You are on page 1of 5

Pangalan: Justine John Duran Jerao Petsa: 06-29-2020

Taon at Kurso: BPED-1 Iskedyul: 9:45 – 11:45 GE13

PAGSUSURI NG AKDA
Pamagat: Timawa

Manunulat: Agustin Fabian

Uri ng akda: Nobela

Link: https://tagapagtaguyodngfilipino.wordpress.com/2017/02/05/featured-content/

A. Buod
Si Andres ay isang Pilipinong mahirap na tinupad ang pangarap sa Amerika.
Isang kasama ang ama ni Andres at isang araw ay isinama si Andres ng kanyang ama
sa bahay ng kanyang amo ngunit s hindi inaasahan ay dumating ang Donya ang asawa
ng amo ng kanyang ama at sinbihan silang Timawa parang isang aso s unay hindi ito
naitindihan ni Andres kaya`t nang ipinaliwanag sa kanya ito ng kanyang ama ay hindi na
nya ito nalimutan. Ang sabi ng kanyang ama ay dapat magsikap ka Andres sa pag-aaral
at wag mong sasayangin ang pagkakataon ang gabi ay gingawang araw ng ama ni
Andres para lang siya makapagtapos sa intermedya ngunit namatay ito dahit sa
pagkakasakit ng pulmonya. Ito ang dahilan ni Andres kaya`t siyay nag sikap sa pag-
aaral sa amerika para doon mag-aral ng medisina at maging isang doctor si Andres ay
matalino at madaling makaisip ng paraan sa lahat ng bagay. Sa pagpunta niya sa
amerika ay naging matalik niyang kaibigan si Bill at Alice na kapwa niya kaparehong
nag tatrabaho sa ladies dormitory. Una pa lamang ay halata na kay Alice dahil sa ito
daw ay magiging sagabal lang sa kanyang pangarap sa buhay. Ngunit hindi na rin
naitago ni Andres ang kanyang nararamdaman kay Alice naging magkatipan ang dalawa
at isang araw habang sila ay nasa loob ng ladies dormitory ay may naghihintay na isang
babaeng Filipina agad namang ipinakilala ni Alice sina Bill at Andres ngunit sa una
palamang ay kinakitaan na ng kagaspangan si Andres nag pabayaan siya sa pagdala ng
maleta ni Estrella nagalit si Alice sa ginwa ni Andres at ang sabi ni Andres ay tama lang
yun sa kanya dahil ang tulad nilang mayaman ay walang pakialam sa timawang tulad
ko. Ang sabi pa ni Andres ay ipakikilala nila si Estrella kay Alfredo at ang hindi alam ni
Estrella ay nagkaroon ng kasunduan ang dalawa ni Andres ay hindi na sasama si
Andres kina Estrella, Bill at Alice kapalit ng isangdaan kada buwan. Ganoon na nga ang
nangyari si Andres o Andy ay sa iba na sumasama at kung pupunta ng dormitoryo ay
lagging nagmamadali sa pagpunta sa pagtapos ng gawain at isang gabi ay nagabot-
abot ang apat na mag kakaibigan tinanong nila Alice, Bill at Estrella kung bakit hindi na
sumasama sa kanila at ang sagot ni Andy ay busy lang daw sya sa laboratoryo. Ngunit
hindi naniwala si Alice kay Andres kaya`t nagusap silng dalawa nang masinsinan hindi
maintindihan ni Alice si Andres kung bakit niya gigawa iyon ngunit nahantong ang
kanilang usapan sa paghihiwalay at sa paglipas ng mga araw ay laging magkasama
sina Estrella at Andres ay iaanyayahan pa silang pumunta sa konsiyerto nila Estrella at
doon na umamin si Andres sa kasunduan nila ni Alfredo na babayarab siya ng
sangdaang piso para hindi na ito sumama sa kanila ang sagot ni Estrella babayaran kit
ang higit kay Alfredo sumama ka lang ulit sa amin nila Alice. Si Andres ay hinalikan at
inakbayan si Estrella at ito ay hindi nagustuhan ngdalaga sinampal sampal niya ito at
pumasok siya saladies dormitory ng umiiyak nagtka si Alice at ito`y sinundan ni Alice sa
kuwarto at ikinuwento ang nangyari nagtawanan nalang ang dalawa at sabi ni Bill luko-
luko talaga si Andres. Si Andres ay hindi muna sumama sa kanila hanggang sa sila
makagraduate. Binati ni Mrs. Grey (itinuring na pangalawang ina ni Andres) sina Bill,
Alice at Andres tuwang-tuwa si Mrs. Grey, ngunit si Estrella ay kailangan pa ng isang
taon para makatapos dahil sa mga kanyang pamilya ay bumagsak daw ang negosyo
B. Tauhan
B1. Andres - Filipinong nagsikap sa buhay upang makapag-aral ng medisina sa
Amerika dahil sa kanyang adhikaing matulungan ang mga kapos na
makapagpagamot.

B2. Alice.  Amerikanang may pagtangi kay Andres na sa una’y hindi matanggap
ang karima-rimarim na paraan ni Andres sa buhay ngunit sa malaon ay
natanggap rin nito.

B3. Bill.  Amerikanong kaklase ni Andres na tulad din niya ay nagsisikap sa


buhay upang umunlad, may pagtangi sa Estrella.

B4. Alfredo.  Mayamang kababayan ni Andres na nag-aaral rin ng medisina sa


Amerika na kalauna’y naging tunay na kaibigan ng tatlo.

B5. Estrella.  Mayamang Filipinang napadpad sa Amerika upang mag-aral ng


piyano at umibig kay Andres ngunit maluwat ay nagpakasal rin ay Bill.

B6. Mercedes.  Mula sa bayang pinanggalingan ni Andres at anak ng donyang


nagmalupit sa kanya nung kanyang kabataan.

B7. Lily.  Mababang uri ng babae na kumakapit sa kung sinu-sinong lalaki may
salapi’t kapangyarihan upang maging siya ay magkapera’t kapangyarihan rin.

B8. Dick.  Amerikanong doktor na nakasama ni Andres sa militarya na silang ay


ipadala sa Silangang Pasipiko upang manggamot ng mga sundalo noong
panahon ng giyera.
B9. Tandang Pedro.  Ulilang matanda taga ibang bayan sa siyang kumupkop kay
Andres ng ito ay magkasakit ng amnesia o pagkalimot.

C. Tagpuan
C1. Sa isang unibersidad sa Amerika kung saan sila nag-aaral
C2. Sa bayang pinagmulan ni Andres hindi kalayuan sa Maynila

D. Banghay
D1. Panimula 
Sabado noon at mag-iika-pito ng gabi. Si Andres Talon, na isang
mahirap na estudyante, aykasalukuyang naghuhugas ng mga
pinggang kinanan sa ladies dormitory, sa isang unibersidad
saAmerika. Ito lamang ang paraan upang makapagtuloy siya ng pag-
aaral sa kolehiyo ng medisina.Nakatali sa kanyang baywang ang
isang tapi at nakalilis ang mga manggas ng kanyang
kamisadentro.Nangingintab sa pawis ang kanyang kayumangging
mukha. Ang bula sa sabong nakabalot sakanyang mga matipunong
bisig ay umabot sa siko.

D2. Sulyap sa Suliranin

Tinukso ni Bill si Andres kay Alice. Marami daw silang pagkakatulad


ng dalaga. Nainsulto si Andres nang hindi pumasok sa kusina si
Alfredo nang ito-y magpapagawa sana ng report sa klase. Bilang
ganti siningil siya ni Andres

D3. Tunggalian

D3.1 Tao laban sa tao – Si andres at alfredo ay di magkasundo


D3.1 Tao laban sa sarili – lahat ng karakter sa storya ay may
sariling problema
D4. Saglit na Kasiglahan
May bagong dating na taga Pilipinas si Estrella. Sumiklab ang
labanang pagibig nina Alfredo at Andres laban sa dalagang babae na
sina Estrella at Alice.

D5. Kasukdulan
 Napabalita sa pahayan na nakita na muli si Major Andres at ito ay
nabasa ni Lily kung kaya’t nakita niya itong pagkakataon upang
mabawi si Andres kaya wala siyang inaksayang panahon at agad
pumunta sa klinika upang magpakilalang asawa ni Andres at dito ay
sumama ang binata. Nagsiyasat si Andres kung tunay ngang ikinasal
sila ni Lily at nalaman niyang peke ang mga dokumentong ipinakita
ng babae at ito’y pinagbayad niya para sa mga kabuktutang kanyang
nagawa.

D6. Kakalasan/Wakas
Bumalik si Andres sa klinika at doon ay naabutan ang katipang paalis
na sana pabalik ng Amerika ngunit ito’y kanyang pinigilan at inaming
bumalik na ang kanyang alaala kung kaya’t sinabi na niya ang lahat
ng katotohanan at inihayag na niya ang pag-ibig sa dalaga na kagyat
naman tinugunan ng isang halik at tinging naghahayag ng lubos na
tiwala.
E. Teoryang Pampanitikan

E1. Teorya: Marxisimo


Patunay: Si Andres ay isang Timawa.
Paliwanag:
Ang timawa ay nangangahulugang mahirap. Kung hindi narinig ni
Andres ang sinabi nang Donya sa kanyang ama na timawa ay hindi
siya magsisikap na matapos ang kanyang pag-aaral. Marahil ay
naging katulad na lang siya ni Igme na isa na ring magsasasaka.
F. Kabisaan/Aral
F1. Hindi hadlang ang kahirapaan upang maabot ang ating mga
pangarap. Ipinakita sa kwento, si andres ay isang mahirap at
nagsumikap upang maabot ang kanyang pangarap. At naabot niya ito
sa pamamgitang ng kanyang sipag at tiyaga.

F2. Ilang ulit ipinakita sa kwento ang pagiging bayani ng isang tao na
si Andres.Una nang siya ay isang doktor ay sumama sa gitna ng
labanan. Ikalawa nang sa gitna ng pagpapasabog ng mga kalaban sa
kanilang kanilang hospital ay patuloy pa rin siya sa panggagamot. At
ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagpapatayo niya ng klinika
upang makatulong sa mga nangangailangang kababayan.

You might also like