You are on page 1of 10

LAGOM

Isang timawa, ito ang pagkakakilala ni Andres sa kanyang sarili, isang taong dukha o hamak na
kalimitan ay naninilbihan sa masasalaping kapitbahay. Ngunit ayaw ni Andres na hanggang doon na
lamang siya kung kaya’t siya ay nagsikap upang makapag-aral. Naging panata niya sa kanyang ama na
maglilingkod sa mga pinakamahihirap niyang kababayan. Subalit kaakibat ng mataas na pangarap ay ang
pagiging pusong bato ni Andres na siyang pinalambot ng isang Amerikanang si Alice. Sa lahat ng mga
kaganapan sa buhay ni Andres ay hinubog siyang maging isang tunay na tao, may pusong marunong
kumalinga at makinig sa mga taong nasa paligid niya. Kung kaya’t nang umalis siyang Andres ay nang
bumalik ay ibang Andres na ang kanilang natunghayan.

TAUHAN

Andres. Filipinong nagsikap sa buhay upang makapag-aral ng medisina sa Amerika dahil sa kanyang
adhikaing matulungan ang mga kapos na makapagpagamot.

Alice. Amerikanang may pagtangi kay Andres na sa una’y hindi matanggap ang karima-rimarim na
paraan ni Andres sa buhay ngunit sa malaon ay natanggap rin nito.

Bill. Amerikanong kaklase ni Andres na tulad din niya ay nagsisikap sa buhay upang umunlad, may
pagtangi sa Estrella.

Alfredo. Mayamang kababayan ni Andres na nag-aaral rin ng medisina sa Amerika na kalauna’y naging
tunay na kaibigan ng tatlo.

Estrella. Mayamang Filipinang napadpad sa Amerika upang mag-aral ng piyano at umibig kay Andres
ngunit maluwat ay nagpakasal rin ay Bill.

Mercedes. Mula sa bayang pinanggalingan ni Andres at anak ng donyang nagmalupit sa kanya nung
kanyang kabataan.
Lily. Mababang uri ng babae na kumakapit sa kung sinu-sinong lalaki may salapi’t kapangyarihan upang
maging siya ay magkapera’t kapangyarihan rin.

Dick. Amerikanong doktor na nakasama ni Andres sa militarya na silang ay ipadala sa Silangang Pasipiko
upang manggamot ng mga sundalo noong panahon ng giyera.

Tandang Pedro. Ulilang matanda taga ibang bayan sa siyang kumupkop kay Andres ng ito ay magkasakit
ng amnesia o pagkalimot.

REPORT THIS AD

TAGPUAN

Sa isang unibersidad sa Amerika kung saan sila nag-aaral

Sa bayang pinagmulan ni Andres hindi kalayuan sa Maynila

MGA TAGPO

Kabanata I.

Nang matapos sa paghuhugas si Andres ay nagkahuntahan sila nila Alice at Bill patungkol sa
naging buhay ni Andres bago siya nakarating sa unibersidad sa kung saan siya nag-aaral ngayon maging
ang mga pasakit at pagdaramdam na kanyang naranasan ng mga panahon na iyon.
Kabanata II.

Naging malaking usapin para sa magkaibigang Andres at bill ang pagtangi ni Alice kay Andres
ngunit ito ay pansamanatalang napigilan dahil sa pagbibigay ng kuro – kuro ni Mrs. Grey, punong
tagapamahala sa dormitoryong kanilang pinapasukan, na ang magkaibang lahi ay hindi maaaring mag-
ibigan.

Kabanata III.

Nang dahil sa pangyayari, nagbalik sa alaala ni Andres ng minsan ay nabugbog siya dahil sa isang
Amerikanang babae kaya ang naisin niya hanggat maaari ay umiwas kay Alice ngunit linggid sa kanyang
kaalaman ay siya pa ang naging dahilan upang magkakilala sina Alice at Alfredo.

Kabanata IV.

Nagpagawa ng report si Alfredo kay Andres ngunit sumingil ng labis ang huli at ito’y
pinaghinanakit ni Alice manapa’y lumiham si Alice kay Alfredo at ibinalik ang sobrang salapi matapos
mapaliwanagan si Andres at ito’y naging sanhi upang mas lalong kilalanin ni Alfredo si Alice upang
kanyang mapaibig.

Kabanata V.

Tinuruan ni Andres si Bill ng boksing matapos umuwi isang gabi na bugbog-sarado at nakita ng
tanan kung gaano kahusay si Andres sa larangan na ito at naging sanhi upang mas lalong matanyag sa
buong unibersidad, dahil dito nagdamdam si Alice sapagkat hindi na raw siya nakikilala ni Andres dulot
ng kanyang pagsikat.

Kabanata VI.
Naging masugid na manliligaw ni Alice si Alfredo ngunit mailag pa rin ang Amerikanang dalaga sa
kanya sapagkat silang dalawa ni Andres ay nagkakaunawaan na.

Kabanata VII.

Tinuhod ni Alfredo si Andres isang gabi habang sila ay naglalakad sapagkat nagpantig ang tenga ni
Andres sa masamang palagay na sinabi ng kababayan tungkol kay Alice ngunit kalauna’y hindi naman si
Andres sapagkat ayaw na niyang lumaki pa ang gulo.

Kabanata VIII.

Isang dalagang Filipina ang dumating sa unibersidad upang mag-aral ng piyano na nagngangalang
Estrella subalit hindi naging maganda ang unang pagkikita nila ni Andres sapagkat nababanaag ng binata
ang ikinukubling kasamaan ng ugali nito.

Kabanata IX.

Sinusubukang mapalapit ni Estrella kay Andres ngunit ang huli ay mailap pa rin sa dalagang
kababayan dahil sa paniniwalang nais lamang nito na mapayuko ang binata dahil sa kalapastanganan
ginawa ng sila ay unang magkita.

Kabanata X.

Nagkaroon ng kasunduan sina Alfredo at Andres na lalayo ang binata kay Estrella kapalit ay ang
buwanang bayad ni Alfredo upang magkaroon ng tsansa na malapit ang dalaga kay Alfredo ngunit ito ay
kalaunang napag-alaman rin ni Estrella.

Kabanata XI.
Sina Andres at Estrella naman ang nagkaroon ng kasunduan subalit hindi katagalan ay nalaman rin
ni Alice ang tungkol sa katotohanan at ito’y pinaghinanakit ng dalaga sa katipan kung kaya’t nagpasya
ang magkasintahan na maghiwalay na lamang.

Kabanata XII.

Nagpasama sa isang konsiyerto si Estrella kay Andres at napagkuro – kuro ng mga miron na
mainam silang magkapares ngunit ito ay pinagtawanan lamang ng binata at siyang pinagdaramdam ng
dalaga kaya umuwi siyang mag-isa na lumuluha.

Kabanata XIII.

Nakita nina Bill at Alice na umiiyak ang Filipina at agad na sinundan upang makausap at doon nga
ay napag-usapan nila ang tungkol sa problema sa pag-ibig samantala hindi naglaon ay sumapit ang
pagtatapos ng apat maliban kay Estrella.

Kabanata XIV.

Naging interno sa university hospital ang tatlong binata ngunit lumipas ang ilang araw ay niyanig
ang buong daigdig sa ng pagsalakay ng Hapon sa Pearl Harbor at kusang-loob na umanib si Andres sa
medical corps ng hukbong Amerikano upang lalong mahasa ang kanyang kakayahan sa medisina.

Kabanata XV.

Pinatawag ni Mrs. Grey si Andres upang makapagpaalam ng personal sa kanya, maging si Alice ay
naroon upang maliwanagan na rin ang lahat na namamagitan sa kanilang dalawa.

Kabanata XVI.
Nakilala ni Andres si Dick Morris, isang Amerikanong doktor na kasama rin sa medical corps kung
saan sila pinadala ni Andres sa gawing Pasipiko upang tumugon sa nagaganap na digmaan at gamutin
ang mga sundalong nasusugatan dulot na rin ng digmaan.

Kabanata XVII.

Idineklarang patay na si Andres matapos bombahin ang hospital na kanyang pinaglilikuran at dahil
rito at ipinatawag sina Alice, Bill, Alfredo at Estrella upang malaman nila ang masamang balita pati ang
mga habilin ni Andres para sa kanila.

Kabanata XVIII.

Dahil sa hindi pag-iwan sa tungkulin ay nagawaran ng ranggong Major si Andres, nalaman rin niya
mula kay Dick na siya pala ay ibinalitang pumanaw na kaya nakita niya itong pagkakataon upang bumalik
sa bayang kanyang pinagmulan at doon nga ay nakilala niya si Mercedes.

Kabanata XIX.

PInatuloy siya ng dalaga sa mansion na dati rati naman ay ni sa pasilyo ay ayaw siyang patapakin,
nakilala rin niya ang mga magulang ni Estrella sa kanyang pagpanhik ngunit ang mas naririnig niya sa
mga umpukan ay ang pag-alis niya bilang Andres ay bumalik na Andres pa rin.

REPORT THIS AD

Kabanata XX.

Isinama si Andres sa isang handaan at dito ay nakilala niya si Lily, isang maperang babae dulot ng
pagsama sa mga Hapon at ito ay sinamantala ni Andres upang makakuha ng perang maipambibili ng
gamut para sa kanyang kababayan subalit hindi naglaon ay naimbitahan si Andres sa isang sayawan kina
Mercedes.

Kabanata XXI.

Nalaman ng lahat na si Andres pala ay isang ganap na dokot at may katungkulan sa hukbong
militar ng Amerika at ito’y lubos na ikinagalak ng lahat lalong higit ng mga magulang ni Mercedes ngunit
kaakibat nito ay nalaman rin ni Mercedes ang tunay na pakay ni Andres sa kanyang pag-babalik, ang
makapaghiganti sa pamilya ni Mercedes.

Kabanata XXII.

Habang patuloy pa rin si Lily sa pagpapasiya kay Andres ay patuloy rin si Andres sa pagbalik sa
kanyang bayan kung saan maraming tumatawag sa kanya para magpagamot ngunit wala naming tunay
na sakit kundi nais lamang mapalapit sa kanya upang mapangasawa ang isa sa kani-kanilang mga anak.

Kabanata XXIII.

Pinagsabihan ni Mercedes si Andres na huwag magbilang ng mga kadalagahan sa kanilang bayan


kaya’t ang ginawa ni Andres ay isinama si Lily sa isang sayawan bilang parangal sa kanya kung kaya
nagkaroon ng mga haka-hakang ito ang kanyang katipan at nawalan ng pag-asa ang lahat ng kababaihan
sa kanilang bayan.

Kabanata XXIV.

Pinainom ng gamot ni Lily si Andres na siyang naging dahilan upang ito ay mahilo at himatayin
kung kaya’t nabagok ang kanyang ulo at sa kanyang pagmulat ay nagka-amnesia siya at ito’y nakitang
pagkakataon ni Lily upang magpanggap na sila ay mag-asawa ni Andres.

Kabanata XXV.
Dumating na rin sa Filipinas sina Bill, Alfredo at Estrella at napagkasunduan ng dalawang binata na
dumalaw kina Estrella upang makapaghayag ng pag-ibig si Bill sa dalaga samantalang sila Lily at Andres
naman ay hindi matahimik sa liblib na bayan na kanilang pinagtataguan sapagkat laging nakakatakas si
Andres at hindi na alam ang daan pabalik.

Kabanata XXVI.

Natagpuan na ang nakalimot na si Andres at noon din ay isinama siya sa ospital na kanyang dating
himpilan ngunit siya naman ngayon ay napagbintangang kumukuha ng gamot sa depot samantalang sa
tahanan naman ni Estrella ay nakita nila ang larawan ni Andres sa pahayagan at nagitla ang dalaga na ito
pala ay buhay at nais ng dalaga na makita ng personal ang taong pinaka-uutangan niya ng labis.

Kabanata XXVII.

Sa araw ng paglilitis ay naroon si Dick bilang tagapagtanggol ni Andres, naroon din sina Estrella,
Bill at Alfredo upang patunayan na inosente ang Filipinong doktor at siya nga ay napawalang – sala
subalit ang binata ay kailangang tumuloy sa tahanan nila Estrella upang mas maalagaan sapagkat
mayroon pa rin siyang sakit na pagkalimot.

Kabanata XXVIII.

Nakatanggap ng telegrama si Alice na buhay pa si Andres at ito ay nanunuluyan kina Estrella kung
kaya’t dali – dali siyang gumayak upang makalipad patungong Filipinas kasama ang mga kasangkapan at
gamot para sa klinikang pinapangarap ni Andres ngunit pagsalubong sa kanya ay nabalitaan niyang isang
buwan ng nawawala si Andres.

Kabanata XXIX.

Tumuloy si Alice sa tahanan nila Estrella at nagpatulong siya sa mga magulang ng dalaga na
kalauna’y naging parang magulang na rin niya sa paghahanap ng lupang katatayuan ng klinika sa bayan
ni Andres samantala ay nakilala na rin nila Bill at Alfredo ang magkakapatid na Mercedes at nabuo sa
isipan ni Alfredo na paibigin ang isa sa kanila.

Kabanata XXX.

Dahil sa madalas na pagdalaw ni Mercedes kay Bill sa klinikang kanilang pinatayo ay nanibugho si
Estrella kung kaya’t nang sila ay magkalinawan ay inamin ng dalaga na siya ay umiibig kay Bill at si
Mercedes pala ay tinatangi naman ni Alfredo samantalang lingid sa kaalaman ni Alice na ang
nakabunggo pala niya sa isang handaan ay si Andres pala.

Kabanata XXXI.

Natisod ni Tandang Pedro si Andres na natutulog sa tapat ng kanyang tarangkahan at dahil dito ay
inampon niya ang binata kaya’t noong minsang isinama niya ito sa bayan ay nakita nila ang dlawang
pares na ikinakasal samantalang si Alice naman ay parang nakita si Andres sa madla kaya’tnagdulot ito
ng pagkabalisa sa Amerikanang dalaga.

Kabanata XXXII.

Dumating sa klinika si Tandang Pedro dala – dala si Andres na nakabalot pa sa kumot dahil sa sakit
na pulmonya at ito ay ikinagitla ni Bill kaya naman kinaumagahan ay laking tuwa nila Estrella at Alice sa
pangyayaring ito.

Kabanata XXXIII.

Sa klinika ay inalagaang mabuti si Andres at kalauna’y biglang bumalik ang kanyang alaala subalit
ipingpasya muna niyang huwag ipaalam sa lahat ang kanyang paggaling upang malaman kung talagang
palagay na ang buhay ni Alice sa Filipinas.

Kabanata XXXIV.
Napabalita sa pahayan na nakita na muli si Major Andres at ito ay nabasa ni Lily kung kaya’t nakita
niya itong pagkakataon upang mabawi si Andres kaya wala siyang inaksayang panahon at agad pumunta
sa klinika upang magpakilalang asawa ni Andres at dito ay sumama ang binata.

Kabanata XXXV.

Nagsiyasat si Andres kung tunay ngang ikinasal sila ni Lily at nalaman niyang peke ang mga
dokumentong ipinakita ng babae at ito’y pinagbayad niya para sa mga kabuktutang kanyang nagawa.

Kabanata XXXVI.

Bumalik si Andres sa klinika at doon ay naabutan ang katipang paalis na sana pabalik ng Amerika
ngunit ito’y kanyang pinigilan at inaming bumalik na ang kanyang alaala kung kaya’t sinabi na niya ang
lahat ng katotohanan at inihayag na niya ang pag-ibig sa dalaga na kagyat naman tinugunan ng isang
halik at tinging naghahayag ng lubos na tiwala.

Ang Manunulat

Si A. C. Fabian ay isinilang na Agustin Caralde Fabian sa Plaridel, Bulacan noong ika – 15 ng Agosto
ng taong 1901. Bagama’t nagsimulang mag-aral sa mga paaralang-bayan sa kanilang lalawigan, si A. C.
Fabian, na panggitna sa kanilang limang magkakapatid, ay sa Estados Unidos nagtapos ng karerang B. S.
Industrial Management, sa Univesity of Illinois. Kaya hindi kataka – takang mas nakilala siya sa paggawa
ng mga akdang Ingles. Naging manunulat sa Liwayway at nagtago sa mga alyas na “M. S. Martin”, “Angel
Fernandez”, “Felicisimo Cortez”, “Pilar Buendia”, “Augusto E. Fuentes” at “F. Bani” sa paniniwalang higit
na mahalaga ang obra kaysa by-line. Ngunit ang “Timawa” ang kauna – unahang nobelang Tagalog ng
isang manunulat sa Ingles. Makikita natin na ang obra niyang ito ay nagbigay ng inspirasyon sa kanyang
mga kapanahon at hindi maaaring hindi mapansin maging ng mga bagong sumisibol ngayon. Punanaw
siya sa edad na 75 noong ika – 24 ng Abril ng taong 1976, hindi man natin siya kilala sa ngayon ngunit
nananatili ang “Timawa”.

You might also like