You are on page 1of 1

Ipinanganak ang bayaning si Andres Bonifacio noong Nobyembre 30, 1863

sa syudad ng Maynila. Ang kanyang ama ay si ginoong Santiago Bonifacio


at ang kanyang ina naman ay si ginang Catalina de Castro. Panganay si
Andres sa anim na magkakapatid at sa murang edad na katorse ay natuto
nang maghanapbuhay si Andress buhat noong magkasunod na mamatay
ang kanyang mga magulang. Itinigil na din ni Andres ang kanyang pag-aaral
kapalit ng pag tataguyod nya sa limang nakababatang kapatid. Dahil sa
likas na talento ni Andres sa gawaing kamay ay natuto syang gumawa ng
baston, pamaypay at mga karatula na syang ibinebenta. Di tumagal ay nagtrabaho si Andres
bilang mensahero sa dayuhang kompanya na Fleming and Company. Bukod dito ay nagtrabaho
din sya sa isa pang dayuhang kumpanya na Fressel and Company. Dito natuto si Andres ng
salitang ingles. Kahit hindi nakapagtapos ay natuto din si Andres ng salitang espanyol.
Nahubog ang kanyang kaalaman sa pagbabasa ng mga librong tungkol sa mga pangulo ng
estados unidos, mga nobela ni Rizal tulad ng Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Les Miserables
at iba pa. Si Andres ay dalawang beses nag asawa. Una syang ikinasal kay Monica Palomar ng
Tondo. Ngunit maaga ding nabyudo si Andres sapagkat si Monica ay namatay sa sakit na
ketong. Di sila pinalad na magka anak. Taong 1892 ay nakilala naman ni Andres ang ikalawang
asawa na si Gregoria de Jesus o mas kilala sa tawag na Oryang. Noong una ay tutol ang
magulang ni Oryang sa pag iibigan ng dalawa dahil si Andres ay isang freemason at tinuturing
na kalaban ng Simbahang katoliko. Ngunit kalaunay nagpakasal din ang dalawa taong 1893 sa
simbahan ng Binondo. Nagkaroon sila ng anak na nagngangalan ding Andres ngunit si Andres
Jr. ay maagang namatay sa sakit na bulutong. Unang naging bahagi ng katipunan si Andres
noong 1892 pagkatapos na ipatapon si Jose Rizal sa Dapitan. Nabunyag ang kilusang KKK sa
mga espanyol at taong 1896 noong maganap ang "Sigaw ng Pugad Lawin" o ang pagpilas sa
cedula laban sa mga espanyol. Naganap ang laban ng katipunan laban sa mga espanyol noong
Agosto 30, 1896 at maraming umuwing sugatan. Ang labang iyon ay naging malaking banta
laban sa mga mananakop na espanyol. Nagkaroon ng dalawang grupo ang katipunan ito ay ang
Magdalo at Magdiwang na pinamumunuan ng pinsan ni Aguinaldo. Nagkaroon ng pulong na
ginanap noong ika 22 ng Marso taong 1897 sa Tejeros, Cavite. Napagpasyahan na maghalal ng
pangulo ng unang republika ng Pilipinas. Nahalal na pangulo si Emilio Aguinaldo at naging
pangalawang pangulo naman si Andres. Dahil hindi matanggap ni Andres ang naging resulta ng
halalan at pinawalang bisa nya ito. Ngunit kinabukasan ay nanumpa na si Aguinaldo bilang
pangulo. Habang si Andres ay nasa Indang, Cavite ay inatake sila ng Magdalo ngunit inutos ni
Andres sa kanyang mga tauhan na wag nang lumaban. Si Andres ay inaresto sa salang
pagtataksil laban sa pamahalaang Aguinaldo. Nilitis si Andres at napatunayang nagkasala at
mahatulan ng parusang kamatayan. Si Andres ay binitay sa bundok ng Maragondon kasama
ang kapatid na lalaki na si Procopio noong ika 10 ng Mayo taong 1897.

You might also like