kuwento. Si Don Fernando ay ang pinuno ng Kaharian ng Berbanya at siya ay isang magaling na pinuno. Sa progreso ng kuwento, wala masyadong nangyayari sa Berbanya hanggang sa huli ng kuwento. Si Don Pedro ang naging hari ng Berbanya sa huli. Ang korido ay isang uri ng Panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula. Si Haring Fernando ang pinuno ng kaharian ng Berbanya at asawa ni Donya Valeriana. Siya ang ama ng tatlong lalaki, sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Kinikilala siya bilang isang maginoo at hinahangaan dahil sa ilalim ng kaniyang pamamahala ay nananagana ang kaharian. Sa kaniyang pamumuno, ang mga tao ay nakatatanggap ng sapat na pagpapala maging sila ay maginoo o dukha man. Mainam rin siyang pinuno at tagapagbigay ng makatwirang batas. Ang sinumang lumabag dito ay sumasailalim sa patas na paglilitis. Ang paniniwala ni Don Fernando na kahit na ang isang tao ay maginoo kung wala ring laman ang utak ay isa lamang palamuti sa palasyo kaya naman laking tuwa niya dahil binigyan siya ng mga anak na marurunong. Si Donya Valeriana ang asawa ni Haring Fernando, at ang ina ng tatlong mga prinsipe, sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan. Siya ang reyna ng Kaharian ng Berbanya, at sa buong korido ay wala siyang binibigkas. Inilarawan siya bilang napakaganda, at napakabait din. SiDon Pedro ang panganay na anak nina Don Fernando at Donya Valeriana. Mayroon itong magandang tindig at pangangatawan. Siya ang unang naglakbay papuntang Bundok Tabor para hanapin at hulihin ang Ibong Adarna. Nakarating siya sa Piedras Platas ngunit hindi niya nakita ang Ibong Adarna dahil nakatulog siya sa pagod. Napatakan siya ng dumi ng Adarna at naging bato. Ilang bese niyang pinagtaksilan si Don Sa wakas ng kwento ay naging asawa nga talaga ni Don Pedro si Donya Leonora at sila’y naging hari at reyna ng kaharian ng Berbanya. Si Don Diego ay ang ikalawa sa tatlong anak nina Don Fernando at Donya Valeriana, hari at reyna ng kahariang Berbanya. Siya ang pangalawang sumubok na kuhanin ang ibong adarna, tulad ng kanayang kapatid, siya ay nakatulog at napatakan siya ng dumi ng ibong adarna. Siya rin ang kasabwat ni Pedro nang bugbugin nila si Juan. Pinakasalan niya si Juana at sila ay nagdiwang ng siyam na araw Si Don Juan ang bunsong anak nina Haring Fernando at Donya Valeriana. Siya ang paboritong anak dahil sa kaniyang kabaitan at pagiging mapagmahal. Siya ay marangal at palaging nasa isip ang pagtulong sa mga nangangailangan. Siya rin ay mapagpakumbaba, magalang at humihingi palagi ng bendisyon sa nakatatanda bago umalis o mag-umpisa ng anumang bagay. Matapang siya at handang harapin ang anumang problemang darating. Higit sa lahat, siya ay maka-Diyos. Lagi niyang pinasasalamatan ang Panginoon sa lahat ng biyaya at tulong na ibinibigay Nito sa kaniya. Ang awit ng ibong ito ang tanging lunas sa sakit ni Haring Fernando. Naninirahan ito sa puno ng Piedras Platas na matatagpuan sa Bundok ng Tabor subalit umuuwi lamang ito tuwing dapit-hapon. Kumakanta ng pitong awitin ang Adarna at sa pagkatapos ng bawat awitin ay nagbibihis ng kulay ang kanyang balahibo. Nakahahalina ang kanyang tinig kaya ang sinumang makarinig ay naiidlip. At ugali na ng Adarna na pagkatapos niyang umawit ay magbawas. Kinakailangang mailagan ang kanyang dumi sapagkat nagiging bato ang napapatakan nito. Tinulungan ng Leproso si Don Juan habang siya ay maglakbay upang hanapin ang Adarna. Ibinigay ni Don Juan sa Leproso ang kanyang baong tinapay pero nang nalaman na malayo pa ang lalakaran/pupuntahan ni Don Juan gusto niya ito ibalik sa kanya. Siya ang nakababatang kapatid ni Donya Juana na prinsesa ng kaharian ng Armenya na nagpakita ng tunay na pagmamahal kay Don Juan. Iniligtas siya ni Don Juan sa serpyenteng may pitong ulo na bumihag sa kanya. Wakas…