You are on page 1of 2

Name of Learner/Pangalan: __________________________________________________________

Grade Level/Lebel: Piling Larang Grade 12


Section/Seksiyon:
Date/Petsa: September 20-24,2021/ Week 2

LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO


TEKNIKAL- BOKASYONAL NA SULATIN

Background Information for Learners/Panimula (Susing Konsepto)

Ayon sa dalubhasa, ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa
layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan.

Iba’t ibang Uri ng Pagsulat ayon sa Kalikasan:


A. Akademik na Pagsulat

 Jornalistik
 Referensyal
 Profesyonal
 Malikhain
 Teknikal

 Maingat na pinipili ang mga salita.  Ang pangunahing punto ay inilalagay sa unahan at ang
ibang impormasyon ay isinisiwalat mula sa pinakamahalaga patungo sa di- gaanong mahalaga. May
sinusunod na istilo at partikular na ayos. Layuning pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga
mag-aaral.
Akademik – formal ang istruktura - maayos na naihahanay ang mga pangungusap upang maging
malinaw ang pagkakabuo ng ideya - kadalasang seryoso, nakabatay sa sinaliksik na kaalaman –
Hal.
pamanahunang-papel, tesis, disertasyon, suring-basa, panunuring pampanitikan, malikhaing
pagsulat
B. REFERENSYAL NA PAGSULAT
 Tumutukoy ito sa mga sulating bunga ng mga iba’t ibang pag-aaral, mahabang iginugol na
pananaliksik at bunga mga eksperimentong ulat.  Nagbibigay ng pangunahing ideya ang tesis. 
Nababatay sa Katotohanan ang ebidensya.  Walang kinikilingan sa paghahatid ng impormasyon.  Ang
konklusyong lohikal ay nalilikha mula sa mga inilatag na katotohanan
Referensyal – ang pagtatala ng mga sangguniang gagamitin ay nakatutulong nang malaki sa
pagpapadali ng gagawing pagsulat - Maaaring ang mga ito’y mula sa mga aklat, pahayagan, polyeto,
magazin, brochure, diksyunaryo, jornal, tesis at disertasyon –
Hal.
Aban, E.B. (1999). Pananaliksik: Teorya at Pamamaraan. Komisyon sa Wikang Filipino. Alcantara,
R.B., et al. (2003). Teaching Strategies I. Makati City: Katha Publishing Co., Inc.
Arrogante, J.A. (2006). Malikhaing Pagsulat. Quezon City: Great Books Trading

Learning Competency with code/Kasanayang Pampagkatuto at koda

Nabibigyang kahulugan ang teknikal-bokasyunal na sulatin. CS_FTV11/12PB-0a-c-105.

A. Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat.


B. Nakagagawa ng isang tsart ng mga halimbawa ng uri ng pagsulat.

Directions/ Instructions / Panuto

Basahin at unawaing mabuti ang nakapaloob sa susing konsepto at ang maaaring kasagutan ay
makukuha mo rito. Sagutan ng buong husay ang mga gawaing inihanda para sa iyo.

Exercises / Activities / Pamaraan

Gawain 1
Panuto : Buuin ang mga salitang naka jumbled ang mga letra na naaayon sa uri ng pagsulat. Isulat ito sa
patlang.

1. ENSYALREPER ________________
2. KOMIDEKAA ________________
3. NALJOR ________________
4. NIKALTEK ________________
5. HAINMALIK ________________

Gawain 2

Panuto: Isulat ang Tama kung ang mga sumusunod na pahayag ay wasto. Mali naman kung ang mga
pahayag ay di wasto.

1.Ang akademikong pagsulat ay may limang uri. _____


2. May dalawang uri ng pagsulat ayon sa kalikasan. _____
3.Ang Rererensyal na pagsulat ay tumutukoy sa mga sulating bunga ng mga iba’t ibang pag-aaral,
mahabang iginugol na pananaliksik at bunga mga eksperimentong ulat. _____
4. May sinusunod na istilo at partikular na ayos ang Akademikong pagsulat. _____
5. Ayon sa guro, ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang kaisipan._____

Gawain 3
Panuto: Bumuo ng isang tsart ng mga halimbawa ng akademiko at referensyal na pagsulat. Ang pormat sa
ibaba ay ginawa na para sa iyo.

Akademiko Reperensyal
Halimbawa: Tesis Arrogante, J.A. (2006). Malikhaing Pagsulat.
Quezon City: Great Books Trading.
1.
2.
3.

Rubrik: (15pts)
Pagkamalikhain: 5pts
Nilalaman: 5pts
Paglalahad ng mga ideya: 5pts

Reflection / Pangwakas

Bilang isang mag-aaral ng Senior High School, anong mga kaisipan ang maaari ninyong maiugnay sa
dalawang uri ng pagsulat na tinalakay?

Ang mga kaisipang maaaring maiugnay sa dalawang uri ng pagsulat ay __________________

____________________________________________________________________________________

References for learners/Mga Sanggunian

http://www.slideshare.net/drintotsky/uri-ng-pagsulat-13582540?related=1Sinilip Hunyo 6, 2015


https://prezi.com/ctpnmmycnyjp/mga-uri-ng-pagsulat/
https://prezi.com/ukqf7dcjv1rg/akademikong-pagsulat/

Answer Key/Susi sa Pagwawasto

Gawain 1

1.Referensyal 2.Akademiko 3.Jornal 4.Teknikal 5.Malikhain

Gawain 2
1.Tama 2. Tama 3. Tama 4. Tama 5. Mali

Gawain
Ang mga mag-aaral ay may pagkakaiba-iba ng kasagutan na naaayon at hango sa aralin.

You might also like