You are on page 1of 12

Isang Masusing Banghay Aralin

sa Filipino sa Ikapitong Baitang

I. Mga Layunin
a. naibabahagi ang sariling karanasan na may kaugnayan sa akdang babasahin;
b. nabibigyang-kahulugan ang mga malalalim na salitang nakapaloob sa akda;
c. nailalahad ang mga pangyayari sa paraan ng PASA-MODE; at
d. nakagagawa ng imbitasyon na nag-aanyaya para sa kasal.

II. Paksang Aralin: Ang Pagwawakas (Ibong Adarna)


Sanggunian: Sanayang Aklat sa Filipino I pahina: 165-168
Kagamitan sa Pagtuturo: Chip board, illustration board, projector, at kopya ng teksto

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Magandang umaga mga bata!


Magandang umaga po, Sir.
A. Pagganyak

Mga bata, may mga karanasan ba kayo na


hindi ninyo makakalimutan?
Opo.
Maaari mo bang ibahagi kung ano ang
karanasang hindi mo makakalimutan.
(Ibabahagi ng mag-aaral ang kanyang di
makalimutang karanasan.)
May kakilala akong prinsipe ang pangalan
niya ay Don Juan. Tulad ninyo marami na rin
siyang naranasan sa buhay. May isa siyang
naalala mula sa kanyang nakaraan dahilan
kung bakit nabago ang buhay nito. Ngayon
ay nais kong inyong alamin kung ano ang
alaalang iyon.

B. Paghawan ng Balakid

Bago ninyo basahin ang kwento, atin


munang linangin at payabungin ang ating
talasalitaan.
Para matukoy ang kasingkahulugan ng
salitang nasa makulay na papel, inyo
munang basahin ang buong pangungusap
pagkatapos ayusin ang pagkakasunod-sunod
ng mga titik na nasa illustration board.
1. Isang parangal
ang pagdating ng
hari sa kanyang
kahariaan.

2. Idinaos ng
masaya ang
kasalang naganap
sa kaharian ng
Berbanya.

3. Nakita niya sa
kanyang isipan ang
salamisim ng
nakaraan.

4. Ang tanging
hiling ni Donya
Leonora ay
maipakasal kay
Don Juan.

5. Ipinasya ng hari
at arsobispo na
ipagkasundo si
Don Juan kay
Donya Leonora

Mga Sagot

1. Parangal - Papugay
2. Idinaos - Ipinagdiwang
3. Salamisim - Alaala
4. Hiling - Pangarap
5. Ipagkasundo - Ikasal
Basahin ang pangungusap sa unang bilang
Alvin.
Isang parangal ang pagdating ng hari sa
kanyang kaharian.
Ang salitang nasa makulay na papel ay
parangal, ayusin ang pagkakasunod-sunod
ng mga titik na nasa illustration board Vien.
Papugay po.
Tumpak! Gamitin sa pangungusap ang
salitang papugay Auvielle.
Binigyan siya ng papugay sapagkat natalo
niya ang kanyang kalaban.
Magaling! Magbigay pa ng ibang
pangungusap gamit ang salitang papugay
Dexter.
Ako’y binigyan ng papugay sapagkat ako’y
nakasagot sa aming klase.
Mahusay! Basahin ang pangalawang
pangungusap Miriam.
Idinaos na masaya ang kasalang naganap
sa kaharian ng Berbanya
Ang pangalawang salita ay idinaos, ayusin
ang pagkakasunod-sunod ng mga titik na
nasa pangalawang bilang Hannah.
Ipinagdiwang po.
Tama! Gamitin ang salitang ipinagdiwang
sa pangungusap Reynn.
Ipinagdiwang namin ng maayos ang binyag
ng aking pamangkin.
Magaling! Magbigay pa ng pangungusap
gamit ang salitang ipinagdiwang Red.
Wala kaming klase dahil sama-sama
naming ipinagdiwang ang pista ng bayan.
Mahusay! Basahin ang pangatlong
pangungusap Joshven.
Nakita niya sa kanyang isipan ang
salamisim ng nakaraan.
Ang pangatlong salita ay salamisim, ayusin
ang pagkakasunod-sunod ng mga titik na
nasa pangatlong bilang Michelle.
Alaala po.
Magaling! Gamitin sa pangungusap ang
salitang alaala Cedrick.
Biglang bumalik ang alaala ni Joshua noong
nabunggo niya si Ella.
Mahusay! Magbigay pa ng ibang
pangungusap gamit ang salitang alaala
Jonard.
Bumalik ang alaala ko mula noong ako’y
bata pa.
Magaling! Basahin ang pang-apat na
pangungusap Ian.
Ang tanging hiling ni Donya Leonora ay
maipakasal kay Don Juan.
Ang pang-apat na salita ay hiling, ayusin
ang pagkakasunod-sunod ng mga titik na
nasa pang-apat na bilang Mars.
Pangarap po.
Tumpak! Gamitin sa pangungusap ang
salitang pangarap Den Mark.
Ang tanging pangarap ko ay makapagtapos
ako ng pag-aaral.
Mahusay! Magbigay pa ng pangungusap
gamit ang salitang pangarap Paul.
Pangarap kong maging isang ganap na
piloto.
Magaling! Basahin ang panglima o huling
pangungusap Aira.
Ipinasya ng hari at arsobispo na
ipagkasundo si Don Juan kay Donya Leonora.
Ang panglimang salita ay ipagkasundo,
ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga titik
sa ikalimang bilang Dominic.
Ikasal po.
Magaling! Gamitin ang salitang ikasal sa
pangungusap Allan.
Sana’y ako’y ikasal sa taong aking mahal.
Mahusay! Magbigay pa ng ibang
pangungusap gamit ang salitang ikasal
Joshelle.
Ang ikasal sa harap ng simbahan ang siyang
pinakamaganda sa dalawang nag-iibigan.
Magaling!

C. Paglalahad

Sa pamamagitan ng power point ating


pipinuhin ang mga pangyayari mula sa
pagwawakas ng Ibong Adarna.
Ngunit bago muna iyan, narito ang mga
gabay na tanong upang mas lalo pa ninyong
maunawaan ang kwentong ating babasahin.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang hiniling ng prinsesa kay Don


Juan?
2. Sino ang nakita ni Don Juan dahilan
kung bakit nawala ang alaala nito?
3. Paano naibalik ang alaala ni Don Juan?
4. Paano ipinakita ni Don Juan ang tunay
niyang pagmamahal kay Donya Maria?
5. Sino-sino ang mga ikinasal dahilan kung
bakit naging masaya ang kaharian ng
Berbanya?

Abe, maaari mo bang basahin nang


malakas ang ibinuod na pagwawakas ng
Ibong Adarna.
(babasahin ng mag-aaral ang buod ng
akda.)
Naintindihan ba klase?
Opo Sir.

D. Pagtatalakay

Para mapatunayan na talagang


naintindihan ninyo ang kuwento, tatalakayin
natin ang nilalaman ng akdang inyong binasa
sa pamamagitan ng PASA-MODE.
Ipapasa lamang ang aklat kung sino ang
tinutukoy sa PASA-MODE at bubuklatin ang
pahina, sasagutan ang nakalakip na
katanungan. Kung handa na kayo ay atin ng
simulan.

Ako muna ang unang hahawak sa PASA-


MODE at bubuklatin ko ito.

Ipasa sa taong kaharap mo.

(Ibibigay ng guro ang PASA-MODE sa taong


kaharap.)

Basahin ang katanungan.

TANONG:
Bakit ipinasya ni Don Juan na
huwag na lamang isama si Donya
Maria sa palasyo?

Ipinasya ni Don Juan na huwag isama sa


Berbanya si Donya Maria upang
mapaghandaan ang prinsesa ng isang
parangal sa pagdating sa kanilang kaharian.
Tama! Maaari mo nang buklatin ang PASA-
MODE kung sino ang susunod.

Ipasa sa pinakamagandang babae sa


klase.

(Ipapasa ang PASA-MODE)

TANONG:
Ano ang hiniling ni Donya Maria kay
Don Juan sa kanyang pag-alis?

Sa pag-alis nito’y hiniling ng prinsesa na


huwag titingin sa kahit kaninong babae.
Magaling! Ngunit ito’y hindi ginawa ni Don
Juan. Maaari mo nang ilipat sa ibang pahina.
Sino ang pagpapasahan mo?

Ipasa sa pinakamakisig na lalake sa


klase.

(Ipapasa ang PASA-MODE)

TANONG:
Sa iyong palagay bakit ang hiniling
ni Donya Maria na huwag tumingin
sa ibang babae si Don Juan?

Para hinsi siya mahumaling sa kagandahan


ng ibang babae.
Mahusay! Ano pa ang ibang dahilan?
Para hindi mawala ang alaala ni Don Juan
kay Donya Maria.
Magaling! Maaari mo nang buklatin ang
PASA-MODE kung sino ang susunod.

Ipasa sa babaeng pinakamaliit sa


klase.

(Ipapasa ang PASA-MODE)


TANONG:
Sa pagdating ni Don Juan sa
Berbanya, sino ang nagsalaysay sa
totoong nangyari, dahilan kung
bakit maipakasal si Don Juan kay
Donya Leonora?

Isinalaysay ni Leonora ang totoong


nangyari at nagpasya ang hari na makasal
ang una kay Don Juan.
Magaling! At ang pangyayaring iyon ay
nalaman ni Donya Maria Blanca. Ngayon ay
maaari mo nang buklatin ang aklat. Sino ang
iyong pagpapasahan?

Ipasa sa lalakeng pinakamaliit sa


klase.

(Ipapasa ang PASA-MODE)

TANONG:
Ano ang mahiwagang gamit na
dahilan kung bakit nakarating si
Maria Blanca sa Berbanya?

Sa tulong ng mahiwang singsing ay


nakarating si Maria Blanca sa Berbanya.
Tama! Ang singsing ang kanyang gamit
upang matukoy kung saan ang Berbanya,
siya’y nagpunta na nakabihis Emparatris.
Maaari mo nang buklatin ang aklat. Sino ang
iyong pagpapasahan?

Ipasa sa pinakamatangkad na babae


sa klase.

(Ipapasa ang PASA-MODE)

TANONG:
Nais ipaalala ni Donya Maria ang
mga nangyari sa kanila ni Don Juan,
ano ang una niyang ginawa upang
maibalik ang alaala ni Don Juan?
Isang dula ang kanyang itinanghal upang
ipaalala kay Don Juan ang kanilang nakaraan.
Mahusay! Ngunit sa kasamaang palad hindi
pa rin naalala ni Don Juan ang nangyari sa
kanila ni Donya Maria. Maaari mo nang
buklatin sa ibang pahina. Sino ang iyong
pagpapasahan?
Ipasa sa pinakamatangkad na lalake
sa klase.

(Ipapasa ang PASA-MODE)

TANONG:
Hindi pa rin nanumbalik ang alaala
ni Don Juan, nagalit si Donya Maria.
Ano ang ginawa niya dahilan kung
bakit bumalik na ang alaala ni Don
Juan?

Nagalit ang prinsesa dahil hindi pa rin


nanumbalik ang alaala ng prinsipe, kanya na
sanang ibubuhos ang laman ng prasko ngunit
biglang nanumbalik ang alaala ni Don Juan.
Tama! Maaaring sa mga pagsubok na
hinarap nila ni Donya Maria biglang
nanumbalik ang kanyang alaala. Sa pagbalik
ng alaala ni Don Juan sila’y nagkasundo muli.
Maaari mo nang buklatin sa susunod na
pahina. Sino ang iyong pagpapasahan?
Ipasa sa pinakamabait sa klase.

(Ipapasa ang PASA-MODE)

TANONG:
Sa pagkasundo nina Maria Blanca
at Don Juan. Ano ang hiniling ni Don
Juan sa hari?

Hiniling ni Don Juan sa kanyang amang hari


na si Donya Maria ang nais niyang pakasalan.
Tama! Sa pagbalik ng alaala ng prinsipe,
kanyang hiniling sa hari na papakasalan niya
si Donya Maria. Maari mo nang buklatin ang
aklat. Sino ang pagpapasahan mo?
Ipasa sa taong hinahangaan mo sa
klase.

(Ipapasa ang PASA-MODE)

TANONG:
Ipinaglaban ni Donya Leonora ang
pag-ibig niya sa prinsipe, at ano ang
ipinasya ng hari at arsobispo?

Ipinasya ng hari at arsobispo na kay Donya


Leonora dapat ikasal si Don Juan.
Mahusay! Ngunit si Don Juan ay
nagmatigas at kanyang pinaglaban ang
kanyang pagmamahal. Maaari mo nang
buklatin sa ibang pahina. Sino ang
pagpapasahan mo?
Ipasa sa taong pinakamaingay sa
klase.

(Ipapasa ang PASA-MODE)

TANONG:
Sa iyong palagay, makatwiran ba
ang naging pasya ng arsobispo at
hari sa kasalan ni Don Juan at Donya
Leonora?

Hindi po dahil sa hindi naman si Donya


Leonora ang kanyang gustong pakasalan. Si
Donya Maria ang totoo niyang mahal.
Tama! Dahil ang totoong laman ng puso ni
Don Juan ay si Donya Maria. Maaari mo nang
buklatin ang aklat. Sino ang susunod mong
pagpapasahan?
Ipasa sa taong mahal mo sa klase.

(Ipapasa ang PASA-MODE)

TANONG:
Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni
Don Juan na mapakasal sa taong hindi
mo mahal. Ano ang iyong
mararamdaman? Bakit?
Malulungkot po, dahil hindi naman ako
sasaya sa taong hindi ko naman mahal.
Tama! Sino pa ang may ibang sagot?
Malulungkot din po dahil hindi ko
mararanasan ang tunay na pagmamahal
kung sakaling ako’y ipakasal sa hindi ko
naman mahal.
Magaling! Tama nga naman na hindi ka
talaga sasaya kung hindi mo mahal ang iyong
taong karelasyon. Maaari mo nang buklatin
sa ibang pahina ang aklat. Sino ang iyong
pagpapasahan?

Ipasa sa taong pinakamagaling sa


klase.

(Ipapasa ang PASA-MODE)

TANONG:
Sino-sino ang mga ikinasal sa
kaharian ng Berbanya? Naging
masaya ba ang pagdaraos ng kasal?

Masayang idinaos ang kasal nina Don


Pedro at Donya Leonora, Don Juan at Donya
Maria Blanca sa kaharian ng Berbanya.
Tama! Dahil natagpuan nila ang kanilang
mapapangasawa o magiging kabiyak ng
kanilang puso.

E. Paglalahat

Mga bata, kung kayo si Don Juan, ano ang


inyong gagawin upang maipaglaban ang
pagmamahal ninyo kay Donya Maria?
Ipakita na si Donya Maria lamang ang
natatanging nasa puso ko.
Tama! Ano pa?
Ipaglalaban ko ang tunay kong
nararamdaman. Lalo na’t mahal rin ako ni
Donya Maria.
Magaling! May maidaragdag pa ba kayo?
Sasabihin ko sa hari na hindi ako sasaya
kung iba ang aking mapapangasawa.
Mahusay! Ang pagmamahal ay hindi
pinipili ng iba, puso mo ang magdidikta kung
sino talaga ang mamahalin nito. Kapag
kasama mo na ang taong mahal mo, doon
mo mararanasan ang tunay at masayang
pagmamahal.

IV. Pagtataya

Talagang naintindihan na ninyong mabuti


ang kwento, kaya’t ilabas na ang inyong mga
art materials at mayroon kayong gagawin.
Ipagpalagay nating kakilala ka ni Don Juan
at ikaw ang napili niya na gagawa ng
imbitasyon na nag-aanyaya sa kasal nila ni
Donya Maria. Ngayon ay gagawa ka ng
kaaya-ayang imbitasyon sa pamamagitan ng
pagguhit ng pinakatampok na bahagi na
kinasangkutan ng tauhan sa korido. Gagawin
mo ang imbitasyon para sa mga panauhin o
dadalo sa kasal. Sundin ang sumusunod na
pormat.

IMBITASYON

Ano:

Saan:

Kailan:

Oras/Kasuotan:

Bibigyan ko lamang kayo ng sampung


minuto para tapusin ang iyong gawain.

V. Kasunduan

Maghanda para sa isang mahabang


pagsusulit tungkol sa kabuuan ng Ibong
Adarna.
Isang Masusing Banghay Aralin
sa Filipino sa Ikapitong Baitang

Ang Pagwawakas
(Ibong Adarna)

Isinagawa ni
Jeffrey R. Bumanglag
Guro ng Filipino

Petsa :
Marso , 2016

You might also like