You are on page 1of 1

Lorenzo I.

Escaler Repleksyon 12-Legionary

Sa mga nakalipas na taon ng pamamalagi sa paaralan unti-unti ko na nakikilala ang aking


saraili. Ako ay isang tipikal na estudyante na nangangarap lamang makapagtapos at matupad ang
aking pangarap, subalit sa aking palagay di ko pa naibibigay ang aking buong potensyal. Di ko
masasabing nagawa ko ang pinakamabisang paraan ngunit ginawa ko lahat ng aking makakaya
ng may respeto at pagpapahalaga sa akademiko. Upang maggawa ko ang pinakamabisang paraan
kailangan kong baguhin ang ilan sa aking di kaaya-ayang ugali. Ilan na lamang doon ay ang
paggawa ng malapit na ang pasahan, madalas hindi nag-babalik aral, at ang pag-iisip na “pwede
na ‘yan”. Lahat ng ito ay aking kahinaan na alam ko sa susunod na panahon ay aking maitutuwid
at maipapakita ko ang aking buong potensyal di lamang sa akademiko ngunit pati na rin sa pang
araw-araw na pamumuhay. Ito ang aking dedikasyon upang hanapin at tuklasin ang
pinakamabisang paraan.

You might also like