You are on page 1of 5

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863.

Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago


Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14,
ang kanyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababata
niyang kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa
paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan.

Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming and Company",
isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente.
Subalit ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga naulilang kapatid. Lumipat siya sa
kumpaniyang "Fressell and Company" bilang ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging determinasiyon at sipag kaya
naging matatag siya sa kanyang trabaho.

Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa sa
mga kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang mga
buhay ng Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at
Himagsikang Pranses. Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang pinakasikat na 'Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa'.

Ang mga nabasa niyang aklat ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng Himagsikan at pagtatag ng Katipunan o
KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Itinatag niya ang Katipunan noong ika-7 ng
Hulyo, 1892 kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kanyang pangalan ay Maypagasa. Ang
kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siayng lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa
maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng
1896. Subalit, bago pa man siya mag-umpisa; ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero
ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Buhat noon ,ang Katipunan ay
natuklasan ng mga Kastila, kaya hindi sila makatakas sa pang-aaresto ng mga Kastila, at ang mga tauhan niya na kulang
sa armas, pagod at gutom at kakaunti ang tumulong ay nakaranas ng malabong tagumpay at malubhang pagkatalo.

Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at
patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag
ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang
Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham. Si Bonifacio ay nasaktan at ginamit niya ang kanyang karapatan bilang
Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan. Si Bonifacio ay lumipat sa Naic, Cavite at
nag-umpisa siyang gumawa ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Samantala, ang mga umaabanteng tropa ng
Kastilang Heneral na si Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite. Inutusan ni Aguinaldo sila Pio del Pilar at
Noriel na pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain.

Si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya ay umalis sa Naic papuntang Indang at sa kanyang pagbabalik sa Montalban, si
Aguinaldo ay nagpadala ng tauhan para siya ay arestuhin, subalit si Bonifacio ay lumaban at nasugatan. Humarap siya sa
isang paglilitis dahil sa kanyang gawain na laban sa bagong pamahalan at binigyan ng sentensiyang bitay ng isang Militar
na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang bumitay sa kanya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10
ng Mayo, 1897.

Hanggang ngayon si Bonifacio ay kilala ng mga Pinoy sa kanyang katapangan na inilarawan sa mga katagang ito:

" Andres Bonifacio Matapang na Tao...."


Emilio Aguinaldo
(1898-1901)

Si Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869–Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at
pinuno ng kalayaan, ay ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20, 1899–Abril 1, 1901).
Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong
pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya
noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas
noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang
tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga
hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula
1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901,
makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos
subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan
noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon.
Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas. Siya rin
ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas.

Emilio Aguinaldo (Disyembre 15, 1875 - Abril 16, 1899), ay isang rebolusyonaryong Filipino na kilala bilang ang Utak ng
Katipunan. Ipinanganak sa Trozo, Manila, Jacinto ay ang anak ni Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Ang kanyang ama ay
namatay sa ilang sandali lamang matapos Jacinto ay ipinanganak, pilitin ang kanyang ina na magpadala sa kanya sa
kanyang tiyuhin, Don Josà Dizon, upang siya ay magkaroon ng isang mas mahusay na pamantayan ng pamumuhay.
Jacinto ay matatas sa parehong Kastila at Tagalog, ngunit ginustong na magsalita sa mga Espanyol. Siya pumasok San
Juan de Letran College, at mamaya inilipat sa Unibersidad ng Santo Tomas upang pag-aaral ng batas. Hindi niya tapusin
ang kolehiyo at, sa edad na 20, sumali sa mga lihim na lipunan na tinatawag na Katipunan. Siya ang naging tagapayo sa
piskal na usapin at sa sekretarya sa Andràs Bonifacio. Jacinto din wrote para sa Katipunan pahayagan na tinatawag na
Kalayaan, na isasalin sa Freedom sa Filipino. Siya wrote sa pahayagan sa ilalim ng panulat pangalan Dimasilaw, at
ginagamit ang alias Pingkian sa Katipunan. Emilio Jacinto ay ang mga may-akda ng Kartilya ng Katipunan rin. Pagkatapos
Bonifacio's kamatayan, Jacinto patuloy labanan sa mga Kastila. Like General Mariano lvarez isang, siya tumanggi na
sumali sa mga pwersa ni Heneral Emilio Aguinaldo. Siya ng malaria at namatay sa Majayjay, Laguna, sa edad na 23.
Kanyang ay nananatiling ay mamaya ilipat sa Manila North Cemetery.
Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong
Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy
niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila
noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa
Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang
medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang
Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng
mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na
“La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad
ng komersiyo, industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892.
Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang
mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.

Noong Setyembre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong
Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Santiago.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na
nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang
magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).
Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864—Mayo 13, 1903), kilala bilang ang "Dakilang Lumpo" o
"Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino teoretista na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas
noong 1899-1901, at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa
Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan.

Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang ingkong natutuhan. Nag-aral siya
sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa
pagka-Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo Tomas naman siya nakapagtapos
ng pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral ng batas, sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal.

Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng paralisis ng bata na lumumpo sa kanya. Ipinasundo siya ni Aguinaldo at
sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo. Nang
pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang kalihim panglabas at
pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".

Noong 1899, si Mabini ay nabilanggo sa Nueva Ecija. Kanyang isinulat noon ang "Pagbangon at Pagbagsak
ng Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El Libra". Noong ika-5 ng Enero, 1901, si Mabini ay
ipinatapon sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng
katapatan sa Estados Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa
Nagtahan, Maynila.

Ayon sa paglalarawan sa kanya ni Arthur MacArthur, Jr., "Si Mabini ay isang lubos na edukadong binata na, sa
kasamaang-palad, ay paralisado. Siya ay may isang klasikal na edukasyon, isang napaka-kakayahang
umangkop, mayroong malikhaing isip, at ng mga tanawin ng Mabini ay komprehensibo kaysa sa alinman sa
mga Pilipino na ako ang nakakamit. Ang kanyang ideya ay isang panaginip ng isang Maphilindo. Hindi ang
Luzon o ang kapuluan ng Pilipinas, ngunit ang ibig kong sabihin ay dugo ng Lahing Malay. Siya ay may
pangarap, ngunit isang napaka-tatag ng pagkatao at siya aty napakabuti. Tulad ng nasabi, sa kasamaang-palad,
siya ay paralisado. Siya ay isang binata, at gusto niya na walang pag-aalinlangan na maging mahusay na
paggamit sa hinaharap ng mga isla na parang ito ay hindi para sa kanyang pagdadalamhati."
MAY-KAYA nang kaunti ang mga magulang ni Emilio Jacinto nang isilang siya nuong Deciembre 15, 1875.
Ang kanyang ama, si Mariano Jacinto, ay tatag ang hanap-buhay bilang tenedor-de-libro (bookkeeper) sa
isang bahay kalakal sa Binondo, malapit lamang sa kanilang bahay sa Trozo, sa Tondo, Manila. Nakatulong
din ang hanap-buhay ng ina, si Josefa Dizon, bilang comadrona (midwife). Mula sa mayaman at kilalang
angkan ng mga Dizon ang ina, kaya bata pa ay tinuruan na si Emilio. Sa gulang na 6 taon, natutuo na siya ng
pangkaraniwang Español (lengua de tienda, market Spanish). Dinaan sa paulit-ulit na pagsa-ulo (cabezote,
learning by rote) na karaniwang paraan ng pag-aaral nuong panahong iyon. Matatas din siya sa Tagalog na wika
ng kanyang mga magulang.

Nang namatay ang kanyang ama, agad naghirap ang mag-anak. Bahagya lamang nakayanan ng ina na nag-isa
nang naghanap-buhay. Ang damit nila ay mga lumang baro na tinubos nang mura ng ina mula sa bahay-
sanglaan (casa de agencia, pawnshop). Nang nagsimulang pumasok si Emilio sa paaralan ni Maestro Pascual
Ferrer, lagi siyang tinukso ng mga kamag-aral dahil sa pagkadukha ng kanyang suot - ang sinturon (cinturon,
belt) niya ay ginupit na laylayan ng saya ng ina, ang sintas ng zapatos (showlaces) niya ay pinunit mula sa itim
na basahan (trapo, rag). Nang nakatapos siya sa mababang paaralan ni Ferrer, tatag na ang kanyang pagka-
tao: tahimik subalit walang takot lumaban.

Dahil sa hikahos, napilitan siyang ilipat ng ina sa kanyang kapatid, si Jose Dizon, upang ipagpatuloy ang pag-
aaral sa colegio. Sa tustos ng tio, nakatapos si Emilio ng bachelor of arts (licenciado) sa San Juan de Letran,
matapos ng araw-araw na kutya at libak ng mga mayamang ka-clase (compañeros, classmates) dahil sa kanyang
pagka-dalita. Pumasok siya sa Universidad de Santo Tomas upang mag-aral ng pagka-abogado. Nabanggit ng
mga kakilala niya sa Santo Tomas nuon na tahimik pa rin siya, hamak pa rin ang damit, at wala pa ring takot
makipag-suntukan. Ang nadagdag, sa ulat nila, ay ang sagad niyang hangad na maging malaya ang Pilipinas.
Dala marahil ng tukso at paghamak na tinanggap mula pagka-bata, o ang mga pag-api ng Español na nabasa
niya sa kumakalat nuong propaganda ng mga ilustrado. Anuman ang dahilan, sa murang gulang na 19 taon
gulang, “hinog” na si Emilio sa papalapit na himagsikan.

You might also like