Professional Documents
Culture Documents
Pilipinas
12-Legionary
“Marilag na Umaga”
Lorenzo I. Escaler
“New normal” iyan na ang matutunog na mga salita sa panahon ngayon, sa panahon ng
pandemiya. Anim na buwan na ang nakalipas mula ng nilagdaan ng ating Pangulo ang
Proklamasyon 922 na naglalagay sa Pilipinas sa ilalim ng public health emergency o ang initial
lockdown. Ito ay sanhi ng mga panganib na dala ng COVID-19 sa ating bansa. Kasabay ng alon
ng pandemiyang ito ay pagdating ng iba’t ibang pagbabago sa estado ng ating bansa at sa
kalagayan ng ating edukasyon. Online classes o long distance learning, iyan ang naging sagot ng
ating gobyerno upang magpatuloy ang daloy sa paghakot ng kalaaman.
Ayon sa opisyal na pahayag ng DepEd o Department of Education, ang edukasyon ay
kailangang magpatuloy ngunit sa ilalim lamang ng mga kondisyon at protokol na inilahad ng
DOH (Department of Health) at ng WHO (World Health Organization). Ito ang dahilan ng
pagkabunga ng tinatawag natin ngayong online na edukasyon. Ang mga estudyante, mga guro,
pati na rin ang mga magulang ay lahat apektado sa pagbabagong ito. Kung noon ay pagsapit ng
umaga ay maghahanda at maglalakbay ka pa patungong paaralan, ngayon ay gigising ka na
lamang at bubuksan ang iyong gadget, haharap sa screen, at magsisimula na ang klase.
Ano nga ba ang tinatawag nating “new normal”? Ayon sa artikulo na inilathala ng Manila
Times, ang mga lockdowns, quarantines, pagsuot ng mga masks, paghugas ng mga kamay,
pagtakip ng mga bibig, at social distancing, ito at marami pang iba ang mga nakapaloob sa
depinisyon ng sinasabing new normal. Sa larangan ng edukasyon, ang new normal ay tumutukoy
sa mga isinakatuparang protokol ng DepEd at ng CHED (Commision of Higher Education). Isa
na rito ay ang pag implemeta ng DepEd sa Learning Continuity Plan (LCP), dito nakasaad ang
lahat ng pagbabago sa K-12 kurikulum ng ating bansa. Masasabi natin na ito ay simula pa
lamang ng malaking hamon na kinakaharap ng ating bansa, ng ating eduksyon.
Di maikakaila na ating bansa ay kabilang sa “third world” o isang developing na bansa.
Dahil dito, di lahat ng estudyante ay mapalad o may kakayahan makasabay sa matinding daloy
ng makabagong edukasyon. Isa sa pinakamalaking isyu lalo na sa ating bansa ay ang bilis ng
internet o Wi-Fi. Ayon sa artikulo ng CNN Philippines, ang Pilipinas ang merong
pinakamababang average internet speed sa buong Asia-Pacific. Tinagurian pa mang social media
capital of the world ang Pilipinas, nahuhuli naman tayo sa ating mga karatig na bansa. Patong-
patong na problema ang kaakibat ng isyu na ito, isa na dito ang kahirapan na mararanasan ng
mga mag-aaral at mga guro magsagawa ng isang maayos at tuloy tuloy na daloy ng klase.
Isa rin sa dalang problema ng ganitong uri ng setup ay ang masasamang banta sa
kalusugan ng mga mag-aaral. Ang matagal na pagtingin o pagtitig sa screen, ang ilang oras na
tagal ng pag-upo, at ang iba pang mga kaakibat na stress na dala dala ng online classes, lahat ng
ito ay ang bagong normal na karansan ng isang estudyante sa kasalukuyang panahon. Pagkatapos
ng mga klase sa hapon, di maiiwasang mag-inat ng mga estudyante, mahirap man ay pasan-pasan
parin sa mga balikat ng bawat mag-aaral ang responsibilidad matuto kahit na sa panahon ng
pandemiya, sa panahon kung saan huminto ang mundo.
Pagsapit ng gabi, mga mata’y gusto nang pumikit, magpahinga kung maaari…