You are on page 1of 6

Heterogeneous Na Wika

-Ang heterogeneous ay isang pang-uri na salita. Mula sa salitang heterous (magkaiba) at genos
(uri/lahi) nabuo ang heterogeneous.
- Ito ay ang mga uri ng wikang karaniwang ginagamit sa pakikipag-interaksyon sa araw-araw.
Bawat rehiyon o lugar ay may partikular na dayalektong ginagamit.
- Kinabibilangan ito ng mga salitang may pagkapare-pareho ng baybay pero magkakaiba ang
kahulugan ayon sa aspeto ng pag-gamit dito.
Halimbawa:
Heneral/General - Militar o pangkalahatan
Bakod/Harang - Parte ng bahay sa labasan o pasukan

Homogeneous na Wika
- Homogeneous mula sa isang pang-uri na salita na ang ibig sabihin ay pare-pareho o
pagkakatulad.
- Nagsasabing ang wikang “pormal” ay iba sa “naimbentong” wika.
- Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil sa paraan ng pagbabaybay at
intonasyon o aksent sa pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng ibang kahulugan
Halimbawa:
Gamot - Tambal (Cebuano)
Gamot - Bulong (Hiligaynon)
Gamot - Agas (Ilokano)
Linggwistikong Komunidad
- Sa paglipas ng iba’t-ibang salik lahi at sa pagsibol naman ng mga makabagong henerasyon,
tayo ay nagkaroon ng maraming barayti at baryasyon ng wikang Filipino. Linggwistikong
komunidad ang tawag sa sa mga wikang ito.
- Halimbawa nito ay ang gamit ng salitang Waray ng mga taga Bisaya, Ibaloy ng mga taga
Mountain province, Ilocano ng mga taga rehiyon ng Ilocos, at Zambal ng mga taga Zambales.
- Meron ding gumagamit ng pinaghalong Ingles at Tagalog o mas kilala sa tawag na “conyo”
- Makabagong paggamit ng internet na nagdudulot ng paglaganap ng mga salitang naimbento
ng mga gumagamit sa sosyal media. Andiyan ang pagamit ng acronyms tulad ng HBD para sa
happy birthday, LOL para sa laugh out loud, ATM para sa at the moment at iba pa.
- Sa larangan din ng mga propesyonal sila ay meron din sariling linggwistikong komunidad. Ang
mga doctor, abogado, enhiyenero at iba pa ay gumagamit ng partikular na salita ayon sa grupo
ng propesyon na kanilang kinabibilangan.

Barayti ng Wika
Dayalek-Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang
kinabibilangan.
Halimbawa
Tagalog = Bakit?
Batangas = Bakit ga?
Bataan = Baki ah?

Idyolek-bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa


bawat isa. Ito ay mga salitang namumukod tangi at yunik.
Halimbawa
“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro
“Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez
Sosyolek- Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng
indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.( wika ng mga beki, Taglish)
Halimbawa
Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
Etnolek-nadebelop mula sa salita ng mga etnolongguwistikong grupo.
Halimbawa
Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon
ng tag-init at tag-ulan
Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
Register-ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn.
Halimbawa
Mga salitang jejemon
Mga salitang binabaliktad
Mga salitang ginagamit sa teks
Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya ng mga doktor
Pidgin-walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng mga
dayuhan.
Halimbawa
Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
Creole – mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal,
mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar.
Halimbawa
Mi nombre – Ang pangalan ko
Di donde lugar to? – Taga saan ka?
Buenas dias – Magandang umaga
Wikang Pambansa
Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng isang
bansa.

Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas 1935

“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang
ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng batas wikang
Ingles at Kastila ang siyang wikang opisyal na wika.”

Batas Komonwelt Blg. 184

“Mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at mapagtibay ng


isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa balangkas, mekanismo,
at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino

Pamantayang binuo sa pagpili ng Wikang Pambansa:


 Wika ng sentro ng pamahalaan
 Wika ng sentro ng edukasyon
 Wika ng sentro ng kalakalan
 Wikang pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan.

Artikulo XIV, Seksyon 6

“Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang wika
Wikang Opisyal/Panturo

Saligang Batas 1987 Artikulo XIV, Seksyon 7

“Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino
at, hangga’t walang tinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang pangrehiyon ay pangtulong
ng mga wikang panutro roon. Dapat itaguyod ng kusa at opisyonal ang Kastila at Arabic.”

You might also like