hiningi ni Don Juan ang kamay ni Donya

Maria Blanca ngunit bago ito makuha, kailangan niyang mapagtagumpayan ang

mga pagsubok na iaatas sa kanya ng hari. Pitong pagsubok ang pinagdaanan ni

Don Juan at ito'y pawang napagtagumpayan niya sa pamamagitan ng mahika ni

Donya Maria Blanca. Ngunit nalaman ni Donya Maria Blanca na hindi siya ang

ipapakasal ng kanyang amang hari kay Don Juan kaya naman nagtanan ang

dalawang magkasintahan subalit isinumpa ni Haring Salermo na malilimot ni Don

Juan si Donya Maria Blanca kapag may ibang babaeng tumingin sa mga mata ni

Don Juan. Nangyari nga ang sumpa kaya't si Don Juan ay itinakdang ipakasal kay

Donya Leonora. Nagalit si Donya Maria Blanca at sa pamamagitan ng kanyang

mahika, naalala ni Don Juan kung sino ang tunay niyang iniibig. Hiniling na niyang

silang dalawa ni Maria Blanca ay maipakasal.

Tinutulan ito ni Donya Leonora at isinangguni ito sa arsobispo ng Berbanya.

Iminungkahi ng arsobispo na dapat magpakasal si Don Juan kay Donya Leonora.

Ito’y ikinagalit ni Donya Maria Blanca kaya naman gamit ang kanyang mahika,

nagbigay siya ng baha sa Berbanya kaya naman nagpasiya na si Don Juan na gusto

niyang makasal kay Donya Maria Blanca at si Donya Leonora naman ay makakasal

kay Don Pedro. Natuloy nga ang kasalan at hinirang ni Haring Fernando na bagong

hari at reyna ng kaharian ng Berbanya sina Don Juan at Donya Maria Blanca ngunit

sila’y tumutol sapagkat sila ang maghahari sa Reyno Delos Cristales kaya naman

sina Don Pedro at Donya Leonora ang namuno sa Berbanya. Bumalik na sina Don

Juan at Donya Maria Blanca sa Kahariang Reyno Delos Crystales at sila’y namuno

roon at namuhay ng mapaya ang lahat.

You might also like