You are on page 1of 17

PAGSULAT NG MANWAL

Modyul ng Mag-aaral sa
Filipino sa Piling Larang

Teknikal-bokasyunal

Ikalawa / Ikaapat na Markahan. Linggo 2

JENEFER C. TIONGAN
LYDIA B. QUILEN
Mga Tagalinang

Kagawaran ng Edukasyon ∙ Rehiyong Administratibo ng Cordillera


Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng
Learning Resource Management and Development System

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG -ARI


2021

Nakasaad sa Atas ng Pangulo Blg. 49, Seksiyon 9 ang ganito:

“Walang umiiral na karapatang-ari sa anumang likha ng Pamahalaan ng


Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pagpayag ng tanggapan ng ahensiya ng
pamahalaang lumikha nito para sa paggamit ng anumang likha upang pagkakitaan.”

Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum sa


pamamagitan ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong Administratibo ng Cordillera.
Maaari itong kopyahin para sa layuning edukasyonal na may pagkilala sa mga
pinagkunan at paghingi ng pahintulot sa nagmamay-ari nito. Ang paghalaw o
pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay lamang ang karampatang pagkilala sa
orihinal na lumikha. Hindi pinahihitulutan ang paghalaw ng anumang likha mula rito
kung ang layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.

ii
PASASALAMAT
Ang mga tagalinang ng modyul ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng
mga taong tumulong para maisakatuparan at mabuo ang modyul na ito. Maraming
salamat sa kanilang suporta, motibasyon, at mungkahi.

Kinikilala rin ng mga manunulat ang mga kawani ng CAR - LRMDS sa


paglalaan nila ng kanilang panahon at karunungan upang maiwasto hanggang sa
magawa ang pinal na sipi ng modyul na ito.

JENEFER C. TIONGAN at LYDIA B. QUILEN


Mga Tagalinang

BRIAN I. JACOBE
Tagaguhit

Kawani ng CAR- LRMDS

JEREMY KEREMIT B. PADILLA FELY BADIVAL


Administrative Assistant II Librarian II

ELIZABETH T. CALBAYAN ROSITA C. AGNASI, EdD.


Teaching Aide Specialist Education Program Supervisor-LRMDS

NORBERT C. LARTEC at ROSEMARIE A. YANGKIN


Mga Tagasuri

Mga Konsultant

CARMEL F. MERIS
CES, Curriculum and Learning Management Division

FLORANTE E. VERGARA
OIC-Assistant Regional Director

ESTELA L. CARIÑO, EdD CESO III


Regional Director/Director IV

iii
TALAAN NG NILALAMAN
Pangmukhang Pahina………………………………………………………………………. i

Paunawa Hinggil sa Karapatang-ari............................................................................ii


Pasasalamat................................................................................................................iii
Talaan ng Nilalaman...................................................................................................iv
ALAMIN........................................................................................................................1
SUBUKIN.....................................................................................................................2
BALIKAN......................................................................................................................4
TUKLASIN...................................................................................................................4
SURIIN.........................................................................................................................5
PAGYAMANIN.............................................................................................................6
ISAISIP.........................................................................................................................7
ISAGAWA....................................................................................................................8
TAYAHIN.....................................................................................................................9
Susi sa Pagwawasto..................................................................................................11
Talasanggunian ........................................................................................................12

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Iba’t ibang gawain ang nilalaman ng modyul na ito. Naririto ang mga hakbang
na dapat mong sundin.
1. Tunghayan ang talaan ng mga inaasahang bunga ng pagkatuto upang
magkaroon ng hinuha sa mga kaalamang dapat mong matutuhan at
kasanayang dapat mong malinang sa pamamagitan ng modyul na ito. Ang
mga ito ay batay sa pamantayang pangnilalaman, pamantayang pagganap at
mga kasanayang pampagkatuto sa K to 12 na Kurikulum.
2. Sagutin ang Paunang Pagtataya sa hiwalay na sagutang papel.
3. Ang bawat gawain sa modyul na ito ay naglalayong malinang ang iyong
pagkatuto. May mga layuning dapat matamo pagkatapos ng pag-aaral at sa
tulong ng modyul na ito, inaasahang mapaghusay ang bunga ng iyong
pagkatuto.
4. Basahin at unawain ang saklaw ng bawat aralin. Ang bawat bahagi ay
naglalaman ng mga impormasyon at kaalamang magiging patnubay sa iyong
pagkatuto.
5. Pagkatapos ng aralin, gawin ang pansariling pagwawasto upang malaman
ang lawak ng kaalamang natutuhan. Kung hindi mo nakuha ang tamang sagot
sa mga tanong, balikan ang saklaw na mga aralin/gawain. Sa ganitong
paraan, magkakaroon ka ng mabisang pagkatuto.
6. Isagawa ang bawat gawain na may isa o higit pang saklaw. Hindi
makasasapat na magkaroon ka lamang ng kaalamang pangnilalaman, sa
halip ay dapat mong maisagawa ang mga ito sa tunay na buhay.
7. Pagkatapos magawa ang mga gawain sa modyul na ito, kumuha ng
Panghuling Pagsusulit upang mataya ang pangkalahatang lawak ng pag-
unawa hinggil sa aralin.

1
Aralin 2: Pagsulat ng Manwal
MGA INAASAHANG MATUTUHAN
Magandang araw sa iyo!

Ang Modyul 2 na ito ay magiging katuwang mo upang malinawan ka tungkol


sa kung paano sumulat ng isang manwal na sadyang kailangan sa iyong napiling
larang. Inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod:
1. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng
wika. CS_FTV11/12WG-0m-o-95
2. Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong tenikal-bokasyunal na sulatin.
CS_FTV11/12PU-0m-o-99

Subukin
Subukin muna natin ang iyong imbak na kaalaman tungkol sa paksa.
Sagutin nang tapat ang paunang pagtataya. Tandaan na ang pagiging tapat ay
kailangan upang magtagumpay ka sa iyong layuning matuto.

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang letra ng iyong
sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Alin ang nagbibigay ng pangunahing ideya sa nilalaman ng manwal?
A. larawan C. panimula
B. nilalaman D. talaan ng nilalaman

2. Ang manwal ay kailangang may kaakit-akit na


A. disenyo. C. pamagat.
B. larawan. D. wika.

3. Ang wikang ginagamit sa pagsulat ng manwal ay


A. di-pormal. C. matalinghaga.
B. kaakit-akit. D. pormal.

4. Ang pamagat ng manwal ay kailangang


A. sumasagot sa tanong.
B. makatawag-pansin.
C. maikli at payak.
D. hindi maligoy.

5. Alin ang katangian ng isang manwal?


A. payak, maikli at tiyak
B. madaling maunawaan
C. madaling basahin
D. lahat ng nabanggit

2
6. Ano ang naglalaman ng paunang salita tungkol sa manwal gayundin ng mensahe o
pagpapaliwanag tungkol sa nilalaman nito mula sa may-akda o sa isang taong may
kaugnayan sa kompanyang nagmamay-ari ng manwal?
A. apendise C. pambungad
B. nilalaman D. talaan ng nilalaman

7. Aling bahagi ng manwal ang nagsasaad ng mga paksa at pahina nito?


A. deskripsiyon C. pambungad
B. pamagat D. talaan ng nilalaman

8. Ano ang pinakamahalagang bahagi ng manwal?


A. deskripsiyon C. pambungad
B. nilalaman D. talaan ng nilalaman

9. Saang bahagi ng manwal matatagpuan ang mga kalakip na impormasyon hinggil


sa bagay katulad ng mga impormasyon sa lokasyon ng pamilihan at kontak na bilang
nito?
A. apendise C. pambungad
B. pamagat D. talaan ng nilalaman

10. Alin sa sumusunod ang HINDI kalikasan ng manwal?


A. komprehensibo C. may pamuhatan
B. may larawan o tsart D. nakaayos nang pabalangkas

Panuto: Hanapin sa kahon ang hakbang sa pagbuo ng manwal na kinabibilangan ng


bawat gawain. Kunin sa loob ng kahon ang iyong kasagutan.

A. Alamin ang paksa


B. Magsaliksik ng impormasyon
C. Gumawa ng plano
D. Bumuo ng lay-out
E. Magsulat ng manwal

11. Isinasagawa ang pagbabasa, pakikipanayam at pagsangguni sa mga eksperto.


12. Nililikom ang mga impormasyon at isinasaayos ang mga ito.
13. Pinag-iisipan ang bagay, produkto o negosyo na nais igawan ng manwal.
14. Pinag-iisipan ang pamamaraan ng presentasyon ng nilalaman ayon sa estilo,
sukat ng papel, laki ng mga letra, at hugis ng papel.
15. Isinasagawa ang pagbuo ng kabuoang larawan ng manwal.

Mahusay kung nasagot mo nang tama ang bawat aytem! Kung hindi naman,
huwag kang malungkot sapagkat tutulungan ka ng modyul na ito upang maunawaan
pa ang aralin.

3
Balikan
Magbalik-aral sa paksa noong unang markahan. Balikan ang mga kahulugan,
kalikasan, at katangian ng manwal bilang sulating teknikal-bokasyonal.

Gawain 1. Buoin Mo!


Panuto: Punan ng tamang letra ang patlang upang mabuo ang mga salita na
tumutukoy sa kalikasan ng manwal. Isulat ang buong salita sa inyong sagutang
papel.

1. KO_P_E_ENSI_O: Malawak ang nilalaman ng manwal dahil naglalayon itong


magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay o
paksa.
2. _AK_BA_ANG_A_: Nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ang nilalaman ng
manwal na makikita sa talaan ng mga ito.
3. LA_A_ _N: Inilalagay ito upang maging higit na maliwanag ang paglalahad ng
mga impormasyon.
4. TS_R_: Ito ay maaaring kapalit ng larawan o guhit na inilalagay sa manwal
upang higit na maliwanag ang paglalahad ng mga impormasyon.
5. A_E_DIS_: Karaniwang taglay ito ng manwal upang madaling hanapin ang
mga paksa nito.

Tuklasin
Alam kong marami kang nabasa na halimbawa ng manwal. Tingnan ang
halimbawa ng manwal sa paggamit ng cellphone. Suriin ito nang maayos. Tandaan
ang nilalaman nito.

Panimula Paraan sa Pagsasaayos ng simcard at baterya ng


Ang Miracle Cellphone ay binuo sa MC4a
Pilipinas, simple lamang ito ngunit
MIRACLE tumatagal sa isang linggo ang haba ng
buhay ng baterya nito.
CELLPHONE
BABALA:
MC4a Basahin at unawaing mabuti ang mga
impormasyong pangkalusugan at
pangkaligtasan bago ito gamitin upang

“Gaano maiwasan ang pagkasira nito.


Paggamit
Maingat na gamitin ang iyong MC 4a (5G).

ka man
Posibleng mapinsala mo ang CP o baterya
kung babaklasin, ibabagsak, yuyupiin,
susunugin, dudurugin, o tutusukin. Huwag

kalayo
gumamit ng MC 4a (5G) nang may sira. Lugar at Numerong Sanggunian
Puwedeng maging sanhi ng pag-overheat
ng baterya o pinsala ang paggamit ng Kung may katanungan, manyaring tumawag

ay
sirang MC 4a (5G). Huwag basain ang o sumulat sa:
iyong MC4a (5G), dahil puwede itong Numero: (074) 422-5876
maging sanhi ng short circuit at overheat. CP # 09194567650

malapit
Kung mababasa ang iyong MC4a (5G), Jhenger Bldg.,
huwag itong subukang patuyuing direkta Lower Bakakeng, Lungsod Baguio
sa init ng araw.

4
1. Para kanino ang manwal?
2. Ano-ano ang makikita sa manwal?
3. Ano ang nilalaman ng bawat bahagi?
4. Ano ang ipinakikita ng larawan sa manwal?
5. Kailangan ba ang larawan sa manwal na ito? Bakit?

Suriin
Para lalo mo pang maintindihan at maunawaan ang pagbuo ng manwal,
basahin at unawain ang pagtalakay tungkol dito.

Ang manwal ay isang libro ng impormasyon o mga tuntunin. Sa pagsulat ng


manwal, mahalagang panatilihin ang pagiging tiyak na may pagsasaalang-alang sa
kung para kanino ang manwal o kung sino-sino ang mga gagamit nito.

Hakbang sa Pagbuo ng Manwal


1. Tukuyin ang paksa.
2. Tukuyin ang layunin ng manwal sa pamamagitan ng pagsagot sa sino, ano, kailan,
saan, bakit, at paano.
3. Kolektahin ang mga impormasyon mula sa mga eksperto.
4. Uriin at ayusin ang impormasyon.
5. Magpasya sa naaangkop na disenyo para sa manwal.
6. Gumawa ng isang script o balangkas.
7. Isulat ang manwal.
8. Ipakita ito sa mga taong maaring gumamit o sa iyong editor.
9. Ilathala ang manwal.
10. Baguhin ang manwal kung ito ay may mga mali o nakalilitong instruksyon.

Mga Pinakakaraniwang Uri ng Manwal

1. Gabay sa gagamit. Isang manwal sa paggamit na kalimitang kalakip ng iba’t


ibang produktong gamit sa bahay tulad ng appliances, kasangkapan, mga gadget at
iba pang elektronikong equipment na nangangailangan ng paggabay para sa mga
gagamit ng mga iyon.
2. Manwal ng mga Mangaggawa o handbook. Ang mga itinakda para sa mga
empleyado ng isang kompanya upang makapaglahad ng mga kalakaran, alituntunin
at iba pang prosesong mahalaga sa kompanya.

Mga Kalimitang Bahagi ng Manwal


1. Pamagat – nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang nilalaman ng
manwal.
2. Talaan ng Nilalaman – nakasaad dito ang pagkahati-hati ng mga paksa sa loob
ng manwal at ang pahina kung saan ito tinalakay.
3. Pambungad – naglalaman ng paunang salita tungkol sa manwal gayundin ng
mensahe o pagpapaliwanag tungkol sa nilalaman nito mula sa may-akda o sa taong
may kaugnayan sa kompanyang nagmamay-ari ng manwal.

5
4. Nilalaman – tumatalakay sa katawan ng manwal, pagpapaliwanag ng mga gabay,
pamamaraan at/o alituntunin.
5. Apendise – matatagpuan dito ang mga kalakip na impormasyon hinggil sa manwal
katulad ng mga impormasyon sa pagkontak, mga tala, atbp.

Pagyamanin
Naunawaan mo na ba ang paglalahad tungkol sa pagsulat ng manwal na isa
sa sulating teknikal-bokasyonal? Kung hindi, ulitin mo ang pagbasa at maaaring
balikan ang modyul na naglalaman ng paunang talakayan tungkol sa paksa upang
ganap mong maunawaan ang aralin. Kung naintindihan mo naman ang mga
naunang paglalahad at mga gawain sa modyul na ito ay maaari ka nang dumako sa
susunod na gawain upang malinang pa ang iyong pag-unawa sa pagsulat ng
manwal.

Gawain 2: Pag-isipan Mo!


Panuto: Nasa ibaba ang mga larawan. Pag-isipan mo kung anong angkop na
pamagat ang iyong ilalapat. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Pamagat ng isang manwal ng gagamit ng oven

2. Pamagat ng itatayong negosyo kaugnay sa larawan

6
Gawain 3: Ipakilala Mo!
Panuto: Mula sa Gawain 2, pumili ka ng isa at sumulat ka ng pambungad o
pagpapakilala sa deskripsiyon ng bagay, produkto o negosyong napili. Gamitin ang
sagutang papel.

Naisagawa mo ba nang maayos ang pagsasanay? Kailangang mo itong


tapusin upang hindi ka mahirapan sa aktwal na pagsulat ng manwal.

Isaisip
Sikapin mo ngayong ibuod ang mahahalagang kaisipan tungkol sa pagsulat ng
manwal bilang isang sulating teknikal-bokasyunal.

Gawain 3: Pagnilayan Mo!

Ang gawaing ito ang magpapatibay pa sa mga mahahalagang kaalaman at


kasanayang natamo sa mga naunang mga gawain at pagsasanay.

Panuto: Ilahad at ipaliwanag ang iyong mga natutuhan sa araling ito sa


pamamagitan ng T- Chart. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Mga Hakbang sa pagsulat ng Manwal Bahagi ng Manwal


1 1.

2 2.

3 3.

4 4.

7
5 5.

10

Isagawa
Sa puntong ito, sukatin mo ang iyong kakayahang magamit ang iyong mga
natutuhan tungkol sa pagsulat/pagbuo ng isang Manwal.

TANDAAN

Ang sulating manwal ay hindi maligoy. Kailangang maging payak sa paggamit


ng mga salita, parirala, at pangungusap. Hangga’t maaari ay gumamit ng mga
ilustrasyon (grap, larawan, flowchart) upang madaling sundan ng mga target na
gagamit. Ang manwal ay dapat na magsilbing gabay at hindi kalituhan sa mga
mambabasa.

Gawain 4: Ibahagi Mo!

Madali lamang ang pagbuo ng manwal, di ba? Ngayon naman ay gamitin mo


ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng aktwal na pagsulat.

Panuto: Bumuo ng manwal ng gabay sa paggamit ng isang bagay sa larang na


iyong pinili. Sundin ang mga pangunahing bahagi ng manwal at isaalang–alang ang
mga dapat tandaan sa pagsulat nito. Maging gabay sa pagbuo ng manwal ang
pamantayan sa ibaba. Gumamit ng malinis na puting papel.

Pamantayan sa Napakahusay Mahusay Nangangailangan pa


pagbuo ng manwal ng pag-unlad
ng gabay sa (30) (25) (20)
Paggamit
Nagtataglay ng Nagtataglay ng Nangangailangan pa
napakalinaw na malinaw na ng ibayong
pagkakaayos ng mga pagkakaayos ng mga pagwawasto sa mga
Nilalaman tiyak na depinisyon, tiyak na depinisyon, tiyak na depinisyon,
(60%) mga deskripsiyon ng mga deskripsiyon ng mga deskripsiyon ng
mga mekanismo, mga mekanismo, mga mekanismo, ang
pagkasunod-sunod pagkasunod-sunod mga pagkasunod-

8
ng hakbang o ng hakbang o sunod ng hakbang o
instruksiyon, at instruksiyon at instruksiyon at
tumpak na pagsusuri tumpak na pagsusuri tumpak na pagsusuri
ng mga proseso ng mga proseso ng mga proseso
Disenyo (40%) May disenyong higit May disenyong Nangangailangan pa
na kaakit-akit at kaakit-akit at angkop ng pag-unlad sa
angkop sa tema ng sa tema ng paksa disenyo at pagsunod
paksa ayon sa ayon sa napiling sa tema ng paksa
napiling larang larang ayon sa napiling
larang

Binabati kita dahil sa pagtitiyaga mong tapusin ang mga gawain sa modyul na
ito. Ngayon naman ay sagutin mo ang panghuling pagtataya upang matiyak na
nakamit mo ang mga layuning pampagkatuto. Kapag nakuha mo lahat ang tamang
sagot sa mga aytem, maaari ka nang dumako sa susunod na modyul. Kung hindi,
balikan mo ang bahaging hindi mo nasagutan nang tama at pag-aralan muli ang mga
ito. Maaari kang magsaliksik pa tungkol dito sa ibang sanggunian.

Tayahin
PANGHULING PAGTATAYA

A. Pagpipili-pili
Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang letra ng iyong
sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang HINDI kalikasan ng manwal?


A. komprehensibo C. may pamuhatan
B. may larawan o tsart D. nakabalangkas

2. Alin ang nagbibigay ng pangunahing ideya sa nilalaman ng manwal?


A. Apendise C. Pamagat
B. Nilalaman D. Nilalaman

3. Ang wikang ginagamit sa pagsulat ng manwal ay


A. di-pormal. C. matalinghaga.
B. kaakit-akit. D. pormal.

4. Ang manwal ay kailangang may kaakit-akit na


A. disenyo. C. pamagat.
B. larawan. D. wika.

5. Alin ang naglalaman ng paunang salita tungkol sa manwal gayundin ng mensahe


o pagpapaliwanag tungkol sa nilalaman nito mula sa may-akda o taong may
kaugnayan sa kompanyang nagmamay-ari ng manwal?
A. Apendise C. Pambungad

9
B. Nilalaman D. Panimula

6. Ang pamagat ng manwal ay kailangang


A. sumasagot sa tanong.
B. makatawag- pansin.
C. maikli at payak.
D. hindi maligoy.

7. Aling bahagi ng manwal ang tumatalakay sa katawan nito?


A. Deskripsiyon C. Pambungad
B. Nilalaman D. Talaan ng nilalaman

8. Alin ang katangian ng isang manwal?


A. Payak, maikli at tiyak ang mga pangungusap
B. Madaling maunawaan ang panuto
C. Madaling basahin
D. Lahat ng nabanggit

9. Aling bahagi ng manwal ang naglalaman ng mga paksa at pahina nito?


A. Deskripsiyon C. Pambungad
B. Pamagat D. Talaan ng nilalaman

10. Saang bahagi ng manwal nakalakip ang impormasyon hinggil sa bagay tulad ng
mga impormasyon sa lokasyon ng pamilihan at kontak na bilang nito?
A. Apendise C. Pambungad
B. Pamagat D. Talaan ng Nilalaman

B. Pagpupuno
Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang tamang kaisipan ng
talata. Piliin ang mga sagot sa kahon.

tuntunin tiyak maligoy


manwal libro pulyeto
gagamit
Ang _(11)_ ay isang _(12)_ ng impormasyon o mga _(13)_. Sa pagsulat ng
manwal, mahalagang panatilihin ang pagiging _(14)_ na may pagsasaalang-alang
sa kung para kanino ang manwal o kung sino-sino ang mga _(15)_ nito.

10
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN
1. C 2. A 3. D 4. C 5. D 6. C 7. D 8. B 9. A 10. C
11.B
12. E
13. A
14. C
15. D

BALIKAN

1. KOMPREHENSIBO
2. NAKABALANGKAS
3. LARAWAN
4. TSART
5. APENDISE

TAYAHIN
1. C 2. C 3. D 4. A 5. C 6. C 7. B 8. D 9. D 10. A
11.manual
12. libro
13. tuntunin
14. tiyak
15. gagamit

11
Talasanggunian

C.G.C Francisco at Gonzales,M.G.H., Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc).


(2017). Manila: Rex Book Store,Inc.

Filipino sa Piling Larang - Tech-Voc Patnubay ng Guro Unang Limbag 2016


Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR)

Manolo L.Giron Bahagi ng Manwal. https://dokumen.tips/education/mga-


kalimitang-bahagi-ng-isang-manwal.html.

12
Para sa katanungan o puna, sumulat sa:
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet
Telepono bilang 422-1318
www.depedcar

13

You might also like