You are on page 1of 13

Talambuhay ni Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose
Rizal. Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay
sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso
Realonda y Quintos. Nakita niya ang unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa
Calamba, Laguna.

Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco
Mercado ay anak ng isang negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at
ang kanyang ina ay isa ring mestisang Intsik na ang pangalan ay Ines dela Rosa.

Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay nakararanas
si Domingo Lam-co ng diskriminasyon kaya upang makaiwas sa ganoong pangyayari at
makasunod sa ipinag-uutos ni Gobernador Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga
pangalang Pilipino noong 1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong Kastila at pinili
nila ang Mercado na nababagay sa kanya bilang negosyante, sapagkat ang ibig sabihin ng
Mercado ay palengke. Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa bayan
ng Binan, Laguna.

Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang
ama ay isang magsasaka. Isa siya sa mga kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba,
Laguna.

Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bias ng Kautusan


Tagapagpaganap na pinalabas ni Gob. Claveria noong 1849 at ito’y hinango sa salitang
Kastila na luntiang bukid.

Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap,


matiyaga at talagang nagbabanat ng buto.

Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng


abakada ng kanyang ina at napansin niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at
kaalaman ang anak, kahit kulang sa mga aklat ay nagawa ng ginang na ito ang paglalagay
ng unang bato na tuntungan ni Rizal sa pagtuklas niya ng iba’t ibang karunungan.

Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at nag-aral sa


ilalim ng pamamahala ni Padre Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang
buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro ay
naituro na niya kay Rizal.

Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de


Manila. Siya ay nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng
pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng asignatura. Sa paaralang ito
natamo niya ang katibayang Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang
pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng


Filosofia y Letras at Agham sa pagsasaka naman sa Ateneo Municipal de Manila.
Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang pamantasan. Di pa nasiyahan, nagtungo
siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-
aaral.
Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana
at tinapos ang kursong ito noong 1884 at 1885.

Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang


Pranses pagkat sa Pilipinas pa lamang ay pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa
mga wikang ito, nag-aral din siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa
paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga wikang ito
sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino sa
bagay na ito. At upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga baying nabanggit na
mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa kanyang mga kababayan.
Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika.

Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli
Me Tangere sa Madrid noong magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na
bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang
Marso, 1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel,
Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang 300 piso.

Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag


sa Gante, Belhika noong 1891.

Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo,
1892. Ang kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa
palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di sa
paghihimagsik.

Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong


Pebrero 3, 1888, siya ay muling umalis sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila
dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng
Hunyo, 1892.

Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si


Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao,
dahil sa bintang na may kinalaman siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa
Dapitan, nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-
roon na kanyang tinuturuan.

Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang


madamay sa kilusang ukol sa paghihimagsik kaya hiniling niya na makapaglingkod siya
sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan niya ng isang liham si Kapitan-Heneral Blanco na
nagpapatunay na kailanman ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa Pilipinas.
Ngunit noong bago magtapos ang taong 1896, siya’y hinuli ng mga kinauukulan at
ibinalik sa Pilipinas.

Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa


hukumang militar at litisin, siya ay nahatulang barilin sa Bagumbayan.

Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo


Adios (Huling Paalam) isang tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin.

At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay


tinatawag na Luneta.
Talambuhay ni Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda

Si Jose P. Rizal (i. 19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre 1896) na may buong


pangalang José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay ang Pambansang Bayani
ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli
Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa.
May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring
magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista,
lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya,
iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta),
sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima.

May palayaw na Pepe, si Jose Rizal ay ang ika-pito sa labing-isang anak nina
Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y
Quintos.

Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay


kabilang sa ika-apat na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong
mangangalakal na naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong kalagitnaan
ng ika-labimpitong siglo. Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina sa katauhan ni
Inez de la Rosa at upang makaiwas sa hostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay
pinalitan niya ang kaniyang apelyido ng "Mercado" (pangangalakal).

Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na


ginamit lamang ni Francisco (dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan ni
Gobernador Narciso Calaveria noong 1849 na magpalit ng mga apelyido ang mga
Pilipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni Francisco ang Rizal Mercado upang makaiwas sa
kalituhan mula sa kaniyang kasamang mangangalakal.

Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak
nina Lorenzo Alonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng
Laguna sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko)
at ni Brijida de Quintos (na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang kanilang apelyido
ay pinalitan ng Realonda noong 1849.

Kabataan

Ipinanganak sa Calamba, Laguna si Pepe ay mula sa pamilyang masasabi ring


nakaaangat sa buhay dahil sa kanilang hacienda at lupang sakahan. Si Paciano at si Pepe
lamang ang mga anak na lalaki sa kanilang labing-isang magkakapatid. Ang kaniyang
mga kapatid na babae ay sina Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Josefa,
Concepcion, Trinidad at Soledad.
Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas niya sa murang edad. Natutunan niya ang
alpabeto sa edad na tatlo at limang taong gulang naman nang siya ay mututong bumasa at
sumulat. Napahanga niya ang kaniyang mga kamag-anak sa angking pagguhit at paglilok.
Walong taong gulang siya nang kanyang isinulat ang tulang "Sa Aking Mga Kababata,"
na ang paksa ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika (na noon ay Tagalog)

Edukasyon

Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa
kaniya ng alpabeto, kagandahang asal, at mga kuwento ("Minsan ay may Isang Gamo-
gamo"). Samantala, ang kanyang pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni Justiniano
Aquino Cruz sa Biñan, Laguna. Pagkatapos noon, siya ay ipinadala sa Maynila upang
mag-aral sa Ateneo de Manila University at doon ay tinamo ang Bachelor of Arts noong
1877 (siya ay 16 taong gulang) at nakasama sa siyam na estudyanteng nabigyan ng
sobresaliente o namumukod-tanging marka.

Ipinagpatuloy ni Jose ang pag-aaral sa Ateneo upang maging dalubhasa sa


pagsusukat ng lupa at pagiging asesor. Natapos siya sa kursong asesor noong 21 Marso
1877 at naipasa ang Lupong Pagsusulit para dito noong 21 Mayo 1878 subalit dahil siya
ay 17 taong gulang pa lamang ay hindi siya pinahintulutang magtrabaho bilang asesor
hanggang 30 Disyembre 1881. Noong 1878, pumasok siya sa Unibersidad ng Santo
Tomas upang mag-aral ng medisina ngunit dito ay naranasan niya ang diskriminasyon
mula sa mga paring Dominikano. Ipinasya niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina
at pilosopiya sa Universidad Central de Madrid sa Espanya ng sa kaalaman ng kaniyang
mga magulang. Noong 21 Hunyo 1884, sa edad na 23, iginawad sa kanya ang Lisensiya
sa Medisina at noong 19 Hunyo 1885, sa edad na 24, ay natapos din niya ang kurso sa
Pilosopiya na may markang ekselente.

Siya ay nagsanay ng medisina sa Hospital de San Carlos ngunit itinigil niya ito
upang mag-aral ng optalmohiya sa Paris sa ilalim ng pagtuturo ni Dr. Weckert at sa
Aleman sa ilalim ni Dr. Otto Becker. Ginawa niya ito sapagkat noong panahong iyon ay
malala na ang sakit sa mga mata ng kaniyang ina. Sa Berlin, siya ay naging kasapi ng
Berlin Ethnological Society at Berlin Anthropological Society sa ilalim ng pamunuan ng
pamosong patolohistang si Rudolf Virchow.

Kay Rizal ang isa sa mga pinakadokumentadong buhay noong ika-labingsiyam na


siglo dahil sa mga tala tungkol sa kaniya (ang ilan sa mga ito ay sa tala-arawan niya
mismo nanggaling), kahit pa nahirapan ang mga manunulat na gumawa ng kaniyang
talambuhay dahil sa paggamit niya ng iba't ibang lengguwahe. Karamihan sa mga tala ay
hinango mula sa kaniyang paglalakbay bilang isang batang Asyanong namumulat sa
kultura ng Kanluran. Kasama rin dito ang kaniyang paglalakbay sa Europa, Hapon,
Estados Unidos, at sa Hongkong kabilang na rin ang mga babaeng naging bahagi ng
kaniyang buhay.

Habang nasa Europa, naging bahagi si José Rizal ng Kilusang Propaganda, na


kumukunekta sa ibang mga Pilipino na nagnanais ng reporma. Isinulat din niya ang
kanyang unang nobela, ang Noli Me Tangere (Touch Me Not / The Social Cancer), isang
aklat tungkol sa madilim na aspeto ng kolonyal na paghahari ng Espanya sa Pilipinas,
partikular na pinagtuonan dito ang papel ng mga Katolikong prayle. Ang libro ay
ipinagbawal sa Pilipinas, bagaman maraming kopya ang nakapasok sa bansa. Dahil sa
nobelang ito, naging tudlaan siya ng pulisya dahilan upang ang kanyang pagbabalik sa
Pilipinas noong 1887 ay mapaikli.

Nagbalik si Rizal sa Europa at patuloy na nagsulat. Sa panahong ito ay inilabas


niya ang kanyang sumunod na nobela, ang El Filibusterismo (Ang Paghahari ng
Kasakiman) noong 1891. Naglathala din siya ng mga artikulo sa La Solidaridad, isang
pahayagan na nakahanay sa layunin ng Propaganda. Sa mga reporma na itinaguyod ni
Rizal ay hindi kasama ang kalayaan ng Pilipinas sa Espanya. Siya ay nanawagan para sa
pantay na pagtrato sa mga Pilipino, sa paglilimita sa kapangyarihan ng mga Kastilang
Espanyol at representasyon para sa Pilipinas sa korte ng Espanya.
Nagbalik si Rizal sa Pilipinas noong 1892 dahil nararamdaman niya na kailangan
siya ng bansa para sa pagbabago. Kahit na itinatag niya ang La Liga Filipina, suportado
ni Rizal ang di-marahas na aksyon.  Ngunit hindi ito sapat dahil naniniwala ang mga
Espanyol na isa siyang malaking banta dahilan upang ipinatapon siya sa Dapitan, sa isla
ng Mindanao.

Noong 1895, hiniling ni Rizal na magpunta sa Cuba bilang isang hukbong doktor.
Ang kanyang kahilingan ay naaprubahan, ngunit noong Agosto 1896, ang Katipunan,
isang nasyonalistang lipunang Pilipino na itinatag ni Andres Bonifacio, ay
nagrebolusyon. Bagaman wala siyang kaugnayan sa grupo, at hindi niya aprubado ang
marahas na pamamaraan, si Rizal ay inaresto at ikinulong.

Matapos ang isang paglilitis, si Rizal ay nahatulan ng sedisyon at sinentensiyahan


ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad. Isinagawa ang pampublikong pagpatay
kay Rizal sa Maynila noong Disyembre 30, 1896, noong siya ay 35 taong gulang. Ang
kanyang kamatayan ay nagbunsod ng higit pang mga pagsalungat sa mga panuntunan ng
Espanya at naging hakbang upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa mga
Espanyol noong 1898.
Talambuhay ni Apolinario Mabini
Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng
Rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan, sa baryo
Talaga, Tanauan, Batangas.

Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa
pag-aaral. Sa Maynila noong 1881, nakamit niya ang isang partial scholarship na nagbigay-daan
upang makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos niya ang kanyang Batsilyer
sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888
hanggang 1894.

Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay-suporta
sa Kilusang Pang-reporma. Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na
nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng mga gwardiya sibil noong 10
Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga repormista. Sumailalim siya sa
house arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa
kanyang kondisyon.

Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo 1898, pinasundo niya si
Mabini sa Laguna at matapos ang kanilang pagpupulong noong 12 Hunyo 1898, si Mabini ay
naging punong tagapayo ni Aguinaldo.

Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis ng Diktadurya


ng pamahalaan ni Aguinaldo at ang pagpapalit nito sa isang rebolusyonaryong pamahalaan.
Nagsilbi rin siya sa kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng nga Kalihim at bilang
Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay
ang Programa Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang
iminungkahi para sa Republika ng Pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng konstitusyong ito
ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat upang gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino.

Nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini
papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga Amerikano sa Cuyapo noong 10 Disyembre 1898.
Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900. Nanirahan siya sa isang maliit na
dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na
pahayagan. Ang artikulo niyang El Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang muling
pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino. Habang nasa Guam,
naisulat niya ang La Revolucion Filipina.

Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang na 39 dahil sa kolera.

Talambuhay ni Apolinario Mabini

Si Apolinario Mabini ay binansagang bilang “Utak ng Himagsikang Filipino” at


“Dakilang Lumpo” dahil sa kaniyang mga akda at naging mahalagang tungkulin noong
panahon ng Himagsikang Filipino.

Si Apolinario Mabini ay isinilang noong hulyo 23, 1864 sa tanauan batangas.


Kapwa isang hamak na magsasaka lamang ang kaniyang mga magulang na sina
Inocencio Mabini ang kaniyang ama at si Dionisia Mabini ang kanyang ina.

Sa murang edad ay nakikita na ng kanyang magulang ang katalinuhan at husay


niya na naiiba sa nakararami. Pinilit ng kanyang mga magulang na mapaaral siya
bagamat mahirap lamang sila ay nabigyan siya ng pagkakataong makapag-aral sa
kolehiyo de san juan de letran ng maipasa niya ang pagsusulit ng paaralan. Nakapag aral
siya ng libre ngunit kailangan nyang bumili ng pagkain,uniporme at kagamitan kung
kaya’t siya ay napilitang magturo ng latin sa mga pribadong paaralan sa maynila, bauan
at lipa

Nang matagumpay niyang natapos ang Bachelor of Arts ay nagpatuloy siya sa


pag-aaral ng Bachelor of Laws sa unibersidad ng Santo Tomas. Lumaki rin ang gastusin
ni Mabini bilang estudyante ng abogasya kaya namasukan siya bilang isang istenograper
sa court of first instance at klerk sa intendencia general.

Dahil sa pagibig sa bansa binuhay muli ni mabini ang La Liga Filipina noong
1863 nang halinhan ito ng cuerpode compromisanos noong 1864 ay nahalal si apolinarion
bilang isang sekretaryo ng organisasyon.ang samahang ito ay naglayong magbigay ng
moral at pinansyal na tulong sa mga propagadistang pilipino sa Espanya.

Kahit hati ang sarili sa pagtatrabaho,pag-aaral at pagsali sa organisasyon, nagawa


niyang magtagumpay ng matapos ni apolinario ang pag-aabugasya noong 1895.

Habang namamasukan si apolinario sa notario publico ay dinapuan siya ng


napakataas na lagnat na nauwi sa pagkakasakit na polio. Kahit na may karamdaman ay
tuloy ang pagtulong niya sa rebolusyonaryo. Nang malaman ng mga guardia civil ang
pakikisangkot niya sa pagpapalaya ng bansa ay inaresto ang “dakilang paralitiko”noong
oktubre 16,1896 kung hindi lamang sa kaniyang karamdaman ay naparusahan siya ng
kamatayan. Sa mismong hospital kung saan siya ginagamot sa san juan de dios ay
pinamalagi siya bilang isang bihag o bilanggo at pinalaya din dahil sa kaniyang
karamdaman.

Nang makabalik sa pilipinas sa emilio aguinaldo noong Mayo 19,1898 ay


pinasundo niya si mabini sa Laguna at matapos ang kanilang pagpupulong noong Hunyo
12,1898 si mabini ay naging punong tagapayo ni aguinaldo.

Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni mabini ay ang pagaalis ng diktadurya


ng pamahalaan ni aguinaldo at pagpalit nito sa isang rebolusyonaryong
pamahalaan.nagsilbi rin siya sa kabinete ni aguinaldo bilang isang pangulo ng konseho at
kalihim ng ugnayang panlabas.

Isa pa sa pinakamahalagang dokumento na nagawa ni mabini ay ang programa


Constitutional Le La Republika ng pilipinas. Ang balangkas ng konstitusyong ito ay ang
El Verdadero Decalogo na isinulat upang gisingin ang diwa ng mga pilipino sa pagiging
makabayan.

Nang sumiklab na ang gyera sa pagitan ng mga pilipino at amerikano ay tumakas


si mabini patungong Nueva Ecija at nadakip siya ng mga amerikano sa Cuyapo noong
disyembre 10,1898. Nanatiling bilanggo si mabini hanggang sa 23 setyembre 1900.

Nanirahan si mabini sa isang maliit na dampa sa Nagtahan,Maynila at kumikita


siya sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan. Ang artikulo niyang El
Simil De Alejandro ay nagdulot sa muli niyang pagkadakip at pagkatapon sa Guam
kasama ang ibang mga pilipino. Habang nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion
Filipino.

Namatay si mabini noong Mayo 13,1903 sa gulang na 39 dahil sa kolera.


Ang Talambuhay ni Dr.Jose Rizal

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay


isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay
sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-
aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag
tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may
mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa
Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos
niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at
sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng
kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. 

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.”


naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa
pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya
ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang
pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at
agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa


Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan
nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng
paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.

Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang
siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa
pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa


dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios”
(Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging
makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na
ngayon ay Luneta).

Ang Talambuhay ni Apolinario Mabini

Si Apolinario ay ipinanganak sa Tanauan, Batangas noong Hulyo 23, 1864.


Kapwa magsasaka ang kanyang ama at ina na sina Inocencio Mabini at Dionisia
Maranan.

Bata pa lang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Kahit mahirap lang ay


nabigyan siya ng pagkakataong makapag-aral nang maipasa ang pagsusulit sa Kolehiyo
de San Juan de Letran. Kahit na libre sa pag-aaral, kailangan din niyang bumili ng
pagkain, uniporme at kagamitan. Napilitan siyang magturo ng Latin sa mga pribadong
paaralan sa Maynila, Bauan at Lipa.

Nang matagumpay niyang natapos ang Bachelor of Arts ay ipinagpatuloy niya


ang pag-aaral ng Bachelor of Laws sa Unibersidad ng Santo Tomas. Malaki ang gastusin
ni Apolinario bilang estudyante ng abugasya kaya namasukan siyang istenograper sa
Court of First Instance at klerk sa Intendencia General.

Ang pag-ibig sa bansa ang dahilan kaya muli niyang binuhay ang "La Liga
Filipina" noong 1863. Nang halinhan ito ng Cuerpo de Compromisarios noong 1864 ay
nahalal si Apolinario bilang Sekretaryo ng organisasyon. Ang nabanggit na samahan ay
naglayong magbigay ng moral at pinansyal na tulong sa mga propagandistang Pilipino sa
Espanya.
Kahit hati ang sarili sa pag-aaral, pagtatrabaho at pagtulong sa propaganda,
nakuha pa ring matagumpay na matapos ni Apolinario ang abugasya noong 1895.

Habang namamasukan bilang notario publico, dinapuan ng napakataas na lagnat


si Apolinario na nauwi sa pagkakasakit niya ng polio. Kahit na may sakit, nagpatuloy
siya sa pagtulong sa mga rebolusyonaryo.

Nang malaman ng mga Guardia Civil ang pakikisangkot niya sa pagpapalaya ng


bansa ay inaresto ang "Dakilang Paralitiko." Kung hindi sa kaniyang karamdaman,
maaaring naparusahan siya ng kamatayan. Sa mismong Ospital ng San Juan de Dios kung
saan siya ginagamot pinamalagi siya bilang bihag.
Matapos palayain, pansamantala siyang nanirahan sa Laguna upang maglunoy paminsan-
minsan sa maligamgam na mga batis ng Los Banos.

Ang talino sa batas ay nabigyang diin ni Apolinario nang sumulat siya ng isang
artikulo para sa mga lider rebolusyonaryo. Ang nasabing manifesto ay nagpapahalaga sa
pagtindig ng Pilipinas bilang isang malayang bansa kung matatalo ng Estados Unidos ang
Espanya sa digmaan nilang dalawa. Sa husay ng mga paliwanag ay ipinasundo ni
Pangulong Aguinaldo si Apolinario at ginawa niya itong tagapayo.

Isa sa mga mahuhusay na payo ni Apolinario kay Pangulong Aguinaldo ay ang


pagpapalit ng porma ng gobyerno. Mula diktaturya, naging rebolusyonaryo ang porma ng
pamahalaan ng Pilipinas. Ipinaorganisa ni Apolinario ang mga lalawigan, munisipalidad,
hukuman at pulisya.

Nagsilbi si Apolinario bilang Pangulo sa Konseho ng mga Kalihim. Hinirang siya


sa Pamahalaang Aguinaldo bilang Kalihim Panlabas.

Si Apolinario rin ang pinasulat sa maraming alituntuning dapat ipatupad sa buong


bansa.

Dalawa sa mga mahahalagang dokumentong naiambag ni Apolinario ang El


Verdadero Decalogo at Programa Constitucional de la Republica Filipina. Ang Decalogo
ay naglalayong gisingin ang damdamin ng mga Pilipino. Samantala, ang Programa
Constitucional ay naglalayong isulat ang isang konstitusyong susundin ng mga Pilipino
upang malaman nila ang kanilang mga karapatan at obligasyon bilang mga mamamayan.

Nang matuloy ang giyera Pilipino-Amerikano, inilikas si Apolinario sa Cuyapo,


Nueva Ecija kung saan nasundan siya ng mga Amerikano. Dalawang taon din siyang
naging bihag pandigmaan.

Matapos palayain, tumira ang Dakilang Paralitiko sa isang maliit na dampa sa


Nagtahan, Maynila. Sa sobrang pagmamahal sa Pilipinas, sumulat sa pahayagang El
Liberal ang matalinong abugado. Ang mga makabayang opinyon niya ang naging dahilan
upang ipatapon si Apolinario sa Guam.

Isang mataas na posisyong pampamahalaan ang ibinibigay kay Apolinario ng


Pamahalaang Amerikano pero tinalikuran ito ng Dakilang Paralitiko. Minarapat niyang
mamalagi sa kaniyang munting dampa na malaya kahit maralita.

Namatay si Apolinario Mabini noong Mayo 13, 1903 na isang dakilang Pilipinong
hinahangaan sa buong mundo.
Talambuhay ni Andres Bonifacio

Ipinanganak ang bayaning si Andres Bonifacio noong Nobyembre 30, 1863 sa


syudad ng Maynila. Ang kanyang ama ay si ginoong Santiago Bonifacio at ang kanyang
ina naman ay si ginang Catalina de Castro.

Panganay si Andres sa anim na magkakapatid at sa murang edad na katorse ay


natuto nang maghanapbuhay si Andress buhat noong magkasunod na mamatay ang
kanyang mga magulang.

Itinigil na din ni Andres ang kanyang pag-aaral kapalit ng pag tataguyod nya sa
limang nakababatang kapatid. Dahil sa likas na talento ni Andres sa gawaing kamay ay
natuto syang gumawa ng baston, pamaypay at mga karatula na syang ibinebenta.

Di tumagal ay nagtrabaho si Andres bilang mensahero sa dayuhang kompanya na


Fleming and Company. Bukod dito ay nagtrabaho din sya sa isa pang dayuhang
kumpanya na Fressel and Company.

Dito natuto si Andres ng salitang ingles. Kahit hindi nakapagtapos ay natuto din si
Andres ng salitang espanyol. Nahubog ang kanyang kaalaman sa pagbabasa ng mga
librong tungkol sa mga pangulo ng estados unidos, mga nobela ni Rizal tulad ng Noli Me
Tangere, El Filibusterismo, Les Miserables at iba pa.

Si Andres ay dalawang beses nag asawa. Una syang ikinasal kay Monica Palomar
ng Tondo. Ngunit maaga ding nabyudo si Andres sapagkat si Monica ay namatay sa sakit
na ketong. Di sila pinalad na magka anak.

Taong 1892 ay nakilala naman ni Andres ang ikalawang asawa na si Gregoria de


Jesus o mas kilala sa tawag na Oryang. Noong una ay tutol ang magulang ni Oryang sa
pag iibigan ng dalawa dahil si Andres ay isang freemason at tinuturing na kalaban ng
Simbahang katoliko. Ngunit kalaunay nagpakasal din ang dalawa taong 1893 sa
simbahan ng Binondo. Nagkaroon sila ng anak na nagngangalan ding Andres ngunit si
Andres Jr. ay maagang namatay sa sakit na bulutong.

Unang naging bahagi ng katipunan si Andres noong 1892 pagkatapos na ipatapon


si Jose Rizal sa Dapitan.

Nabunyag ang kilusang KKK sa mga espanyol at taong 1896 noong maganap ang
"Sigaw ng Pugad Lawin" o ang pagpilas sa cedula laban sa mga espanyol.

Naganap ang laban ng katipunan laban sa mga espanyol noong Agosto 30, 1896 at
maraming umuwing sugatan. Ang labang iyon ay naging malaking banta laban sa mga
mananakop na espanyol.

Nagkaroon ng dalawang grupo ang katipunan ito ay ang Magdalo at Magdiwang


na pinamumunuan ng pinsan ni Aguinaldo.

Nagkaroon ng pulong na ginanap noong ika 22 ng Marso taong 1897 sa Tejeros,


Cavite. Napagpasyahan na maghalal ng pangulo ng unang republika ng Pilipinas. Nahalal
na pangulo si Emilio Aguinaldo at naging pangalawang pangulo naman si Andres.

Dahil hindi matanggap ni Andres ang naging resulta ng halalan at pinawalang bisa
nya ito. Ngunit kinabukasan ay nanumpa na si Aguinaldo bilang pangulo.

Habang si Andres ay nasa Indang, Cavite ay inatake sila ng Magdalo ngunit


inutos ni Andres sa kanyang mga tauhan na wag nang lumaban. Si Andres ay inaresto sa
salang pagtataksil laban sa pamahalaang Aguinaldo.

Nilitis si Andres at napatunayang nagkasala at mahatulan ng parusang kamatayan.

Si Andres ay binitay sa bundok ng Maragondon kasama ang kapatid na lalaki na


si Procopio noong ika 10 ng Mayo taong 1897.

You might also like