You are on page 1of 2

Ibong Adarna Buod Kabanata 1: Ang Kaharian ng Berbanya (Saknong 1 – 29)

Tanyag, sagana at mayaman ang kaharian ng Berbanya. Tahimik at payapang namumuhay ang mga tao rito.
Malimit na nagkakaroon ng pagdiriwang at mga piging sa nasabing kaharian sapagkat mabuti at mapagmahal
ang mga namumuno rito na sina Don Fernando at Donya Valeriana.
Sila ay may tatlong magigiting at matitikas na mga supling na sina Don Pedro, Don Diego at si Don Juan. Ang
tatlong prinsipe ay kasalukuyang pinagsasanay sa pakikidigma upang sa takdang panahon ang isa sa kanila
ay magmamana ng trono.

Ibong Adarna Buod Kabanata 2: Ang Karamdaman ng Hari (Saknong 30 – 45)


Dahil sa isang bangungot, nagkaroon ng malalang sakit ang Hari na si Don Fernando. Nakita niya ang isa sa kaniyang
mga anak na si Don Juan na pinaslang ng dalawang buhong at pagkatapos ay inihulog sa balon.
Hindi na halos kumakakain at natutulog ang hari dahil sa labis na pagkabalisa. Isang medikong paham ang nagsabi na
ang tanging lunas daw sa sakit ng Hari ay ang awit ng isang ibong tanging matatagpuan lamang sa bundok ng Tabor
partikular sa kumikinang na puno ng Piedras Platas.
Agad namang inutusan ang panganay na anak na si Don Pedro na hulihin ang natatanging lunas para sa sakit ng Hari.
 Buhong  – kontrabida, taong madaling matukso ni satanas
 Paham  – matalinong tao

Ibong Adarna Buod Kabanata 3: Paghahanap ni Don Pedro sa Lunas (Saknong 46 – 80)
Naglakbay ng tatlong buwan si Don Pedro bago natunton ang daan patungong Bundok Tabor. Agad naman ay nahanap
ng Prinsipe ang puno ng Piedras Platas.
Nagtaka siya kung bakit wala ni isang ibon ang dumadapo rito. Sa labis na paghihintay sa pagdating ng ibong adarna,
siya ay nakaidlip at hindi napansin ang pagdating ng ibon.
Dumapo ang ibon sa sanga ng puno at umawit ng pitong ulit habang nagpapalit ng kulay ng balahibo ng makapito ring
ulit.
Dahil kinapamahasnan na ng ibon na dumumi bago mamahinga, hindi nagtagal ay dumumi na ito at walang ano-ano’y
natapat ito sa natutulog na prinsipe at sa isang iglap ay naging isang bato.

Ibong Adarna Buod Kabanata 4: Pagkabigo ni Don Diego (Saknong 81 – 109)


Dahil hindi na nasilayang muli ang panganay na si Don Pedro, inatasan ng Hari ang ikalawang anak na si Don Diego
upang hulihin ang ibong adarna.
Naglakbay ng limang buwan ang nasabing prinsipe. Naakit din siya sa kinang nito at napaisip kung bakit walang ibang
ibon ang naaakit dito. Nagpahinga muna siya habang matiyagang naghihintay sa mahiwagang ibon ngunit dahil sa
lambing ng pag awit nito, ay agad ding nakatulog.
Nasaksihan man ni Don Diego ang pagpapalit kulay ng mga balahibo nito, siya ay nanatiling bigo. Napatakan siya ng
dumi nito at naging bato na rin. Nagmistulang magkatabing puntod ang magkapatid.

Ibong Adarna Buod Kabanata 5: Paglalakbay ni Don Juan (Saknong 110 – 140)
Pagkalipas ng tatlong taon, lalong lumala ang karamdaman ng Hari. Masakit man para sa Hari ang mawalay sa
pinakamamahal niyang anak ngunit wala siyang magawa kundi ang bindisyunan ang bunsong anak sa paglalakbay nito.
Natakot si Don Fernando at baka magtanan si Don Juan. Siya ay maglalakad lang papunta ng Bundok Tabor at may
baong limang tinapay. Isang beses sa isang buwan lang siya kumakain.
Habang binabagtas ang daan patungo sa nasabing bundok, panay ang sambit sa Birheng Inang marilag na nawa ay
matagalan ang paghihirap na dinaranas.
Sa ikaapat na buwan, tumigas na ang baon niyang tinapay. Sa gitna ng paglalakbay ay may nakita siyang ermitanyong
sugatan.

Ibong Adarna Buod Kabanata 6: Ang Ermitanyo (Saknong 141 – 198)


Nanglimos kay Don Juan ang leprosong matanda at ibinigay ang nag-iisang tirang tinapay.
Sa wakas ay nadatal na ni Don Juan ang puno at muntik nang makalimutan ang bilin ng matanda dahil sa ganda ng puno.
Nakarating ang prinsipe sa dampa at napansin ng tinapay na ibinigay niya sa leprosong matanda.
Nalaman niya na engkantado ang ibong adarna. Sa gabi lang ito masisilayan. Pitong beses iyong umaawit habang
nagpapalit ng kulay ng balahibo ng makapito ring ulit.
Sa oras na umawit na ang ibon ay susugatan niya ang kanyang palad at pipigaan ng dayap upang hindi makatulog.
Ipinagkaloob ng ermitanyo kay Don Juan ang sintas na Ginto upang gamitin sa paghuli ng mahiwagang ibon.
 Leproso – taong may ketong (leprosy)
 Nadatal – narating
 Dampa – mas kilala sa tawag ngayon na bahay kubo
 Engkantado – uri ng nilalang na may angking kakayahan na iba sa ordinaryong tao o
hayop
 Dayap – isang uri ng punong kahoy na maasim ang bunga

Ibong Adarna Buod Kabanata 7: Ang Mahiwagang Ibong Adarna (Saknong 199 – 215)
Pagdating ni Don Juan sa puno ng Piedras Platas, wala siyang natagpuang ibon kaya matiyaga nalang siyang naghintay
sa pagbabalik niyon.
sanggunian: Pinoycollection.com
Malalim na ang gabi at sa wakas dumating na ang Ibong Adarna. Nagsimula na itong umawit kasabay ng pagpapalit ng
kulay ng balahibo nito.

Dahil sa mahimig na awit ng ibon, dinapuan siya ng antok at muntikan nang makatulog. Upang maiwasan na maging
bato, sinugatan niya ang kanyang palad gamit ang labaha at pinigaan ito ng dayap.
Dumumi ang ibon ngunit iniwasan ito ng Prinsipe. Nakatulog na ang ibon ngunit dilat ang dalawang mata at
nakabuka ang malabay na pakpak nito.
Agad naman itong hinuli ng Prinsipe at ikinulong sa hawla at dinala ito sa dampa ng ermitanyo.

Ibong Adarna Buod Kabanata 8: Pagligtas kay Don Pedro at Don Juan (Saknong 216 – 225)
Ibinilin ng ermitanyo kay Don Juan na kunin ang banga at punan ng tubig upang maging taong muli ang mga kapatid
niyang naging bato.
Sinunod ng Prinsipe ang ermitanyo. Unang binuhusan ni Don Juan si Don Pedro at nabuhay itong muli at agad hinagkan
ang bunsong kapatid.
Sunod namang binuhusan nito si Don Diego. Gaya ng ginawa ng panganay na prinsipe, agad din nitong niyakap si Don
Juan.
Sila ay masayang nagyayakapan ngunit agad naman itong napawi sa pag-alala sa amang may sakit. Nagpunta ang
tatlong prinsipe sa dampa ng ermitanyo.

Ibong Adarna Buod Kabanata 9: Ang Katotohanan (Saknong 226 – 256)


Naghanda ng mga masasarap na pagkain ang ermitanyo para sa tatlong magkakapatid na prinsipe.
Pagkatapos ng piging ay kumuha ng misteryosong botelya ang matanda at pinahid ito sa palad ni Don Juan at agad itong
gumaling.
Nanghingi ng basbas si Don Juan sa ermitanyo sa kanilang pag alis. Habang binabagtas ang daanan pauwi ng palasyo,
ang naunang si Don Juan ay walang kamalay-malay na nagbabalak na pala ang nasa likuran na si Don Pedro ng
masama laban sa kanya at kinumbinsi nito si Don Diego na patayin si Don Juan.
Nung una ay mariin itong tumanggi ngunit kalauna’y pumayag din ngunit ani niya, sa halip na patayin ay bugbugin na lang
daw ito. Iniwang nakabulagta ang kahabag-habag na si Don Juan.

Ibong Adarna Buod Kabanata 10: Kasakiman ni Don Pedro at Don Diego (Saknong 257 – 275)
Nakabalik na si Don Pedro at Don Diego tangay ang ibong adarna. Labis ang kaligayahan ng Haring may sakit at
hinagkan ang dalawang taksil na prinsipe ngunit agad namang napawi ang ngiti sa kanyang labi nang mapansin na wala
si Don Juan.
Labis itong nanibugho sa pagkawala ng kanyang bunso at ninais nalang mamatay. Ang ibong adarna naman ay pumangit
at ayaw nang kumanta dahil taksil ang nag uwi sa kanya.
Lalong lumubha ang sakit ng Hari dahil muling naalala ang dahilan kung bakit siya nagkasakit. Umaasa ang ibong adarna
na buhay pa ang tunay na nagmamay-ari sa kanya at malaman ng Hari ang kataksilang ginawa ng magkapatid.

Ibong Adarna Buod Kabanata 11: Panaghoy ni Don Juan (Saknong 276 – 318)
Naiwang pagapang-gapang ang kahabag-habag na prinsipe. Namamaga ang kanyang buong katawan, may pilay ang
tadyang, at mamamatay na sa gutom at uhaw.
Wala siyang ibang magawa kundi ang manalangin sa mahal na birhen na nawa ay humaba pa ang buhay at gumaling
ang kanyang amang may sakit.
Hindi pa rin siya makapaniwala na nagtaksil sa kanya ang dalawang prinsipe. Handa naman niyang ibigay ang ibon sa
kanila kung iyon ang kanilang ibig.
Sa gitna ng kanyang paghihirap ay sinariwa niya ang Berbanya at ang inang reyna dahil sa labis na pananabik.

Ibong Adarna Buod Kabanata 12: Kaligtasan ni Don Juan (Saknong 319 – 339)
May biglang sumulpot na ermitanyo. Nakita nito si Don Juan na nakahandusay sa lupa. Ginamot niya sa muling
pagkakataon ang prinsipe.
Agad na naglaho ang mga sugat nito na parang mahika. Labis ang pasasalamatan ni Don Juan sa ermitanyo at hinagkan
ito.
Nais sanang gumanti ng utang na loob ang prinsipe ngunit tumanggi ito dahil ayon sa kanya, ito’y isang uri ng
pagkakawanggawa.
Sinabi ng ermitanyo kay Don Juan na bumalik na sa Berbanya upang iligtas ang Hari at agad naman itong sumunod.

Ibong Adarna Buod Kabanata 13: Pagbabalik ni Don Juan sa Berbanya (Saknong 340 – 403)
Nakabalik na ang prinsipe sa Berbanya. Nasindak ang dalawang magkapatid nang nakitang buhay pa si Don Juan.
Magalak na hinagkan ni Don Juan ang kanyang ama ngunit hindi namukhaan agad ng Hari ang anak.
Bumalik ang ganda ng ibong adarna at ito ay muling umawit. Inawit nito ang lahat ng nangyari kay Don Juan simula sa
paghuli niya sa ibong adarna hanggang sa pagtataksil ng dalawang prinsipe kay Don Juan.
Kasabay nang paggaling ng Hari ay natuklasan niya rin ang buong katotohanan. Walang anu-ano’y biglang tumayo ang
Hari at inutusan ang mga kawal na ipatapon ang dalawang taksil na prinsipe, subalit nakiusap si Don Juan sa Hari na
‘wag na itong ipatapon.
Agad namang pumayag ang Hari sa hiling ni Don Juan. Niyakap ni Don Juan ang dalawa. Bumalik ang sigla ng kaharian
dahil sa paggaling ng Hari.

sanggunian: Pinoycollection.com

You might also like