You are on page 1of 5

Ang Timawa ni Agustin Caralde Fabian

February 6, 2013 Ni Cherry

I. Layunin

 Maipakita ang mga natatanging katangian ng mga Pilipino.

 Maipakita ang totoong kaganapan sa Pilipinas na hanggang ngayon nararanasan ng mga


Pilipino.
 Maisalaysay ang diskriminasyon sa kwento

II. Panimula
Nakaranas na ba kayo ng pagkakataon na kayo’y naapi at minaliit? Hindi ba’t ginugusto niyong
muling tumayo at ipaglaban ang inyong karapatan? Paminsan, kinakailangan ng isang tao
masaktan at bumagsak upang siya ay magkaroon ng sapat na lakas upang harapin at labanan ang
mga panganib ng bukas.
A. ANG MAY-AKDA
Si “Tangkad”, ang bansag sa kanya sa opisina, o si Agustin Caralde Fabian ang lumikha sa
nobelang Ang Timawa.
Siya ay isinilang sa Plaridel, Bulacan noong ika-15 ng Agosto, 1901. Nagtapos niya ng kursong
BS Industrial Mangement sa University of Ilinois.
Nagkaroon siya ng limang anak sa kanyang unang kabiyak na si Angela Fernan. Ang mga anak
nila ay sina Leon, Betriz, Augusto, Manuel, at Sergio. Sa kasawiang palad ay yumao ang
kanyang asawa. Si Rosario L. Jose ang kanyang naging pangalawang pag-ibig. Nagkaroon sila
ng dalawang anak. Sila ay sina Emma at Noel.
Sa kanyang karera sa buhay ay naging koronel din siya ng mga gerilya sa Bulacan Military Area
noong panahon ng Hapon.
Sa kanyang pagsusulat ginamit niya ang mga sagisag o pen-name na Angel Fernandez, Ms.
Martin, Felicismo Cortez, Agusto and Fuentes FBani, atPilar Buendia. Sa asawa niyang si
Angela Fernan hango ang isang sagisag ng may akda.
Ayon sa paniniwala ng manunulat, “Higit na mahalaga ang obra kaysa by-line.” Kaya naman
pinili niyang magtago sa kanyang mga inisyal lamang.
Marami siyang naitulong sa larangan ng pagsusulat. Nakapagsulat at naging kagawad si Fabian
ng magasing Liwayway. Siya ay naging kabilang sa lupon na ginampalan na pumili sa 25 ba
pinakamabuting kathang Filipino ng 1943.
Bilang pagtulong at pagbalik ng kanyang mga natamo sa larangan na ito sa mga taong nais
maging tulad niya, siya ay nagtatag ng sanayan para sa mga manunulat ng liwayway ang Bagong
Dugo.
Siya ay yumao noong ika-24 ng Abril, 1976.
Ang ibang mga likha niya ay ang mga sumusunod
· Maria Mercedes
· Sino Ako?
· Mga Dayupay
· Basta Mayaman
· Hindi man hanapin
· Magbayad ka!
· Ang Malaya
· Ginoong Salapi
· Limatik
B. Ang Nobela
Ang kwento ay tungkol sa isang binatang Pilipino na si Andres na hindi yumuko at sumuko sa
mga nanghamak sa kanya sa dalawang bansang pinangyarihan ng kasaysayan, sa Estados Unidos
at Pilipinas. Makatarungan ding banggitin na ang nobela ay tanda ng pag-unlad ng sining sa
pagsusulat ng nobela: Si Andres sa kasaysayan ay hindi tipo kundi tao, na ang kabutihan ay
kakambal ng kasamaan sa kanyang katauhan. (Hango sa likod ng aklat)

III. Katawan
A. PAGKAKAPAMAGAT
Pinamagatan ng may-akda, na si A.C. Fabian, ang kanyang likha na Ang Timawa. Ang pamagat
na ito ay nabigyang pagpapakahulugan sa unang kabanata pa lamang ng nobela.
Ang salitang timawa, na naging pamagat ng nobela, ay direktang naipaloob ni Fabian sa kwento.
Ito ang salitang nagdulot sa pagkahubog sa karakter ng pangunahing tauhan na si Andres.
Sa umpisa ng kwento, nagsalaysay si Andres tungkol sa kanyang buhay sa Pilipinas. Dito na niya
nabanggit at nabigyang dahilan ang kanyang pagiging masipag at matiyaga. Dahil noong bata
siya, naranasan niya ang pang-aalispusta gamit lamang ang mga salita.
Ayon sa kanyang salaysay, nagkaroon ng maliit na salu-salo sa bahay ng may-ari ng lupang
sakahan ang mga magsasaka, kabilang doon ang kanyang ama. Sinama siya ng kanyang ama.
Nakita sila ng may-ari na nagsasaya sa ibaba ng bahay at ito ay nagalit. Nasabihan niya ang
magsasaka na sila’y mga timawa at narinig iyon ni Andres. Nakita sa mukha ng mga magsasaka
ang pagkababa ng kanilang pagkatao.
Musmos pa lamang siya noon at hindi niya lubos na maintindihan ang salitang iyon.
Ipinaliwanag sa kanya ito ng kanyang ama at sinabing ito ay masahol pa sa aso. Sinabihan si
Andres ng kanyang ama na mag-aral ng mabuti upang hindi siya matawag na isang timawa.
Nang yumao ang kanyang ama, isinaulo niya ang sinabi ng kanyang ama. Mula noon ay
nagpursigi siya sa lahat ng kanyang ginagawa. Pinagbutihan niya ang lahat ng ito. Dito nabuo
ang kanyang pagkatao.
Sa salitang timawa naitatag ang kwento at pagkatao ng pangunahing tauhan.
B. Halagang Pangkatauhan
Maraming makukuhang magagandang asal sa nobelang timawa. Sa unang tauhan pa lamang ay
may mapupulot na tayong mga katangian. Isang katangian ni Andres ay ang pagiging masipag
dahil kahit gabi na ay tuloy parin ang kanyang paghahanapbuhay para lamang makatapos ng
medisina. Kasama ng sipag ay ang pagiging pursigido at maparaan dahil kahit na maraming
tinatapong gawain sa kanya ay nagagawa niyang tapusin ang lahat. Ang malungkot lang sa
parteng ito ay nawawala na siya ng pakikipagkapwa.
Tiniis din ni Andres ang lahat ng hirap at pagod na kanyang naranasan. Dugo at pawis ang inalay
niya para lang masigurado na matupad ang pangako sa ama at maging maginhawa ang kanyang
buhay. Si Andres ay isang mabuting tao dahil ginagalang nya ang kanyang magulang at ang mga
taong ginagalang rin siya. dahil sa kanyang katalinuhan ay nakapag-aral siya ng medisina sa
Amerika. Nagiging inspirasyon niya ang kanyang mga pangarap upang hindi sumuko sa hirap ng
buhay.
Masasabi nating laki sa hirap si Andres. Hindi siya nakaranas ng sarap ng buhay mayaman
ngunit hindi ito naging hadlang upang sumuko na lang siya sa kanyang pangarap at buhay.
Malakas ang loob ni Andres na makakatapos siya ng medisina kaya lahat ng unos na
mararanasan niya ay kakayanin at malalampasan niya. Mahal niya ang kanyang mga magulang at
tapat din siya sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
Nais ni Andres na makatapos at balang araw ay matutupad ang lahat ng kanyang pinaghirapan.
Isang kakaibang lalake si Andres dahil madalang na tayo makakita ng ganitong lalake na may
tiwala sa sarili at may direksyon sa buhay.
C. Talasalitaan
1. Kapagdaka- Sa sandali; kaagad;
2 Timawa- isang alipin; hampas lupa; mababang klase ng nilalang/ tao
3. Tampok- gitna; i-sentro; pinakamahalaga;
D. Sakit ng Lipunan
v Diskriminasyon ng mayayaman laban sa mga mahihirap
-Ito ay naipakita ng Donyang may ari ng lupain noong araw ng kapistahan. Kanyang minaliit ang
mga magsasaka at halos pag damutan ng pagkakataong kumain. Ito ay isa sa mga sakit ng
lipunan na mula noon hanggang ngayon ay nararamdaman pa ng karamihan. Noong araw, ang
mga kastila at mga prayle ay madalas apihin ang mga Pilipino dahil sila ay nasa ilalim ng
pamahalaan ng Espanya. Sa panahon ngayon, hindi man mga dayuhan ang nangaapi ngunit mas
masakit ito dahil kapwa Pilipino madalas ang gumagawa nito. Madalas mapagkaitan ng
karapatan ang mga mahihirap dahil karaniwa’y hindi nila alam ang kanilang mga karapatan
bilang mamamayan. Sinasamantala naman ng mga mayayaman ang pagkakataong ito. Nararapat
na magtulungan ang bawat isa, mayaman man o mahirap na maintindihan ang karapatan ng
bawat isa kasabay ng pagtutulungan sa ikakaunlad ng bayan,
E. Pag-uugnay sa Kasalukuyan
Katulad ng naipakita sa nobela, ang diskriminasyon ay nararamdaman parin ng karamihan sa atin
ngayon. Mayaman man laban sa mahirap, makapangyarihan man laban sa mahina at iba’t iba
pang klase ng diskriminasyon ang nararamdaman ngayon.
Maihahantulad natin si Andres sa isang Overseas Filipino Worker o OFW kung tawagin. Katulad
ng OFW, si Andres ay nagtrabaho sa ibang bansa upang matakasan ang kalupitan at hirap na
nadaranasan ng mga Pilipino sa bansa. Nais niyang makatikim ng ginhawa ng buhay kaya siya
nagbalak pumuntang Amerika. Hindi rin naiwasan ni Andres na magpabago bago ng hanapbuhay
dahil hindi rin madali ang maghanap ng trabaho na malaki ang sweldo lalo na kung galing ka sa
hirap at mababa lang ang iyong naging edukasyon. Katulad ng OFW ay naranasan din niya ang
hirap ng buhay sa ibang bansa. Nanibago rin siya at kailangang maaral rin niya ang takbo ng
buhay sa Amerika at matangap ang bagong kultura. Ibang iba ang Pilipinas sa Amerika ngunit
dito pinili ni Andres na mamuhay dahil malaki ang kanyang tiwala sa sarili na magiging maayos
rin ang kanyang buhay.
Si Andres ay isang International Working Student din dahil katulad ng isang Pilipinong nag-aaral
sa ibang bansa ay naghahanapbuhay rin siya para matugunan ang mga pangangailangan sa araw-
araw lalo na ang pambayad sa paaralan at mga kagamitan na kakailanganin dito. Isang kahanga-
hangang tao si Andres dahil iba ang kanyang naging karanasan sa kanyang buhay at marami
siyang napulot na gintong-aral dito.

E. Buod
Si Andres ay isang Pilipinong mahirap na tinupad ang pangarap sa Amerika. Isangkasama ang
ama ni Andres at isang araw ay isinama si Andres ng kanyang ama sa bahay ngkanyang amo
ngunit s hindi inaasahan ay dumating ang Donya ang asawa ng amo ng kanyangama at sinbihan
silang Timawa parang isang aso s unay hindi ito naitindihan ni Andres kaya`tnang ipinaliwanag
sa kanya ito ng kanyang ama ay hindi na nya ito nalimutan. Ang sabi ngkanyang ama ay dapat
magsikap ka Andres sa pag-aaral at wag mong sasayangin ang pagkakataon ang gabi ay
gingawang araw ng ama ni Andres para lang siya makapagtapos saintermedya ngunit namatay
ito dahit sa pagkakasakit ng pulmonya. Ito ang dahilan ni Andreskaya`t siyay nag sikap sa pag-
aaral sa amerika para doon mag-aral ng medisina at maging isangdoctor si Andres ay matalino
at madaling makaisip ng paraan sa lahat ng bagay. Sa pagpunta niyasa amerika ay naging matalik
niyang kaibigan si Bill at Alice na kapwa niya kaparehong nagtatrabaho sa ladies dormitory. Una
pa lamang ay halata na kay Alice dahil sa ito daw ay magigingsagabal lang sa kanyang pangarap
sa buhay. Ngunit hindi na rin naitago ni Andres ang kanyang nararamdaman kay Alice naging
magkatipan ang dalawa at isang araw habang sila ay nasa loob ng ladies dormitory ay may
naghihintay na isang babaeng Pilipina agad namang ipinakilala ni Alice sina Bill at
Andres ngunit sa una pa lamang ay kinakitaan na ng kagaspangan si Andres nang pabayaan siya
sa pagdala ng maleta ni Estrella nagalit si Alice sa ginawa ni Andres at ang sabi niAndres ay
tama lang ‘yun sa kanya dahil ang tulad nilang mayaman ay walang pakialam sa timawang tulad
ko. Ang sabi pa ni Andres ay ipakikilala nila si Estrella kay Alfredo at ang hindi alam ni Estrella
ay nagkaroon ng kasunduan ang dalawa ni Andres ay hindi na sasama si Andres kina Estrella,
Bill at Alice kapalit ng isandaan kada buwan. Ganoon na nga ang nangyari si Andres o Andy ay
sa iba na sumasama at kung pupunta ng dormitoryo ay laging nagmamadali sa pagpunta, sa
pagtapos ng gawain at isang gabi ay nag-abut-abot ang apat na mag- kakaibigan at tinanong nina
Alice, Bill at Estrella kung bakit hindi na sumasama sa kanila at ang sagot ni Andyay busy lang
daw siya sa laboratoryo. Ngunit hindi naniwala si Alice kay Andres kaya`t nag-usap silang
dalawa nang masinsinan, hindi maintindihan ni Alice si Andres kung bakit niya ginawa iyon
ngunit nahantong ang kanilang usapan sa paghihiwalay at sa paglipas ng mga araw ay laging
magkasama sina Estrella at Andres ay inaanyayahan pa silang pumunta sa konsiyerto nina
Estrella at doon na umamin si Andres sa kasunduan nila ni Alfredo na babayaran siya ng
isandaang piso para hindi na ito sumama sa kanila ang sagot ni Estrella babayaran kita  higit kay
Alfredo sumama ka lang ulit sa amin ni Alice. Si Andres ay humalikat umakbay kay Estrella at
ito ay hindi nagustuhan ng dalaga sinampal sampal niya ito at pumasok siya sa ladies dormitory
nang umiiyak nagtaka si Alice at ito`y sinundan ni Alice sa kuwarto at ikinuwento ang nangyari
nagtawanan na lang ang dalawa at sabi ni Bill luku-luko talaga si Andres. Si Andres ay hindi
muna sumama sa kanila hanggang sa sila makagraduate. Binati ni Mrs. Grey (itinuring
na pangalawang ina ni Andres) sina Bill, Alice at Andres tuwang-tuwa si Mrs. Grey, ngunit
siEstrella ay kailangan pa ng isang taon para makatapos dahil sa  kanyang pamilya ay bumagsak
daw ang negosyo.

You might also like