You are on page 1of 4

Ashley Patrice S.

Villanueva 05-31-2021
ABM 11- St. Pedro Calungsod
FILIPINO SA PILING LARANGAN
MODYUL 4
III. PAUNANG GAWAIN
A. BALIK-ARAL
1. Ibigay ang tatlong uri ng memorandum
 Memorandum para sa kahilingan
 Memorandum para sa kabatiran
 Memorandum para sa pagtugon
2. Magbigay ng tatlong hakbang sa pagsulat ng adyenda
 Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya
naman ay isang e-mail na nagsasaad na magkakaroon ng
pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa
ganitong araw, oras , at lugar.
 Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang
katibayan ng kanilang pagdalo o e-mail
naman,kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.
Ipaliwanag din sa memo na sa mga dadalo, mangyaring
ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang
concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng
minutong kanilang kailangan upang pag-usapan ito.
 Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag
ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala o nalikom
na. Higit na magiging sistematiko kung ang talaan ng
adyenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-table
format kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong
magpapaliwanag, at oras kung gaano ito katagal pag-
uusapan. Ang taong naatasang gumawa ng adyenda ay
kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga
isinumiteng adyenda o paksa ay may kaugnayan sa layunin
ng pulong. Kung sakaling ito ay malayo sa paksang pag-
uusapan, ipagbigay-alam sa taong nagpadala nito na ito
ay maaaring talakayin sa susunod na pulong.
3. Magbigay ng apat na bahagi ng katitikan ng pulong
 Heading
 Action items o usaping napagkasunduan
 Iskedyul ng susunod na pulong
 Pagtatapos

B. PAGGANYAK

Panuto: Magbigay ng sariling opinion hinggil sa ibinigay na


napapanahong isyu. Pumili kung sang-ayon ka o di sang-ayon
sa isyu at bigyan ito ng maikling paliwanag. (5 puntos)
ISYU: Mas epektibo sa pagkatuto ng mag-aaral ang online
learning kaysa sa modular learning
Sang-ayon

 Ako’y hindi sang-ayon dahil kahit alin sa dalawa ay hindi


epektibong paraan upang matuto ang mga mag-aaral. Sa
Di Sang-
ganitong uri ng set up, napansin kong nagsasagot na
ayon
lamang ang ang mga mag-aaral para pumasa na lamang kahit
na hindi naman talaga nila nauunawaan ng malinaw ang mga
aralin. Masasabi kong pinakaepektibong paraan pa rin ang
face-to-face classes sapagkat mas nasusubaybayan ng maigi
ng mga guro ang kanilang mga estudyante. Mas malinaw na
naituturo ng mga guro ang bawat aralin sa bawat
asignatura. At natututo talaga ang lahat sa mga araling
tinatalakay.

V. GAWAIN
GAWAIN 4.1
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang T kung
ang pahayag ay nagsasaad ng tamang impormasyon at M naman kung
ito ay mali. Kung mali ang pahayag, guhitan ang salitang naging
dahilan ng maling impormasyon at isulat ang tamang salita para
dito. Isulat ang iyong sagot sa patlang. (10 puntos)

_____T_____1. Ayon kay Jacson et al., ang pangangatwiran ay


tinatawag ding argumentasyon o pakikipagtalo.
_____T_____2. Ang pangangatwiran ay isang uri ng diskursong
naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng ipinahahayag at
pinaniniwalaan at ipatanggap sa nakikinig o bumabasa ang
katotohanang iyon.
_____T_____3. Mahalagang gumawa ng balangkas bago pormal na
isulat ang posisyong papel.
__anim(6) 4. Mayroon tayong pitong (7) hakbang na maaaring
sundin sa pagsulat ng posisyong papel.
_____T_____5. Ang thesis statement ay naglalahad ng
pangunahing ideya o impormasyon ng isang posisyong papel.
kinakailangang_6. Kapag nakapili na ng paksa para sa
posisyong papel, hindi na kinakailangang gumawa ng
pananaliksik para dito.
mga opinyon_7. Nakabatay sa paniniwala at pananaw ng isang
tao ang mga katunayan o facts.
_____T_____8. Ang pagbibigay ng opinyon ng isang taong may
awtoridad o kaalaman hinggil sa paksa ay nakapagpapatatag ng
pangangatwiran.
_____T_____9. Kung pipili ka ng paksa para sa iyong
posisyong papel, makatutulong nang malaki kung ang paksang
tatalakayin ay malapit sa iyong puso at iyong interes.
pagsalig o pagsuporta_10. Ang posisyong papel ay ang
pagkontra sa katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa iyong
pananaw o posisyon.

GAWAIN 4.2
Panuto: Magsaliksik ng isang halimbawa ng napapanahong posisyong
papel sa Internet. Suriin ang nasaliksik na halimbawa bilang
paghahanda sa isang posisyong papel na iyong gagawin sa huling
bahagi ng araling ito. Gamitin ang balangkas na RAPS sa gawaing
ito at ilagay ang sipi ng iyong pinagkunan ng posisyong papel.
(20 puntos)

(Read) Pamagat ng nabasang posisyong papel


Pro-bakuna o Anti-bakuna?

(About) Tungkol saan ang posisyong papel


Dapat bang maniwala sa kapangyarihan ng bakuna?

(Point) Punto 1 (Point) Punto 2


Ayon sa mga eksperto, ang Mayroong mga tao na ayaw
vaccination ay napakalaki ng magpabakuna dahil sa isang
nagagawa upang mapatibay ang kontrobersya na nangyari noong
immune system ng isang tao. Ang taong 2017 kung saan nabigo ang
mga bakuna ay ligtas at nasubukan bakunang ginawa na humantong sa
na bago ito ilabas sa publiko. pagkamatay ng mga nakatanggap
Kaya hindi na dapat mag- nito.
alinlangan ang mga tao na
magpabakuna sapagkat mas magiging
protektado ang kalusugan nila
dahil dito.

(Summary) Buod ng binasang posisyong papel


Noong taong 2017, mayroong isang kontrobersya dito sa Pilipinas ukol sa
Dengvaxia kung saan nabigo ang bakunang naitaguyod ng mga siyentista na
humantong sa pagkamatay ng maraming tao na nakatanggap nito. Sinasabing
minadaling isapubliko ang bakunang ito kaya inilabas agad kahit na hindi
pa ito nakaraan sa maraming pagsusubok at hindi pa naaaprubahan ng World
Health Organization. At dahil dito, mas pinag-igihan pa ng mga eksperto
ang proseso sa kanilang paggawa ng mga bakuna upang hindi na muling
mangyari ang kontrobersya noon. Sinabi ni Ava Bisnar na siya ay isang
pro-bakuna at naniniwala siya na ang mga naaprubahang bakuna ay ligtas
at tunay na mabisa upang mabigyang-proteksyon ang kalusugan ng isang
tao. Bukod pa dito, naniniwala siyang mas nakababawas ng gastusin ang
pagpapabakuna dahil hindi na gagastos ng malaki ang tao sa isang sakit
na hindi na niya makukuha. Kaya hindi na dapat matakot ang mga tao sa
pagpapabakuna.

Sipi: Ava Bisnar


VI. PAGNINILAY AT PAGLALAHAT
A. PAGNINILAY
Ang pangangatwiran ay tinatawag na pakikipagtalo o argumentasyon
hinggil sa isang isyu. Sa pagsulat ng posisyong papel, ano ang
kahalagahan ng pangangatwiran dito? Magbigay ng limang
kahalagahan ng pangangatwiran sa pagsulat ng posisyong papel at
ipaliwanag. (10 puntos)

Ang kahalagan ng pangangatwiran sa pagsulat ng posisyong papel


ay pinapatibay nito ang pahayag ng pinapanigang posisyon.
Tinatakwil nito ang kamalian upang maipahayag ang katotonahan
ng posisyong pinapanigan. Ito’y nagsisilbing depensa sa
puntong pinaglalaban ng posisyong papel. Sa pamamagitan nito
ay nakukumbinsi ang mga tao na sumang-ayon sa punto ng isang
panig. At binibigyang-katarungan nito ang mga makatotohanang
opinyon ng pinapanigang posisyon.

You might also like