You are on page 1of 1

REPLEKSYON

“Shattered Glass”

Lorenzo I. Escaler

“He handed as fiction after fiction, and we printed them all as fact.”
Shattered Glass isang pelikulang hango sa mga tunay na pangyayari, ito ay naglalarawan
sa kung ano-ano ang mga epekto o mangyayari kung sakaling lalabagin ng isang manunulat ang
mga etika at obligasyon niya sa kanyang mga mambabasa at mga katrabaho. Ang pelikula ay
mas pasalaysay kumpara sa dokomentaryong istilo ng pagkwekwento, sinusundan nito ang
istorya ni “Stephen Glass” isang manunulat mula sa kompanyang “New Republic”, at dahil sa
tambak-tambak na trabaho at gawain niya sa kanyang kompanya at sa pag-aaral ng batas, hindi
na niya mahanap ang balanse sa dalawa at unti-unti na siyang nahulog at nabihag sa tukso ng
fabrication at pag-iimbento ng mga datos at istorya sa kanyang mga akda.

Ang pelikula ay nagbigay ng iba’t ibang pangyayari o scenarios kung saan makikita ano
nga ba ang nagyayari sa likod ng kurtina ng pagiging isang manunulat o journalist. Ito ay isang
mahirap at madugong paglalakbay kung saan ang bawat nilalaman ng iyong papel ay dadaan sa
isang maselang proseso. May iba’t ibang etika at batas na kailangan sundin kapag mag susulat ng
isang akda. Sa pelikula, makikita ang malaking gampanin at papel ng etika para sa isang awtor.
Ito ang hindi nasunod ni Stephen Glass, pagsisinungaling, pamemeke ng impormasyon, paglabag
sa mga regulasyon, at di’ pagsunod sa istandard, lahat ng ito ay isinaalang-alang niya para
lamang sa kasikatan at katanyagan. Hango sa aking napag-aralan mula sa Etika at Pagpapahala
sa Akademiya, ang pagiging peke at hindi pagnanakaw o pag-iimbento ng mga di’
makatotohanang impormasyon ay labag sa etika at pagpapahalaga sa isang akademikong
pagsulat. Ang kredibilidad ng isang manunulat ay unti-unti maglalaho at mababawasan kung
hindi niya masusunod ang mga batayang ito na isinaad ng mga institusyon.

Para sa akin ang mabuting aral na aking makukuha sa pelikula ay maging totoo sa sarili,
maging authentic. Hindi natin kailangan magsinungaling at mag-imbento para lamang makamit
ang ating mga pangarap. Patuloy natin hanapin at tuklasin ang katotohanan, huwag nating
hayaan mabihag tayo ng tukso para lamang mapadali o mapaganda ang ating gawain. Umamin
rin tayo kung sakaling nagkamali at huwag ng pagtakpan pa ng mas maraming kasinungalingan.
Sa pagsulat, dapat maging handa ka sa tatahakin mong propesyon at huwag mong linagin ang
iyong sarili na tama ang iyong ginagawa dahil sa huli ay di kainlanman magigng totoo ang isang
piksyon. Gumising tayo sa realidad ng buhay.

You might also like