You are on page 1of 24

Gawaing

Pagkatuto Bilang
29
LAYUNIN:
nabibigyang-kahulugan ang salita
batay sa kasingkahulugan at
kasalungat nito (F7PT-Ivc-d-21)
Ang Habilin sa
Mahiwagang Lobo
(Mga saknong 730-746)
Iniligtas ng lobo ang sugatang prinsipe
na naiwan sa loob ng balon. Dala ang
tatlong bote ng tubig na galing sa Ilog
Jordan ipinahid niya ito sa mga sugat
at pasa ni Don Juan. Bumalik ang
lakas at sigla ng prinsipe sa tulong ng
lobo.
Hindi ito
Buong higpit na niyakap niya ito
bilang pagpapasalamat sa pagligtas
sa kanyang buhay. Matapos nito,
kinuha ang singsing na naiwan ng
dalaga at saka umahon sa balon sa
tulong pa rin ng lobo.
Hindi ito
GABAY SA PAG-UNAWA

•PAANO TINULUNGAN
NG LOBO SI DON JUAN?
Ang Payo ng Ibong
Adarna kay Don
Juan
(Mga saknong 747-776)
Mag-isa na namang naglakbay
si Don Juan. Sa sobrang pagod
sa paglalakad namahinga muna
ito sa ilalim ng puno. Maya-
maya’y hindi niya namalayang
dumating ang Adarna.
Hindi ito
Sabik na sabik itong nilapitan ng
binata dahil sa tagal nang
panahong nagkawalay ang dalawa.
Kumanta ang Adarna at
isinalaysay ang totoong nangyari
sa araw na iyon nang nakawala
ang ibon. Hindi ito
Pinayuhan niya ang binata na
kalimutan na lang si Leonora sa
halip pumunta sa isang kaharian
sa bahaging silangan at doon ay
makilala niya ang tatlong mutya ng
pag-ibig na anak ni Haring
Salermo. Hindi ito
Dagdag pa ng Adarna sa
prinsipe nararapat na piliin
niya si Maria Blanca dahil sa
taglay niyang ganda.
Hindi ito
GABAY SA PAG-UNAWA

•ANO ANG IBINIGAY NA PAYO NG


ADARNA KAY DON JUAN?
•SANG-AYON KA BA SA PAYO NG
MAHIWAGANG IBON? PATUNAYAN.
Ang Panaghoy ni
Donya Leonora
(Mga saknong 777-792)
Samantalang si Don Juan ay
papunta na sa Reynong Cristal si
Leonora naman ay puno ng
lumbay at hinagpis sa kanyang
sinapit. Walang ibang hinahanap
at tinatawag kundi ang prinsipeng
mahal. Hindi ito
Nag-aalala kung ano na kaya ang
nangyari na minamahal ngunit
kahit ganoon pa man puno pa rin
ng pag-asa si Leonora na balang-
araw makauuwi rin si Don Juan sa
Berbanya at makapiling niya ito.
Hindi ito
Huwag naman sanang siyang
kalimutan nang tuluyan dahil
kung magkaganoon ikasisira
niya ito.

Hindi ito
GABAY SA PAG-UNAWA

•BAKIT SOBRA ANG


KALUNGKUTANG
NARARAMDAMAN NI DONYA
LEONORA?
Panuto:
Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat
ng mga salitang nakasalunggguhit sa
sumusunod na mga parirala. Isulat ang
iyong sagot sa mga nakalaang patlang.
Piliin ang sagot sa mga salitang nakasulat
sa kahon.
magsinungaling
nakaalis payapa
kaibigan
mapahamak
1.Madalas na magbulaan ang
mga taong may itinatagong
lihim.
Kahulugan:
Kasalungat:
2. Handang ialay ni Don Juan ang
kanyang buhay kahit siya man ay
mautas.
Kahulugan:
Kasalungat:
3. Mula sa kinalalagyang
panganib siya ay nakayao nang
payapa patungo sa ligtas na lugar.
Kahulugan:
Kasalungat:
4. Labis na pinahahalagahan ng
tunay na kaibigan ang ginagawa
ng kanyang mga katoto.
Kahulugan:
Kasalungat:
5. Sa kabila ng kanyang mga dinanas na
hirap ay panatag pa rin ang kanyang
puso na makakamit niya ang kanyang
mga hangarin.
Kahulugan:
Kasalungat:

You might also like