You are on page 1of 8

BUOD NG TALAMBUHAY NI DR.

JOSE RIZAL

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal. Labing-isa silang magkakapatid at ikapito
siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y
Quintos. Nakita niya ang unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna.

Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco Mercado ay anak ng isang negosyanteng Instik
na nagngangalang Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay isa ring mestisang Intsik na ang pangalan ay Ines dela Rosa.

Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay nakararanas si Domingo Lam-co ng diskriminasyon kaya
upang makaiwas sa ganoong pangyayari at makasunod sa ipinag-uutos ni Gobernador Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga
pangalang Pilipino noong 1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong Kastila at pinili nila ang Mercado na nababagay sa kanya
bilang negosyante, sapagkat ang ibig sabihin ng Mercado ay palengke. Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa
bayan ng Binan, Laguna.

Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang ama ay isang magsasaka. Isa siya sa mga kasama
sa Hacienda Dominicana sa Calamba, Laguna.

Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bias ng Kautusan Tagapagpaganap na pinalabas ni Gob. Claveria
noong 1849 at ito’y hinango sa salitang Kastila na luntiang bukid.

Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap, matiyaga at talagang nagbabanat ng buto.

Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng abakada ng kanyang ina at napansin niyang
nagtataglay ng di-karaniwang talino at kaalaman ang anak, kahit kulang sa mga aklat ay nagawa ng ginang na ito ang paglalagay ng
unang bato na tuntungan ni Rizal sa pagtuklas niya ng iba’t ibang karunungan.

Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Padre Justiniano Aquino
Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro ay naituro na
niya kay Rizal.

Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay nagpamalas ng kahanga-hangang
talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng asignatura. Sa paaralang ito natamo
niya ang katibayang Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng Filosofia y Letras at Agham sa pagsasaka naman
sa Ateneo Municipal de Manila. Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang pamantasan. Di pa nasiyahan, nagtungo siya sa
Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana at tinapos ang kursong ito noong 1884 at 1885.

Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses pagkat sa Pilipinas pa lamang ay pinag-aralan
na niya ang wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nag-aral din siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa
iba’t ibang bansa sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga wikang ito sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao roon at ng
pagkakaiba nila sa mga Pilipino sa bagay na ito. At upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga baying nabanggit na
mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa kanyang mga kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na
dalubwika.

Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid noong magtatapos ang
1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang Marso,
1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang
300 piso.

Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa Gante, Belhika noong 1891.
Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang kapisanang ito ay lihim na itinatag at
layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di sa
paghihimagsik.

Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3, 1888, siya ay muling umalis sapagkat umiilag
siya sa galit ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892.

Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, isang maliit na bayan
sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa Dapitan,
nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na kanyang tinuturuan.

Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang madamay sa kilusang ukol sa paghihimagsik
kaya hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan niya ng isang liham si Kapitan-Heneral Blanco na
nagpapatunay na kailanman ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa Pilipinas. Ngunit noong bago magtapos ang taong 1896,
siya’y hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas.

Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at litisin, siya ay nahatulang barilin sa
Bagumbayan.

Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios (Huling Paalam) isang tulang kakikitaan ng
magigiting na kaisipan at damdamin.

At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta.

Si Juan Luna y Novicio (23 Oktubre 1857-7 Disyembre 1899) ay isang Pilipinong pintor at bayani. Kilala siya para sa kanyang
larawang Spoliarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa Colosseum sa Roma. Ang
nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay maaring itulad sa mga kasawian ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya.

Kabataan

Ipinanganak siya sa Badoc, Ilocos Norte, ikatlo sa pitong anak nina Joaquin Luna at Laurena Novicio. Lumipat ang pamilya sa
Maynila noong 1861 upang makakuha ng mabuting edukasyong ang mga anak. Nagkainteres si Luna sa pagpipinta dahil sa
impluwensya ng kanyang kuya Manuel, na magaling na pintor.
Edukasyon

Nag-aral si Luna sa Ateneo de Manila, at pagkatapos sa Escuela Nautica. Naging manlalakbay-dagat siya. Sa pamamgitan nito,
nakita niya ang magagandang tanawin sa Hongkong, Amoy, Singapore, Batavia, at Colombo. Kapag nasa Maynila siya
nagpapaturo pa rin siya kay Lorenzo Guerrero ng pagpipinta. Pumasok siya sa Academia de Dibujo Y Pintura sa Maynila ngunit
ipinaalis, marahil dahil ang kanyang estilo ay hindi umaayon sa kagustuhan ng kanyang maestro. Noong 1877, sa rekomendasyon
ni Guerrero, pinaaral siya ng kanyang magulang sa Escuela de Bella Artes sa Madrid. Subalit, hindi niya nagustuhan ang paraan ng
pagturo rito. Noong nakilala niya ang pintor na si Don Alejo Vera, umalis siya sa eskwela upang maging aprentis niya.
Karera

Noong 1881 nanalo siya ng gintong pilak para sa kanyang dibuhong La Muerta de Cleopatra sa pandaigdig na kumpetisyon na ang
Exposición Nacional de Bellas Artes sa Madrid. Dahil dito naging pensionado siya ng Ayuntamiento ng Maynila sa kondisyon na
gumawa siya ng larawan para sa kanila. Ilang taong lumipas bago natapos niya ito—ang El Pacto de Sangre. Noong 1884, ang
kanyang Spoliarium ay nagwagi ng isa sa tatlong gintong medalya sa Exposición Nacional de Bellas Artes para sa taong iyon. Ang
kanyang dalawang lahok sa Exposicion ng 1887, La Batalla de Lepanto at Rendicion de Granada at nagwagi rin.

Ang Spoliarium ni Juan Luna

Pamilya

Noong 1885, lumipat siya sa Paris at nagbukas ng studio roon. Noong 1886, pinakasalan niya si Maria Paz Pardo de Tavera, ang
kapatid ng kanyang mga kaibigang sina Felix at Trinidad Pardo de Tavera. Nagkaroon sila ng dalawang anak nila subalit isa ay
namatay habang sanggol pa. Pagkalipas ni ilang taon, sinuspetiya ni Luna na may kalaguyo ang asawa niya, kaya noong 1892,
pinatay niya ang kanyang asawa, kasama ng kanyang ina, dahil sa kanyang pagselos. Idinetermina ng korte na ito ay ginawa niya
habang samantalang baliw at sa gayon walang sala siya. Bumalik si Luna sa Madrid kasama ng iisa niyang buhay na anak, si
Andres.

Pagkabayani

Bumalik siya sa Pilipinas noong 1891 at idinakip siya kasama ng kanyang kapatid na si Antonio Luna noong 1896 at ikinulong sa
Fort Santiago dahil sila ay sinususpetiyang taga-oraganisa ng rebolusyon ng mga Katipunero. Noong pinalaya siya noong 27 Mayo
1897, bumalik siya sa Europa. Sa pamahalaang rebolusyunaryo ni Emilio Aguinaldo, isa siya sa piniling maging bahagi ng
delegasyon para sa negosasyon sa pagkilala ng Paris at Amerika sa bagong republika.

Nang pauwi na siya sa Pilipinas, tumigil siya sa Hong Kong, kung saan inatake siya sa puso at namatay.

Pagkalipas ng ilang taon, ang kanyang huling obrang Peuple et Rois na nakumpleto niya noong 1889 ay ikinunsiderang
pinakamahusay na lahok sa Universal Exposition sa Saint Louis sa Amerika.
Francis M: Isang Maligayang Paglalakbay

Master Rapper, Francis Magalona

Nagpaalam ang buong bansa sa tinaguriang orihinal na "Master Rapper" Francis Magalona, 44, nang ihatid ang
kanyang huling labi sa Loyola Memorial Park saLungsod Marikina noong Marso 11, 2009. Natuklasang may leukemia
si Magalona noong Agosto, 2008. Binawian siya ng buhay sanhi ng kumplikasyong dala ng acute myelogenous
leukemia (AML) sa ospital ng Medical City sa Lungsod Pasig. Nakatakdang sumailalim si Magalona sa stem cell
transplant bago siya nalagutan ng hininga. Ayon sa kanyang mga doktor, ang AML ang pinakamalubhang kategorya
ng kanser na umaatake sa bone marrow.

Saksi ang buong mundo sa pagdagsa ng mga malalapit na kaibigan ni Francis sa loob at labas ng showbiz, kamag-
anak, kasamahan sa Eat Bulaga, at libu-libong tagahanga at taga suporta. Ang katawan ni Francis ay sumailalim sa
cremation mula ala una hanggang alas kuwatro ng hapon sa La Funeraria Paz matapos siyang bigyan ng necrological
services bilang pagkilala sa kanya ng kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan. Ibinalik ang kanyang abo sa
Christ the King Parish Memorial Chapel sa Green Meadows, Lungsod Quezon bandang tanghali bago simulan ang
pagdaraos ng misa na sinundan ng paglilibing ng kanyang abo.

Mga nilalaman
[itago]

 1 Pagbabalik-tanaw

 2 Madamdaming Pamamaalam

 3 Napagtagumpayan

 4 Sanggunian

 5 Pagkilala

[baguhin]Pagbabalik-tanaw
Ang pananalanta ng sakit na kanser ay nagdulot nang malabis na pighati at galit kay Magalona noong mga unang
buwan nang matuklasan niya ito bago pa man niya natanggap ang naturang karamdaman. Ayon sa kanyang biyudang
si Pia sa huling gabi ng kanyang burol ay poot, panunumpa at paninisi ang sumapuso ni Magalona na nagpalala
lamang ng kanyang kundisyon. Subalit kinalaunan ay natutunan din niyang tanggapin ang lahat at kung ano ang
itinakda para sa kanya. Ang poot ay nahalinhan ng paghingi ng paumanhin at sinabi niya sa kanyang asawang,
"patawarin mo ako dahil ako ay nagkasakit."

[baguhin]Madamdaming Pamamaalam
Ang pamilya at mga kaibigan ng namayapang si Francis Magalona ay sama-samang nag-alay ng panalangin kasabay
nang tahimik na pagluha sa Christ the King Parish noong Martes ng gabi para sa necrological services sa huling lamay
ng pamosong rapper.Hindi pinahintulutang makapasok sa loob ng simbahan ang kanyang mga tagahanga subalit may
malaking projector na inilagay sa parking area upang kanilang masaksihan ang lahat ng kaganapan.

Binigyan ng military honors si Francis bago siya ihatid sa kanyang huling hantungan. Bumalong ang luha at naging
emosyonal ang kanyang pamilya nang hagkan nila ang sisidlan ng labi o abo ng sinunog na bangkay nito. Nag-alay
sila ng mga bulaklak habang nagpapaalam. Ang hit songs ni Francis, "Kaleidoscope World" at "Mga Kababayan" ay
pinatutugtog sa ere. Isang malakas na palakpakan ang ibinigay para kay FrancisM na sinasaluduhan ng buong bansa
bilang "King of Rap".

[baguhin]Napagtagumpayan

Si Francis Durango Magalona na pamoso rin bilang si FrancisM, Master Rapper at The Man from Manila ay siyang
kinilala bilang unang Filipino rapper sa Pilipinas. Pinasikat siya sa bansag na "King of Pinoy Rap" at iniidolo nang libu-
libong kabataan. Ang kanyang greatest-hits collection ay inilunsad noong 2002 ng Musiko.

Nagsimula bilang isang breakdancer noong dekada 80, sinundan niya ang yapak ng kapwa artistang mga magulang
na sina Pancho Magalona at Tita Duran. Naging isang mahusay na aktor, kilalang emcee at naglabas ng
groundbreaking album Yo! noong 1990 kung saan sumikat ang nationalistic hit na "Mga kababayan". Ang Yo! ang
kauna-unahang Pinoy rap album ng Pilipinas.

Noong 1992, inilunsad ang "Rap Is FrancisM" na tinatayang isa sa pinakamalaking Pinoy Rap Album. Ang kanyang
ikatlong album, "Meron Akong Ano!" noong 1993 na sinundan ng "FreeMan" noong 1995 ang siyang naging simula ng
pag-eeksperimento ni Francis sa Pinoy Rock, dahilan upang bansagan siyang exceptional artist in both genres of
music. Nakasama ni Francis ang ilang kilalang mga pangalan sa mundo ng musika na gaya nina Joey Ayala, Heber
Bartolome, Ryan Cayabyab, Mike Hanopol, Eraserheads, Pikaso, Gloc 9, Stick Figgas at Parokya ni Edgar.

Iginawad kay FrancisM ang" Pioneer Hall of Fame Award" ng Empire Entertainment sa The 1st Annual Philippine Hip-
Hop Music Awards noong 2005. Ang kanyang likha sa Sponge Cola's "KLSP" ay nanalo bilang Best Rock Video sa
2006 MYX Video Awards. Sa loob ng maraming taon, kinilala si Francis bilang magaling na host at naging bahagi ng
ibat ibang palabas sa telebisyon kabilang na ang pinakamatagal na daytime show sa Pilipinas, ang " Eat...Bulaga!"
Naging sikat na VJ para sa MTV Asia at sumikat bilang kauna-unahang filipino VJ na kahanay nina Regine Tolentino
at Donita Rose.
Si FrancisM ang siyang napili ng Fremantle Media, ang nagmamay -ari ng American Idol at ng kanilang local
counterpart ABC-5 bilang isa sa mga hurado ng Philippine Idol kasama sina Maestro Ryan Cayabyab at Ms. Pilita
Corales, Asia's Queen of songs. Si Francis din ang tumanggap ng MTV Pilipinas Video Music Awards Generations
Award noong 2006. Siya ang ikalawang honoree, kung saan ang unang nakatanggap nito ay ang batikang mang-aawit
at mananayaw na si Gary Valenciano noong 2005.

Isang tunay na alagad ng sining sa malalim na kahulugan nito, nagkaroon din ng mga pagtatanghal sa painting at
photography si FrancisM. Kamakailan lamang, kinilala siya bilang isang regular na kasapi ng illustrious Camera Club
of the Philippines (CCP), matapos ang record breaking 5 -month stint bilang isang probationary member.
Si Francis Magalona (ipinanganak Oktubre 4, 1964), kilala sa mga tawag na FrancisM, Kiko at The Mouth, ay isang
Pilipinong rapper, manunulat ng awitin, artista, mananayaw, produyser, at direktor. Dahil sa pagiging bantog,
binansagan siyang "Hari ng Rap" (King of Rap).

Talambuhay

Si Francis ay anak ng mga artista ding sina Tita Duran at Pancho Magalona. Anak niya si Maxene Magalona na isa ring
artista.

Piling pilmograpiya

* 1990 - Gumapang ka sa Lusak


* Eat Bulaga!
* Philippine Idol (Hurado)

Diskograpiya

* 1990 Yo!
* 1992 Rap is Francis M
* 1993 Meron akong ano! (I have something!)
* 1995 Freeman
* 1996 Happy Battle (featuring his band "Hardware Syndrome")
* 1998 The Oddventures of Mr. Cool
* 1999 Interscholastic
* 2001 Freeman 2
* 2002 The Best of Francism
* 2004 Pambihira Ka Pinoy (Single)
* 2007 F Word
Talambuhay ni Apolinario Mabini
Apolinario Mabini

Si Apolinario Mabini ay isinilang noong Hulyo 23, 1864 sa Talaga, Tanauan, Batangas; ikalawa saw
along anak ni Dionisia Maranan, isang tinder sa palengke at Inocencio Mabini, isang magsasaka.

Siya ay nagtrabhong katulong habang nag-aaral sa paaralan na pag-aari ni Simplicio Avelino. Nag-
aral rin siya sa Paaralan ni Fr. Avelino Malabanan, isang kilalang gurong nabanggit sa nobela ni Dr.
Jose Rizal.
Sa pagsisikap, nakapagtapos siya sa Colegio de San Juan de Letran noong 1887. Siya ay
nagpatuloy mag-aral ng Batas na tinapos niya noong 1894 sa Pamantasan ng Sto. Tomas.

Sa pag-aaral sa unibersidad, nakilala niya ang mga taong nagnanasa ng pagbabago sa


pamamalakad sa Pilipinas ng mga Kastila. Isa dito ay si Marcelo del Pilar na siyang nagsusulat sa
La Solidaridad. Ang kaniyang naging katungkulan ay ang ipadala kay del Pilar ang kaniyang mga
obserbasyon sa Pilipinas at kung ano ang dapat gawing reporma.
Hindi siya sumali sa rebolusyon na sinimulan ni Andres Bonifacio sa paniniwalang hindi pa sila
handa.

Ang kaniyang pagkakasakit ay pagiging paralisado mula sa baywang ang nagligtas sa kaniya sa
parusang kamatayan sa mga taong nahuli ng mga Kastila.

Ang kamatayan ni Jose Rizal ang nagtulak sa kaniya upang sumali na sa rebolusyon na
pinangungunahan ni Emilio guinalso.
Ginawa siyng pangulo ng Gabinete at siy ng sumulat ng mga batas para sa Gobyernong
Rebolusynaryo.

Naghinala siya sa mga Amerikno noong tumulong ito sa himagsikan. Noong 1899, sumambulat
nman ang Giyera laban sa mg Amerikano.Siya ay nagtago sa Cuyapo, Nueva Ecija nang inaaresto
ang mga lider ng rebolusyon.
Nang siya ay mahuli, siya ay kinulong sa Fort Santiago mula Disyembre 11, 1899 hanggang
Setyembre 23, 1900.
Paglabas niya ay patuloy pa rin ang hindi niya pagkilala sa mga Amerikano kaya pinadala siya sa
Guam. Dahil sa takot mamatay sa ibang lupain, siya ay napilitang sumumpa ng pagkilala sa
kapangyarihan ng Amerika.
Nang Mayo 1903, nagkaroon ng cholera sa Maynila at isa si Mabini sa nagkasakit at namatay.

Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina
Inocencio Mabini at Dionisia Maranan, sa baryo Talaga, Tanauan, Batangas.
Edukasyon

Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pag-aaral. Sa Maynila noong 1881,
nakamit niya ang isang partial scholarship na nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran.
Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula
1888 hanggang 1894.
Buhay

Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma.

Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya
ng mga gwardiya sibil noong 10 Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga repormista. Sumailalim siya sa
house arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon.

Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo 1898, pinasundo niya si Mabini sa Laguna at matapos ang kanilang
pagpupulong noong 12 Hunyo 1898, si Mabini ay naging punong tagapayo ni Aguinaldo.

Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis ng Diktadurya ng pamahalaan ni Aguinaldo at ang
pagpapalit nito sa isang rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi rin siya sa kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng
nga Kalihim at bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang
Programa Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang iminungkahi para sa Republika ng Pilipinas. Ang
introduksyon sa balangkas ng konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat upang gisingin ang makabayang diwa ng
mga Pilipino.

Nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga
Amerikano sa Cuyapo noong 10 Disyembre 1898. Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900. Nanirahan siya sa
isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan. Ang artikulo
niyang El Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang muling pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga
Pilipino. Habang nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion Filipina.

Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang na 39 dahil sa kolera.

You might also like