You are on page 1of 5

May akda ng “Sa kabatang Pilipino”

Si Jose Protasio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng


Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna
noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang
ay sina Ginoong Francisco Mercado at Ginang
Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya.


Maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at
ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan,
Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham
sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may
mataas na karangalan.

Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-


aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at
Unibersidad Central de Madrid hanggang sa
matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia
noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat
ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko.
At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris, France at Heidelberg, Germany.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” naglalahad ng mga pang-aabuso
ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ayumuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na
“La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-
unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo
14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat
niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan. Hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang
kapaligaran.

Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano, inaresto siya.
Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at, sa pangalawang pagkakataon, ikinulong siya sa Fort
Santiago.

Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya
na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.
Sa kabataang Pilipino

Salin ito ng tulang “A La Juventud Filipina” na sinulat ni Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas noong
siya’y labingwalong taong gulang. Ang tulang ito ang nagkamit ng unang gantimpala sa timnpalak sa
pagsulat ng tula, na itinaguyod ng Liceo Artistico Literario, sanahang binubuo ng mga taong mahilig sa
panitikan at sa sining. Mga Kastila’t katutubo ang lumahook na sa paligsahan nguni’t ang Lupon ng
Inampalang binubuo ng mga kastila ay humanga sa tula ni Rizal at ipinagkaloob ditto ang unang
gantimpala.

Ang tulang ito ang kauna-unahang lantarang pagpapahayag ni Rizal ng kaniyang damdaming makabansa.
Hinihimok niya ang kabataang Pilipino upang mamukadkad at linangin ang kaniyang masisining na
katalinuhan, tinatawag itong “Magandang Pag-asa ng Bayan Kong Mutya,” na ngayo’y isang pariralang
malimit banggitin.

Sa tula’y ipinahahayag na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino at ang salitang “Pilipino” ay unang
ginagamit upang tawagin ang mga katutubo ng Pilipinas, hindi ang mga kastilang ipinanganak sa
Pilipinas, na siyang gamit ng salitang ito.
May akda ng “Pag-ibig sa tinubuang lupa”

pinanganak ang bayaning si Andres Bonifacio noong Nobyembre


30, 1863 sa syudad ng Maynila. Ang kanyang ama ay si ginoong
Santiago Bonifacio at ang kanyang ina naman ay si ginang
Catalina de Castro.

Panganay si Andres sa anim na magkakapatid at sa murang edad


na katorse ay natuto nang maghanapbuhay si Andress buhat
noong magkasunod na mamatay ang kanyang mga magulang.

Itinigil na din ni Andres ang kanyang pag-aaral kapalit ng pag


tataguyod nya sa limang nakababatang kapatid. Dahil sa likas na
talento ni Andres sa gawaing kamay ay natuto syang gumawa ng
baston, pamaypay at mga karatula na syang ibinebenta.

Di tumagal ay nagtrabaho si Andres bilang mensahero sa


dayuhang kompanya na Fleming and Company. Bukod dito ay
nagtrabaho din sya sa isa pang dayuhang kumpanya na Fressel
and Company.

Dito natuto si Andres ng salitang ingles. Kahit hindi nakapagtapos


ay natuto din si Andres ng salitang espanyol. Nahubog ang
kanyang kaalaman sa pagbabasa ng mga librong tungkol sa mga
pangulo ng estados unidos, mga nobela ni Rizal tulad ng Noli Me
Tangere, El Filibusterismo, Les Miserables at iba pa.

Si Andres ay dalawang beses nag asawa. Una syang ikinasal kay


Monica Palomar ng Tondo. Ngunit maaga ding nabyudo si Andres sapagkat si Monica ay namatay sa sakit na
ketong. Di sila pinalad na magka anak.

Unang naging bahagi ng katipunan si Andres noong 1892 pagkatapos na ipatapon si Jose Rizal sa Dapitan.

Nabunyag ang kilusang KKK sa mga espanyol at taong 1896 noong maganap ang "Sigaw ng Pugad Lawin" o ang
pagpilas sa cedula laban sa mga espanyol.

Naganap ang laban ng katipunan laban sa mga espanyol noong Agosto 30, 1896 at maraming umuwing sugatan.
Ang labang iyon ay naging malaking banta laban sa mga mananakop na espanyol.

Nagkaroon ng dalawang grupo ang katipunan ito ay ang Magdalo at Magdiwang na pinamumunuan ng pinsan ni
Aguinaldo.

Nagkaroon ng pulong na ginanap noong ika 22 ng Marso taong 1897 sa Tejeros, Cavite. Napagpasyahan na
maghalal ng pangulo ng unang republika ng Pilipinas. Nahalal na pangulo si Emilio Aguinaldo at naging
pangalawang pangulo naman si Andres.

Dahil hindi matanggap ni Andres ang naging resulta ng halalan at pinawalang bisa nya ito. Ngunit kinabukasan ay
nanumpa na si Aguinaldo bilang pangulo.

Nilitis si Andres at napatunayang nagkasala at mahatulan ng parusang kamatayan.

Si Andres ay binitay sa bundok ng Maragondon kasama ang kapatid na lalaki na si Procopio noong ika 10 ng Mayo
Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay isang tula na

sinulat ni Andres Bonifacio na kanyang ginamit


para

himukin ang mga Pilipinong maging makabayan


Si

Bonifacio ay mas magaling na mandirigma kaysa


sa isang

manunulat ngunit pinatunayan niya na kaya


niyang gumawa ng isang tula para sa kanyang

minamahal na bayan.

Inilarawan ni Bonifacio ang mga Kastila na kasuklam-suklam. Dahil na rin sa

mga nangyari kay Andres Bonifacio kaya nailarawan niya ang mga Kastila sa

mga ganoong kataga.

Ang tulang ito ay naaangkop sa teoryang historikal sapagkat tinatalakay sa


tulang ito ang mga

tunay na pangyayari sa panahon ni Bonifacio.

Maraming mga akdang pampanitikan ang maaaring suriin sa teoryang historical subalitang tulang ito ay

isa sa mga pinaka-angkop sa yeoryang ito. Maaari din itong suriin sa teoryang sosyolohikal dahil marami

mga kataga o salita na pumatungkol sa paghihirap ng mga Pilipino. Hindi matatawaran ang mga akdang

pampanitikan ng ating mga bayani. Ang mga ito ay nagsisilbing gabay natin upang lubos na malaman ang

ating tunay na kasaysayan

You might also like