Professional Documents
Culture Documents
Talasalitaan:
Tanyag – sikat
Sagana – mayaman
Malimit – madalas
Supling – anak
Kabanata 2: Ang Karamdaman ng Hari (Saknong 30 – 45)
Dahil sa isang bangungot, nagkaroon ng malalang sakit ang Hari na si Don
Fernando. Nakita niya ang isa sa kaniyang mga anak na si Don Juan na
pinaslang ng dalawang buhong at pagkatapos ay inihulog sa balon.
Hindi na halos kumakakain at natutulog ang hari dahil sa labis na
pagkabalisa. Isang medikong paham ang nagsabi na ang tanging lunas daw
sa sakit ng Hari ay ang awit ng isang ibong tanging matatagpuan lamang sa
bundok ng Tabor partikular sa kumikinang na puno ng Piedras Platas.
Agad namang inutusan ang panganay na anak na si Don Pedro na hulihin ang
natatanging lunas para sa sakit ng Hari.
Talasalitaan:
Bangungot – masamang panaginip
Pinaslang – pinatay
Buhong – kontrabida, taong madaling matukso ni satanas
Paham – matalinong tao
Lunas – gamot
Talasalitaan:
Pagkabigo – pagkatalo
Nasilayan – nakita
Inatasan – inutusan
Naglakbay – naglakad, lumibot
Lambing – karinyo, lamyos, suyo o alo na ipinahahayag sa
pamamagitan ng mahinhing salita o kilos
Nasaksihan – nakita
Puntod – nitso; libingan ng patay
Talasalitaan:
Paglalakbay – paglalakad
Pagkalipas – pagkatapos
Bendisyunan – basbasan
Magtanan – umalis ng walang paalam
Binabagtas – nilalakad
Sambit – sabi
Marilag – maganda
Talasalitaan:
Labaha – pang ahit o itak
Dayap – isang uri ng punong kahoy na maasim ang bunga
Malabay – malago
Hawla – kulungan
Dampa – mas kilala sa tawag ngayon na bahay kubo
Ermitanyo – taong nananahan ng hiwalay sa tao
Kabanata 8: Pagligtas kay Don Pedro at Don Juan (Saknong 216 – 225)
Ibinilin ng ermitanyo kay Don Juan na kunin ang banga at punan ng tubig
upang maging taong muli ang mga kapatid niyang naging bato.
Sinunod ng Prinsipe ang ermitanyo. Unang binuhusan ni Don Juan si Don
Pedro at nabuhay itong muli at agad hinagkan ang bunsong kapatid.
Sunod namang binuhusan nito si Don Diego. Gaya ng ginawa ng panganay na
prinsipe, agad din nitong niyakap si Don Juan.
Sila ay masayang nagyayakapan ngunit agad naman itong napawi sa pag-
alala sa amang may sakit. Nagpunta ang tatlong prinsipe sa dampa ng
ermitanyo.
Talasalitaan:
Ibinilin – humingi ng pabor, utos
Ermitanyo – taong nananahan ng hiwalay sa tao
Banga – uri ng lalagyan
Napawi – nawala
Dampa – mas kilala sa tawag ngayon na bahay kubo
Talasalitaan:
Ermitanyo – taong nananahan ng hiwalay sa tao
Piging – pista
Botelya – bote
Kinumbinsi – hinimok
Kahabag-habag – kaawa-awa
Binabagtas – nilalakad
Kabanata 10: Kasakiman ni Don Pedro at Don Diego (Saknong 257 – 275)
Nakabalik na si Don Pedro at Don Diego tangay ang ibong adarna. Labis ang
kaligayahan ng Haring may sakit at hinagkan ang dalawang taksil na
prinsipe ngunit agad namang napawi ang ngiti sa kanyang labi nang
mapansin na wala si Don Juan.
Labis itong nanibugho sa pagkawala ng kanyang bunso at ninais nalang
mamatay. Ang ibong adarna naman ay pumangit at ayaw nang kumanta
dahil taksil ang nag uwi sa kanya.
Lalong lumubha ang sakit ng Hari dahil muling naalala ang dahilan kung
bakit siya nagkasakit. Umaasa ang ibong adarna na buhay pa ang tunay na
nagmamay-ari sa kanya at malaman ng Hari ang kataksilang ginawa ng
magkapatid.
Talasalitaan:
Kasakiman – katangian ng tao kung saan gusto niyang siya lang ang
nagmamay-ari ng lahat
Tangay – dala
Hinagkan – hinalikan
Nanibugho – nalungkot
Taksil – traydor
Talasalitaan:
Panaghoy – paghihinagpis
Kahabag-habag – kaawa-awa
Nagtaksil – nagtraydor
Sinariwa – inalala
Pananabik – pagkagalak
Talasalitaan:
Ermitanyo – taong nananahan ng hiwalay sa tao
Nakahandusay – nakahiga
Naglaho – nawala
Hinagkan – hinalikan
Pagkakawanggawa – kusang-loob na pagbibigay ng tulong
Sumulpot – nagpakita
Talasalitaan:
Nasindak – nagulat
Hinagkan – hinalikan
Namukhaan – nakilala
Pagtataksil – pagtatraydor
Natuklasan – nalaman
Kabanata 14: Ang Pangalawang Pagtataksil (Saknong 404 – 428)
Nawili ang Hari sa ibong adarna. Oras-oras kung ito’y kanyang dalawin at
hindi ito ikinatuwa ng reyna. Sa pangamba nitong makawala ang ibon,
ipinabantay niya ito sa tatlong prinsipe.
Kinakausap ni Don Juan ang ibon upang hindi ito dalawin ng antok. Muling
nagbalak ng masama si Don Pedro at Don Diego laban kay Don Juan.
Nagdalawang-isip si Don Diego na sumang-ayon sa plano ngunit sa huli’y
pumayag din ito. Nakaidlip si Don Juan at hindi na namalayang pinakawalan
na ng dalawa ang ibon.
Talasalitaan:
Nawili – natuwa
Pangamba – takot
Dalawin ng antok – makaramdam ng antok
Nagbalak – nagplano
Nakaidlip – nakatulog
Kabanata 15: Ang Muling Pag-alis ni Don Juan (Saknong 429 – 442)
Madaling araw palang ay nagpasya nang tumakas si Don Juan dahil batid
niyang magagalit ang kanyang ama kapag natuklasan nitong nakawala ang
ibong adarna.
Agad na pinatawag ng Hari ang tatlong prinsipe ngunit si Don Pedro at Don
Diego lang ang humarap sa Hari.
Gumawa na naman ng panibagong kasinungalingan ang dalawa ngunit sa
pagkakataong ito, hindi na naniwala ang Hari sa kanila.
Sinambit nina Don Pedro at Don Diego na hahanapin nila ang taksil na si Don
Juan upang maparusahan.
Naglakbay sila sa bukirin ngunit hindi nila matagpuan si Don Juan. Sa huli’y
narating din nila ang kabundukan ng Armenya na pinagtataguan ni Don
Juan.
Talasalitaan:
Nagpasya – nagdesisyon
Batid – alam
Natuklasan – nalaman
Sinambit – sinabi
Taksil – traydor
Naklakbay – naglakad
Talasalitaan:
Sagana – mayaman
Pagtataksil – pagtatraydor
Sumang-ayon – pagpayag
Pagsulsol – pag-udyok, paghikayat, pagpapayag
Magara – maganda, kaaya-aya
Tuklasin – alamin
Talasalitaan:
Marmol – pinakinis na bato na ginagamit sa paggawa ng sahig
Natatabunan – natatakpan
Lumot – berdeng halaman na tumutubo sa matutubig na kapaligiran,
pagkain ng mga isda
Dipa – isang metro
Kinalabasan – resulta
Hinawa – inip
Kabanata 18: Si Donya Juana (Saknong 504 – 530)
Narating ni Don Juan ang pinakailalim na bahagi ng balon. Tumambad sa
kanya ang isang mabulaklak na paraiso at palasyo na gawa sa ginto’t pilak.
Nakita rin niya ang isang magandang dalaga na si Donya Juana. Namangha
ang dalaga dahil narating ni Don Juan ang lugar na iyon.
Lumuhod ang prinsipe sa harap ng dalaga upang magpakilala. Humingi rin
ito ng paumanhin dahil sa mapangahas na pagpunta sa lugar.
Inamin ni Don Juan na may nararamdaman siyang pag-ibig sa dalaga. Hindi
naman siya nabigo dahil ganun din ang nadarama nito para sa prinsipe.
Talasalitaan:
Tumambad – lumantad
Namangha – nagulat
Paumanhin – tawad
Mapangahas – matapang
Nabigo – palpak
Talasalitaan:
Nakadungaw – nakasilip
Nahumaling – nabighani, nahulog
Serpyente – ahas
Nagtapat – umamin
Nangangamba – takot, kaba
Pagyanig – pag-galaw
Talasalitaan:
Serpyente – ahas
Lingkisin – puluputan
Tinagpas – pinutol
Tampalasan – pasaway
Pagal – pagod
Balsamo – langis na ginagamit sa paghihilot
Ihasik – ikalat
Nagapi – natalo
Sumidhi – lumakas, tumindi
Talasalitaan:
Kataksilan – katrayduran
Pisi – lubid
Nanlumo – nanghina
Pinabulaanan – nilinlang, nagsinungaling
Dilag – magandang babae
Serpyente – ahas
Panata – taimtim na pangako
Talasalitaan:
Engkantada – uri ng nilalang na may angking kakayahan na iba sa
ordinaryong tao o hayop
Nilinlang – niloko
Nanumbalik – bumalik
Nakaahon – nakaakyat
Mayabong – malago
Kabanata 24: Muling Pagpapakita ng Ibong Adarna (Saknong 758 – 794)
Nagising si Don Juan dahil sa pag-awit ng ibong adarna. Sa pag-awit nito,
isinasalaysay niya ang dahilan kung bakit siya tumakas at kung ano ang
masamang balak ng dalawa niyang kapatid.
Sinabihan siya ng ibong adarna na magtungo sa Reyno De Los Cristales, ang
kaharian na matatagpuan sa dakong silangan.
Ang hari dito na si Haring Salermo ay isang tuso at matalinong hari at may
tatlong magagandang dilag na supling na sina Prinsesa Isabel, Juana at
Maria Blanca.
Dapat niyang pillin si Prinsesa Maria Blanca dahil walang kaparis ang ganda
nito. Habang ang umaasang si Prinsesa Leonora ay patuloy na tumatangis
sa pagkawala ni Don Juan.
Talasalitaan:
Isinalaysay – ikinuwento
Magtungo – magpunta
Tuso – mapanlinlang, pamanlamang
Dilag – magandang babae
Supling – anak
Kaparis – katulad
Tumatangis – umiiyak
Talasalitaan:
Pagtangis – pag-iyak
Nagdurusa – naghihirap
Nagngingitngit – sobrang galit
Dampa – mas kilala sa tawag ngayon na bahay kubo
Ermitanyo – taong nnaninirahan ng hiwalay sa tao
Talasalitaan:
Bilin – utos
Nagtungo – nagpunta
Karikit – kaganda
Paglalakbay – paglalakad/paglipad
Laksa-laksa – marami
Kabanata 29: Ang Kaharian ng Reyno De Los Cristales (Saknong 934 – 960)
Nakarating na rin sa wakas si Don Juan sa Reyno de los Cristales kahit na
naubusan na sila ng pagkain sa unang buwan pa lang ng paglalakbay.
Lumapag ang agila sa banyo ni Maria Blanca. Pinagkubli ng agila si Don
Juan sa halaman upang hindi ito makita.
Naaninag nila ang tatlong magagandang dilag. Ngunit mas umangat ang
mala-diyosang kagandahan ni Maria Blanca kung kaya’t nabihag agad ang
puso ni Don Juan.
Naghubad si Prinsesa Maria Blanca at lumusong na sa tubig. Sinamantala ni
Don Juan ang pagligo ni Maria Blanca at agad kinuha ang saplot at hinalik-
halikan nito.
Nagalit ang prinsesa sa pagkawala ng kanyang saplot at nagbanta na
papatayin niya ang sinuman kumuha nito.
Talasalitaan:
Paglalakbay – paglipat o pagpunta sa isang lugar
Lumapag – bumaba
Pinagkubli – pinagtago
Naaninag – nakita
Dilag – dalagang babae
Nabihag – nahulog
Lumusong – bumaba
Saplot – damit
Nagbanta – nagbabala
Talasalitaan:
Lapastangan – walang-hiya
Saplot – damit
Inilantad – ipinakita
Humupa – kumalma, tumigil
Tuso – mapanlinlang, pamanlamang
Talasalitaan:
Batid – alam
Pakay – balak, plano
Salop – takal
Trigo – uri ng bigas na ginagamit sa pag gawa ng harina
Ipinahain – ipinahanda
Talasalitaan:
Prasko – bote
Pangamba – takot, kaba
Pumayapa – mapanatag, itahimik ang loob
Nagtungo – nagpunta
Pagsapit – pagdating
Talasalitaan:
Durungawan – bintana
Makalangahap – makaamoy, makalasap
Sumapit – dumating
Pinawi – tinanggal
Nagtungo – nagpunta
Talasalitaan:
Itabon – itakip, ibaon
Kastilyo – matibay na gusaling tirahan ng mga maharlika
Ipinagkaloob – ibinigay
Kasangkapan – kagamitan
Patungo – papunta
Muog – masisilungan o bahay
Kabanata 35: Paghahanap sa Nawawalang Singsing ng Hari (Saknong 1180 –
1239)
Ipinag-utos ni Haring Salermo kay Don Juan na hanapin umano ang nahulog
na singsing sa ilalim ng dagat.
Pumalaot si Don Juan at Maria Blanca sa gitna ng karagatan. Inutos ni Maria
Blanca na tadtarin siya ng pinung-pino at ihulog sa tubig upang maging
isang isda.
Kailangan ingatan ni Don Juan na walang tumalsik na piraso ng kanyang
katawan dahil hindi na ito maibabalik kapag nabuo na ang prinsesa.
Habang sumisisid ang prinsesa ay nakatulog si Don Juan. Kaya walang
kumukuha ng singsing pag nalitaw ang prinsesa.
Sinubukan ulit nilang gawin ito dahil sa sunud-sunod na kapabayaan ni Juan.
Tinadtad niyang muli si Maria Blanca ngunit dahil sa pagmamadali ay
tumalsik ang dulo ng daliri nito.
Nakuha na ang singsing ngunit nagkulang ang dulo ng hintuturo nito. Bilin
ng prinsesa na tandaan iyon bilang palatandaan ng kanyang
pagkakakilanlan.
Kinaumagahan ay namangha ang hari dahil nakita niya ang singsing sa
ilalim ng unan.
Talasalitaan:
Pumalaot – lumusong
Tadtarin – hiwain
Tumalsik – tumapon, lumipad o napaalis mula sa isang lugar o pwesto
Pagkakakilanlan – katangian ng isang tao para maging iba sa iba,
palatandaan
Namangha – nagulat
Talasalitaan:
Mailap – hindi sanay sa tao
Batid – alam
Nakaratay – may sakit, nakahiga
Panganib – piligro
Nagbabadya – nagbabanta
Talasalitaan:
Silid – bahagi ng isang bahay o gusali
Palatandaan – marka
Binabalak – pinaplano
Nagsasaad – nagsasabing
Lalabagin – susuwayin, hindi susundin
Lihim – sikreto
Nagpasiya – nagdesisyon
Talasalitaan:
Pagtakas – pag-alis ng walang paalam
Hinawan – hinawi
Kohe – boteng lalagyan ng tubig
Magtataksil – magtatraydor
Nilakbay – nilakad
Talasalitaan:
Engrande – magarbo
Tinutulan – pinigilan
Batid – alam
Kataksilan – katrayduran
Talasalitaan:
Pagtataksil – pagtatraydor
Nakatakda – dapat na mangyari, walang makakapigil
Itakwil – paalisin
Nanibugho – nagalit
Emperatris – babaeng emperador o namamahala sa isang imperyo
Karosa – karwahe
Tangan – dala-dala
Kabanata 41: Ang Pagbawi kay Don Juan (Saknong 1450 – 1472)
Binigyan ng parangal ang paparating na emperatris sa pamamagitan ng
pagpapatugtog ng musiko at sandaling pinahinto ang kasal.
Labis na nanibugho si Maria Blanca dahil nakatuon lang ang pansin ni Don
Juan kay Prinsesa Leonora.
Hiniling ni Maria Blanca sa kanyang singsing na bigyan siya ng isang prasko
na may tubig. Lumitaw ang prasko na may nakasilid na dalawang maliliit na
ita.
Talasalitaan:
Parangal – pagkilala, gantimpala
Emperatris – babaeng emperador o namamahala sa isang imperyo
Nanibugho – nagalit
Nakatuon – nakalaan
Prasko – bote
Nakasilid – nakalagay
Talasalitaan:
Dula-dulaan – pagsasalaysay ng isang kwento gamit ang kilos at salita
Isinalaysay – ikinuwento
Hamon – pagsubok
Trigo – uri ng bigas na ginagawsng harina
Hinahampas – pinapalo
Talasalitaan:
Magunita – maalaala
Nanghinawa – napagod, sumuko
Pagtakas – pag-alis ng walang paalam
Pagtataksil – pagtatraydor
Naglaho – nawala
Hinagkan – hinalikan
Prasko – bote
Gunawin – sirain
Talasalitaan:
Makatuwiran – tuwid, tama
Hangad – gusto, nais
Iminungkahi – pagbibigay ng palagay tungkol sa isang bagay
Isinalin – inilipat
Arsobispo – mataas ng ranggo ng mga kaparian
Talasalitaan:
Namayapa – namatay
Malugod – masaya
Piging – pista
Patid – tigil
Pamamalakad – pagpapatakbo
Maunlad – sagana