You are on page 1of 2

Don Juan

Si Don Juan ay ang bunso sa tatlong prinsipe sa


kahariang Berbanya. Siya ang bida ng kwentong Ibong
Adarna.

Paghanap sa Adarna

Sa kanyang abentura, siya ay nakapunta sa Bundok


Tabor at nakahuli sa Ibong Adarna, dahil ang kanta ng
ibon ay lunas sa sakit ng hari ng Berbanya, si Don
Fernando. Noong papunta sa Tabor, mayroon siyang
natulungang leproso, na siyang nagdala sa kanya sa
bahay ng ermitanyo. Dito natunan ang prinsipeng
marangal ang paraan ng paghuli sa Adarna. Habang
siya ay nasa Tabor, naligtas niya ang kanyang
dalawang kapatid, Don Diego at Don Pedro.

Subalit kasi sa kanilang tatlo, ang bunso ang


nagtagumpay, diumano’y nainggit ang dalawa at pinagtaksilan nila si Juan. Kahit binugbog ng mga
prinsipe si Don Juan, nagdasal siya sa panginoon, at tinulungan siya ng isang matandang manggagamot.
At kaya’y nakabalik siya sa Berbanya, nang makakanta ang Ibong Adarna, at pagalingin ang nililiyag na
hari.

Paglakbay sa Ilalim ng Balon

Hindi nagtagal ang saya, kasi ipinalaya ang Adarna ng dalawang pasaway na kapatid. Upang matakpan
ang kasalanan ng dalawa, si Don Juan ay tumakas papuntang Armenya. Kaunting panahon ang nakalipas
nang mahanap na naman si Juan nina Don Pedro at Diego. Mabilis na ipinatawad ng bunso sila sa lahat
ng nangyari, at sabay silang naglakbay, nang mahanap ang tunay na abentura.

Sa paglalakbay nila, mayroon silang natagpuang isang mahiwagang balon. Naisipan ni Don Pedro at ni
Don Diego bumaba, pero dahil sa takot, hindi nila naabot ang ilalim nito. Sa halip, muling nagtagumpay
ang bunsong nilang kapatid, dahil sa kanyang katapangan. Dito niya unang nakita si Donya Juana, at
niligtas niya ang prinsesa sa higanteng kasama niya. Pagkatapos, pumasok si Don Juan sa palasyo sa
ilalim ng balon, gaya ng sinabi ni Juana, upang mapaligtas rin ang kapatid na si Donya Leonora. Natalo
rin ni Don Juan ang serpyenteng kalaban niya, at naligtas niya si Leonora. Sabay silang umakyat ng
balon, gamit ang lubid na paraan ng pagbaba.

Pagkarating sa taas ng balon, sinabi ni Leonora na naiwan ang kanyang singsing sa palasyo. Pero nang
pababa ulit ni Don Juan, pinagtaksilan nanaman siya at pinutol ni Don Perdo ang lubid. Nang makita ito
ni Leonora, inilabas niya ang lobo upang tulungan si Don Juan. Ang lobo ay kumuha ng tubig mula sa
Ilog Herdan at pinahid ito kay Don Juan, at bigla siyang nagkaroon ng lakas na naman. Pagkatapos ay
lumipad ang lobo palabas ng balon, kasama ang prinsipe.
De los Cristal

Nang nakalabas si Don Juan sa balon, lumapit sa kanya ang Ibong Adarna. Inutusan siya nito na
maghanap kay Maria Blanca sa kaharian ng Delos Cristal. Nagumpisa na si Don Juan sa ilang-taong
lakbay papuntang Delos Cristal

Nang makarating siya sa kaharian ng Delos Cristal ay una niyang nakita ang magandang Donya Maria.
Agad niyang minahal ang prinsesa, at habang naliligo siya ay kinuha ni Don Juan ang kanyang damit at
binuhusan ng halik. Napansin ng prinsesa ang nawala niyang damit, at nag-amin si Juan sa kanyang sala.
Pero sa unang enkwentro lamang ng dalawa ay malakas na ang damdamin ng pag-ibig.

Kuwinento agad ni Maria kay Don Juan ang kapalaran ng ibang nanligaw sa kanya dati. Sinabi ni Maria
ang tamang paraan ng pag-usap sa Haring Salermo, ang kanyang tatay, nang hindi mapahamak ang
prinsipe. Pagkakita nila, nagumpisa nang nag-utos ang hari ng mga imposibleng bagay: igalaw ang
bundok, magpatayo ng palasyo, at iba pa. Pero lahat ito ay nilampasan ni Don Juan dahil sa tulong ng
‘mahika blanca’ ng kanyang mahal na si Donya Maria. Sa huli, tinakpan ng hari ang mukha ng tatlong
kanyang anak, at pinapili kay Don Juan ang kanyang ikakasal. Dahil alam ng prinsipe na kulang ang dulo
ng isang daliri ni Maria, tama ang kanyang napili, at nagdesisyon silang tumakas. Kahit nakatakas nga
sila, hindi maiwasan ni Don Juan ang sumpa ng reyno: makakalimutan niya si Maria

Kasal

Nakabalik si Don Juan sa Berbanya galing sa Delos Cristales, kasama ni Maria. Pagkarating nila sa labas
ng kaharian, iniwan ni Don Juan muna ang prinsesa upang makausap muna sa kanyang ama, si Haring
Fernando. Nangako si Don Juan na hindi niya ibibigay ang pag-ibig niya sa ibang babae, at pumasok na
siya sa palasyo. Pagpasok ni Don Juan, nagawa niya ang lahat ng kailangan niya, pero bago niyang
maikuwento ang pagkilala niya kay Maria, biglang dumating si Leonora at gumana agad ang sumpa ni
Salermo. Nakalimutan niya si Maria, at nagplano na siyang ipakasalan si Leonora.

Nang narinig ni Maria ang balita ng kasal ni Don Juan, agad siyang pumunta sa kasal. At dito niya
ginamit ang kanyang mahika para matandaan siya ng prinsipe. Naalala ni Don Juan ang kanyang mahal
para kay Maria at hindi nila tinuloy ang kasal kay Leonora. Si Donya Maria ang naging kanyang asawa.

Pagkatao

Si Don Juan ay marangal, sapagkat palaging nasa isip niya ang pagtulong sa ibang nangangailangan, gaya
ang kanyang ama. Bukod sa ito, siya rin ay makapagkumbaba at magalang kasi naghihingi siya palagi ng
bendisyon ng tao bago umalis o magumpisa ng anumang bagay. Kasama rin sa pagkatao ni Don Juan ang
katapangan at nakikita ito sa hindi pagiging takot niya sa anumang problemang napapapunta sa kanya. Sa
lahat ng ito, si Don Juan ay maka-Diyos rin, pinasasalamatan niya ang panginoon sa lahat ng biyaya at
tulong na ibinigay sa kanya.

You might also like